All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3231
- Chapter 3240
7044 chapters
Kabanata 3232
Bumilis ang tibok ng puso ni Dominic nang makita niya ang Prinsipe at kinakabahan itong humakbang paabante. “Mga pagbati, Iyong Kamahalan!”Nakatitig kay Dominic ang madilim na mga mata ng Prinsipe habang nagsasalita at binigyang-diin niya ang bawat salita. “Dominic, sino ba talaga si Darryl? Kilala mo ba siya?”Huminga ng malalim si Dominic at maingat itong sumagot. “Nakilala ko siya sa siyudad ng San Morio. Malaki ang kaniyang kaalaman at maabilidad din siya.”“Anong relasyon niya sa Blood Hand Organization?”“Iyong Kamahalan, walang koneksyon si Darryl sa Blood Hand Organization.” Mukhang seryoso si Dominic nang magsalita siya, pero nataranta ang lalaki sa loob loob.Medyo nabanggit sa kaniya noon ni Darryl ang tungkol sa koneksyon nito sa Blood Hand Organization, pero alam ni Dominic na hindi niya ito kayang pag-usapan. Isang sensitibong usapan ang tungkol sa Blood Hand Organization sa anim na prinsipalities. Magkakaroon din siya ng mga implikasyon kapag inamin niya ang tungk
Read more
Kabanata 3233
Walang bakas ang nawala ang galit sa puso ng Prinsipe at napalitan ito ng hindi maipaliwanag na pag-aalala nang marinig niya ang kaniyang kapatid na babae.‘Hindi ko naintindihan ang inapo ni Master Franklin. Inutusan ko ang aking mga kasama na itulak siya sa bangin…’ Naisip nito.Pagtapos ay sinigawan ng Prinsipe ang mga sundalong nasa labas ng pinto. “Bilisan niyong magpadala ng taong maghahanap sa ilalim ng bangin. Kailangan niyong mahanap si Darryl.”Hindi siya tumitigil kakahiling na sana’y nasa maayos na kalagayan si Darryl.…Samantala, may nangyayari sa Sunset City.Nasa timog-kanlurang bahagi ng border ng Day Rise Prinsipality at Cresescent Moon Prinsipality ang Sunset City. Importanteng kuta ito ng Day Rise Principality.Mayroong anim na principality sa Roland Continent at mayroong patuloy na pag-atake sa mga ito. Nang sandaling iyon, Nagpadala ng 50,000 grand armies ang Crescent Moon Principality para atakihin ang Sunset City. Pinamunuan ng Mayor ng Sunset City ang k
Read more
Kabanata 3234
Tinago ng lahat ng mga sundalo ang kanilang gulat. ‘Mukhang banayad ang babaeng ito, pero napakalakas niya!'Kaagad na na-lock ang mga tingin ni Eric kay Yuri nang sumigaw siya. “Isang napakatapang na babae. Sino ka para kumawala!”Pagtapos ay lumundag siya sa ere at bumaril ng malakas na saint energy. Nagningning ang makintab na liwanag sa mahabang espada at gumalaw ito papunta sa direksyon ni Yuri.Isang lower level saint honor si Eric. Nakakatakot ito.Kinagat ng mariin ni Yuri ang kaniyang labi nang makit aniya ang umaatakeng si Eric papunta sa kaniyang direksyon pero hindi siya nataranta,.“Trabaho mong labanan ang digmaan bilang kumander. Pero hinayaan mo ang mga tao mong saktan ang mga inosente. Isa iyong pagtataksil! Malas mo’t nakita moa ko ngayong araw.” Malamig na sambit ni Yuri.Bang!Tuluyang nahigop ng ulap ng putting liwanag si yuri nang pumalibot ang nakakatakot na aura sa kaniyang mga kamay.‘Ano…Anong klaseng kapangyarihan iyon? Napakalakas…’ Pagtataka ni Eric
Read more
Kabanata 3235
”Ako…” Kinagat ni Yuri ang kaniyang labi, magulat siya.“Walang anuman!” Nakataas ang kamay niya nang sabihin niya ito.Pagtapos ay tumingin siya sa paligid at nagpatuloy. “Maraming nasirang lugar sa siyudad noong nangyari ang matinding digmaan. Kailangan mong magdesisyon nang mabilis at ilayo ang mga tao.”Gustong sabihin sa kanila ni Yuri na hindi siya ang Goddess of Light. Pero matapos niya itong pag-isipan, magiging mahirap ang ipaliwanag an gkaniyang tunay na pagkatao, kaya napagdesisyunan niyang huwag itama ang mga ito.“Walang problema!” Tumago si Albert. Pagtapos ay nag-utos siya na linisin ang larangan ng digmaan nang imbitahin niya si Yuri sa Temple of Light.…….Samantala, lumutang sa ibabaw at ilalim ng ilog si Darryl, sinundan nito ang agos. Sa wakas at inanod siya sa dagat. Hindi siya sigurado kung gaano katagal na siyang walang malay; pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng mahabang panaginip kung saan nakulong siya ulit sa Chaotic Tornado at pinalibutan ng kadiliman.
