All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3211
- Chapter 3220
7044 chapters
Kabanata 3212
‘Anong nangyari?’‘Hindi ba ito isang magulong formation ng bato?’Sobrang naguguluhan ang utak ni Madeline; sobrang nagulat siya.Kasabay nito, nagulat si Gandalf.Nakita niya na ang dose-dosena niyang mga tagasunod ay natrap sa lupa na may mga bato. Lahat sila ay paikot-ikot sa isang lugar na parang naglalaro ng tagu-taguan. “F*ck!”Kaagad namang nagreact si Gandalf at sumigaw, “Anong ginagawa niyo dyan! Bilisan niyo at tulungan niyo ako!”Nagpanic ang mga taong trapped sa stone formation.“Boss, hindi kami makaalis.”“Kakaiba ang mga batong ito! Mukha silang gumagalaw.”“Tama ito!”Sobrang kinabahan at nagalit si Gandalf nung narinig niya ang mga comments ng mga tagasunod niya.Kinuha na ni Darryl ang opportunity na ito at sinuntok ang dibdib ni Gandalf. Napagrunt at napaatras ng ilang dosenang steps si Gandalf. Nabitawan din nito ang hammer niya.Kalahating internal energy palang ang gamit ni Darryl, pero nasira na niya ang dalawang ribs ni Gandalf.Kung ginamit ni D
Read more
Kabanata 3213
Sa wakas, nagreact na si Gandalf. Nanginig ang boses niya at nagpanic. Ilang dandali lang, inatake ni Gandalf si Madeline.Nagulat si Madeline; kaagad siyang napaatras.Pero, ang goal ni Gandalf ay hindi si Madeline kung hindi ang mga babaeng nailabas mula sa cave.Ang mga babaeng ito ay nandito na ng isang araw; sobrang hina nila. Sa reflexes nila, hindi sila makakareact on time. Sa isang iglap, may nahuli si Gandalf na isa.“Umatras kayo!” Pinangharang ni Gandalf ang babae. May biglaang dagger din sa kamay niya at itinutok ito sa leeg ng babae. Pagkatapos, sumigaw siya kay Darryl.Mukhang galit ang mga mata ni Gandalf.Alam niya na hindi siya kalaban ni Darryl at ang tanging paraan lang para makaalis siya ay kumuha ng hostage.“Huwag mo akong patayin!” Natakot ang babae. Nanginginig siya, at patuloy na nagmamakaawa. Iyak ito ng iyak.Nagalit si Darryl sa nakita niya.Parang baliw si Gandalf. Ang lakas naman ng loob niya na takutin si Darryl gait ang isang hostage.Pagkata
Read more
Kabanata 3214
Si Darryl ay wala pa ding emosyon at tiningnan si Madeline, na sinasabi na huwag siyang kabahan.Mga ilang sandali lang, nginitian ni Darryl si Gandalf. “Well, tayong dalawa ay pwedeng umatras. Gusto mo bang bitawan ko siya?”Tumingin si Darryl sa balikat ni Gandalf at nakita ang makulay na maliit na ahas na nasa ilang feet ang layo sa likod ni Gandalf.Tumawa si Gandalf; iniisip niya na nakikipagcompromise na si Darryl. “Simple lang ang mga kondisyon. Gusto kong alisin mo ang mga batong yun at putulin mo ang isa sa mga kamay niyo.”Hindi pa rin magets ni Gandalf kung paano natrap ang mga tagasunod niya sa mga batong yun, pero alam niya na kapag naalis ang mga batong ito, makakalakad na ulit ang mga taong ito ng maayos.Para naman sa pagputol ng kamay, dahil lang ito sa galit ni Gandalf.Nagalit si Darryl. “Si Gandalf ay sobrang sama talaga; gusto niyang ipaputol kamay ko.”Pagkatapos, ngumiti siya at tumango. “Oh,kailangan mong tuparin ang sinabi mo!”“Hoy, baliw ka ba?”Mukh
Read more
Kabanata 3215
