All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3681
- Chapter 3690
7044 chapters
Kabanata 3682
”Hindi nakapagtatakang may mga dragon tayo sa Nine Mainland. Nakatakas sila mula sa Godly Region.”“Nakakabigla iyon. Ilang libong taon nang nawawala ang green Dragon clan at nagawa silang mahanap ng Divine Lord. Nakakamangha!”Marami sa mga komento ang nakapagpa-antig kay Rogart pero mayroon din bilang ng mga tao na nakasimangot at mukhang galit.Sa wakas, may biglang sumigaw. “Iyong Kamahalang Divine Lord, makapangyarihan ang Green Dragon clan at mayroon silang kapangyarihang wasakin ang mundo. Sapat na ba tayong lahat para labanan sila?” Maraming tao ang tumango sa tanong.“Tama, natakot akong baka mawasak tayo bago tayo makalapit sa kanila.”“Iyong Kamahalang Divine Lord, maliit na bagay lang ito. Baka gusto mong mag-isip muli.”Kumunot ang noo ng Nine Saint Oracles noong nagdiskurso sila, seryoso ang mukha ng mga ito. Tama ang lahat na labis na makapangyarihan ang Green Dragon clan. Maliit lang ang tiyansang manalo ni Rogart sa mabilisang paglungsad ng digmaan.Natawa si
Read more
Kabanata 3683
Napaisip si Yennie, nagsalita ito. “Paano kung ganito? Sikreto nating tulungan ang Green Dragon clan sa digmaan. Nang sa gayon ay hindi natin mabigo si Darryl!”Hindi gustong sumabay ni Yennie sa plano ni Rogart pero wala siyang magagawa. Isa siya sa Nine Saint Oracles at trabaho niyang tulungan ang Godly Region sa pagharap sa Green Dragon clan. Kaya naman magagawa lamang niyang sikretong tulungan ang Green Dragon clan.Tumangi Xenia at ang iba pang Nine Saint Oracles bilang pagsang-ayon at mukhang iyon lang ang tanging paraan.…Nang sumunod na araw, sa mansyon ng pamilya Carter, umupo sa hall sina Chester, Dax, Ambrose, Jewel, Yvette, at Yvonne habang halo-halo ang kanilang emosyon.Bumalik kahapon sina Jewel, Dax, at Ambrose sa pamilya Carter at sinabi sa lahat ang tungkol sa kung anong nangyari sa Jade Peak. Nasabik silang lahat na malaman ang pagpayag ni Rogart sa pagtulong sa paghahanap kay Darryl, pero pare-pareho silang napunit sa hiniling nitong bisitahin ang lokasyon ng
Read more
Kabanata 3684
Binuksan ng ibang elite na mga alagad ang kanilang internal na enerhiya at aatake n asana kay Jewel. Biglang may narinig silang sigaw at mabilis na lumapit si Rogart habang seryoso ang tingin sa kaniyang mukha. “Tigil!”Nang dumating siya ay tiningnan niya ang paligid at nanermon. “Anong lakas ng loob niyo para maging bastos sa isang kilalang bisita! Umalis ka!”Mabilis na umatras ang mga elite na alagad.Nakangiting tiningnan ni Rogart si Jewel. “Patawad. Bago pa ang Heavenly Alliance at hindi pamilyar sa mga panuntunan ang mga alagad.”Pagtapos ay mas lumawak ang kaniyang ngiti at nagpatuloy. “Akala ko ay hindi mo ikokonsidera ang aking hiling. Nasorpresa ako sa pagdating mo. Karangalan ko ang binigay mong tiwala.”Pagtapos ay tumingin sa paligid si Rogart at napansin niyang mag-isa lang si Jewel at mas naging kalmado.‘Mag-isang pumunta si Jewel! Mas magiging madali kung aatake tayo sa Green Dragon clan.’ Naisip nito.Ngumiti at nagsalita si Jewel. “Tara na.”Tumango si Roga
Read more
Kabanata 3685
