All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3171
- Chapter 3180
7044 chapters
Kabanata 3172
Ano?Lumuhod?!Dito na biglang umingay ang mga tao sa paligid. Nasusurpresang tiningnan ng mga sundalo si Darryl habang iniisip ng lahat na nawawala na ito sa kaniyang sarili.Lalo na ang sinabihan nitong si Ivy na nanlaki ang mga mata habang nakatingin kay Darryl. Dito na nanginig ang buo niyang katawan.Dapat nating malaman na nasa loob si Darryl ngayon ng Roland Continent kaya luluhod at yuyuko lang ang mga tao rito sa ilang mga seryosong okasyon. Magagawa lang ding yumuko ng mga ito sa kanilang pinuno o sa kanilang mga magulang.Walang sinuman sa kanila ang nakarinig tungkol sa pagluhod at pagyuko ng isang estudyante bilang pagkilala sa kaniyang guro. Naging bukas at pangkaraniwan ang relasyon ng guro at ng kaniyang estudyante na para bang magkaibigan lamang. Ito…Agad na nasurpresa rito si Dominic pero mabilis niya pa ring inayos ang kaniyang isip. Si Darryl pa rin ang kaapuapuhan ni Master Franklin na tumira sa isang isla ng isang taon. Kaya naniniwala siyang iba lang ang
Read more
Kabanata 3173
Umupo si Shandy sa kaniyang trono na nasa loob ng main hall habang ipinapakita ang isang magaang ngiti sa kaniyang mukha. Kasalukuyan din siyang nakasuot ng isang mahabang dress. Masunurin namang umupo sa kaniynag tabi ang batang dragon na si Jewel.Kalahating buwan na ang nakalilipas mula noong magtamo ng matinding sugat ang batang dragon nang protektahan nito si Darryl. Agad siyang isinama pabalik ni Shandy na dumating sa tamang oras. Agad na gumamit ng napakaraming mga kayamanan na kanilang nakuha sa iba’t ibang panig ng mundo si Shandy para gamutin ang batang dragon noong makabalik sila sa Makasaysayang Isla ng mga Dragon. Tuluyan nang nagamit ang mga sugat ng batang dragon na si Jewel at sa tulong ni Shandy ay nagawa pa nitong palakasin ang kaniyang katawan hanggang sa umabot na ito sa punto na kung saan nagkaroon na siya ng kakayahang maganyong tao.Nanatili naman sa tabi ng batang dragon si Shandy nitong mga nakaraang.Pero agad na nadepress dito ang batang dragon. Dapat na
Read more
Kabanata 3174
“Hindi pa rin ito nawawala?”Pagkatapos ng ilang segundo ay agad na binuo ni Shandy ang kaniyang isip bago mahinang sabihin na, “Nalunok pa rin si Darryl ng Chaotic Tornado kahit na hindi pa siya patay. Magiging mahirap na para sa kaniyang bumalik dito nang buhay. Kaya huwag ka nang umasa pa sa bagay na iyan.Hindi naman nagsalita rito si Jewel habang blangkong nakatingin sa kalangitang nasa labas ng hall. Napuno ng kalungkutan at pagdadalamhati ang inosente niyang mukha sa mga sandaling ito kaya siguradong kakaawaan siya ng kahit na sinong makakita sa kaniya.“Babalik din siya!” Determinadong nagliwanag ang mga mata ni Jewel. Dito na niya sinabi kay Shandy na, “Napagdesisyunan ko na pong bumalik sa Nine Mainland, Ate. Wala nga roon si Darryl pero kinakailangan ko pa rin siyang tulungan na protektahan ang pamilya Carter."Naging determinado ang tono ng pananalita ni Jewel nang sabihin niya iyon.Naniniwala siya na babalik nang buhay si Darryl. At ang unang bagay na kaniyang pupunt
Read more
Kabanata 3175
Nagpakita ng kumplikadong itsura ang Empress nang makita niya si Josh. Ito ang dating kapitan ng mga bantay ng palasyo kaya walang katumbas ang katapatan nito sa Empress. Mahahalata na pinromote ito ni Quincy para maging Commander in chief noong makuha nito ang trono sa South Cloud World.Pero alam din ng Empress na hindi na siya iginagalang pa ni Josh base sa ginagawa nitong pagtingin sa kaniya, mas nanlamig na ito ngayon kaysa noong dati.Mahahalata na sinira ng pagbubuntis niya sa anak ni Darryl ang reputasyon ng royal family sa South Cloud World kaya natural lang na magbago rin ang pananaw ni Josh sa kaniya.“Josh!”Hindi nagtagal ay nakabalik na rin sa realidad ang isipan ng Empress. Agad itong humakbang paabante bago sumigaw kay Josh ng, “Ano ang ginagawa mo rito kasama ng buong hukbo ng South Cloud World?”Huminga naman nang malalim si Josh habang direktang nakatingin sa mga mata ng Empress. “Nandito ako sa utos ng kamahalan na imbitahan kayo pabalik sa South Cloud World.
