All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3651
- Chapter 3660
7044 chapters
Kabanata 3652
Balak ni Garuda na umani ng benepisyo sa laban ng Hari ng Puting Tigre at Darryl. Agad na tinuon ng hari ang kanyang tingin kay Darryl pagkatapos marinig ang sinabi ni Garuda. Samantala, ang libu-libong miyembro ng mabangis na alyansa ay gulat na tinitingnan si Darryl. 'Si-si Darryl ay nakuha ang kapangyarihan ng reyna?'Nanumbalik sa wakas ang ulirat ng hari at tinanong si Darryl, "Kamahalang Darryl, totoo ba ang sinabi ni Garuda? Nakuha mo ba talaga ang kapangyarihan ng ninuno ng mga ibon?"Kuminang ang kanyang mga mata niya nang may halu-halong emosyon habang siya ay nagsasalita. Walang kwenta ang kapangyarihan na iyon. Humugot ng malalim na hininga si Darryl at dahan-dahang sumagot, "Oo, nasa akin ang kapangyarihan. Pero maling-mali si Garuda sa iba niyang sinabi, hindi ko kailanmang inisip na maging parte ng labanan sa pagitan ng mabangis na alyansa at ang alyansa ng nagliliparang pakpak. Kilala mo ako. Ang gusto ko lamang ay makaalis dito hangga't maari."Binigyan ni Dar
Read more
Kabanata 3653
Sa parehong pagkakataon, ang makulay na phoenix ay pinalibutan din ng miyembro ng mabangis na alyansa. "Sa tingin mo ba ay natatakot ako?" sigaw ng phoenix at tinapat ang kanyang mga kalaban. Nagsimula siyang lumaban ng seryoso sa daan daang miyembro ng alyansa. 'Mukhang hindi mapipigilan ang laban na ito!,' isip niya. Walang pag aalinlangang lumipad si Darryl sa hangin at tinaas ang kanang kamay niya na naging dahilan ng pagpilipit ng hangin sa paligid niya. Tapos ay isang matingkad na mga lilang apoy ang lumundag sa kanyang paningin. Ito ay ang Heavenly Sparro Spiritual Flame. Ang Heavenly Sparro Spiritual Flame ang bagong kaakit-akit na apoy mula sa pinagsamang White Lily Cold Flame at ang kapangyarihan na nakuha niya mula sa Reyna ng Pulang Maya. Ang kapangyarihan na ito ay mas nakakapanindig balahibo kaysa sa White Lily Cold Flame.Sa isang kislap ng mata, ang Heavenly Sparrow Spiritual Flame ay bumuo ng mala lila na pulang dagat ng apoy na mabilis na kumalat sa kapalig
Read more
Kabanata 3654
Pagkatapos, ang Hari ng Puting Tigre ay lumapit at inakate si Darryl. Nasa harapan siya ni Darryl sa isang iglap, malamig at hindi masaya ang kanyang mga mata, "Darryl, magaling kang talaga. Dinala ko ang madaming tauhan kasama ko at masasabi ko na nagulat ako na wala ni isa sa kanila ang kaya kang saktan. Ngayon, interesado akong makita ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon!""Mahal na hari! Niloko ka ni Garuda. Gusto niyang magpatayan tayong dalawa para siya ang magwagi!" Nangangalaiti at nanghihina si Darryl. Gayunpaman, sa punto ng oras na iyon, interesado lamang ang hari na mapasa kamay ang kapangyarihan, walang kabuluhan ang mga sinasabi ni Darryl sa kanya. Buzz!Hindi nag alinlangan ang hari na ipagpatuloy ang walang kabuluhang usapan at nilabas ang malakas na aura na mukhang nagpatigil sa hangin. Ang kanyang malakas at nakakatakot na aura ang siyang tumagos sa espasyo; ang mga tao ay naguluhan nang maramdaman nila ang pagbigat ng hangin!Sa sumunod na segundo, dahan-da
Read more
Kabanata 3655
