All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3601
- Chapter 3610
7044 chapters
Kabanata 3602
Nang nalaman ni Garuda na napadpad ang Reyna ng Pulang Maya sa bangin, agad siyang lumipad doon kasama ang dalawa pa para tingnan siya. Sobrang malalim ang bangin, pero magaling silang lumipad, kaya matagumpay silang nakarating doon.Tuwang-tuwa at nasasabik si Garuda nang makita niya ang reyna. Gayunpaman, napahinto siya nang maramdaman niya ang mahina ang kanyang kalagayan. Nagningning ang kanyang mga mata, at sinabi niya sa kanyang sarili, 'Labis ba ang pinsala ng reyna? Ito na ba ang pagkakataon ko?'Ang Reyna ng Pulang Maya ay may tatlong kanang kamay - si Phoenix, Peacock, at Garuda. Sa puso ni Garuda, tiwala si Garuda na magaling siya kung hindi man ay mas magaling kumpara sa dalawa pa, pero mukha hindi pinapahalagahan ng reyna ang kanyang lakas. Halimbawa, nautusan siyang manatili lamang sa punong-tanggapan samantalang may laban sa pagitang ng Mabangis na Alyansa, na siyang nagpa-irita sa kanya ng kaunti. Gayunpaman, kahit na naiinis siya, hindi siya naglakas-loob na ipakit
Read more
Kabanata 3603
Mukhang walang epekto kay Garuda ang kanyang galit. Kumuha siya ng ilang hakbang at tumingin sa kanya nang may ngisi. "Pulang Maya, alam mo ba na karamihan sa iyong mga tauhan ay pinangako ang kanilang alyansa sa Hari ng Puting Tigre matapos kang makitang mahulog sa bangin?"Nang marinig iyon, halos mapigtad ang buong katawan ng reyna, at napatigil siya. Galit na galit siya at hindi mapigilang sisihin ang sarili. Kasalanan niya ang lahat ng iyon. Minaliit niya ang kanyang kalaban. Habang sinisisi niya ang kanyang sarili, malamig na sinabi ni Garuda, "Pulang Maya, lahat ng iyon ay nangyari dahil sa pagiging mapagmataas mo. Hayaan mong sabihin ko sa'yo kung paano maililigtas ang Alyansa ng Lumilipad na Pakpak. Kailangan mong ipasa sa akin ang Lakas ng Ninuno ng mga Ibon at gagarantiyahan ko ang mga alyansa na lalakas pa sa ilalim ng aking pamamalakad!"Halos kilabutan ang katawan ng Reynang Maya, at matalim siyang tumitig dito. "Ang lakas ng loob mo, Garuda! Lumagpas ka na sa linya!"
Read more
Kabanata 3604
'Bakit hindi nila ako sinundan?' Tumigil siya, at kapag mas lalo niya iniisip ang tungkol dito, mas lalo siyang nagtataka. Kaya nag-desisyon na lang siyang bumalik para tingnan ang reyna. Nang nakabalik na siya sa lugar, agad siyang napatigil sa kanyang nakita. Si Garuda at ang dalawa niyang kasama ay nakapalibot sa Reyna ng Pulang Maya, at ang kanyang katangi-tanging mukha ay nawalan na ng kulay. 'Anong nangyayari?' Naramamdaman ni Darryl ang pag-ugong ng kanyang isipan habang tinatapon sa estado ng pagtataka. 'Hindi ba ay tauhan niya ang tatlong iyon? Bakit siya inaatake ng mga ito? Nagre-rebelde ba sila laban sa kanya?'"Pulang Maya! Sumuko ka na! Hindi mo kami kaya ngayon. Hahayaan kitang mabuhay kapag binigay mo sa akin ang Lakas ng Ninuno ng mga Ibon!" sigaw ni Garuda. Kinagat ng reyna ang kanyang mga labi at hindi na nagsalita, pero masasabi na sa kanyang tingin ng determinasyon sa kanyang mga mata. Nakapag-desisyon na siya na mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa ibigay a
Read more
Kabanata 3605
