All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 2721
- Chapter 2730
7044 chapters
Kabanata 2722
“Tigil!” Nang biglang magecho ang isang boses bago bumukas ang gate papasok sa bakuran. Isang payat na imahe ang dahan dahang naglakad palabas habang ipinapakita ang nanlalamig nitong mukha. Ito ay walang iba kundi si Chang Er!Naramdaman ni Chang Er na mayroong mali noong umalis si Darryl habang nasa mood para magpahinga. Paanong hindi magagalit si Chang Er kung nagawa ng nagpapanggap na itong pumunta sa kaniyang tinutuluyan nang walang paalam at manakit ng ganito karaming mga disipulo ng Holy Saint Sect? “Ang lakas ng loob mo!” Titig ni Chang Er kay Harold habang galit na sumisigaw. Kasabay nito ang mas pagtindi pa ng galit ni Chang Er nang makita niyang napapasigaw sa sakit ang napakaraming mga disipulo ng Holy Saint Sect habang naliligo sa kanikanilang mga dugo. “Empress Chang Er!” Nagulat nang husto si Harold nang makita niya si Chang Er, pero mas nangibabaw pa rin dito ang napakalinaw na utos ni Zhang Jue. Dito na niya nakangiting sinabi na, "Pasensya na dahil nagawa
Read more
Kabanata 2723
Nagkaroon ng napakaliwanag na talim ng espadang ito na may habang nasa isang metro habang nagliliwanag na parang mga bituin at buwan sa paligid. Ito ang sandata ni Chang Er na kilala sa pangalang The Star and Moon Sword! Isa itong pambihirang sandata matapos magkaroon ng kalidad na nasa purple category. Maikukumpara na ang sandatang ito sa isang Grand Weapon! Buzz!Agad na nagsama ang spiritual energy ng parehong langit at lupa nang bunutin ni Chang Er ang kaniyang espada. Hindi na nagdalawang isip pa si Chang Er nang itutok at ipansaksak niya ang napakaganda niyang espada kay Harold!Naging mabagsik at puno ng puwersa ang pagatakeng ginawa ni Chang Er gamit ang espadang ito. Kasalukuyan siyang nagagalit at kasalukuyan din silang nasa isang relasyon ni Darryl kaya agad siyang ginalit ng nagkukunwaring Darryl na ito. Paano niya magagawang palampasin ang mga ginawa ni Harold matapos nitong guluhin nang husto ang kaniyang emosyon? Agad na nasira ang daloy ng hangin sa paligid ku
Read more
Kabanata 2724
“Dinukot ni Darryl ang Empress!” “Habulin ninyo siya, Dali!” Sa gitna ng katakot takot na iyak ng mga sugatang disipulo, agad na nabalot ng kaguluhan ang ipinagbabawal na lugar na matatagpuan sa likuran ng isang bundok. Inakala ng mga disipulong iyon na si Darryl ang taong dumukot kay Chang Er. …Samantala, sa isang bahagi ng kalangitan sa ibabaw ng gate papasok sa Holy Saint Sect, kasalukuyang nagpabalik balik ang mga imahe nina Zhang Jue at Darryl para sagupain ang isa’t isa. Kalahating oras na naglaban ang dalawang ito at mukhang walang kahit na sino sa kanila ang lumamang sa laban.Mas tumindi nang tumindi ang pagkababagabag ni Darryl habang lumilipas ang oras. Hawak ni Zhang Jue ngayon ang Sky Breaking Axe kaya mas naging mahirap para kay Darryl na patayin siya. At higit sa lahat ay nagawa nang kumilos ng pekeng Darryl para dukutin si Chang Er, siguradong hindi magiging maganda sa kaniya ang lahat sa sandaling magtagumpay si Zhang Jue rito. Dito na rin nabahala at na
Read more
Kabanata 2725