"Darryl!" si Pabong Lilibeth na nasa ibaba, sigaw niya nang makitang naghihirap si Darryl mula sa suntok. Nag-aalala rin ang Makulay na Phoenix. Gusto niya lang pumunta sa tabi ni Darryl at tingnan ang kanyang mga natamo pero wala na siyang pagkakataon na gumalaw dahil pinalilibutan siya ng mga tauhan ng Hari ng Puting Tigre. Tinitigan ng hari si Darryl nang may bakas ng pagmamalaki sa kanyang tono nang nagsalita siya, "Darryl, alam mo ba na ikaw bilang isang tao lamang ay makakayanan na labanan ako?"Nagsimulang gumaan ang kanyang tono at tusong nagsalita, sinusubukang iligaw si Darryl ng landas. "Darryl, ako, bilang hari ng Puting Tigre, ay hindi isang kasuklam-suklam na taong susunugin ang mga tulay. Hindi ko malilimutan kung paano mo ako tinulungang makipag ugnayan sa Reyna ng Pulang Maya. Gayunpaman, ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon ay hindi sa'yo, isang tao, kaya mas mabuti para sa iyo na ibigay ito sa akin."Habang nagsalilita siya ay dahan-dahan niyang nilapitan si
Read more
Kabanata 3656
Nanginig ang Paboreal Lilibet nang marinig ang sinabi ni Darryl. Hindi maatim ng Colori Phoenix ito at tinuro si Darryl habang minura niya ito, "Walang hiya! Darryl, ang duwag mo! Mali ang nabasa sa iyo ng Reyna, ako at si Lilibet ay nabulag..."Malupit na sabi ni Phoenix, mas lalong galit ang kanyang naramdaman. Gusto niyang sugurin si Darryl pero ang mga tauhan ng Hari ng Puting Tigre ay agad siyang pinigilan. Hindi masambit ng hari ang kanyang kasiyahan habang pinupuri si Darryl, "Mabuti kung ganoon, alam ko ang sikat na kasabihan ng mga taong katulad mo - ito ay tinawag na taong tinutugma ang kanilang mga desisyon sa tamang oras ay matalino, Darryl, hindi mo ako binigo. Matapos mong ibigay sa akin ang Power of Bird Ancestor, palagi mong bisita ang karangalan ng angkan ng Puting Tigre.Habang nagsasalita siya, ngumiti ang hari at tumingin kay Darryl. "Sige, huwag na tayong mag-usap. Bakit hindi mo na lang ibigay ang Power of Bird Ancestor ngayon?"Humugot ng malalim na hining
Read more
Kabanata 3657
Buzz!Dumiretso si Garuda sa Hari ng Puting Tigre at pinakawalan ang makapangyarihan na aura. Nataranta ang hari nang maramdaman ang panganib sa kanyang likuran. Umikot siya at nakita na si Garuda ito. "May balak ka yatang mamatay kung may lakas ng loob kang sugurin ako!" dumagundong siya habang nangangalaiti ang kanyang mga ngipin at pulang pula ang kanyang mga mata. Hindi niya inasahang susubukan ni Garuda gumawa ng patagong atake dahil mukha siyang sunod-sunuran pagdating sa kanya. Pinatili ni Garuda ang kanyang postura kahit na nararamdaman niya ang nangangalaiting galit ng hari. Mukha siyang labis na sabik at sumigaw, "Sa tingin mo ba na susuko lang ako sa'yo? Ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon ay sa akin dapat! Ang sinumang sumubok na kuhain ito sa akin ay dapat mamatay!"Tapos ay tinipon niya ang kanyang panloob na enerhiya at nagpadala ng atake mula sa kanyang palad. Parehong sina Paboreal Lilibet at Colori Phoenix na nasa malapit ay napatigil na makita ang pagbaba
Read more
Kabanata 3658
Nanghihinayang suminghal ang Hari ng Puting Tigre sa paningin ni Garuda ng pagbato ng kanyang mga atake, Hindi na siya nagsayang ng oras magsalita ng walang kabuluhan at kinaway ang kanyang kamay, sinisenyasan amg tigre na gumawa ng malakas na ugong bago ito tumakbo ng mabilis para salubungin ang mga nagliliparang pakpak. Whoosh! Whoosh! Whoosh!Sa isang iglap, ang mga nagliliparang pakpak ni Garuda ay tumama sa malaking tigre at gumawa ng dagundong na aura. Ang mga nagliliparang pakpak ay agad na umurong at naging tagpi-tagping gintong aninong ilaw at nawala sa pagitan ng langit at lupa!'Ano? Ang lakas ng Hari ng Puting Tigre!' libu-libong tauhan ni Garuda sa ibaba ay natameme at nagulat. Ang kanilang pinuno ay matagumpay na umatake ng patagong atake sa hari pero nakakagulat na ang atake ay hindi man lang sumugat sa kanya. Sa halip, nakagawa pa ang hari ng nakakatakot na kapangyarihan. Sa parehong pagkakataon, umismid si Darryl at patagong natuwa. 'Ang lakas ng Hari ng Puting