Tiningnan ni Garuda ng isang beses ang Reyna ng Pulang Maya bago umalis, at makikita ang inis sa kanyang mga mata. 'P*ta! Malapit na ako, eh! Gah! Pero magiging hulo para sa akin kung hindi ako aalis ngayon.'Ang dalawa niyang kasama ay natataranta, at agad silang nawala sa dilim kasama si Garuda. Napabuntong hininga ang Reyna ng Pulang Maya nang nakitang wala na sila. Sa parehong pagkakataon, mukha siyang mapagmatiyag sa kabilang direksyon at naramdaman ang pait na bumabalot sa kanyang puso. Mukhang hindi siya makakuha ng pahinga. Nang nasa dulo na siya ng kanyang kalungkutan, nakita niya ang gwapong pigurang palakad-lakad papunta sa kanya nang may mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. "Ikaw-" nagulat siya nang nakita niyang ito ay si Darryl. 'Anong nangyayari? Boses ng Hari ng Puting Tigre ang narinig ko, kaya papaanong si Darryl ang nakatayo rito?'Humagalpak si Darryl nang nakita niya ang ekspresyon sa mukha ng reyna. "Reyna ng Pulang Maya, tiwala akong wala na ang tatlong
Read more
Kabanata 3606
Pagkatapos 'non, kapag lalo niyang iniisip iyon, mas lalong napapansin niyang may mali. Napaka-impsosible na bumaba ang Hari ng Puting Tigre sa abandonadong lugar na ito. Nag-desisyon siyang bumalik kung nasaan ang Reyna ng Pulang Maya. 'P*ta!' iyak ni Darryl sa kanyang puso nang makita si Garuda at ang kanyang dalawang tauhan. Ang reyna rin ay nataranta. "Lusob!" sigaw ni Garuda nang walang alinlangan habang lumusob siya kasama ang dalawa niyang kasama na nakasunod sa likod niya. Agad na tinawag ni Darryl ang kanyang Makalangit na Halberd at pinosisyon ang sarili sa harap ng Reyna ng Pulang Maya. "Aabalahin ko sila. Takbo!"Ang reyna ay agad binalot ng halu-halong pakiramdam nang nakita si Darrtl na buwisin ang kanyang buhay para sa kanya ng walang alinlangan. Umiling siya at sinabi, "Wala kang laban sa kanila. Iwan mo ako at umalis ka na rito!"Ang laban ay sa pagitan nila ni Garuda. Hindi niya gustong dalhin si Darryl mga problema ng Alyansa ng Nagliliparang Pakpak. Si Gar
Read more
Kabanata 3607
Mabangis na tumawa si Garuda. Tiningnan niya ng pang-aalipusta si Darryl at sinabi, "Malamang ay ikaw ang Diyos ng Dragon sa hukbo ng Berdeng Dragon. Ang iyong katayuan at lakas ay walang laban sa akin! Ang tanga lang isipin na kaya mo akong imano-mano para iligtas ang Pulang Maya. Pareho ko kayong ipapadala sa kung saan kayo nararapat!"Halos sumigaw siya sa huling linya, at mas lalong nahibang ang kanyang mukha. Gamit ang sable sa kanyang kamay, naglakad siya patungo kay Darryl. 'P*ta!' galit at pagiging desperado ang sabay na naramdaman ni Darryl. 'Ito na ang katapusan ko. Sa pagkakataong iyon, akala ko ay gagawa ang paggaya ko at sa ganoon ay ligtas na kami. Hindi ko naisip na babalik siya.'Hindi niya rin inaasahan kung gaano kalakas si Garuda. Maya maya, isang pulgadang layo na lang si Garuda sa kanya at inindayog ang kanyang sable sa kanya ng walang alinlangan. Nawala na ni Darryl ang kanyang buong lakas at sobrang hina para ilagan ang atake. Humugot siya ng malalim na hinin
Read more
Kabanata 3608
'Ano?' napipi si Darryl sa kanyang mga salita, at nagsimulang umugong ang kanyang isipan. 'Ibibigay niya ba talaga sa akin ang Lakas ng Ninuno ng mga Ibon?'Tapos ay sinabi niya, "Hindi, huwag mong gawin iyan. Hindi sapat ang aking kapangyarihan. Hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng Lakas ng Ninuno ng mga Ibon."Kahit na tiwala siya sa kanyang lakas sa Mundo ng mga Tao, mayroon din siyang sariling kamalayan na isa lamang siyang ganap na mababa sa lebel ng karaniwan sa lugar kung saang ginagawang bihag ang mga demonyo. Higit pa 'ron, ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon ay hindi talaga mahalaga. Sa katunayan, nakakabahala ito sa hinaharap na lahi ng buong lahi ng hayop. Ang isang malaking kapangyarihan ay may kaakibat na responsibilidad, kaya hindi siya naglakas loob na tanggapin iyon. Gayunpaman, ang reyna ay determinado at hindi tumatanggap ng sagot. Sa wakas ay nagising sa ulirat si Garuda, at bumalot ang galit sa kanyang mukha. "Walang kwenta ka, Pulang Maya! Ipapasa mo
