All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 2671
- Chapter 2680
7044 chapters
Kabanata 2672
“Ikaw—"Agad na nagpanic si Karen, nagulat at nagalit siya nang husto habang tumititig na sinasabi kay Darryl na, “Ano ang ginagawa mo?” Silang dalawa lang ang nasa lugar na iyon kaya magagawa ni Darryl ang anumang gustuhin nito sa kaniya, hindi niya rin magagawang depensahan ang kaniyang sarili dahil kasalukuyan pa ring nakaselyo ang kaniyang mga acupoint.Nanlalamig na tumawa si Darryl nang makita nito ang reaksyon ni Karen. Nagmukhang nangaasar ang nanlalamig nitong mukha. “Tayong dalawa lang ang nandito, isa akong lalaki habang isa ka namang babae kaya ano sa tingin mo ang gagawin ko ngayon?”Habang nagsasalita, ginamit ni Darryl ang buo niyang lakas para hilahin ang malaking bahagi ng dress ni Karen.Agad na nagpanic ang mangiyak ngiyak na si Karen habang sumisigaw ng, “Isa ka ng kilalang tao sa Nine Mainlands, Darryl, kaya paano mo ito nagawa sa isang babae? Hindi ka na ba nahiya sa sarili mo?”“Anong klase ng bayani ka? Napakasama rin pala ng budhi mo.”Dito na mas bumagsi
Read more
Kabanata 2673
Habang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon, ginawa ni Fang Mao ang lahat para ikalma ang kaniyang sarili at dahan dahang sabihin kay Sara na, “Mayroon na akong plano, aking disipulo. Sundin mo lang ang mga sasabihin ko mamaya naiintindihan mo?”Napakurap na lang si Sara nang marinig niya iyon. Agad siyang nagtanong ng, “Master, sabihin mo na po sa akin kung ano ang pinaplano ninyo, dali.”Inakala ni Sara na alam ng kaniyang master ang lahat ng bagay, at magagawa rin nito ang lahat ng kaniyang pinaplano.Hay!Huminga nang malalim si Fang Mao habang nakatingin sa sundalong nakabantay sa pinto. Hininaan niya ang kaniyang boses at sinabing, “Hahanap ako ng paraan para kunin ang atensyon ng bantay na iyon na magbibigay sa iyo ng pagkakataong umalis. Tandaan mo, huwag na huwag kang titigil sa pagtakbo, huwag na huwag kang lilingon pabalik sa akin, naiintindihan mo?”Nagtunog frustrated si Fang Mao nang sabihin niya iyon. Hindi na siya makaisip pa ng ibang paraan para makontrol ang sitw
Read more
Kabanata 2674
Masyadong naging mabilis ang ginawa ni Fang Mao para sa bantay na iyon, kaya hindi na ito nagkaroon pa ng pagkakataong makapagreact.Bang!Napaungol na lang sa sakit ang bantay matapos itong masuntok sa dibdib. At pagkatapos ay agad itong nawalan ng malay.Naging mabilis ang paggalaw ni Fang Mao, agad niyang itinaas ang kaniyang kamay para hawakan ang damit na bantay at hilahin palapit sa railing. At pagkatapos ay agad niyang hinanap ang susi sa kulungan.Wow!At pagkatapos ay agad na binuksan ni Fang Mao ang pinto ng selda bago tumingin kay Sara at sumigaw ng, “Tumakbo ka na, Dali!”Gustong gusto ni Fang Mao na umalis kasama ni Sara pero malaking bahagi na ng kaniyang internal energy ang nawala kaya siguradong magiging pabigat lang siya rito sa sandaling sumama siya sa kaniyang disipulo.At higit sa lahat, marami ring mga tauhan ng Endless Sky Organization ang nagbabantay sa labas. Gusto pang gamitin ni Fang Mao ang kaniyang sarili para kunin ang atensyon ng mga bantay na magbi
Read more
Kabanata 2675