Read more
Kabanata 3659
Buong pagmamalaking tumayo ang Hari ng Puting Tigre at walang humpay na bumaling kay Garuda. "Sigurado akong pagod ka nang mabuhay para tumira ng sikterong atake sa akin!"Tapos ay humakbang siya at kinuha ang apoy na butil na nakahinto sa ere. Gumawa siya ng pag-atake kay Garuda kanina kaya nawalan siya ng oras para kuhain ang butil kanina. Sa oras na mahawakan ng hari ang butil, tumingala siya at tumawa. Sobra ang pagmamalaki niya sa kanyang sarili. "Sa wakas ay napasakin din ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon," ani niya. Sa puntong iyon, hindi napagtanto ng hari na wala pa sa mga kamay niya ang kapangyarihan. Sa halip, ito ang apoy na butil na ginawa ni Darryl gamit ang Heavenly Sparrow Spiritual Flame. Libu-libong miyembro ng Mabangis na Alyansa na nasa ibaba ang sabay sabay na lumuhod bilang pagsuko sa hari. Tapos ay humiyaw sila sa kasabikan. "Binabati ka namin, Hari ng Puting Tigre!""Ang galing! Nasa kamay na ng hari ang Kapangyarihan ng Ninuno ng mga Ibon."Sa
Read more
Kabanata 3660
Dumaan ang poot sa mga mata ng hari habang malamig na tumitig kay Darryl at sinabi sa paos na boses, "Hoy bansot, ang lakas naman ng loob mong magsinungaling sa akin?"Galit na galit siya. Akala niya ay nasa kontrol niya ang sitwasyon, pero hindi niya inasahan na maloloko siya ng isang tao. Sumilay ang ngiti sa mukha ni Darryl at sinalubong ang titig ng hari habang mabagal na sinabi, "Hari ng Puting Tigre, huwag mong isisi sa akin. Si Garuda ang unang nanloko sa iyo. Noong pinuntirya mo ako, hindi ka naging tapat at kagalang-galang.""Papatayin kita," sumigaw ang Hari ng Puting Tigre habang hirap siyang makatayo sa sarili niyang mga paa. Gayunpaman, hindi niya matipon ang kahit kaunti ng kanyang lakas pagkatapos siyang sunugin ng Heavenly Sparrow Spiritual Flame ng ilang minuto. Ang buong katawan niya ay nabalot ng sugat."Gusto mong patayin ako? Hari ng Puting Tigre, sa tingin mo ba ay may pagkakataon kang gawin 'yon? Sa kabaligtaran, ikaw ang papatayin ko ngayon, sobrang dali!
Read more
Kabanata 3661
Umismid ang Hari ng Puting Tigre, "Managinip ka ng gising kung gusto mong sumuko ako!"Matuwid at matatag ang kanyang tono. "Sa tingin mo ba ay may magagawa ka pa rin?" sinabi ni Darryl, matipid na ngumiti. Narinig ng hari ang matalas na pagsagot ni Darryl at tumingala para tumawa. Hindi na maatim ng kanyang mga mata ang poot niya para kay Darryl. "Tao ka lang. Anong karapatan mong pamunuan kami? Hangga't nabubuhay pa ako, pagbabayarin kita ng sampung beses sa nagawa mo sa akin ngayon."Bumuntonghininga si Darryl at walang ekspresyon na sinabi, "Sa kasong ito, wala na tayong dapat pang pag-usapan."Pagkatapos 'non, kinuha niya ang ilang mahabang mga bagay mula sa engkantadang bulsa ng hayop na kanyang dala dala. Matulis ang mga gamit at nagkapaloob sa kanila ang alon ng kapangyarihan. Ang mga gamit na iyon ay ang Mga Tinik ng Nabitag na Dragon. Noong nasa Kontinenteng Roland si Darryl, nakasalamuha niya ang higanteng dragon sa isang malaking kweba sa bundok katabi ng Syudad ng
Read more