Naguguluhan si Madeline, pero wala na siyang pagdududa nung nakita niya ang mukha ni Darryl.Ilang saglit lang, kinuha ni Madeline ang lubid at lumapit kay Gandalf para itali siya. Hindi niya nakalimutan na sipain ito. “Ang dami mo ng ginawang masama, at ngayon ay makukuha mo na ang parusa mo. Deserve mo ito.”Tumawa si Darryl sa nakita niya.Iniisip niya na interesting na babae si Madeline.Nung mga sandaling yun, kumalma na rin ang mga aristocratic na mga babae sa gilid. Lumapit sila kay Darryl para magpasalamat.“Salamat sa pagsagip sa amin!”“Sobrang thank you!”“Pwede ko ba malaman ang pangalan mo?”Ngumiti si Darryl at magalang na sumagot, “Walang anuman. Ang pangalan ko ay Darryl. By the way, nasaan ang mga bahay niyo? Paano nila kayo nadakip?”Ang mga aristocratic na mga babae ay nagtinginan at nagsimulang sagutin ang tanong ni Darryl ng isa-isa.“Ang pangalan ko ay Rina. Ako ang anak ng Duke ng Robust Principality.”“Ako ay mula sa Stanford family.”“Ang tatay ko a
Read more
Kabanata 3216
Maraming bagay ang kinakailangan nilang gawin nang ipadala nila si Gandalf papunta sa Alandis para sa kaniyang pagdinig kaya hindi na sumama pa rito si Darryl. Agad siyang nagpaalam kay Madeline at sa mga kasama nito nang marating nila ang paanan ng burol.Masyado pang maaga nang makabalik si Darryl sa Alandis kaya naisipan niya munang maglakad lakad sa mga kalye nito.“Manny Carnival Night?”Pagkatapos ng ilang minuto ay dumaan si Darryl sa isang tavern na may pangalang kumuha sa buo niyang atensyon. Mukhang isa ang tavern na ito sa mga pinupuntahan ng tao sa Alandis dahil sa dami ng dekorasyon nito. Mukha ring marami ang mga taong nagpunta rito ngayon na hindi bababa sa dami ng mga bisita na kaniyang nakita sa Blue Rose tavern.“Isang magandang lugar ang tavern para mangalap ng balita. Hindi naman ako pupuwedeng maghintay na lang matapos kong makahingi ng tulong sa Blue Rose.” Isip ni Darryl habang naglalakad siya papasok ng tavern.Humingi si Darryl ng isang upuan na malapit sa
Read more
Kabanata 3217
Walang duda na naglagay si Walker ng gamot sa inumin ni Ivy.Nagmukha ngang gentleman si Walker pero isa talaga itong lalaki na uhaw sa mga babae. Nagawa niyang gamitin ang malapit niyang relasyon sa Duke para manloko ng napakaraming mga babae. Siguradong hindi nito pinalalampas ang bawat pagkakataong magkukusang lumapit ang isang sexy at magandang babae sa kaniya.Kahit na anak si Ivy ng tumatayong Alkalde sa San Morio City, hindi pa rin natakot si Walker dahil mismong Duke na ang pumapabor sa kaniya.Nakita naman ng nakaupo as unang palapag na si Darryl ang ginawa ni Walker.Dito na niya nakasimangot na sinabing, “Nilagyan niya ng gamot ang inumin ni Ivy?”Mabuti na lang at nakita ni Darryl ang kademonyohang ginawa ni Walker dahil kung hindi ay magiging matindi ang magiging kapalit nito kay Ivy.Walang pagaalinlangang naglakad si Darryl papunta sa ikalawang palapag ng tavern.Nakita niya ang pagbalik ni Ivy sa private room nang makarating siya sa labas nito.Hindi pa napapans
Read more
Kabanata 3218
Nagalit nang husto sa mga sandaling ito si Ivy habang mas tumitindi ang impresyon nito kay Darryl.Isang guwapo at magalang na lalaki si Walker. Mula noong pumasok sila sa tavern ay palagi na itong gumalang at naging mabait kay Ivy. Kaya hindi siya makapaniwala na maglalagay ng gamot ang ganitong klase ng tao sa kaniyang inumin.Iba pa rito ang kasuspesuspetsang pagpapakita ni Darryl sa tavern na kanilang kinaroroonan. Agad na naghinala si Ivy na sinusundan siya ni Darryl.Mas tumindi pa ang pandidiri ni Ivy nang maalala niya ang ginawang pagpasok ni Darryl sa kaniyang kuwarto kaninang umaga.Agad na napakulo ng nanggigigil na tingin ni Ivy ang dugo ni Darryl.“Ano ang nangyayari kay Ivy? Bakit hindi niya magawang maniwala sa akin? Ako pa rin ang kaniyang guro kahit na ano ang mangyari, pero mas pinili pa rin nitong maniwala sa outsider na si Walker.”Hindi na pinatagal pa ni Darryl ang usapan kaya agad nitong sinabi na, “Alam kong galit ka pa rin sa akin, Ivy pero isa lang hindi
