All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3331
- Chapter 3340
7044 chapters
Kabanata 3332
Sinigawan ng Golden Lion Paladin si Darryl. “Hoy! Mas lalo kang tumatapang. Anong karapatan mo para sabihin inapo ka ni Master Franklin.”Si Master Franklin ang ninunong bumuo sa Temple of Light at isa siyang kilalang lehendaryo sa maraming henerasyon. Walang respeto ang magkunwari si Darryl bilang inapo nito. Mayroon ding mga nakatala sa Temple of Light na nagsasabing naglaho na si Master Franklin mahigit 2000 taon na ang nakalipas, kaya paano nito magiging inapo si Darryl?Unti-unting bumalik sa wisyo ang ibang paladins at nagsimula silang titigan si Darryl habang sinisermonan ito.“Tama; napakatapang ng lalaking ito. Wala siyang respeto sa Temple of Light!”“Huwag na kayong magsayang ng oras sa pakikipag-usap sa kaniya!”“Patayin siya!”Pagtapos ay pinasabog ng 12 paladins ang kanilang internal na lakas kay Darryl. Naging mabigat at nakakalungkot ang kapaligiran.Sa parehong sandali, kumunot din ang noo ni Yalena, napuno ng galit ang kaniyang mga mata. ‘Mas lalo siyang nagigi
Read more
Kabanata 3333
Tumango si Yalena at kaagad na pinatawag ang singkwentang guwardiya para pamunuan ni Darryl. Pagtapos ay umalis ang lahat sa templo at nagtungo papuntang plaza. Habang naghihintay sila sa labas ay tiningnan ni Darryl ang 12 paladins at ngumiti. “Makinig ang lahat, simulan na ang kompetisyon! Sinong gustong mauna?”“Hey, huwag kang magyabang. Pamumunuan ko ang isang daang guwardiya para maunang lumaban sayo!” Malamig na sambit ni Golden Lion Paladin.“Hindi magagawang baliin ng isang daang katao ang aking pormasyon. Sa tingin ko, kayong 12 paladins ay dapat sabay-sabay na umatake!” Walang ganang sagot ni Darryl habang umiiling.Napahiya si Golden Lion Paladin sa sinabi ni Darryl. “Masyado kang mayabang.”Nagkiskis siya ng ngipin at kinausap ang ibang paladins. “Dahil malaki ang tiwala niya sa sarili, sabay-sabay tayong umatake. Makikita ko kung gaano kalakas ang pormasyong ginawa ng lalaking ito na nagsasabing inapo raw siya ni Master Franklin!”Tumango ang ibang paladins habang
Read more
Kabanata 3334
Hay*p! Paano ito nangyari?’ Galit na galit si Golden Lion Paladin at ang natitira pang 11 paladins.May kinalaman sa dangal ng Temple of Light ang laro. Nang sandaling iyon, hindi nila natalo ang singkwentang kataong pinamunuan ni Darryl kahit mas madami ang kanilang bilang?Nakakahiya iyon.Nang sandaling iyon, hindi pa rin alam ni Golden Lion paladin at ng lahat na ang Nine Palaces Bagua Formation ang binuo ni Darryl. Orihinal na nanggaling ang pormasyong ito sa Origin Sky Bagua Formation pero madaming binago rito. Kahit mas marami pa ng sampung beses ang mga tao ay mahihirapan sialng pumasok dito.Galit at gulat ang Golden Lion paladin at ang iba pang paladins habang sinubukan nila ang iba’t ibang paraan para atakihin si Darryl. Subalit nainis sila sa singkwentang kataong kasing tatag pa rin ng isang bundok.Nagsalita si Yalena makalipas ang kalahating oras. “Sige! Tumigil ang lahat.”Napansin niyang hindi pa rin matalo-talo ng Golden Lion paladins at ng iba pa si Darryl makal
Read more
Kabanata 3335
