All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3471
- Chapter 3480
7044 chapters
Kabanata 3472
Natuwa nang husto si Grady sa naging asal ni Donnie sa kaniya.“Bakit wala ka pa sa manor ng inyong pamilya ngayong nakabalik ka na pala sa city? Ano ang ginagawa mo rito nang ganitong oras?” Sabi ni Grady.Napabuntong hininga na lang si Donnie sa tanong ni Grady bago mapait na ngumiti at sumagot ng, “Si Lolita na ang tagapagmana ng pamilya kay paano ko magagawang bumalik doon? Alam mo namang hindi maganda ang naging tingin sa akin ni Lolita.”Tama nga rito si Donnie. Hindi kailanman siya nagustuhan ni Lolita kahit na noong bata pa ito dahil isa siyang walang pinagaralan at walang kuwentang miyembro ng pamilya. Nasa kamay na ni Lolita ang pamilya Damien kaya paano nito magagawang tanggapin ang pagbabalik ni Donnie sa kanilang pamilya na nagkaroon ng masamang reputasyon sa kanilang city?”Tumawa naman dito si Grady habang nagiisip nang malalim at sinasabing, “Gusto mo bang maging bagong head ng pamilya Damien?”Agad na kumabog nang husto ang dibdib ni Donnie habang walang pagaalinl
Read more
Kabanata 3473
“Sumosobra na talaga si Grady! Nagawa niyang magdala ng mga tauhan dito para manggulo matapos kong tanggihan ang alok niyang kasal?” Isip ni Lolita habang mabilis na naglalakad palabas, agad naman siyang sinundan ni Laura.Nang magawa niyang makalabas, agad siyang napabuntong hininga matapos niyang makita ang nangyayari sa kaniyang harapan. Daan daang mga bantay ang nagtipon tipon sa labas ng kanilang hall. Nagmukhang agresibo ang mga ito habang hawak hawak ang naglalakihan nilang mga espada habang nagrerelax namang nakatayo si Grady sa kanilang harapan.Makikita naman sa kabilang banda ang mga miyembro ng pamilya Damien, tumayo sila sa isang lugar na malayo sa mga tauhan ni Grady at walang kahit na sino sa mga ito ang nagtangkang lumapit sa mga iyon. Hindi na naging ganoon kaimpluwensya ang pamilya Damien mula noong mamatay si Master Damien. Kaya natural lang na hindi nila magawang harapin na para bang kapantay lang nila ang pamilya McClaren.At sa wakas ay nagising na rin si Lolit
Read more
Kabanata 3474
“Wala akong pakialam kung ano pa ang iyong balak pero usapin na ito ng pamilya Damien. Wala ka na sa posisyon para magdesisyon kung sino ang dapat na mamuno sa amin o hindi!” Sumigaw si Lolita kay Grady habang walang respeto siyang tinitingnan nito.“Ako ang magiging pinuno ng pamilya Damien sa sandaling mamatay ang aking lolo. Ito ang huli nitong bilin bago siya mamatay kaya sino ba sa amin ang mas may kakayahan kaysa sa akin?” Nagmukha itong determinado habang nagsasalita.Dito na biglang natahimik ang lahat. Maraming mga miyembro ng pamilya Damien ang tumango at sumangayon sa mga sinabi ni Lolita, “Oo nga, si Master Damien mismo ang nagdesisyon na ilagay si Ms. Lolita sa posisyong ito. Sino pa ba sa atin ang may kakayahang gawin ito maliban sa kaniya?”Habang bumubulong ang lahat, isang malalim na boses ang biglang sumagot ng, “Ako!”Dito na naglakad palabas ang isang lalaki mula sa gitna ng mga bantay. Ito ay walang iba kundi si Donnie na nagpakita ng isang malademonyong itsura
Read more
Kabanata 3475
