All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 2921
- Chapter 2930
7044 chapters
Kabanata 2922
“Ano? Ganito karami ang mga benepisyo nito?” Natuwa nang husto si Tina nang malaman niya ang mga benepisyo ng herb na ibinigay ng tatlo. Agad niyang nagustuhan ang Seven Spirit Herb na umabot pa sa punto na kung saan ay agad niya itong hinawakan nang mahigpit! Tumingin ang tatlong mga disipulo sa isa’t isa. Tuwang tuwa ang mga ito dahil tama ang napili nilang regalo para kay Tina. Haha… Natuwa sila nang husto dahil nakuha nila ang pabor ni Tina gamit ang regalong iyon, agad nilang naisip na aalagaan sila nito sa susunod. Dito na tataas nang walang tigil ang kanilang posisyon sa Holy Saint Sect matapos suportahan ng kanilang Senior Sister na si Tina! Dito na ngumiti ang nasasabik nang hustong si Tina. “Senior Sister!” Nakangiting sinabi ng nakatayo sa isang tabi na si George, “Narinig ko po na kinakailangan ninyo nang gamitin ang Seven Spirit Herb na iyan 12 oras matapos itong mapitas sa lupa. Kaya mas mas mabuti po kung iinumin niyo na po ito ngayon!” “Oo nga po, gusto
Read more
Kabanata 2923
Bahagya namang napangiti rito si Darryl. “Hindi naman sa mawawalan ito ng epekto pero maaaring magkaroon ng sakit sa paghinga ang sinumang kokonsumo nito!” Ayaw na niya sanang magsalita pa ng kahit na ano pero masyado pa ring naging bastos si Sebastian at ang mga kasama nito sa kaniya. Gusto lang ni Darryl turuan ang mga ito ng leksyon. At higit sa lahat, hindi rin niya inimbento ang mga bagay na ito. Malinaw na sinabi sa Infinite Elixir Manual na ang pagkonsumo ng hilaw na Seven Spirit Herb ay magdudulot ng kaguluhan sa internal energy ng taong iyon. Maaari itong magresulta sa isang psychotic break o sa isang nakamamatay na sitwasyon. Dito na napaatras si Sabastian sa isang sandali. At pagkatapos ay agad niya itong binalewala habang sumisinghal na sumasagot ng, “Wala namang kahit na anong saysay ang mga pinagsasabi mo. Sabihin mo nga sa akin kung saan mo natutunan ang mga kalokohang iyan?” “Nabasa ko ito sa isang sinaunang libro,” Walang pakialam na isinagot ni Darryl! “Anon
Read more
Kabanata 2924
“Tina!” Bahagyang ngumiti si Darryl sa nagmamalaking si Tina, “Sinabi ko na sa iyo na huwag mo itong inumin. Bakit hindi ka pa rin naniwala o nakinig sa akin? Pero agad mo akong naisip nang may mangyari na sa iyong mali? Kaya bakit naman kita tutulungan?” Naging walang pakialam ang tono ni Darryl sa mga sandaling ito habang nagpapakita ng tuwa ang kaniyang mga mata. Isang walang kinatatakutang babae si Tina. Nang masugatan ni Lu Dongbin si Darryl, agad niya itong tinake advantage para makuha ang Blood Battle Eight Directions Scripture ni Darryl. Kaya naisip niya na dapat lang magdusa nang ganito si Tina. Sabagay, nagawa na niyang halughugin ang ipinagbabawal na bahagi ng palasyo pero hindi pa rin niya mahanap hanggang ngayon ang entrance papasok sa Illusion Virtual World. Kaya naisip ni Darryl na isa na itong magandang pagkakataon para tanungin si Tina tungkol sa entrance. “Anong sinabi mo?” Nanginig si Tina habang nanlalamig na tumitingin kay Darryl, “Masyado ka nang basto
Read more
Kabanata 2925