Read more
Kabanata 3176
Agad na namula ang mga mata ni Dax nang makita niya ang pagsugod ng mga sundalo ng South Cloud World sa kanila. Dito na siya sumigaw habang nagpapakita ang Sky Breaking Axe sa kaniyang kamay. Agad na nabuo ang isang kulay gintong liwanag sa harapan nito.At pagkatapos ay agad na tumakbo paabante si Dax para tumayo sa harapan ng Empress.“Huwag na huwag ninyong iisipin na manakit ng kahit na sinong miyembro ng pamilya Carter hangga’t humihinga pa ako rito!” Desperadong isinigaw ni Dax habang nababalot ng napakalakas na battle aura ang buo niyang katawan. Dito na siya tumalikod para sabihin sa kaniyang mga kasama na, “Protektahan ninyo ang pamilya Carter, patayin ninyo sila!”Alam ni Dax na ang pamilya Carter ang nagiisang bagay na mayroon si Darryl. Ito ang kaniyang pamilya kaya hinding hindi niya hahayaang saktan ito ng napakalaking hukbo ng South Cloud World.Iisa namang sumagot ang buong pamilya Carter matapos niyang magsalita.“Depensahan ninyo ang pamilya Carter!”“Huwag niny
Read more
Kabanata 3177
Agad na napasok sa hindi magandang sitwasyon ang sinumang malapit kina Chester, Yvette at iba pa. Kulang na kulang ang kanilang bilang habang walang tigil na sinusugod ng mga sundalo ng South Cloud World kaya wala na silang nagawa pa kundi umatras. Sabagay, hindi pa rin bumabalik sa dati hanggang ngayon ang kanikanilang mga lakas at internal energy mula noong makipaglaban sila sa tuktok ng Mt. Kunlun. Kaya natural lang na hindi nila maiwasan ang nasa 10,000 mga sundalo ni Josh. Pero kahit na nasa gitna sila ng isang dehadong sitwasyon, wala pa ring sinuman sa mga ito ang sumuko. Tumayo naman nang diretso ang natatakot na Empress habang binabantayan ng mga tao sa kaniyang paligid. Gustong gusto na niyang umabante para tulungan ang kaniyang mga kasama pero kasalukuyan pa rin siyang buntis kaya mahihirapan siyang makipaglaban sa pagkakataong ito. Mas titindi pa ang kaniyang sitwasyon sa sandaling makunan siya nang dahil sa pagpupumilit niyang makipaglaban. Muli nanamang nasugatan
Read more
Kabanata 3178
“Sugod!” Nagmukhang miserable ang may duguang damit na si Chester habang nakatayo sa tabi ni Dax. At kagaya ni Dax, malapit na ring maubos sa mga sandaling ito ang internal energy ni Chester. Nafrustrate siya sa dami ng kanilang mga kalaban pero agad pa rin niyang hinawakan nang maigi ang mahaba niyang espada habang sinusubukang palakasin ang kaniyang loob. “Ginawa na natin ang lahat ng ating makakaya, Dax. Kaya wala akong pinagsisisihan kung mamamatay ako ngayon.” Natuwa naman dito si Dax. Agad siyang napatingala habang tumatawang sinasabi na. “Oo nga, magsaya na lang tayo ngayong araw!” Agad na nagtinginan ang dalawa na para bang nagkakaintindihan ang mga ito habang tumatawa nang malakas. Pero sa totoo lang ay pareho nang napanghihinaan ang mga ito sa dami ng kanilang mga kalaban.Hindi nila nagawang protektahan si Darryl sa tuktok ng Mt. Kunlun. Mabibigo kaya ulit sila ngayon habang pinapanood ang unti unting pagbagsak ng pamilya Carter? Ito ang bagay na hindi nila hahaya
