All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 2871
- Chapter 2880
7044 chapters
Kabanata 2872
Pagkatapos ng ilang minute, agad na nagkaroon ng kanikanilang mga usapan ang lahat!“Ang Sect Master ng Elysium Gate Sect?”“Iyan si Darryl?”Dito na natigilan at nagalit si Lord Kenny. Agad siyang tumayo para ituro si Darryl at sumigaw ng, “Masyadong malakas ang loob mo! Ang lakas ng loob mong pigilan ang pagpapataw ko ng parusa sa harap ng aking mga mamamayan!”“Lord Kenny!”Sumigaw si Darryl habang tumititig siya kay Lord Kenny. “Mukha ka ngang kagalang galang pero sa totoo lang ay ikaw na siguro ang pinakahipokritong tao sa mundong ito. Sinasabi mo na mahal mo si Ambrose pero hinayaan mo pa ring lumaban ito para sa iyo sa mga digmaang sinalihan mo. At ngayong ikaw na ang Emperor ay nagawa mo pa rin siyang bigyan ng parusang kamatayan!”“Gusto mo talagang patayin ang anak ko? Pasensya ka na pero hindi mo magagawang gawin ang bagay na ito.”Naging kasing lakas ng kidlat ang huling mga salitang binanggit niya na nagvibrate sa paligid.“Ikaw—"Agad na namula ang mukha ni Lord
Read more
Kabanata 2873
Ano?Agad na nanlamig ang hininga ng lahat mapaministro man o mga ordinaryong tao sa paligid nang makita nila iyon!“Masyado nang nakakatakot ang lakas ni Darryl, nagawa nitong talunin ang kanilang heneral sa pamamagitan lang ng isang move!”“Sino ang hindi natatakot na mamatay? Umabante na kayo rito!” Pinrotektahan ni Darryl si Ambrose sa kaniyang likuran. Mahigpit niyang hinawakan ang kaniyang Heavenly Halberd habang tumintingin sa kaniyang paligid at nanlalamig na nagsasalita.Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero agad itong kumalat sa buong royal city.Dito na tuluyang natahimik ang buong royal city.Buwisit!Dito na tumitig si Lord Kenny kay Darryl, agad na kumulo ang dugo sa kaniyang puso sa tindi ng kaniyang galit. Tatlong taon niya ring hindi nakita si Darryl pero mukhang lumakas nga ito talaga nang husto.Gustong gusto nang umaksyon ni Lord Kenny sa mga sandaling ito pero kakokonsumo pa lang niya ng Nine Yin Spirit Pill na ibinigay sa kaniya ng King of the Dead
Read more
Kabanata 2874
Hay!Huminga rito nang malalim si Darryl. Pinakalma niya ang magulong internal energy sa kaniyang tiyan habang nagaalala ang kaniyang puso sa mga nangyari.“Buwisit, inakala ko na maililigtas ko si Ambrose nang ganoon kadali gamit ang bago ko ng lakas!” Alam ni Darryl kung ano ang kasalukuyang lakas ni Lord Kenny habang wala naman siyang pakialam sa mga taong kagaya ni Tobias at sa mga kasamahan nitong sundalo.Pero hindi niya inaasahan na magpapakita ang isang magandang babae sa pinakaimportanteng sandali ng kaniyang pagliligtas kay Ambrose, at nagawa rin nitong magtanglay ng katakot takot na lakas!Sandali lang…Nang maramdaman niya ang kakaibang aura sa katawan ni Cynthia, agad na naalala ni Darryl ang isang bagay—parang kapareho ng aura nito ang aurang nilalabas ni Yennie. Sabagay, hindi lang naging malakas ang puwersang nilabas nito kanina noong maglaban sila, wala rin itong katulad kung ikukumpara sa kahit na sinong naninirahan sa Nine Mainlands.“Isa kaya ito sa mga taong
Read more
Kabanata 2875