Nagulat si Tina sa sampal na ginawa ni Darryl, dito na siya natulala nang husto. Inabot siya ng higit sa 10 segundo bago siya magreact. Dito na siya walang pakialam na tumingin kay Darryl habang sumisigaw ng, “Ang lakas ng loob mong saktan ako! Hinding hindi ka mapapatawad ng aking master sa ginawa mong ito!” Naisip ni Tina na malaki ang tiyansa na walang kasama si Darryl kaya ito nagingat nang husto at nagdisguise na isang disipulo. Kaya walang dapat na ikatakot si Tina kung magisa nga lang talaga si Darryl. Sabagay, ang master niyang si Alan pa rin ang Sect Master ng Holy Saint Sect. “Nagpapakaarogante ka pa rin hanggang ngayon ah?” simangot ni Darryl. Dito na muling sinampal ni Darryl si Tina!“Mukhang hindi mo pa talaga alam ang taas ng mundo, hayaan mong turuan kita ng leksyon sa ngalan ng iyong master. Ang sampal na ito ay para naman sa akin! “Noong araw na iyon sa loob ng kulungan, nagawa mo akong pilitin na isuko ang aking Blood Battle Eight Directions Scripture. Sig
Read more
Kabanata 2926
Habang bumubulong si Tina sa kaniyang sarili, naglakad si Darryl papunta sa malambot na kama at umupo rito na parang walang pakialam. Dito niya sinabing, “Agad kang makakaranas ng psychotic break sa sandaling hindi mo pa rin makontrol ang nangyayari sa loob ng kalahating oras. Naselyuhan ko na rin ang iyong mga acupoint kaya agad na mawawasak ang iyong mga meridian sa sandaling makaranas ka ng psychotic break na magreresulta sa iyong pagkamatay!“Masosolusyunan ko siyempre ang problema mo pero nakadepende pa rin ito sa magiging attitude mo sa akin!”Tumingin si Darryl kay Tina pero walang sinuman ang makapagsasabi kung nakangiti bai to o hindi, tanging ang kaniyang mga mata lang ni Darryl ang nagpakita na gusto talaga nitong ipahiya si Tina.Ano?!Nanginig ang buong katawan ni Tina nang marinig niya iyon. Dito na nablangko ang kaniyang isipan sa sobrang pagkagulat.“Mawawasak ang meridian ko na magiging sanhi ng aking pagkamatay? Napakamiserable ng bagay na ito!”“Ano ba ang gust
Read more
Kabanata 2927
Ang Universe Calabash?Natigilan dito si Darryl, at pagkatapos ay agad na niyang naintindihan ang lahat.“Buwisit! Kaya pala hindi ko mahanap ang pasukan nito kahit na saan ako magpunta.”Habang iniisip ang tungkol sa bagay na ito, Tumingin nang maigi si Darryl kay Tina bago magtanong ng, “Nasa Master mo ba ngayon ang Universe Calabash?”Tama!Tumango rito si Tina.Isang ngiti ang nagpakita sa mukha ni Darryl nang maintindihan niya ang tungkol doon. Dito na siya naglakad paabante para pakawalan ang mga acupoint ni Tina. At pagkatapos ay agad niyang ginamit ang kaniyang internal energy para tulungan si Tina na ayusin ang nagkakagulong chaotic internal energy sa kaniyang sikmura.At nang matapos siya rito, tumingin si Darryl kay Tina habang sinasabi na, “Kasalukuyan mong makokontrol ang iyong kondisyon pero muli itong babalik sa dati pagkatapos ng tatlong oras. Kailangan mong gamitin ang tatlong oras na ito para tulungan akong kunin ang Universe Calabash sa iyong Master. Agad kong
Read more
Kabanata 2928
“Kamahalan!”Isang ministro ang naglakad paabante at magalang na nakipagusap sa Empress noong mga sandaling iyon, “Nagtipon tipon ang Nine Saint Oracle sa Royal City ng South Cloud World. Ipinapakita lang nito ang kinikilalang reputasyon ng South Cloud World sa ilalim ng inyong pamamahala, Kamahalan, itinaas din ng okasyong ito ang posisyon ng ating kaharian sa Nine Mainland.”Tumatangong sumangayon naman ang ibang mga ministro nang marinig nila iyon.Agad ding nagpakita ang mga ngiti sa mukha ang mga ministro nang dahil dito.“Dumating na ang mga miyembro ng Nine Saint Oracles!”Habang nagsasalita, agad nilang narinig ang anunsyo ng bantay sa labas.Wow!Dito na napatingin ang lahat sa Entrace habang nababalot ng emosyon ang kanilang mga damdamin! Kasabay nito ang paghanga na kanilang naramdaman sa mga Oracle!Walong mga kabighabighaning mga imahe ang pumasok mula sa entrance at naglakad papasok sa hall.Ito ay walang iba kundi ang walong mga miyembro ng Nine Saint Oracles.