Dito na mabilis na tumakbo si Sara nang makita niyang haranan ni Fang Mao ang mga sundalong humahabol sa kanila. Dito na lumundag si Sara sa ere bago lumipad palayo.Hay!Huminga nang malalim si Fang Mao habang pinapanood niya ang unti unting pagkawala ni Sara sa madilim na kalangitan. Dito na tuluyang nawala ang dambuhalang bato na kasalukuyang nakadagan sa kaniyang dibdib.Dito na muling tumama ang paningin ni Fang Mao sa kaniyang mga kalaban, mas naging determinado na ito ngayon kaysa noong kanina.Pero mas dumami na ang mga kalabang papunta sa kaniyang kinaroroonan, hinding hindi na ito magagawa pang harapin ni Fang Mao.Bang!At sa wakas ay naubos na rin ni Fang Mao ang kaniyang enerhiya hanggang sa huli nitong patak, dito na bumagsak patalikod ang kaniyang katawan at napasandal sa isang pader. Namutla nang husto ang kaniyang mukha habang nanghihina nang husto ang kaniyang katawan.Dito na dahan dahang bumalik sa dati ang kaniyang mukha hanggang sa halos maging kamukha na n
Read more
Kabanata 2676
Hiss! Dito na tuluyang natahimik ang buong bilangguan! Napasimangot ang lahat habang tinitingnan nila si Fang Mao! “Ma… Masyado siyang direkta. Personal na siyang inimbitahan ng Master pero nagawa pa rin niya itong tanggihan. Hindi lang iyon dahil nagawa pa niyang sabihan ng demonyo si Master!” “Mukhang pagod na pagod na siyang mabuhay!” Dito na dumilim ang mukha ni Zhang Jue. Naramdaman niya na para bang nainsulto siya sa harapan ng kaniyang mga disipulo. Hindi na nagawang huminga ng lahat maliban kay Fang Mao sa loob ng kulungang ito nang maramdaman nila ang pagdilim ng paningin ni Zhang Jue. “Well, ikaw ang bahala kung ganoon!” At sa huli ay hindi na nakapagpigil pa si Zhang Jue. Suminghal siya kay Fang Mao habang sinasabi na, “Tutuparin ko ang gusto mong kamatayan!” Sabi niya habang nagpapakawala ng isang napakabilis na pagatake gamit ang kaniyang palad. Tuluyan nang naubos ang internal energy ni Fang Mao kaya sa sobrang panghihina ay hindi na niya nagawang mailagan
Read more
Kabanata 2677
Tumingin si Jack sa kaniyang paligid nang banggitin niya ang huling mga salita sa kaniyang bibig. Dito na biglang nagpakita ng suporta ang mga taong malapit kay Jack nang paisa isa. “Oo nga, ginawa nila tayong dehado matapos nila tayong bigyan ng isang napakaliit na lugar para tirhan.” “Kahit na nagawa nating itayo ang Rock City at mabigyan ng kontrol sa pakikipagkalakalan sa mga tao ng Nine Mainland, ganito na lang ba ang buhay nating lahat? Ito ba talaga ang bagay na gusto nating mangyari?” “Tama ang mga sinabi ni Jack, Kamahalan. Masyadong malawak ang Nien Mainland kaya maaari na tayong maghanap ng mas malawak na matitirhan kaysa magpatuloy sa pagsisiksikan sa loob ng napakasikip na teritoryong ito.” Parang isang malaking tsunami na tumama ang mga opinyon ng bawat isa kay Natalie na kasalukuyan nang napapasimangot sa kaniyang trono. At sa huli ay hindi na nakapagpigil pa si Natalie sa kaniyang sarili. Agad niyang hinampas nang malakas ang kaniyang palad sa Dragon Throne
Read more
Kabanata 2678
Oh… Maraming tao ang napatingin kay Jack sa mga sandaling ito nang dahil as sobrang gulat.Masyadong naging malakas ang loob ng Jack na ito, nagawa niyang sirain maging ang banquet na hinanda ng reyna para sa kanila. Dito na nagalit nang husto si Natalie, tumitig siya kay Jack at sumigaw ng, “Ang lakas ng loob mo Jack! Alam mo pa ba kung ano ang ginagawa mo?" “Kalahating buwan na ang nakalilipas mula noong bigyan kita ng pagkakataong itama ang iyong mga pagkakamali sa trading center ng Rock City. Hindi ko inasahang mas sasahol pa pala ang arogante mong ugali! At ngayon ay nagawa mo namang pagtaksilan ang ating tribo?” Agad na napuno ng galit ang magandang mukha ni Natalie sa mga sandaling ito. Isang arogante at hambog na lalaki si Jack at ito ay dahil sa mataas na katayuang hinahawakan niya sa kanilang tribo. Hindi masyadong pinansin ni Natalie ang pagaasal ni Jack bago ang insidenteng iyon at noong mapatawad niya ito sa mga ginawa nito kay Darryl, dito na mas tumindi nang tum