Nagecho ang malulutong na tunog ng sampal sa mukha ni Laura sa buong kuwarto. Agad na nagulat sa nangyaring ito ang buong pamilya Damien.Pagkatapos masampal ng napakaraming beses, namaga nang husto ang mga pisngi ni Laura na umabot sa punto na kung saan hindi na ito nakapagsalita.“Sino pa ang may gustong sabihin tungkol sa akin?” Nanlalamig na sinabi ni Donnie habang tumitingin sa paligid.Tumingin ang lahat sa isa’t isa habang sumasagot ng, “Pinuno!”“Pinuno!”Kinilala ng pamilya Damien si Donnie bilang bago nilang pinuno. Alam ng karamihan sa kanila na hindi kwalipikado o walang sapat na kakayahan si Donnie para mamamuno sa pamilya Damien pero wala na silang iba pang choice. Mahahalatang sinusuportahan ito ni Grady kaya sino sa kanila ang magkakaroon ng lakas ng loob para harapin si Donnie?Agad na napuno ng desperasyon si Lolita sa kaniyang nakita. Naramdaman niya na wala nang kahit na sino ang tumulong sa kaniya maliban kay Laura kahit na ang karamihan sa mga ito ay mga sar
Read more
Kabanata 3476
Dahan dahan namang nagising si Angeline habang natutulala si Darryl sa kaniyang kinauupuan. Namumula pa ito habang nakatingin siya kay Darryl. Agad siyang nakaramdam ng kahihiyan at inis noong mga sandaling iyon.Humanga nang husto si Angeline kay Darryl sa sandaling panahon nilang nagkasama. Napahanga si Angeline ng kakayahan ni Darryl na makipagusap sa mga halimaw at sa angkin nitong talino. Ilanga raw na ang nakalilipas mula noong iligtas ni Darryl ang buhay ni Angeline nang tumakas ito sa palasyo at makaengkwentro ng isang higanteng dragon. At pagkatapos ay nagawa rin nitong manalo sa laban nila ng mismong envoy ng Day Rise Principality sa ginanap na Golden Lion Competition. Agad na napahanga ang buong Golden Lion Principality sa ipinakita nitong diskarte.Pero hindi niya aakalaing magkakaroon sila ng relasyon ni Darryl.Mas natulala pa nang husto ang mukha ni Darryl nang mapansin niya ang itsura ni Angeline.“Princess Angeline… A-ano ang nangyari kanikanina lang…ako…” Sinubuka
Read more
Kabanata 3477
Hindi nagtagal ay nakarating na rin si Darryl sa kuwarto ng mahal na Reyna. Nakasuot ito ng magandang robe na nagpakita sa kaniyang ganda at kaseksihan habang naglalabas ng isang marangya at engrandeng aura. Mukhang maganda ang mood ng reyna habang mas nagmumukhang attractive sa kaniyang ngiti.Pero agad na ninerbiyos dito si Darryl. Inisip niya kung sinabihan ba ni Angeline ang Reyna tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa kahapon.Ngumiti naman ang Reyna nang maglakad si Darryl papasok sa kaniyang kuwarto habang simasangayon niya itong tinitingnan, “Narinig ko na naging maayos ang lahat kahapon nang magpunta kayo sa manor ni Marshall para kumpiskahin ang lahat ng kaniyang mga ari arian. Magaling.”“Maraming salamat po, Kamahalan. Sinusubukan ko pong gawin ang lahat para makapaglingkod nang maayos sa inyo.” Mabilis na isinagot ni Darryl.Nagbuntong hininga ito habang nagsasalita. “Mukhang wala pa ring ideya ang Reyna tungkol sa nangyari samin ni Angeline.”Natuwa nang husto ang Re
Read more
Kabanata 3478
Naging miserable ang lagay ni Lolita, hindi lang siya nawalan ng kontrol sa pamilya Damien dahil nawalan na rin siya ng kalayaan sa mga sandaling iyon. Ang pinakadumismaya sa kaniya ay ang pagpapakasal niya sa hayop na si Grady sa loob ng ilang araw.“Paano itong nangyari sa akin? Ano ba ang ginawa kong mali? Bakit ako pinaparusahan ng diyos?”Habang mas iniisip ay mas naging depressed si Lolita sa kaniyang sitwasyon. Kasabay nito ang pagpapakita ni Darryl sa kaniyang isipan. “Tutulungan kaya ako ni Darren sa sandaling nandito siya ngayon?”Iniling na lang ni Lolita ang kaniyang ulo habang inaalis ito sa kaniyang isipan. “Si Darren ang pumatay kay Lolo kaya bakit ko pa ba siya nagagawang isipin?”Nang bigla siyang nakarinig ng isang malademonyong tawa mula sa labas ng pinto ng kaniyang kuwarto. Dito na nagpakita ang may tagumpay na mukhang si Grady sa bintana ng kuwarto.“Ano ang ginagawa mo rito? Umalis ka na!” Naiinis na iyak ni Lolita habang nanginginig sa galit ang kaniyang ka