Read more
Kabanata 2929
“Naririnig ko na isa raw bayani si Darryl sa Nine Mainlands kaya hindi ako makapaniwala na isa pala siyang masamang tao!”“Dapat na natin siyang patayin para ipaghiganti si Cynthia!”Agad na natigilan sa mga sandaling ito ang Empress, Si Quincy at ang iba pang mga ministro. Nagulat sila nang husto sa kanilang narinig.Sinaktan ni Darryl si Oracle Cynthia?Paano ito nangyari?Ano?Hindi nagtagal ay agad na bumalik sa realidad ang isipan ng Empress bago naguguluhang tumingin kina Xenia at Yennie. “Mga Oracle, maaari kayang nagkamali kayo sa bagay na iyan? Isang kagalang galang na lalaki si Darryl kaya paano niya magagawa ang ganitong klase ng krimen? Maaari kaya na may ibang tao na nagpanggap bilang si Darryl para mailayo ang kaniyang sarili sa magiging epekto ng ginawa niyang pangaabuso kay Oracle Cynthia?”Iisa namang tumango rito ang mga ministro.“Oo nga, hindi ganoong klase ng tao ang Prince Consort na si Darryl Darby!”“Siguradong mayroong nangset up sa kaniya!”Malaki an
Read more
Kabanata 2930
Ano?Agad na umingay ang mga ministro nang marinig nila iyon.Maging ang katawan ng Empress ay nanginig sa kaniyang narinig, inakala niyang mali lang ang kaniyang pagkakadinig sa mga sinabi ng kaniyang kapatid.“Gusto niyang ikansela ko ang engagement nila ni Darryl?!”“Isa itong kalokohan. Kahit na sinabi ng mga Oracle na sinaktan ni Darryl si Cynthia, wala pa rin silang kahit na anong ebidensya sa mga sabi sabing ito. Hindi pa nila ito napapatunayan. Kaya paano niya magagawang ipakansela ang engagement nila ni Darryl?”“Ate!”Pagkatapos ng ilang segundo, agad na bumalik sa realidad ang isipan ng Empress, dito na niya buong pasensyang sinabi na, “Huwag kang magpadalos dalos. Hindi natin puwedeng ikansela ang engagement ninyong dalawa hangga’t hindi natin nalalaman ang katotohanan!”“Kalat na sa buong Nine Mainland ang tungkol sa engagement nina Quincy at Darryl kaya magiging katatawanan ang buong South Cloud World sa sandaling bawiin nila ito.”“Mahal na Emperatris!” Napakagat
Read more
Kabanata 2931
Hindi nagtagal, dinala ni Tina si Darryl sa tapat ng isang kakaibang hardin. “Darryl, nagpapahinga si Master sa hardin na ito,” Huminto si Tina sa kanyang paglalakad habang taos-puso niyang sinasabi, ngunit ang mga mata niya ay puno ng sari-saring emosyon. Pagkatapos, pumasok siya at sumunod si Darryl sa kanya. Kumunot ang noo ni Darryl nang makapasok siya ng hardin at may nangyayari sa harapan niya. may libu-libong mga batong iba-iba ang laking nakakalat sa hardin at tinatakpan ang daan. ‘isa ba itong formation?’ Kumunot ang noo ni Darryl habang pinagmamasdan niya ito. Pagkatapos nito, napansin niya na kahit iba-iba ang pwesto ng mga bato, may mga patibong sa loob nito. Ang hardin na pinagdalhan ni Tina kay Darryl ay isang ipinagbabawal na lugar sa likuran ng bundok ng Saint Sect. Dito nagsaliksik ng formation si Lu Dongbin noong mga taong iyon. Si Lu Dongbin ang nagtayo ng mga formation sa harapan niya. ito ang Four Ways Formation ng Taoism. Ang Four Ways Formation ay i
Read more