Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig
9.7

114 ratings

Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig

By: Suzie CompletedRomance

Language: Filipino
4

Chapters: 2077 views: 256.9K

Read
Add to library
Report

Siya’y isang mahirap na babaeng lumaking nakadepende ang kanyang buhay sa iba. Napilitang maging isang panakipbutas sa krimen at piniling ipagpalit ang kalayaan na nagresulta sa kanyang pagkabuntis. Siya naman ay ang pinakatanyag na binata na sagana sa kayaman at kapangyarihan. Kumbinsido siyang isa siyang anak ng kasamaan na napalilibutan ng kasakiman at panlilinlang. Hindi siya nito magawang mapainit kaya naman mas pinili niyang umalis sa tabi nito. Galit na galit niyang sinumpa na gagawin niya ang lahat upang mahanap siya saan mang lupalop ng mundo ito naroon. Alam ng buong lungsod ang kanyang kapalarang tila mauupos sa ilang milyong piraso. Nagmamakaawa niyang tinanong, “Umalis ako sa relasyong ito nang walang kinuhang kahit ano, bakit hindi mo pa ako pakawalan?” Sinagot sya nito na may pagmamalaki, “Ninakaw mo ang puso ko at iniluwal ang aking anak, ngayon pipiliin mong umalis?”

Show more
Overview
Catalog

Pighati Dulot ng Kanyang Pagibig Novels Online Free PDF Download

CommentsLeave your review on App
  • Charity Macapayag

    10

    sino po my whole story neto po..

    2024-03-02 14:37:57
    0
  • Lerma Tabot

    10

    Ok lng po sya

    2023-11-15 13:11:49
    0
  • YK Igb

    10

    maliban sa mahaba jusko dko mqintindihan ung pagkasulat parang tinraslate mali mali pa ung pagka deliver ng salita

    2023-10-17 10:48:08
    3
  • Jahnzelle Chrismile

    10

    ang haba ng story

    2023-04-12 20:43:13
    0
  • Ollicre Enilegvane

    10

    im a silent reading

    2023-03-23 03:15:00
    0
  • jenny reas

    10

    maganda yung story

    2023-03-22 13:16:21
    0
  • Jeniffer Victoria

    10

    1358 please ...... nakasubaybay sa nga episode . heheheheheh

    2023-01-22 23:17:23
    0
  • mari sweet

    10

    gusto itong story na ito na sa chapter 919 na ako

    2023-01-05 22:30:51
    0
  • Jeniffer Victoria

    10

    i love this story... ...️...️...️...️ please update ASAP ...

    2022-12-11 06:45:03
    0
  • Neth Guevarra Padayogdog

    10

    nice story ,nasasabik ako basahin araw araw ...