Nagkagulo rin ang mga nakapalibot ng mga guwardiya. Pagtapos ay tinuon nila ang kanilang atensyon kay Darryl at wala silang masabi.Kasabay nito, nanigas din si Darryl pero sikreto itong natuwa. ‘Hindi ito inaakala. Gumagawa-gawa lamang ako ng kwento, hindi ko lang naloko ang Goddess of Light pero naparangalan din ako ng posisyong Saint of Honor. Nakakatuwang isipin na maaari akong mag-utos sa kahit na sino sa Temple of Light.’“Iyong Kamahalan! Hindi pa rin kami sigurado kung inapo ni Master Franklin si Darryl. Paano siya papangalanang Saint of Honor? Isa pa, wala siyang saint energy sa kaniyang katawan. Kapag nahuli siya ng iba sa hinaharap, hindi kaya’t masira niya ang reputasyon ng Temple of Light?” Hindi mapakaling sumigaw si Golden Lion Paladin at kinamumuhian niyang tiningnan si Darryl.Nang sandaling iyon, nagsalita rin ang ibang paladins.“Pag-isipan ninyo itong maigi, Iyong Kamahalan!”“Walang espesyal kay Darryl bukod sa pagiging swerte.”Patuloy ang pagkomento nila sa
Read more
Kabanata 3336
”Anong klase ng pustahan?” Kumunot ang noo ng Golden Lion Paladin.“Simple lang; hinayaan mo akong sundutin ang iyong katawan. Siguradong lalapit ka sa akin bukas ng umaga para manghingi ng tulong. Kung tama ako, dapat buong puso kang makinig sa aking mga utos, pero pag mali ako, bibitawan ko ang posisyon ko bilang Saint of Honor. Ano sa tingin mo?” Nakangiting paliwanag ni Darryl.Nang sandaling iyon ay nagulat ang Golden Lion Paladin. Pagtapos ay tumawa siya. “Kaya mo talagang magyabang. Isang kalabit lang at lalapitan kita para tulungan bago mag-umaga? Sige, makikipagpustahan ako sayo.”Hindi nagsayang ng oras si Darryl at itinaas niya ang kaniyang kamay para hawakan ang acupoint ng Golden Lion Paladin. Isa ang Fengma acupoint sa pinakamahalagang acupoints sa katawan ng tao. Walang magiging epekto sa simula kapag napindot. Pero paglipas ng ilang sandali, magsisimulang magpakita ng sintomas ng pamamaga at pamamanhid ang iyong katawan. Mas magiging malala ang sintomas habang mas tu
Read more
Kabanata 3337
’Pagtapos hanapin ang pangalawang kalahati ng volume, magagawa ko nang umalis dito at bumalik sa The Nine Continent.’ Naisip ni Darryl.“Isang libong taon na ang nakalipas nang magkaroon ng digmaan sa Temple of Light. Nawala ang kalahati ng volume na parang bula.” Sambit ni yalena, nahiya siya habang kagat niya ang kaniyang labi.Pagtapos ay nagpatuloy siya. “Pero nitong mga nagdaang taon, nagpadala ako ng 12 paladins para maghanap ng balita. Naniniwala akong mahahanap naming ang nawawalang kalahati ng volume!”Medyo gumaan ang pakiramdam ni Darryl sa kaniyang narinig.“Mister Darryl.” Kinagat ni Yalena ang kaniyang mga labi, nag-alangan siyang magsalita. “Maaari mo bang i-translate ang nakasulat sa unang bahagi ng volume?”Tumango si Darryl at sinimulan niyang i-translate ang bawat pangungusap.Nakinig maigi si Yalena, makalipas ang kalahating oras ay nagawa niyang maintindihan ang misteryo.“Napaka-misteryoso at nakakamangha ang laman ng scripture.” Nagbuntong hininga ang baba
Read more
Kabanata 3338
”Hindi na kailangan.” Mabilis tumanggi si Darryl nang hindi nag-iisip.‘Ang pinaka-importante ay ang mahanap ko si Yuri. Hindi ko maaaring hayaang sundan ako ng Paladins habang naghahanap ako.’ Naisip niya.Hindi na nagpumilit pa si Yalena, nakangiti itong nagsalita. “Sige. Lumalalim na ang gabi, magpahinga na po kayo, Ginoo!”Maamo ang tingin sa mukha ni yalena. Ibang-iba ang kaniyang karakter sa mayabang niyang pag-uugali sa templo.Tumango si Darryl at nagpaalam kay Yalena nang bumalik siya sa kaniyang kwarto. Mahimbing ang tulog niya nang gabing iyon.Sumigaw ang hindi mapakaling boses mula sa labas ng pintuan ni Darryl kimaumagahan. “Mister Darryl!”Nagkamot ng mga mata si Darryl at binuksan niya ang pintuan. Hindi siya makatawa nang makita niya ang sitwasyon sa labas. Nakatayo sa labas ng pinto ang Golden Lion Paladin, iniikot niya ang kaniyang katawan at mukhang hindi siya kumportable.Pagkabukas pinto, umarteng tila hinahawakan niya ang mga straw habang nagmamakaawa kay