Read more
Kabanata 3179
Wala namang naging pake si Jewel sa nangiinis na pangaasar ni Josh sa kaniya. Huminga lang siya nang malalim hang nanlalamig na sinasabing. “Uulitin ko ang mga sinabi ko. Nauubos na ang oras ninyo kaya huwag niyo nang hintayin na mahuli ang lahat at mamatay ang bawat isa sa inyo bago ka makagawa ng desisyon.” Nagsalita si Jewel gamit ang manipis at matinis nitong boses pero sa totoo lang ay kabaliktaran ng kaniyang edad ang kalmadong itsura na kaniyang ipinapakita. “Gusto mo na nga talagang mamatay!” Agad na namaga at nagdilim ang mukha ni Josh matapos niyang mapahiya sa ipinakitanga asal ni Jewel. Dito na siya sumigaw habang sumusugod kay Jewel habang hawak hawak ang mahaba niyang espada. Malakas niya itong ipinanghiwa kay Jewel. Masyadong malakas si Josh kaya agad na hiniwa ng hawak niyang espada ang hangin na matatamaan nito, masyado nang matindi ang ipinapakita nitong lakas.“Magiingat ka!” “Papalapit na siya—" Sigaw nina Chester, Dax, Yvette at iba pa nilang mga kasam
Read more
Kabanata 3180
Gasp! Agad na nanghina sa mga sandaling ito ang mga binti ng mga sundalo ng South Cloud World, agad silang natulala sa kanilang nakita. Ganito ba talaga kalakas ang isang higanteng dragon? Masyado itong nakakatakot! Hindi nagawa maging ng malakas nilang commander na si Josh na ilagan ang pagatake ng higanteng dragon na iyon. "Commander!" Pagkatapos ng ilang segundong pagkatulala, mabilis na tumakbo palapit ang ilang mga sundalo para tulungan si Josh.“Atras—” Bulong ni Josh habang sumusuka ng dugo, masyado nang nanghihina ang itsura ng kaniyang mukha sa mga sandaling ito.Alam ni Josh na napinsala ng pagatakeng iyon ang ugat sa kaniyang puso. Maaari siyang mamatay kung mas naging seryoso pa rito ang kaniyang tama. Agad na natakot si Josh sa biglang pagpapakita ni Sheryl kaya hindi na niya ipinagpatuloy pa ang ginagawa nilang pamemeste sa pamilya Carter.Pitter-patter! Dito na biglang gumawa ng bilog na formation ang nasa 10,000 mga sundalo ng South Cloud World na pumapal
Read more
Kabanata 3181
Isinara ni Dominic ang sinaunang libro bago ituon ang kaniyang atensyon kay Ivy. Kumunot ang kaniyang noo habang sinasabi na, “Ikaw ang pinakamamahal kong anak, Ivy. Bakit kailangang kong gumawa ng desisyon na makakasakit sa iyo? Para sa iyo rin ang ginagawa kong ito!” Pagkatapos nitong huminto ng sandali sa pagsasalita, sinabi ni Dominic na, “Sabagay, sigurado ako na papangarapin ng kahit na sinong makatanggap ng ganitong klase ng oportunidad kaya dapat lang na kunin mo na ito hangga’t mayroon kang pagkakataon!” Dito na napasimangot ang mga labi ni Ivy habang sumasagot ng, “Hindi ko nararamdamang suwerte ako, sa totoo lang ay mas mukha pa akong biktima rito!” Hindi naman natuwa si Dominic nang marinig niya ang pabalang na sagot ni Ivy. Dito na niya naihampas ang kaniyang palad sa lamesa. “Tigilan mo na ang kalokohang iyan! Hayaan mong pagsabihan kitang muli na maging magalang kay Mr. Darryl mula sa araw na ito. Huwag kang magpapasaway sa kaniya, naiintindihan mo ako?” Dito na
Read more