Hindi rin natin masisisi si Alan sa kaniyang ginawa dahil si Darryl mismo ang nagpanggap bilang si Sandhurst noong magpakita ito sa Holy Saint Sect. Kaya natural lang na hindi siya paniwalaan ni Alan. At kung titingnan, mas marami pa rin ang makukumbinsi sa ginawang pagsasalita ni Zhang Jue kanina. Maliban kay Alan, naniwala rin ang lahat ng mga kasama nitong Altar Master sa mga sinabi ni Zhang Jue. Tanging si Diana lang ang tunayo roon habang naguguluhang tinitingnan si Darryl! “Ikaw ba si Darryl?” Mahinang sinabi ni Diana. Si Diana ay isa sa kinikilalang mga master ni Darryl. Kalahating buwan niya ring nakasama si Diana noong unang sumali si Darryl sa Holy Saint Sect. Walang kahit na sino sa Sekta ang nakakakilala kay Darryl maliban kay Diana. Kahit na napansin ni Diana na ibang iba nga ang itsura ng taong ito mula sa Darryl na kaniyang nakita tatlong taon na ang nakalilipas, nakilala pa rin niya ito dahil hindi naman gaanong nagbago ang mga ipinapakita nitong kilos.“Mast
Read more
Kabanata 2726
Mas tumindi nang tumindi ang pagaalala ni Alan habang mas iniisip niya ang tungkol sa bagay na ito.“Si Darryl nga talaga ang taong ito. Sinadya niyang gumamit ng pekeng pangalan para makapasok dito. Kitang kita na sinusubukan nitong ipahiya ang buong Holy Saint Sect.”Naalala niya kung paano pinuwersa ni Darryl ang buong Ryukin Altar na humingi ng tawad kay Donna habang ginagamot niya si Tina. Nakaramdam dito ng matinding kahihiyan si Alan.“Hindi na ako magtataka kung bakit niya tinulungan si Donna nang ganoon, siya nga talaga si Darryl.”Natawa na lang siya sa kaniyang loob sa mga sandaling iyon.Nanlalamig namang tumawa ang nagoobserba sa isang tabi na si Zhang Jue. Dito na siya tumingin kay Darryl habang sinasabi na, “Mukhang pinagkakatiwalaan ka talaga ni Darryl, Bata matapos niyang ipahiram sa inyo maging ang kaniyang Heavenly Halberd.”“Ipinahawak sa iyo ni Darryl ang kaniyang Heavenly Halberd para iyong magamit laban sa mga miyembro ng Holy Saint Sect na magbibigay sa ka
Read more
Kabanata 2727
Pagkatapos niyang magsalita, agad na lumipad nang mabilis palayo si Zhang Jue.Gusto na sanang makisali ni Zhang Jue kay Alan at sa mga kasama nito na umatake kay Darryl pero mas naging importante pa rin para sa kaniya ang pakikipagkita kay Harold para tuluyang makontrol si Lady Chang Er.Sa loob ng isang iglap ay tuluyan nang nawala ang imahe ni Zhang Jue sa dilim.“Maraming Salamat, Mr. Zhang!”Iisa namang sumagot sina Alan, Jet at ang mga kasama nito habang tinitingnan paalis na si Zhang Jue.At pagkatapos ay agad na nagkaisa ang lahat para ipagpatuloy ang kanilang pagatake kay Darryl.Nagalala at nagalit nang husto sa mga sandaling ito si Darryl, dito na nagliwanag na para bang maglalabas ng apoy ang kaniyang mga mata!“Mangmang ba talaga ang mga taong ito? Nagawa nang makalayo nina Zhang Jue at ng pekeng Darryl na dumukot kay Chang Er pero hindi pa rin nila ito nakikita hanggang ngayon.”Ayaw nang makipaglaban pa ni Darryl sa mga ito kaya agad siyang naghanap ng oportunida
Read more
Kabanata 2728
“Saint Master!”Nagalala nang husto si Diana nang makita niya iyon. Halos umangat na rin ang kaniyang puso sa kaniyang lalamunan habang sumisigaw ng, “Hindi lang po kayo nagkakaintindihan, hindi po siya—"Gusto sanang sabihin ni Diana na si Darryl nga ang taong iyon pero agad siyang pinigil ni Alan sa pagsasalita.“Altar Master Olsen, hindi mo na kailangan pang magsalita para kay Darryl.” Nagmukhang demonyo si Alan habang ipinapakita ang nanlalamig niyang ngiti. “Alam naman nating lahat na disipulo mo si Darryl, pero nagawa pa rin nitong dukutin si Chang Er, walang kapatawaran ang krimen na kaniyang ginawa!”“Tauhan niya ang isang ito kaya natural lang na hindi natin siya pakawalan!”Tumitig nang husto ang mga mata ni Alan kay Darryl habang tumatawa sa kaniyang sarili.“Ngayong nandito na ang Saint Master, siguradong masusugatan nang husto si Darryl kung mabuhay man siya sa mga pagatakeng gagawin nito. Pero nagawa pa ring salagin ng hayop na si Darryl ang pagatake ng Saint Master