Read more
Kabanata 3479
Biglang nagpakita ang isang imaheng dumaan sa harapan ng 12 paladins habang namumutla si Golden Lion Paladin at ang kaniyang mga kasama. Agad na nakahinga nang maluwag ang mga ito habang nagtitipon tipon sa paligid ni Pegasus Paladin para tanungin ito nang walang tigil.“Pegasus Paladin!”“Nakabalik ka na rin sa wakas!”“Bakit ba natagalan kang bumalik?”Huminga nang malalim si Pegasus paladin habang nakangiting sumasagot ng, “Kinakailangan ninyong maghanda. Mayroon akong magandang balita para sa inyo.”Maingat na tumingin sa kaniyang paligid si Pegasus paladin habang bumubulong na sinasabing, “Nakakita ako ng isang Saint Lord na gumawa ng isang antidote para sa ating lahat.”Natigilan sa balitang ito sina Golden Lion Paladin at ang kaniyang mga kasama. At pagkatapos ay agad silang nabalot ng saya.“Mukhang nananatili sa Golden Lion Principality ang Saint Lord na ito na siya ring nakilala bilang tagapaglingkod ng mismong Reyna…” Nakangiting sinabi ni Pegasus Paladin.Pagkatapos
Read more
Kabanata 3480
Agad namang tumutol sa ideya ni Bonnie sina Pegasus Paladin, Golden Lion Paladin at ang iba pang mga paladin.Agad siyang nainis nang makita niyang tahimik ang 12 paladins habang nagbabago ang itsura ng mga mukha nito. “Ano? Mayroon ba kayong mga tanong?”Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero masyado pa ring overwhelming ang nakakatakot niyang aura. Para kay Bonnie, kahit na malakas ang 12 paladins ay nagawa pa rin niya itong mapayuko at lasunin. Siguradong mamamatay ang mga ito sa sandaling sumuway sila sa kaniyang gusto. Hindi pa rin ni Bonnie hanggang sa mga sandaling ito na wala na ang lasong nilagay niya sa katawan ng mga paladin.At sa wakas ay sumagot na rin si Pegasus Paladin matapos nitong magising sa katotohanan. Nagpakita ito ng isang ngiti sa kaniyang mukha habang sumasagot ng, “Hindi po namin kayo bibiguin, Goddess of Light.”Gusto niyang labanan si Bonnie noong mga sandaling iyon pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili matapos niyang maalala ang paalala
Read more
Kabanata 3481
Sexy ang katawan ng babae at napakaganda ng mukha nito, mukha siyang cool at matapang. Naglaba din ito ng espesyal ng klase ng aura.Iyon ay si Thea, ang babaeng tumulong kay Darryl na makatakas sa Pearl City.‘Thea?’ Nasorpresa at natuwa si Darryl nang makita niya si Thea.Wala pa ring ideya si Thea na mayroong dahan-dahang papalapit sa kaniya. Inoobserbahan niya ang sitwasyon sa manor sa halamang bakod.Napagdesisyunan niyang huwag nang muling bumalik sa Pearl City pero nagbago ang kaniyang isip nang malaman niyang magkakaroon ng Holy Light Ceremony ang Goddess of Light at patay na ang mayor. Bumalik siya sa Pearl City para tingnan ito. Narinig niya ang Second Young Master ng pamilya Damien pagkabalik niya at kinunha ang posisyon mula kay Lolita. Pinilit niya rin si Lolita na pakasalan si Grady.Hindi magkakilala sina Thea at Lolita pero asawa ni Darryl si Lolita, kaya naisip niyang maaari niyang iwanan mag-isa si Lolita. Totoong kaibigan ang turing ni Thea kay Darryl kaya paano
Read more