Proud na ngumiti si Rogart at kinutya ang mga tanong ni Jewel. “Ikaw ang kapatid ng pinuno ng Green Dragon Clan pero wala kang ideya na ito ang Trap Dragon thorn para mahuli ang inyong angkan?”‘Trap Dragon Thorns?’ Nanginig at nataranta si Jewel.Hindi sinabi ni Shandy kay Jewel ang tungkol sa Trap Dragon Thorn noong nasa Legendary Island of Dragons siya, kaya hindi niya alam na mayroong ganoong klaseng bagay.Napagtanto niyang hindi maganda ang Trap Dragon Thorns. Naramdaman niyang sumara ang kaniyang enerhiya matapos matusok ng Trap Dragon Thorns ang kaniyang likod; wala manlang siyang lakas para tumayo.“Ikaw na nakakamuhi at walang hiyang hay*p. Binabalaan kita; kapag may ginawa ka sa akin, hindi ka titigilan ng aking kapatid at ng Legendary Island of Dragons.” Ibinabad ng takot at galit na si Jewel ang kaniyang matapang na tingin kay Rogart. Nagsunog ng butas kay Rogart ang matalim niyang tingin.Puno ng pagsisisi si Jewel nang sandaling iyon. Kung alam niya lang kung gaano
Read more
Kabanata 3686
Nagkatinginan sina Xenia, Yennie, at ang iba pa, nagbuntong-hininga ang mga ito ng makita nila ang hingi nagpapatinag na si Rogart.Nang malapit na sila sa Legendary Island of Dragons ay itinaas ni Rogart ang kaniyang kamay at sumenyas sa kaniyang mga tao. “Tigil.”Alam niyang alerto ang Green Dragon clan, naging sobrang ingat ni Rogart bago niya nalaman ang tungkol sa paligid ng Legendary Island of Dragons.Bumagal ang takbo ng lahat ng barko nang matanggap nila ang utos ni Rogart.Tumayo si Rogart sa bow ng barko habang nakasilip sa topograpiya ng Legendary Island of Dragons at huminga siya ng malalim sagulat. Nakita niya ang napakalaking isla. Bukod doon ay naka setup dito ang Heaven and Earth Formation. Binuo ang pormasyon gamit ang Fire Spirit Crystal at nakabuo ito ng malaking protective shield para mailayo ang lamig.Kaagad na naging pamilyar dito si Rogart bilang sugo ng Godly Region. Nasa pinakamalalim na parte ng Wild Deserted Secret Region ang Legendary Island of Dragon
Read more
Kabanata 3687
’Ano?’ Nagkagulo sa buong hall. Galit nag alit sina Shandy at Sheryl.Nang sumunod na segundo ay mabilis na tumayo si Shandy. Naging malamig at nawalan ng emosyon ang mukha nito. “Sino iyan?”Boom!Biglang may bumangga ng malakas sa pinto ng punong hall, sinundan ito ng pagpasok sa uwang ng isang tao. Mukha itong kalmado at mayroon siyang kakaibang aura.Iyon ay si Rogart.Kaagad na natuon ang atensyon ng lahat kay Rogart.Mabilis na nagpakita ang isang matangkad na anyo at matapang nitong tinitigan si Rogart. “Hay*p! Sino ka? Anong lahat ng loob mong pumasok sa Legendary Island of Dragons! Gusto mo bang mamatay?”Iyon ay si Loki. Tulad ni Sheryl, sugo rin ng dragon si Loki. Makapangyarihan at pinakamahalagang tauhan siya ni Shandy.Tumitig ang mga mata ni Loki kay Rogart at nabuhayan ng lakas ang katawan nito na para bang handa siyang kumilos ano mang sandali. Sa parehong sandali ay tumitig din kay Rogart ang ibang elite na dragon.Tahanan ng Green Dragon clan ang Legendary I
Read more
Kabanata 3688
Kaagad na uminit ang ulo ng lahat ng nasa buong hall. Nagalit si Shandy at ang mga elite na dragon. Napilitang pumasok sa Nine Mainland ang Green Dragon clan dahil sa sinimulang godly battle ng Godly Region.Mayroong hindi naayos na away ang Green Dragon clan at Godly Region. Hindi nakakagulat na magalit ang lahat nang malaman nila ang pagkatao ni Rogart.Nanatiling kalmado si Rogart at ngumiti siya kahit na naramdaman niya ang mga masasamang tinign. “Huwag ninyo akong tingnan ng ganiyan. Wala ako rito para makipaglaban pero para ireprisinta ang kaniyang Kamahalang Nine Heaven Emperor para pasukuin kayong lahat. Ang Green Dragon clan ang naging pinuno ng four innate beasts at mayroon kayong malakas na kapangyarihan. Bakit ka magiging masaya sa pagtatago sa isang maliit na isla?”“Basta’t handa kang sumuko, sa tingin ko ay magiging sobrang saya ng Kaniyang kamahalang Nine Mainland Emperor. Kapag dumating ang oras na iyon ay magagawa ninyong bumalik sa Godly Region.”Seryoso ang eksp
