Kabanata 5125
“Well…”

Binunot ni Goliry ang mahaba niyang espada sa sobrang frustration habang nakatitig na sinasabi kay Darryl na, “Kung ganoon ay mayroon kang paraan para hindi ako tablan ng apoy kagaya mo?”

Nanlaki ang umaasa niyang mga mata habang nagsasalita.

Napakamot naman sa kaniyang ulo si Darryl habang ipinapakita ang pagiisip kunwari niya nang malalim sa harapan ni Goliry. “Mayroon, pero—"

Dito na siya pinutol ni Goliry sa pagsasalita bago pa man siya matapos para sabihing, “Kung ganoon ay tulungan mo na ako dali!”

Ngumiti naman si Darryl habang dahan dahang nagsaaslita. “Kakaiba ka rin no? Pinagtangkaan mo akong patayin at ngayon ay umaasa ka namang tutulungan kita? Iniisip mo ba na pipiliin ko na tulungan ka?”

Agad na namula ang magandang mukha ni Goliry habang nanlalamig na sinasabing, “Sige. Kung ayaw mo akong tulungan, papatayin na lang kita bago ako tuluyang malapnos ng apoy at mamatay.”

Nanlamig nang husto ang itsura ni Goliry habang sinasabi ang mga salitang iyon. ‘Ang laka
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter