All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3061
- Chapter 3070
7044 chapters
Kabanata 3062
Sa pagkakataong iyon, nagkukumpulan sa kanya sina Sara, Zoey at ang iba pa. Sa parehong oras, si Harlow at ang kanyang mga tagasunod ay nagtipon din. “Kuya!” "Daryl, kamusta ka na?" Kung hindi nagpakita si Darryl at ang iba pa, ang Dark Cloud City ay nasa malaking panganib. Dahil dito, nagpapasalamat si Harlow. “Ayos lang ako!” Nakangiting umiling si Darryl. Tumingin siya sa paligid at agad na nakaramdam ng matinding kirot sa puso. Sa labanan kanina, marami sa mga sundalo ng Dark Cloud City ang namatay at marami sa mga pangunahing sekta ang nagdusa din ng malubhang pinsala. Naikuyom ng mahigpit ni Darryl ang kanyang kamao, nakaramdam ng galit. ‘P*tang ina! Kasalanan lahat ito ng White Horse. Kung ayaw niyang magpakitang- gilas, hindi sana siya nag- udyok sa galit ni Lord Kenny at hindi sana ganoon karami ang nasawi.’ "Salamat, Sect Master Darby sa iyong tulong!" Lumakad si Harlow sa sandaling iyon, walang hanggang pasasalamat. Kinaway -kaway ni Darryl ang kamay
Read more
Kabanata 3063
Kasabay nito, ang lahat ay sumabog sa talakayan at kaguluhan. "Ano ang nangyayari?" "Hindi ba si Zhang Jue ang naging sanhi ng pagkamatay ni Sect Master Wilson?" "May iba pa bang dahilan sa likod nito?" Ang White Horse ay patuloy na kumukurap habang nag -uusap ang mga tao at hindi siya komportable. ‘P*tang inat! Kung mabubunyag ang katotohanan, kapopootan ako ng lahat. Ang pinakamalaking kasalanan sa komunidad ay ang pagkakanulo,’ naisip niya. Gayunpaman, mabilis na natauhan si White Horse. ‘Pag tinambangan ko si Chester, walang nakasaksi. Kahit alam ni Darryl ang totoo, wala siyang pruweba. Kaya, wala akong dapat ikabahala. Higit sa lahat, nasa akin pa rin si Chester,’ naisip niya, na muling nakakuha ng kumpiyansa. Tumingin siya kay Darryl at ngumisi habang sinasabi, “Darryl, anong ibig mong sabihin? Sabihin sa amin ng malinaw kung ano ang ibig mong sabihin." Sinamaan siya ng tingin ni Darryl at hindi maitago ang galit na nag- aalab sa loob niya. "Sa pangunahi
Read more
Kabanata 3064
Sa sobrang galit ni Darryl ay gusto niyang gawin ang isang bagay para patayin si White Horse. Gayunpaman, kinokontrol niya ang kanyang sarili. Maraming tao mula sa mga sekta sa paligid at wala siyang patunay. Kung papatayin niya si White Horse, pag- uusapan siya ng lahat at makakasira ito sa kanyang reputasyon sa Elysium Gate. 'Iiwan ko muna tong lalaking ‘to sa ngayon. Maghihintay ako hanggang sa mahanap ko si Brother Chester, pagkatapos ay haharapin ko siya,’ naisip niya, hindi na ito pinag -iisipan pa. Gayunpaman, hindi binalak ni White Horse na sumuko ng ganoon lang. Natuwa siya nang makitang hindi nakaimik si Darryl. "Sect Master Darby, dahil hindi ka makakapagbigay ng anumang ebidensiya sa bagay na ito kay Sect Master Wilson, hindi natin ito tatalakayin sa ngayon. Pero, may tanong ako sa'yo," tanong niya. Tapos, tinuro niya si Ileana, na nakatayo sa likod ni Darryl. "Sino ang babaeng ito? Paano niya nalaman na bumuo ng Portal Formation para umalis sa King of Death
Read more
Kabanata 3065
“Ang lakas naman ng loob mong sampalin ako?” Hinawakan ni White Horse ang mukha niya at hindi makapaniwalang tumingin kay Ileana habang kumikinang ang mga mata sa gulat at galit. Siya ang Sect Master ng Eternal Life Palace Sect, ngunit isang babae ang nakabangga sa kanya, natamaan siya ng isang babae sa harap ng napakaraming tao. Paano niya haharapin ang lahat kung kumalat ang balita sa komunidad? Habang iniisip niya iyon ay lalo siyang nagagalit. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang mapanirang langit na palakol. 'Gaano ka wild noon. Sinasaktan niya lang siya kapag hindi naaayon ang mga bagay- bagay sa kamyang gusto !’ Nagulat ang lahat. Hindi man lang nagpanic si Ileana nang makita niyang hinugot ni White Horse ang mapanirang langit na palakol.. Lumakad siya pasulong at malamig na tumitig kay White Horse habang sinasabi niya, "Gusto mong lumaban? Kahit na mayroon kang mapanirang langit na palakol. hindi mo pa rin lubos na naiintindihan ang kapangyarihan nito. Hindi ka
Read more
Kabanata 3066
Dito na humakbang paabante si Darryl para tumingin kay White Horse. “Ano ba ang gusto mong sabihin, White Horse? Sinira mo ang ating plano para lang sa sarili mong kasikatan?”Agad na natigilan si White Horse bago biglang mapaluhod sa lupa!“Ako-ako…” Nagpanic si White Horse habang nagpapawis nang malakas sa kaniyang sarili.“Ano ang gagawin ko? Nakasuporta ngayon kay Darryl ang mismong Queen of the Dead. Mahahatulan na ba ako ng kamatayan sa harap ng lahat?!” Isip niya.“Nagkamali ako, Sect Master Darby. Masyado po akong naging uhaw sa tagumpay at kasikatan. Patawawin niyo po ako sa aking mga nagawang kasalanan!” Nagpatuloy si White Horse sa pagmamakaawa habang nagpapanic sa harapan ni Darryl.Pero sa totoo lang ay nagdadalawang isip talaga si White Horse na aminin ang kaniyang kasalanan kay Darryl sa harapan ng maraming tao. Pero wala pa rin siyang magagawa sa mga sandaling ito. Takot na takot ang lahat sa aurang nilabas ni Ileana kaya walang kahit na sino ang umapela para sa ka
Read more
Kabanata 3067
Sa mga sandaling iyon, sa loob ng isang military camp na nasa loob ng base camp, makikitang nakaupo ang may madilim na mukhang si Lord Kenny sa kaniyang trono.Kapapadala pa lang niya sa kaniyang tauhan para tumanggap ng balita mula sa Dark Cloud City. Dito niya nalaman na wala pa sa isang milyon ang mga sundalong hawak ngayon ni Darryl at ang lahat ng iyon ay isa lang malaking kalokohan na ginawa para linlangin siya. Halos sumuka na siya ng dugo ngayon sa sobrang galit.Gustong gusto nang lumaban ni Lord Kenny pagkatapos niyang malaman na nalinlang siya ni Darryl, pero nailatag na ni Darryl ang kanilang depensa sa Dark Cloud City sa mga sandaling ito.Sa totoo lang ay palagi niyang itinuturing si Darryl bilang pinakamatindi niyang kalaban. Matagal na niyang gustong tapusin si Darryl pero alam niya na mahusay ito sa paghawak ng mga sundalo. Noong una ay nagawa nitong talunin ang mga taga North Moanang hukbo ni Yang Jian habang hinaharap nang magisa si Zhang Jue. Totoong totoo nga an
Read more
Kabanata 3068
Huminga naman nang malalim at nagkunwaring natatakot si Barlow.“Kamahalan, kumala po kayo. Sa-sasabihin ko na po sa inyo… Sa totoo lang ay hindi po talaga ako nagpunta rito para imbestigahan kayo. Inutusan po ako ni Sect Master Darby na humingi ng mga karagdagang sundalo sa ibang mga kontinente. Kinailangan ko rin po magdala ng isang mapa dahil sa kumplikadong kapaligiran ng Dark Cloud City para matulungan ang mga darating na sundalo sa area na kanilang pupuntahan. Isa lang po akong mensahero. Kamahalan, huwag niyo po akong patayin.” Nakayuko nitong sinabi.Nagmukha itong takot sa harapan ng lahat pero sa totoo lang ay tuwang tuwa ito sa kaniyang sarili. “Hinding hindi na magsususpetsa si Lord Kenny sa galing kong umarte.”Hay!Natuwa si Lord Kenny sa kaniyang sarili nang marinig niya iyon bago niya ikaway ang kaniyang kamay at sabihing. “Ikulong ninyo ang isang ito!”Matagumpay itong ngumiti habang pinagaaralan ang mapa at sinasabing, “Gusto pang magtawag ni Darryl ng tulong? Ha
Read more
Kabanata 3069
Naantig si White Horse nang marinig niya iyon pero agad pa rin siyang nakaramdam ng frustration sa kaniyang sarili. “Wala tayong magagawa dahil siya ang Sect Master ng Elysium Gate at ang bayani ng Nine Mainlands. Nagawa siyang suportahan maging ng Queen of the Dead kaya hindi natin siya magagawang pantayan.”Nagpakita ng nakakatakot na liwanag ang kaniyang mga mata habang nagsasalita.“Bayani ng Nine Mainlands?”Nakaramdam ng matinding inis dito si Weston. “Bayani ng Nine Mainlands? Anong klase ba ng bayani siya? Isa lang naman siyang manloloko. Nararamdaman ko na hindi naging patas ang mga nangyari para sa iyo, Sect Master White Horse. Tatanggapin mo na lang ba ang kahihiyang ito? Nagpunta ako rito para pagusapan kung paano natin ibabagsak si Darryl.”Nagmukhang determinado si Weston habang nagsasalita.Natuwa naman nang husto si White Horse nang marinig niya iyon kaya agad siyang sumagot ng, “Hindi ko siyempre hahayaang ipahiya niya ako nang ganoon. Ngayong napunta na tayo sa t
Read more
Kabanata 3070
Agad na nagpanic si Weston at nabagabag naman si White Horse nang marinig nila ang mga sigaw ni Zoey.Agad na naalerto si Zoey sa ginawang paggalaw ng dalawa kahit na gaano pa ito naging tahimik. Pero mabilis namang kumalma si White Horse agad niyang inipit ang kaniyang ilong para gayahin ang boses ni Darryl.Inayos niya ang kaniyang lalamunan bago sabihing, “Huwag kang magalala Sect Master Jenn. Nagpapatrolya lang ako sa area nang mapadaan ako rito.”Namaos nang kaunti ang kaniyang boses pero naging katulad pa rin ito ng boses ni Darryl.Namangha naman si Weston nang makita niya kung gaano kabilis nagreact si White Horse kaya napathumbs up na lang ito sa kaniyang sarili.“Darryl?” Kumunot ang noo ni Zoey nang marinig niya ang boses sa labas ng pinto kaya hindi na niya ito tinanong pa, “Malalim na ang gabi pero nagawa pa ring magpatrolya ni Darryl para mapanatiling ligtas ang Dark Cloud City. Siguradong naging mahirap ang bagay na ito sa kaniya.”“Maraming salamat!” Sagot ni Zoey
Read more
Kabanata 3071
Naging maingay si White Horse kahit na naging demonyo ang loob nito. Alam niya na magiging mahirap ang paglalagay sa katawan ni Zoey sa kuwarto ni Darryl kung nagpapahinga pa ito sa loob. Ang pinakamagandang pagkakataon ay ang paghihintay na makalabas si Darryl sa kaniyang kuwarto.“Oo nga, hindi madaling maloko si Darryl…” Tango ni Weston habang walang tigil na itinatango ang kaniyang ulo.Naghintay ang dalawa sa kuwarto ni Zoey matapos nilang magkasundo sa kanilang gagawin.Bago pa man malaman ng dalawa ay unti unti nang nagliwanag ang kalangitan.Woo, woo...Dito na tumunog ang torotot sa labas. Ito na ang hudyat para sa isang pagtitipon.Agad na napatingin sa isa’t isa sina White Horse at Weston nang marinig nila ito. Agad nilang nalaman ang pagdating ng pinakahihintay nilang oportunidad. Nang marinig nila ang hudyat, agad na nagpunta ang mga sect master sa main hall ng Conference Room sa Dark Cloud City para pagusapan ang magiging depensa ng mga ito sa kanilang mga kalaban.
Read more