Nagpakahirap si Darryl na tumayo habang tinitingnan nang malapitan si Cynthia sa sobrang pagkagulat.“Isa nga talaga siyang oracle pero gaano ba tlaga ito kalakas?”Naramdaman ni Darryl ang pinsalang tinamo ng kaniyang sikmura mula sa pagatakeng iyon kaya kinakailangan na niyang umupo at magmeditate para tuluyang pagalingin ang kaniyang sarili. Pero hindi siya nagkaroon ng tamang pagkakataon para gawin dito kung titingnan natin ang sitwasyong natutunghayan ng dalawa niyang mga mata.Tahimik na tumingin si Cynthia kay Darryl habang sinasabi na, “Kahit na hindi ko nagawang mahanap si Yennie at ang iba ko pang mga kasama sa Nine Mainland, mas makakabuti pa rin para sa mga taong nakatira rito ang paghuli ko sa iyo, wala ka talagang kasing sama.”Dito na naglakad si Cynthia nang dahan dahan palapit kay Darryl!Malakas na tumawa si Lord Kenny nang makita niya iyon. “Maraming salamat sa tulong na ibinigay mo, Oracle!”Mapait namang natawa rito si Darryl nang makita niya ang paglapit ni
Read more
Kabanata 2876
“Ano?”Dito na napaatras ang lahat. Nabablangko nilang tiningnan si Laura habang sinusubukang intindihin ang mga nangyayari. “Nagkamali ba ako ng pandinig noong tawagin siya ni Darryl bilang Dear? Hindi ba’t magkaaway ang dalawang ito?” Maging si Ambrose ay natigilan sa mga sandaling ito. Pero hindi nagtagal ay agad dins iyang kumalma. Alam niya kung gaano kasikat ang kaniyang ama na nagbigay dito ng kakayahang magkaroon ng ilang mga malalapit na babaeng kaibigan, salamat na lang sa angkin niyang kaguwapuhan. Kung humanga nga ang dalawa sa isa’t isa, natural lang na maging magkaibigan ang dalawang ito kahit na gaano pa katindi ang dati nilang hidwaan. Agad na namula ang mukha ni Laura habang nanginginig ang kaniyang katawan sa sobrang galit. Namula ang maganda niyang mukha habang napapatingin kay Darryl. “Huwag ka nang magsalita! Itikom mo na ang masangsang mong bibig! Sino ang tinatawag mong asawa ha?” “Buwisit! Tinake advantage nanaman ako ni Darryl sa harap ng publiko!”
Read more
Kabanata 2877
Maging si Darryl at napatingin ng ilang beses sa dalawa. Ginamit ni Darryl ang ginagawang laban ng dalawang babae sa gitna ng ere para pasimpleng gamitin ang kaniyang internal energy mula sa energy field ng kaniyang katawan para gamutin ang kaniyang mga sugat. Humigit na sa ilang dosenang beses na nagpalitan ng pagatake sina Laura at Cynthia sa loob ng isang iglap. Dito na unti unting nadehado ang kaninang confident na si Laura. Hindi siya mahina pero hindi lang sapat ang kaniyang lakas para harapin ang isa sa malalakas na miyembro ng Nine Saint Oracle. Habang tumatagal ay mas tumindi nang tumindi ang takot ni Laura. Agad na nanginig ang mga muscle sa kaniyang mukha habang sinusubukan ang buo niyang makakaya para labanan si Cynthia. Inakala niya na kanina na madali niyang maililigtas si Darryl, pero agad na pinatunayan ng kalaban niyang si Cynthia na mali ang kaniyang inaakala. Agad namang tumawa rito si Lord Kenny. Nasabik siya nang husto nang makita niya ang mga pangyayar
Read more
Kabanata 2878
Noong una ay nagalala nang husto si Lord Kenny sa pakikipaglaban kay Cynthia dahil sa tindi ng angkin nitong lakas bilang isang hindi mapapantayang Nine Saint Oracle. Agad niyang nakuha ang oportunidad na patayin ito nang masugatan ito nang husto nina Darryl at Laura. Agad na umabante ang dalawang mga tagapaglingkod ng palasyo para tulungan si Cynthia na makaalis. Sa kabilang banda… Kasalukuyang kasama ni Laura sina Darryl at Ambrose habang lumilipad nang kalahating oras sa gitna ng ere. Dito na sila lumapag sa isang bulubundukin nang matakasan nila ang humahabol sa kanilang Royal Army. “Ama!” Agad na umiyak si Ambrose nang tumama ang kaniyang mga paa sa lupa. “Totoo po bang magasawa kayo ni Senior Auntie?”Pilyo namang ngumiti rito si Darryl, magsasalita na sana siya nang bigla siyang unahan ni Laura sa pagsasalita. “Huwag na huwag kang makikinig sa kalokohan ng ama mo, Ambrose!” Nanlalamig na sinabi ni Laura habang sinesermonan si Darryl. “Hindi pa nagagawang magsalita n