Read more
Kabanata 3236
Mabilis na pumasok ang isang dosenang sundalong at tinuro ng pinuno si Jack at sumigaw. “Ang Hay*p na iyon! Siya ang apo ni Adolf. Hulihin siya!”Sumugod ang ilang sundalo at hinuli si Jack.Takot si Jack, umiyak ito. “Bakit niyo ako hinuhuli? Ginagamot ng lolo ko ang pinakamatandang young miss niyo ngayon.”Napansin ni Darryl na iba ang mga sundalong ito kumpara sa mga sundalong nagbabantay sa siyudad. Nang marinig niya ang sinabi ni Jack ay naintindihan niya na iyon ang mga personal na guwardiya ng pamilya Damien.“Iyong lolo? Sino ka para banggitin ang matandang Adolf na iyon? Siya ang rason kung bakit lumala ang kondisyon ng aming binibini. Galit si Master Damien; ipinag-utos niyang arestuhin at paatyin kayo ng lolo mo.” Sumingahl ang guwardiya.Nagulat si Jack at umiling ito nang sumigaw siya. “Walang saysay ang pinagsasabi mo. Pinakamagaling na doctor ang aking lolo.”Pero hindi nagsayang ng oras ang mga guwardiya at nilabas nila ang lubid at papalibutan na sana nila si Jac
Read more
Kabanata 3237
Isa sa pinakamayayamang pamilya sa Pearl City ang Damien Family, at si master Damien ang pinuno niyo. Isa rin siyang ginagalang na tao sa Pearl City.“Lolo!” Sigaw ni Jack nang makita niya si Adolf.Gusto niyang tumakbo palapit sa kaniyang lolo, pero nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Tanging mag-alala ang kaya niyang gawin.Nang makita ni Adolf ang paghuli sa kaniyang apo ay naginig at lumuhod siya sa harap ni Damien.“Lumala ang kalagayan ng Yound Miss at kasalanan ko ito, Master Damien. Walang kinalaman ang aking apo sa nangyari. Pakiusap, pakawalan mo siya.” Pagmamakaawa nito.Dahan-dahang tumayo si Damien at walang ekspresyon ang kaniyang mukha. “Palagi akong naniniwala sayo, Adolf. Hindi ko inakalang makakagawa ka ng malaking kamalian ngayon. Alam mong mahal na mahal ko si Lolita. Siya rin ang huling henerasyon ng pamilya Damien. May nangyaring masama sa kaniya kaya paano kita mapapatawad?”Kumuway si Damien at nagsalita. “Itapos sina Adolf at ang kaniyang apo sa dagat
Read more
Kabanata 3238
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Darryl. ‘Mayroong kasanayan sa medisina ang lalaking ito?’Bumalik sa wisyo si Adolf at kinausap si Darryl habang nag-aalala. “Tigilan mo ang pagsasalita ng walang kabuluhan.”‘Kung alam niya kung paano manggamot ng tao, bakit lubha siyang sugatan at nakahiga sa pangpang at halos mamatay na? Kung hindi ko siya nakita, paniguradong namatay na siya.’ Naisip ni Adolf.“Hinangaan ko ang iyong tapang, pero masyadong marami akong nakitang mga tao na mataas ang tiwala sa sarili gaya mo at tingin nila’y matalino sila. Sinabi mong kaya mong gamutin ang aking apo pero sinusubukan mo lang pahabain ang oras, hindi ba?” Malamig ang ngiti ni Damien sa kaniyang pahayag.Nagliwanag ang mga mata ni Damien. “Naisip mo na ba ang tungkol sa mga kapalit ng panloloko sa aking pamilya?”Pagtapos ay sumabog ang nakakatakot na aura mula sa katawan ni Damien; nakakagulat at mahirap huminga.Huminga ng malalim si Darryl, mukha itong kalmado at matapang. “Hindi ako nagbibiro o