Read more
Kabanata 3339
Kinuway ni Yalena ang kaniyang kamay at nagsalita. “Well, maaari ka nang umalis!”“Masusunod, Iyong Kamahalang Goddess of Light!” Sabay-sabay na sagot ng 12 paladins bago sila umalis patungong kontinente.…Samantala, sa Crescent Moon Principality, umiinom ng wine ang hari sa kaniyang palasyo sa royal city.Nang sandaling iyon, dali-daling pumunta roon ang isang guwardiya habang mukha itong natataranta. “Iyong Kamahalan, pinasok ng hukbo ng Day Rise Principality ang dalawa sa ating siyudad.”Matinding namawis ang guwardiya at nanginig ang kaniyang boses nang magsalita siya.Tumigil ang pagtibok ng puso ng Hari sa balitang natanggap, mabilis itong umupo ng maayos.“Napakalakas ng mga sundalo ng Day Rise Principality?” Galit nitong sambit.Kahapon lang ay may narinig na balita ang Hari patungkol sa planong pag-atake sa kanila ng Day Rise principality. Subalit hindi niya sineryoso ang balitang iyon dahil malalakas ang anim na principalities ng Roland Continent. Kahit na maymangyar
Read more
Kabanata 3340
Nainis si Albert. Sa parehong sandali, papunta na ang isang grupo mula sa dalawang principalities habang direktang inatake naman ng isa pang grupo ang Day Rise Principality.Sa ganitong sitwasyon, kailangang umatras ni Albert sa lalong madaling panahon. Sinama niya ang mga punong puwersa ng Day Rise Principality, kaya naman walang laman ang depensa sa border. Subalit kung aatras at manghihingi siya ng tulong ay kailangan niyang sumuko sa Storm City, matinding nakipaglaban ang siyudad para manakop.Sumakit ang ulo ni Albert nang harapin niya ang problema!Nang sandaling iyon, mahinang nagsalita ang katabi nitong si Yuri habang seryoso ang tingin sa mukha. “Kailangan mong pamunuan pabalik ang grupo para tumawag ng maraming tulong, Albert. Pamumunuan ko ang ibang grupo para magbantay sa Storm City.”Natuto siya tungkol sa mga pormasyon noong kasama niya si Darryl kanina. Hindi magiging problema para sa kaniya ang depensahan ang Storm City. Katunayan ay hindi interesado sa labanan si Y
Read more
Kabanata 3341
Nang sandaling iyon ay kumapit si Albert para sa kaniyang buhay sa alrangan ng digmaan!“Nakaka-inspire ka naman, pero huwag mong kalimutan na ang principality mo ang nagsimula ng gulo. Sinakop mo ang dalawa sa mga siyudad ng Crescent Moon principality. Lumalaban lang kami sa kung anong ginawa mo.” Bahagyang natawa si Winson.“Tumahimik ka! Mayroong suporta ng Goddess of Light ang Day Rise Principality. Kagustuhan ng langit ang magkaisa ang kontinente. Hindi gusto ng langit ang pagtulong mo sa Crescent Moon Principality.” Sigaw ni Albert, mapula ang kaniyang mga mata.“Ikaw…” Hindi alam ng nagulat na si Winston kung ano ang kaniyang isasagot.Nagtaka si Darryl habang nanginginig ang kaniyang puso, kumunot ang kaniyang noo. ‘Ano? Impostor ang Goddess of Light na tinutukoy ni Albert, hindi ba? Alam kong nasa Temple of Light pa ang totoong Goddess of Light. Tinuruan ko siya kagabi tungkol sa mga pormasyon.’“Alber!”Sikretong bumulong sa sarili si Darryl, nakita niyang nag-react si
Read more