Read more
Kabanata 2879
Mabilis na tumayo si Lord Kenny para buong galang na batiin si Hansel. “Sa wakas ay nakarating na rin po kayo rito! Kasalukuyan pong nasa loob ng kuwarto na nasa likuran ng palasyo ang Nine Saint Oracle na si Cynthia. Kasalukuyan po siyang nagpapagaling sa mga tinamo niyang sugat. Sabihin niyo po sa akin kung ano ang susunod ko pong gagawin, Envoy!” “Magaling.” Sumasangayong ngumiti si Hansel habang sinasabi na, “Natutuwa maging ang King of the Dead sa ginawa mo. Hindi mo nga talaga ako ipinahiya sa kaniya.” Dito na umangat ang mga labi ni Hansel para bumuo ng isang nanlalamig na ngisi. “Kahanga hanga ang nangyaring ito sa Nine Saint Oracle na iyon. Mahihirapan ang kahit na sinong labanan siya sa sandaling maabot nito ang todo ng kaniyang lakas pero ngayon ay kasalukuyan siyang nanghihina at puno ng sugat, ito na ang tamang pagkakataon para kumilos!”“Ano po ang gagawin ninyo para tapusin siya?” nagtatakang itinanong ni Lord Kenny. Dito na iniling ni Hansel ang kaniyang ulo ha
Read more
Kabanata 2880
“Ano ang narinig ko sa kaniya?” Agad na natigilan si Darryl nang marinig niya iyon. “Kung ganoon ay wala rito si Monica? At ang babaeng nasa loob ng kuwartong ito ay walang iba kundi si Cynthia?”“Hindi ko na kailangan ng kahit na anong kayamanan. Babalik din ang aking lakas pagkatapos kong makapagpahinga.” Habang nagiisip ang nasusurpresang si Darryl, agad niyang narinig ang mahinang boses ng nanghihinang si Cynthia sa loob ng kuwarto.“Sige, magpahinga ka nang maigi kung ganoon!” Nakangiting sagot ni Lord Kenny pero hindi agad siya umalis sa kuwarto. At sa halip ay pasimple siyang kumuha ng isang bote ng gamot mula sa kaniyang katawan na kaniyang iwinisik sa puwang ng pinto nang dahan dahan. Nakita ni Darryl kung paano naging usok ang gamot na iyon nang matamaan ito nang hangin, agad itong pumasok sa kuwarto mula sa mga puwang nito sa pinto. Buwisit! Dito na napasimangot si Darryl, alam niya kung ano ang ginagawang ito ni Lord Kenny.Magisa at misteryosong nagpunta rito si
Read more
Kabanata 2881
Tama nga si Darryl sa bagay na iyon, ang dapat lang gawin ni Darryl ay makipagtulungan kay Laura kung gusto talaga niyang patayin si Cynthia. Mayroon silang lakas na nagmula sa Chaotic Yin Yang Beads. Agad na nagisip si Cynthia bago niya sabiohing, “Kung hindi ikaw iyon, maaari kayang—" Ngumiti si Darryl habang sinasabi kay Cynthia kung ano ang kaniyang nakita bago pa man ito matapos sa kaniyang mga sinasabi.At sa huli ay napailing na lang si Darryl habang nagbubuntong hiningang sinasabi na, “Sinabi ko na sa iyo na nasa iisang panig lang tayong dalawa pero hindi ka pa rin naniniwala sa akin. Maaari ngang ipakita ni Lord Kenny na isa siyang gentleman pero isa talaga itong hipokrito. Sinuwerte ka dahil nakita ko kung ano ang kaniyang ginawa. Dahil kung hindi ay baka ito na ang katapusan mo!” Uh— Napakagat na lang si Cynthia sa kaniyang mga labi matapos malaman ang katotohanan pero sa totoo lang ay nagagalit at nagtataka ito sa kaniyang mga narinig. Mukhang sinubukan nga ta
Read more