Read more
Kabanata 3689
Pagtapos ay lumingon si Rogart at proud na tiningnan si Shandy. “Kamusta iyon? Naniniwala ka na bas a akin ngayon? Sira na ang malaking pormasyong nasa isla mo. Di magtatagal at lahat kayo ay maaapektuhan ng lamig. Magiging sobrang hirap para sa inyong mga dragon ang kalabanin ako. Bakit hindi nalang kayo sumuko ngayon?”Namula ang mukha ni Shandy.Sa parehong sandali ay naging galit nag alit din sina Sheryl, Loki, at ang iba pang nasa hall. ‘Hay*p! Sobrang nakakamuhi ni Rogart at sikreto siyang nagpadala ng tao para sirain ang ating pormasyon.’Sa wakas at nag-react si Shandy at tinitigan niya si Rogart nang mangutya siya. “Isang sorpresa. Makalipas ang marmaing taon, nanatiling nakakamuhi at walang hiya ang Godly Region.”Kahit na biglaan ang naging mga pangyayari ay napansin ni Shandy na mag-isang pumunta sa hall si Rogart para ibaling ang atensyon ng mga ito sa iba at makagawa ng oportunidad para mawasak ng Heavenly Alliance ang pormasyon.Naging matagumpay ang plano ni Rogart
Read more
Kabanata 3690
Clang!Nang sumunod na segundo ay nagbuhol sa ere sina Rogart at Loki. Biglang may narinig na malakas na ingay at dumaing si Loki nang napalipad siya sampu-sampung milya ang layo. Sa wakas at bumagsak siya sa sahig, umubo ng maraming dugo at namutla ang kaniyang mukha,Kahit na siya ang makapangyarihang sugo ay mayroon pa ring malaking agwat sa kakayahan sa pagitan nina Rogart at Loki.‘Hay*p! Akala ko ay kaya kong labanan si Rogart, hindi ko inakalang magiging napakalakas niya!’ Nanginig si Loki habang nakatitig ng matapang kay Rogart dahil sa takot at galit.Nahirapan siyang tumayo at muli sanang susugod.“Hindi ka niya kapantay, Loki!” Kalmadong sambit ni Shandy, pagtapos ay lumipad siya sa ere para kumprontahin si Rogart.Tinitigan niya si Rogart at nagsalita gamit ang mala-yelong lamig na tono. “Pumasok kayo ng mga tauhan mo sa Legendary Island of Dragons at winasak ang aming pormasyon. Gusto kong mamatay ka!”Pagtapos ay naglabas si Shandy ng malakas na aura at itinaas ang
Read more
Kabanata 3691
Makalipas ang sampung segundo, nang mawala ang usok, nakita si Rogart na nakatayo na may mapula ang mukha. Mukha siyang magulo sa halos sunog niyang damit.Gayunpaman, ang mga mata ni Rogart ay hindi nagpakita ng kaunting gulat. Sa halip, malamig at ganid ang itsura ng kanyang mukha.Si Sheryl at ang iba pang mga dragon na elite ay tuwang- tuwa.Tila walang pagtatanggol si Rogart laban sa Dragon Flame mula sa Emperatris. Tila ang angkan ng Dragon ay nakatakdang manalo sa labanan.dagundong! dagundong! dagundong!Nasasabik, maraming dragon elite ang naglabas ng kanilang lakas at sumabak sa grupo ng Heavenly Alliance.Ang Dragon clan ay mas marami, at ang Heaven and Earth Formation sa isla ay nawasak. Sa ilalim ng ganoong mga kalagayan, ang Heavenly Alliance ang may kapangyarihan. Gayunpaman, napakalakas ng moral ng mga dragon elite kaya hindi sila napigilan ng Heavenly Alliance.Nagmamadaling inutusan ng iba't ibang sect masters mula sa Heavenly Alliance ang kanilang mga nasasaku
Read more