Read more
Kabanata 3609
Habang nakatayo roon, si Garuda at ang kanyang dalawang tauhan ay labis na nagulat din. Ang paligid ay biglang naging tahimik. Sa wakas nang nanumbalik ang ulirat ni Garuda at tinitigan ng sobra si Darryl. "Ibigay mo ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon, gunggong! Ipasa mo ito ngayon!" sumigaw siya sa galit at sinisingil nang diretso si Darryl.Sa pagkakataong iyon, nabalot ng bayolenteng galit si Garuda. Ilang sandali ang nakalipas, mas nakakaangat siya. Malapit na niya sanang ipalabas sa reyna at kuhain sa kanyang mga kamay sa kapangyarihan, ngunit hindi niya inaasahan na susunugin niya ang kanyang sarili upang ilipat ang kapangyarihan kay Darryl. Hindi niya matanggap na si Darryl ay walang kahirap-hirap na nakuha ang lakas na nais niya nang sobra. Ang lakas na iyon ay para dapat sa kanya!"Mamatay ka na!" sigaw ni Garuda. Ang kanyang mahabang sable ay pinunit ang hangin at bumaba sa ulo ni Darryl. Ang dalawa niyang tauhan ay nilabas din ang kanilang kapangyarihan at sumugod p
Read more
Kabanata 3610
Matatag ang depensa ni Garuda! Paano naging posible para sa kanya na mabuhat pagkatapos ilabas ni Darryl ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon?Tumitig sila sa isa't-isa ng sampung segundo bago humgot ng malalim na hininga si Garuda, nang nangangalaiting ngipin, at sinabi, "Tatandaan ko 'yan, mokong." Tapos ay nagmadali siya kasama ang dalawa niyang tauhan at nawala sa paningin ni Darryl ng isang kurap. Hindi gusto ni Darryl na umalis nang may buntot sa pagitan ng kanyang mga hita, pero alam niya na ang mga bagay hindi magiging maayos para sa kanya simula nang makuha ni Darryl ang kapangyarihan. Mas mabuti na para sa kanya na umatras at bumalik nang may kasamang plano. Nandilim ang mukha ni Darryl, at kailangan niyang gamitin ang buong lakas sa kanyang katawan para pigilan ang sariling habulin sila. Maaring may gawin silang kahibangan kung susundan niya ito sa gilid. Tsaka, mas importante na ma-dalubhasa niya ang kapangyarihan hangga't maari.Sa ganoong pag-iisip, agad siyang u
Read more
Kabanata 3611
"Wala kang laban sa akin," sinabi ng Ghost Valley Sage kasama ang kakaiba sa hangin. Nandilim ang mukha ni Grunt na parang nakatanggap siya ng pinakamatinding kahihiyan sa kanyang buhay. "Itigil mo na ang walang kabuluhan na iyan at isuko ang iyong sarili!" mas tinaasan niya ba ang kanyang bilis. Mahinang humalakhak ang Ghost Valley Sage at hinarangan ang atake ni Grunt gamit ang kanyang kanang kamay. Pagkatapos, isang mabangis na labanan ang naganap sa hangin. Sa simula, maaaring hadlangan ni Grunt ang lahat ng mga pag-atake ng Ghost Valley Sage, ngunit sa paglipas ng oras, natagpuan niya ito nang higit pa at mas mahirap gawin iyon. Sa wakas, siya ay ganap na pinigilan ng Ghost Valley Sage. Sa sandaling iyon, ang lahat, kasama na ang Nine Heaven's Emperor ay nagulat sa pag-alam na walang tugma si Grunt laban sa Ghost Valley Sage. Tsaka, si Grunt ay isang mabangis na heneral, at ang kanyang kapangyarihan ay bantog sa buong Diyos na Rehiyon. Gayunpaman, ang Pantas ng Aparisyong La
Read more