Read more
Kabanata 2679
Buzz! Isang napakalakas na aura ang umangat sa katawan ni Jack bago lumipad nang mabilis papunta kay Natalie. Agad na napaatras ang lahat ng nakakita nito sa tabi ng hall. Nagulat silang lahat sa kanilang nakita. Siguradong wala na sa sarili si Jack. Hindi niya nagawang mapababa ang Reyna sa puwesto kaya agad niyang binalak na kunin ang trono nang puwersahan. Nanginig naman sa sobrang gulat si Clarice na nakaupo sa isang tabi. Dito na siya nagreact bago tanungin ang kaniyang mga kapatid sa susunod nilang gagawin, “Kuya, ikalawang kuya, ano na ang dapat nating gawin?” Nabahala rito nang husto si Clarise kaya at naramdaman na para bang hindi siya makapili kung saan siya papanig pagdating sa bagay na ito. Mula pagkabata ay naging alila na ang magkakapatid na Zaine. Hindi naging madali ang buhay para sa tatlong ito. Pero kinalaunan ay mabilis na gumanda ang kanilang buhay nang ampunin sila ni Jack. Kinikilala ng magkakapatid na Zaine si Jack bilang kanilang ama kaya nagpapasa
Read more
Kabanata 2680
Tatlong taon nang naging reyna ng Raksasa si Natalie kaya hindi na siya katulad ng dati na isang impulsive na prinsesang ginagawa ang lahat ng kaniyang gustuhin. Tinanggap na nito ang mga hamon mula sa pagkakaroon ng mga mapagrebeldeng mga tagasunod nang hindi nawawala ang kaniyang postura. Dito na siya suminghal habang hindi nagpapakita ng kahit na anong emosyon ang kaniyang mukha. “Well, well, well! Mukhang mas pinili ninyong lahat na pumanig kay Jack at maging isang rebelde. Kung ganoon ay nararapat lang kayong mamatay!” Buzz! Isang nakakatakot na aura ang biglang lumabas sa katawan ni Natalie. Dito na biglang tuimigil ang pagdaloy ng hangin sa paligid nang dahil sa tindi ng kaniyang lakas. Agad na nabalot ng napakalakas niyang aura ang kaniyang mga kaaway! Crack! Isang mahaba at kulay puting blade ang nagpakita sa mga kamay ni Natalie na sinundan ng isang malutong na tunog. Mas naging mahaba pa kaysa sa isang kadena ang blade na ito. Ito ang sandatang pagmamayari ng a
Read more
Kabanata 2681
Kinamuhian niya ang kinalabasan nito.Nangako si Natalie ng isang bago at magandang kinabukasan para sa tribo ng Raksasa. Kaya nagalit at nasaktan siya nang husto noong magrebelde si Jack sa kaniya.Napapigil hininga ang lahat ng mga taong nasa loob ng hall na nanonood sa labas. Napakapit at natigilan ang mga ito sa sobrang pagkagulat.Nagawa ba talagang saktan ni Jack ang Reyna? Nakahinga sila nang maluwag noong hindi sila sumali para tulungan ang reyna dahil kung hindi ay mas masahol pa sa kamatayan ang kanilang sasapitin sa mga kamay ni Jack.Walang kahit na sino ang tumulong kay Natalie at sa totoo lang ay naisip ng mga tao sa kaniyang paligid kung paano nila pakikisamahan si Jack. Si Jack ang magiging bagong hari ng Raksasa sa sandaling mapasakamay nito si Natalie.Naiinis na ngumiti si Jack habang tumitingin kay Natalie. “Nakita mo ba ang mga tao sa iyong paligid, Natalie? Hindi ka na sinusuportahan ng mga tao. Walang kahit na sino sa mga ito ang tumulong sa iyo. Sige, tingn
Read more