    2022-11-18 08:41:19
    1
  • Ychin Remaxia

    10

    nice one so beautiful story

    2022-11-08 02:18:03
    0
  • Ychin Remaxia

    10

    nice one so beautiful story

    2022-11-01 07:45:32
    0
  • Ychin Remaxia

    10

    nice one so beautiful story

    2022-11-01 07:42:18
    0
  • Ychin Remaxia

    10

    nice one so beautiful story

    2022-10-19 00:18:59
    0
  • Ychin Remaxia

    10

    nice one so beautiful story

    2022-10-16 08:01:50
    0
    • 1
    • 2
    • 3
    • 4
    • 5
    • 6
    • 8
Latest Chapter
2077 chapters
Kabanata 1
Nakalabas galing sa kulungan si Sabrina Scott bago dumilim. Pansamantala muna siyang pinalaya sa kulungan ng isang araw. May hawak siyang address sa kamay at pumasok sa kotse sa may entrance. Gabing-gabi na nung dumating siya sa isang lumang mansyon na malapit sa taas ng bundok. Dinala siya ng tagabantay sa isang kwarto. Sobrang dilim ng kwarto, at umalingasaw ang makapal na amoy ng dugo pagpasok niya dito. Bago pa siya nasanay sa pagkadilim ng kwarto, bigla na lang may yumakap sa kanya nang mahigpit. Isang mainit na hininga ang bumungad sa kanya. "So, ikaw pala ang pinadala sa akin para pasayahin ako bago mamatay, ang... call girl?" 'Call... girl?' Tumulo ang luha galing sa mga mata ni Sabrina. Bigla siyang nakaramdam ng takot, at nanginig na ang boses niya. "Malapit ka na bang... Mamatay?" "Oo! Pinagsisisihan mo ba ang ginagawa mo sakin?" ngumiti nang bahagya ang lalaki. "Hindi ako nagsisisi," sagot ni Sabrina. Wala na siyang oras para pagsisihan ito dahil umaasa
Read more
Kabanata 2
Hindi tumingin si Sebastian kay Sabrina. "Narinig mo 'ko."Hinawakan ni Sabrina ang dulo ng marumi niyang damit at nagsalita ito ang mahina, "Sir, hindi po ito nakakatawang biro."Ngumiti si Sebastian at sinabi, "Di ba matagal mo ng planong magpakasal sa akin?"Tumingin nang deretso si Sebastian sa mukha ni Sabrina na mukhang lugmok and tumitig ito sa mga mata niya. Nanginig si Sabrina at umiwas ng tingin, pero hinawakan ni Sebastian ang baba niya at pinilit itong tumingin sa kanya.Napansin ni Sabrina na yung mukha niya sa ilalim ng shades ay parang malamig at maganda. Talagang pinagpala siya ng Diyos dahil mukhang gwapo talaga siya. Bukod dito, yung mga maliliit niyang balbas ay mas nagpaganda pa sa pagkalalaki niya.Yung suit niya ay talagang maganda ang pagkakagawa at mamahalin.Masasabi ni Sabrina na talagang kilala itong taong 'to.Samantala, siya naman ay nakasuot ng maruming damit na puro amag, magulo ang buhok, madungis na mukha, mabaho ang amoy, at hindi pa siya nalili
Read more
Kabanata 3
"Ano?" sumimangot bigla ang mukha ni Sebastian, at nagmadali itong pumunta.Wala nang tao sa banyo, may nakasulat na lang sa dingding gamit ang dugo. 'Mr. Ford, kahit na magkaibang magkaiba ang mundo natin, hindi ko gugustuhin pakasalan ka, paalam!'Malinis at madiin ang pagkakasulat dito gamit ang dugo, ibig sabihin hindi na mapigilan ng nagsulat ang matindi nitong galit.Natigilan si Sebastian sa nakita niya.Posible kayang mali ang pagkaka-iimbestiga niya kay Sabrina?Ilang segundo lang, nag-utos na siya,. "Hanapin niyo sa likod ng bundok!"Hindi niya pwedeng hayaang mamatay ang nanay niya nang di natutupad ang gusto nito.Lahat ng klase ng sanga at tinik sa likod ng bundok ay sumabit na sa damit ni Sabrina, pero kailangan niyang humawak sa mga sanga para makababa siya nang maayos at hindi siya mahulog nang tuluyan. Nagtago siya sa ilalim ng makapal na sanga at nagawang makatakas sa mga tauhan ng Ford family na pinaghahanap siya.Nagtigil siya doon hanggang dumilim at umikot