Read more
Kabanata 2729
Agad na naging magulo ang lahat sa dibdib ni Lu Dongbin sa mga sandaling ito.Bilang Sect Master ng Holy Saint Sect at isang kilalang Taoism Master, nagawa niya pa ring hindi makilala si Darryl. Isa itong malaking kahihiyan para sa kaniya!Hay!Napatingin na lang ang lahat sa isa’t isa noong marinig nila iyon. Naguluhan sila habang hindi maintindihan ang mga nangyayari sa kanilang paligid. Handa na ang kanilang Saint Master na patayin ang tauhan ni Darryl pero bakit niya ito pinagsisihan sa loob ng isang iglap?Tumawa naman si Alan habang naglalakad paabante nang makita niya ang nakapikit at namumutlang mukha ni Darryl. Natuwa siya habang sinasabi na, “Tingnan natin kung mamamatay ka sa pagkakataong ito!”At pagkatapos ay agad niyang nakita ang seryosong pagtitig sa kaniya ni Lu Dongbin. DIto na nanginig ang puso ni Alan, agad niyang narealize na masyado siyang nagoverreact sa nangyari. Agad niyang itinikom ang kaniyang bibig sa mga sandaling ito.“Alan!”Nagbuntong hininga si L
Read more
Kabanata 2730
Gustong gusto nang umiyak ni Alan pero walang kahit na isang luha ang tumulo sa kaniyang mga mata.Bakit?“Kahit na nagawa kong maghiganti kay Darryl, hindi pa rin naman ito patay. Pero nagawa akong tanggalin sa aking posisyon bilang Altar Master habang pinagiisipan ang mga nagawa kong pagkakamali nang nakahiwalay sa lahat?”Dito na hinawakan ni Alan ang mga paa ni Lu Dongbin habang umiiyak na nagmamakaawa rito. “Alam ko pong nagkamali ako, Sect Master. Alam ko na po iyon ngayon. Patawarin niyo po ako sa aking mga nagawa, Sect Master.”“Ilang taon kong pinaghirapan ang pagiging Altar Master ng Ryukin Sect kaya hinding hindi ko hahayaang mawala na lang ang lahat ng ito ngayon!”Pero naging determinado pa rin si Lu Dongbin sa kaniyang naging desisyon kahit na sa harap ng nagmamakaawang si Alan na humihingi ng tawad sa kaniyang mga nagawa. Iniling lang nito ang kaniyang ulo habang sumasagot ng, “Masyado kang nakafocus sa paghihiganti, Alan, kaya hindi ka karapat dapat na maging Altar
Read more
Kabanata 2731
Whoosh!Pagkatapos ng ilang segundo, hinigop ang katawan ni Lu Dongbin ng isang nakakatakot na enerhiya, dito na nawala ang imahe nito sa paningin ni Alam. Kasalukuyan na ito ngayong nakakulong sa loob ng Illusion Virtual World ng Universe Calabash. Hay!Huminga nang malalim si Alan, parang wala sa sariling umangat ang magkabilang dulo ng kaniyang bibig bago siya tumawa nang malakas. Hindi siya nakaramdam ng kahit anong sakit o awa sa kaniyang mga mata, dito na niya nanlalamig na sinabing, “Hindi mo ako masisisi sa aking mga nagawa, Saint Master. Pumanig ka pa rin sa isang outsider. Diyan ka na muna sa loob ng Illusion Virtual World habang pinamumunuan ko ang Holy Saint Sect para sa iyo!”Dito na naglakad paabante si Alan para kunin ang token ng kinikilalang Saint Master ng Holy Saint Sect sa lupa. At pagkatapos ay agad siyang tumalikod para mag maglakad palabas ng secret room!Agad na tinawag ni Alan ang isang disipulo para ipunin ang lahat sa main hall nang makalabas siya sa ku
Read more