Read more
Kabanata 3239
Kumalma at tumango si Darryl. “Oo, meron! May paraan, pero magulo at komplikado ito.”Sa isang tingin lang ay sigurado si Darryl na mayroong malamig na enerhiya sa katawan si Lolita na nagdulot ng panghihina nito.Ang kaniyang sakit ay ang pinakamahirap gamutin. Mukhang gumamit ng maling medisina si Adolf na nakapagpalala sa kondisyon ng abbae. Pero madali lang ito para kay Darryl. Isa pa, natutunan niya ang kasanayan sa medisina sa Divine Farmer.Nagulat si Damien sa kaniyang narinig.Nang sandaling iyon ay hindi na nagsayang pa ng oras si Darryl. “Pakihanda ang kahoy na bariles.”Hindi kaaya-aya ang hitsura ni Laura. Bilang kasambahay, siya ang palaging nag-uutos kaya paano nagawang mag-utos ni Darryl? Pero nasa tabi nila si Damien, kaya hindi siya nagtangkang magsalita. Kaagad siyang kumilod para ihanda ang bariles.Di nagtagal at handa na ang kahoy na bariles at lumapit si Darryl sa lagayan sa gilid para pumili ng mga halaman. Mahigit isang taon nang may sakit si Lolita at na
Read more
Kabanata 3240
Nabuhayan si Damien at mabilis itong naglakad papasok sa kwarto habang nakangiti nang makita niya ang sitwasyon.Nakita nita ang namumula at mukhang maliksing si Lolita.“Lolo! Naging sobrang maayos ang pakiramdam ko. Niligtas baa ko ni Adolf?” Mahinang sambit ni Lolita nang makita niya si Damien.Sobrang hina ni Lolita bago ang medicinal bath at wala siyang malay palagi, kaya hindi niya alam ang sitwasyon.“Ha-ha, magaling! Hindi iyon si Adolf; isa iyong batang ginoo.” Nasabik si Damien.Pagtapos at tumalikod siya at sumigaw sa nasa labas na si Darryl. “Mister, bilisan mong lumapit dito.”Sobrang saya ni Damien at nakalimutan nitong nakababad pa rin sa kahoy na barilyo ang kaniyang apo. Basang basa ang buong katawan nito at hindi angkop ang pumasok doon si Darryl.Ngumiti naglakad papasok si Darryl nang marinig niya ang sigaw. ‘Naging matagumpay ba?’Parehong nagulat sina Adolf at Jack nang tumayo sila sa labas. Naisip nilang gusto lamang magkaroon ng mas maraming oras ni Darr
Read more
Kabanata 3241
Kung hindi siya niligtas ni Adolf ay namatay na siya sa ilalim ng dagat. Isa pa, hindi maganda ang kahoy na bahay ni Adolf sa tabing dagat.“Mabuti ang pagkakaroon ng pasasalamat. Bihira ka.” Tumango si Damiel bilang pag sang-ayon.Pagtapos ay nag-utos siya sa kaniyang mga kasambahay na ibigay ang mga gintong barya kina sa mag-lolo. Naibalik ni Adolf ang kaniyang buhay at nakatanggap ng malaking gantimpala. Mahigit sampung segundo siyang nagulat bago siya bumalik sa wisyo at nagpakita ng pasasalamat kay Darryl.Pagtapos ay nakalis na ang mag-lolo.“Mister Darryl, labis akong nanghihingi ng tawad dahil hindi ka nakatanggap ng gantimpala. Kaya maghahanda ako ng pagdiriwang at ikinagagalak kong maging bisita ka.” Hindi naitago ni Damien ang kaniyang pagkasabik.Hindi nagdalawang-isip si Darryl na tumango at ngumiti. “Sige!”Dinala siya sa Pear City pagtapos niyang magising mula sa pagkaka-coma at matagal na panahong siyang naroon kaya gutom na siya. Isa pa, naisip ni Darryl na kamuk
Read more