Read more
Kabanata 4
Isang buwan ng hinahanap ni Sebastian si Sabrina.Nung naisip niya na nagkamali siya ng akala at si Sabrina pala ay hindi naman ganun karumi at wasak katulad ng imbestigasyon niya, bigla niya itong nakita bilang isang waitress sa labas ng kwarto na nakareserve para sa kanya. Minaliit niya talaga si Sabrina."Director Ford... ano po, ano pong meron?" Nanginig ang restaurant manager na kasama ni Sebastian habang nakatingin ito sa kanya."Gaano na siya katagal dito?" Seryosong tumingin si Sebastian sa manager."Isa...Isang buwan," sagot ng manager, nanginig ang boses niya.!Isang buwan!Ito ang oras na nakalipas simula ng tumakas siya sa Ford family.Hindi niya talaga sinusubukan tumakas-- gusto niya lang tumaas ang halaga niya.Damn!!Nayamot si Sabrina at dismayado siyang tumingin kay Sebastian.Ganito pala talaga kaliit ang mundo?"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, bitawan mo 'ko! Sige, tatawag ako ng pulis." Sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak ni Sebastian sa
Read more
Kabanata 5
Kung hindi si Sebastian ang lalaking nakatayo sa likod niya, sino pa nga ba?Tumingin ang lalaki kay Sabrina at nakangiti ito ng konti. Malambing at malamig ang boses ng lalaki na parang nakakaakit ito sa tenga ni Sabrina. "May sakit si Mama at kailangan niyang magpahinga. May mga problema ka ba na hindi ko kayang solusyunan? Bakit kailangan mo pang abalahin si Mama?"Natigilan si Sabrina at wala siyang nasabi.Hinawakan siya ng lalaki at dinala palabas ng kwarto bago pa ito pumalag."Anak, mag-usap kayo ng maayos tungkol sa kasal niyo ni Sabrina. Dapat alagaan mo si Sabrina nang mabuti," sumigaw si Grace sa likod nila."Wag kang mag-alala, Ma." sumagot ang lalaki nang isara ang pinto papunta sa ward.Hinila ni Sebastian si Sabrina at naglakad sila ng malayo.Nang makarating sila sa dulo ng corridor, ang malambing niyang mukha ay napalitan ng pagiging suplado, at may nakakatakot na tingin.Sinakal agad ng lalaki ang leeg ni Sabrina at sinandal siya sa dingding. Parang espada a
Read more
Kabanata 6
Nang lumabas sila ng munisipyo, nagpaalam na si Sabrina kay Sebastian. "Mr. Ford, hindi na pwede ang mga bisita sa hapon sabi ng mga doctor, kaya hindi na ako susunod sayo. Bibisitahin ko na lang si Auntie Grace bukas ng umaga."Matino naman talaga siyang kausap.Kapag wala siya sa harap ni Auntie Grace, magkukusang na siyang ilayo ang sarili niya kay Sebastian."Ikaw ang bahala," kalmadong sagot ni Sebastian.Umalis na nang mag-isa si Sabrina.Sa loob ng kotse, nagtanong si Kingston, "Young Master Sebastian, hindi ka ba natatakot na baka tumakas siya?"Ngumiti si Sebastian na parang nang-iinsulto. "Tumakas? Kung gusto niya talagang tumakas, bakit siya magtatrabaho bilang waitress sa restaurant na lagi kong kinakainan? Bakit din siya pupunta sa nanay ko para mangutang? Kaya lang siya tumakas ng dalawang beses eh para tumaas ang halaga niya."Sabi ni Kingston, "Wala namang kumukontra...""Magmaneho ka na lang dyan," sabi ni Sebastian.Lumagpas ang kotse kay Sabrina, pero hindi
Read more
Kabanata 7