Read more
Kabanata 3219
Nagbuntong hininga si Darryl habang nakatingin kay Walker at sinasabing, “Tinatakot mo ba ako? Paano kung ayaw kong umalis?”Nanlalamig namang suminghal pabalik si Walker ng, “Ang lakas ng loob mo! Naririnig kong ipinanganak ka raw na mayroong kakaibang lakas. Tingnan natin kung gaano ka talaga kagaling!”Dito na itinaas at ikinaway ni Walker ang kaniyang kamay. “Hulihin ninyo siya!”Nainis na nang husto si Walker kaninang umaga nang malaman niya ang tungkol sa pagaappoint ng Duke ng isa pang Royal Court Knight. Isa itong kagalang galang na posisyon kaya paano niya hahayaang mayroong pumantay sa kaniya rito?Whoa!Dito na biglang lumapit ang ilang dosenang mga maskulado kay Darryl nang walang pagaalinlangan.“Kung ganoon ay makikipaglaro ako sa iyo kung gusto mong lumaban.”Nanlalamig namang ngumiti si Darryl sa isang dosenang mga maskuladong papalapit sa kaniya. Dito na biglang sumabog ang kaniyang internal energy para batiin ang mga ito.Sa loob ng isang iglap ay biglang napa
Read more
Kabanata 3220
Nagngitngit naman dito ang mga ngipin ni Darryl habang ikinakaway ang kaniyang mga braso para labanan ang mga ito. Pero sa kasamaang palad ay nagawa pa siyang masaksak ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan. Mabilis na sumirit ang kaniyang dugo mula sa mga sugat na ito na nakapagpapula sa sahig na kaniyang kinatatayuan.Masyado nang nababahala si Ivy kaya agad itong sumigaw ng, “Bitawan mo na ako! Mamamatay ka lang kung magpapatuloy pa ito!”Dito na pinagsisihan ni Ivy ang kaniyang desisyon. Sumama na lang sana siya kay Darryl kung alam niya lang na ganito ang mangyayari. Pero huli na ang lahat para magsabi siya ng kahit na ano.“Huwag kang umiyak!”Ngumiti si Darryl nang mapansin niya ang nagsisisi nang si Ivy. “Hindi ako mamamatay!”“Sinabi mo bang hindi ka mamamatay?”Ngumiti si Walker habang binubunot ang kaniyang espada. Dahan dahan siyang naglakad palapit habang sinasabi na, “Malapit ka nang mamatay pero nagawa mo pa ring magyabang sa harapan naming lahat. Gus
Read more
Kabanata 3221
Agad na gumaan ang pakiramdan ni Darryl at hindi nagtagal ay hindi na niya kinaya pa ang kaniyang panghihina, dahan dahang nagdilim ang kaniyang paningin habang tuluyang nawawalan ng malay.Huh!Nagulat naman ang dosedosenang mga elite ng Blood Hands Organization sa kanilang nakita. Mabilis na nagtipon tipin ang mga ito sa paligid ni Darryl para buhatin palayo.Gusto sana silang pigilan nI Ivy pero masyadong nakakatakot ang mga elite ng Blood Hands Organization. Kaya wala na siyang nagawa kundi panoorin ang pagdala ng mga ito kay Darryl palayo.…Mabilis na kumalat sa buong Alandis ang balita tungkol sa naging away sa tavern ng dalawang mga Royal Court Knight na sina Darryl at Walker.Samantala, sa loob ng kuwarto ni Dominic sa White Victory Palace.Makikitang nakaupo si Dominic habang malinaw na makikita ang bagsak at nakakatakot niyang mukha.Tumayo naman sa kaniyang tabi si Ivy, nanginig ang buo nitong katawan sa sobrang panic.Phew!At sa wakas ay huminga na rin nang mala
Read more