Alam ni Selene na talagang ayaw sa kanya ni Sebastian.Pakiramdam niya 10,000 na karayom ang tumusok sa puso niya. Sobrang sakit, nakakahiya at nakakainis.Pero, takot din siya kay Sebastian.Magsasalita pa sana siya tungkol sa ibang bagay, pero biglang naputol ang tawag.Nadurog ang puso ni Selene."Anong problema, Selene?" nagtanong agad si Jade."Ma... Si Master Sebastian... Hindi siya pumayag na pag-usapan ang kasal namin... Hindi...naman niya yun malalaman, di ba?Nagsimula umiyak si Selene sa takot. "Hindi niya malalaman na nagpapanggap akong si Sabrina, di ba? Ma, ano bang dapat natin gawin? Marami nang pinatay na tao si Sebastian, natatakot ako..."Kahit si Jade at Lincoln ay natakot dahil sa mga ginawa nila.Buong hapon na nakakaramdam ng takot ang buong pamilya hanggang sa pumunta ang katulog at sinabi, "Sir, Madam, nandito po si Sabrina. Sabi niya pumunta siya dahil gusto niya kunin yung mga litrato nila ng mama niya.""Sabihin mo umalis na siya!" Binuhos agad ni S
Read more
Kabanata 8
Natigilan din si Sebastian habang nakatingin sa babaeng nasa harap niya.Walang saplot ang katawan ni Sabrina, at namula nang kaunti ang balat niya pagkatapos maligo. Magulo at basa pa ang maikli niyang buhok, at ang maliit niyang mukha ay basang basa pa rin ng tubig at steam.Makikita na agad ang buong katawan niya sa isang tingin palang habang nakatayo siya sa harap ni Sebastian. Nanginig siya at tinakpan na lang sarili niya dahil wala na siya nagawa.Wala rin masyadong suot na damit si Sebastian.Matangkad siya, maganda at malaki ang katawan na kita ang muscles nito, makinis na balat, makisig ang balikat, at maliit ang balakang. Ang kamay niyang matigas at parang bakal ay merong dalawang nakakatakot na peklat, pero dahil dito mas nakita ang pagkakalaki niya at malakas ang dating nito.Nung nakita ni Sabrina ang mga peklat niya, parang tumiklop ang puso niya at natakot ito.Pero, nahiya din siya dahil nakita na ni Sebastian ang buong katawan niya.Nagpanic siya at tinakpan ang
Read more
Kabanata 9
Nasaktan nang kaunti ang puso ni Sabrina.Syempre, hindi mawawalan ng girlfriend ang isang lalaking katulad ni Sebastian na galing sa mayaman at marangal na pamilya. Kaya lang naman nagpakasal si Sebastian sa kanya ay para pagbigyan ang kagustuhan ng nanay niya na malapit nang mamatay.Pero, hindi talaga inakala ni Sabrina na ang girlfriend pala ni Sebastian ay si Selene.Para kay Sabrina, napakarami talagang nangyayari sa buhay na di inaasahan.Yung mga taong umapi sa kanya ay mas lalo pang sumasaya at nagiging marangal. Sa kabilang banda, si Sabrina naman sira na ang kinabukasan, buntis at hindi kasal, at hindi nga rin alam kung anong pangalan ng ama ng anak niya.Pakiramdam ni Sabrina ay para siyang payaso habang nakatingin siya sa dalawa na para bang itinadhana talaga para sa isa't isa.Para bang ginawa lang dahilan ni Selene ang pagsabi niya kay Sabrina na kunin ang mga litrato ng mama niya. Ang totoong intensyon ni Selene ay para harapan niyang ipagmalaki ang boyfriend niya
Read more
Kabanata 10
Natigilan si Sabrina sa paglalakad.Narinig niya ang insulto ni Selene. Gusto niya sana kalmutin at sirain ang mukha ni Selene.Pero, hindi niya kayang gawin 'yun basta basta.Kung gagawa man siya ng kung ano, hindi siya makakapagpigil na maging matindi ang away. Natatakot siya na baka masaktan ang bata sa sinapupunan niya.Tumawa siya at nagtanong, "Interesado ka ba sa ganitong negosyo?""Tsk!" naasar na ngumiti si Selene. "Nag-alala lang ako sa kalusugan mo, wag ka sanang mahawaan ng kung anong maruming sakit! Dudumihan mo pa ang bahay ko at babaho ang amoy dito.""So bakit mo ko inimbitahan dito sa bahay mo, at pinilit mo pang dito ako maghapunan? Akala ko tuloy interado ka sa ganung klase ng negosyo," kalmadong nagsalita si Sabrina, pero sapat na yun para masakal ang buong Lynn family hanggang mamatay sila.Walang nakapansin nung oras na yun na nakatitig lang si Sebastian kay Sabrina at nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.Pagkatapos ng ilang saglit, kinuha ni Sebastian a
Read more