All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3721
- Chapter 3730
7044 chapters
Kabanata 3722
Naglakad paabante si Nuwa habang nakangiting sinasabi na, “Hindi mo kailangang magpanic junior. Kahit na buhay pa si Archfiend Antigonus, bakas na lang nito ang natitira kaya natural lang na humina ito nang husto. Sigurado naman ako na hinding hindi niya mapapabagsak ang Godly Region sa sandaling magkaisa tayong lahat.”Naging kalmado at mahinahon ang kaniyang boses habang kumakalat ang nasa tama niyang aura sa buong Imperial Sky Palace.Tumango naman dito nang husto si Nine Heaven Emperor at ang iba pang mga opisyal.“Tama ka nga riyan Senior!” Desididong sinabi ni Nine Heaven Emperor. Agad na tumama ang kaniyang paningin sa paligid habang malakas na sinasabing, “Ako, si Nine Heaven Emperor ay nanunumpang mamumuno at lalaban hanggang sa huli sa sandaling magpunta man dito si Archfiend Antigonus!”“Susundan ka naming, Kamahalan, at makikipaglaban din kami hanggang sa aming kamatayan laban sa lahat ng mga kalaban,” Sigaw ng mga opisyal. Agad ding naimpluwensyahan ang mga ito ng mga
Read more
Kabanata 3723
“Matagal tagal na rin tayong hindi nagkita, Ancient Ancestor. Isa ka pa ring talagang kahanga hangang nilalang gaya noong huli tayong magkita.” Agad na maririnig ang tunog na ito na para bang isang malakas na kidlat sa kalangitang nasa itaas ng imperial Sky Palace. Kasabay nito ang pagdilim ng parehong langit at lupa.Dito na biglang naramdaman ng lahat ang isang nakakatakot na puwersang nabuo sa labas ng palasyo. Naiiba ang puwersang ito sa aurang nilalabas ni Ancient Ancestor—mahahalatang punong puno ito ng kasamaan.Dito na biglang nagbago ang itsura ng lahat. Kahit 10,000 taon na ang nakalilipas, kilalang kilala pa rin nila ang boses na ito. Hindi makakailang dumating na nga si Archfiend Antigonus.Samantala, kasalukuyang nakaupo sa sahig ng isang madilim niyang selda si Ghost Valley Sage. Nagmukha itong nanghihina na para bang wala na ito sa rurok ng kaniyang tagumpay. Limang araw na ang nakalilipas mula noong ipatapon siya rito kaya wala na siyang kahit na anong balita sa laba
Read more
Kabanata 3724
Pagkatapos ng ilang segundo ay agad na bumaha ang tuwa sa kaniyang mukha. Tinapik nito sa balikat si Darryl habang sinasabi na, “Magaling! Ito talaga ang inaasahan ko sa paborito kong disipulo. Ipinagmamalaki talaga kita.”Natuwa nang husto si Ghost Valley Sage sa mga sandaling ito. Inakala niyang ito na ang katapusan ni Darryl pero hindi niya inasahan na magiging ito ang Nine Heaven Sage sa loob ng isang iglap.At pagkatapos ay agad silang inilabas ni Odlin mula sa kulungan. At nang makalabas ay agad nilang naramdaman ang isang nakakatakot na aura mula sa kalangitan kaya agad silang napatingin sa direksyong pinagmumulan nito. Agad na kumabog nang malakas ang puso ni Darryl habang napapatingin sa kaniyang harapan.Makikita ang isang napakalaking imahe sa kalangitan. Mayroon itogn taas na nasa 3 kilometro na kasing laki ng isang bundok. Nakasuot din ito ng isang itim na helmet at armor. Naging malakas, dominante at hindi rin mapapantayan ang kaniyang aura lalo na sa mga mata nitong n
Read more
Kabanata 3725
“Pero kinakailangan mo muna akong harapin!” Dito na sumugod si Nine Heaven Emperor kay Antigonus kasama ng hindi mapapantayang lakas na lumalabas sa kaniyang katawan.Nabuo si Antigonus sa masasamang bahagi ng isipan ni Pangu na nangangahulugang nagmula mismo kay Pangu ang lakas nito. Pero isa lang itong bahagi ng isip ni Pangu noong mga sandaling iyon kaya hindi na nagawa pang magpanic dito ni Nine Heaven Emperor.Suminghal naman si Antigonus habang nagpapakita ng inis sa kulay dugo niyang mga mata. “Ang lakas ng loob ng isang kampon na katulad mong mangialam sa usapan namin ng iyong master ah? Umalis ka sa harapan ko!” nanlalamig nitong sinabi bago itaas ang kanan niyang kamay.Dito na biglang nagbago ang mundo sa paligid habang nagsasama ang malakas na hangin at makapal na ulap, dito na makikita ang isang kulay dugong beam ng liwanag na nagkonekta sa langit at lupa habang sumasabog papunta kay Nine Heaven Emperor.“Masyado siyang malaks!” Napabuntong hininga na lang si Darryl sa
Read more
Kabanata 3726
At sa pagkasurpresa ng lahat, isa itong plato na gawa sa ginto.Lumaki nang lumaki ang gintong plato hanggang sa umabot sa 3000 metro ang diametro nito. Hindi lang iyon dahil mapapansin din ang mga nabubuong inscription sa gilid ng gintong plato.“Buwisit! Anong klase ng kayamanan ito?” Nagulat at nasabik si Darryl noong mga sandaling iyon. Nakita niya na ang mga inscription sa gilid ng gintong plato ay mga kasulatang ginamitan ng sinaunang pamamaraan ng pagsusulat, at nang dahil sa walang tigil na pagbabago ng mga ito ay nagmukha itong gumagawa ng isang napakalakas na bilog ng mahika. Hindi ito matatagpuan sa Bai Qi Formations na mas nakapagpamisteryoso pa rito.Tumayo naman sa tabi niya si Ghost Valley Sage at mahahalata na nasasabik din ang matanda sa kaniyang nakikita. Nanginig ang kaniyang boses habang sinasabi na, “Ito ba ang makasaysayang Devil Sealed Mirror?”Natigilan dito si Darryl na nagmamadaling nagtanong ng, “Master, ano po ang Devil Sealed Mirror?”Huminga nang mala
Read more
Kabanata 3727
Napaatras na lang si Darryl ng isang sandali pero mabilis pa rin siyang nagpunta kay Ancient Ancestor. At noong makarating siya roon, hindi na niya naitago pa ang kaniyang pagkacurious habang nagtatanong ng, “Ano po ang maitutulong ko sa inyo, Ancient Ancestor?”Ipinasa naman sa kaniya ni Ancient Ancestor ang Devil Sealed Mirror bago seryosong sabihin na, “Darryl, dalhin mo ito sa pinakailalim na bahagi ng Ghost World sa sandaling makabalik ka na sa Nine Mainlands. Ituturo ko sa iyo ang spell na magseselyo rito. Tandaan mo, huwag na huwag kang magkakamali. Masyadong matindi ang pinsalang mangyayari sa sandaling makawala si Antigonus sa salaming iyan.”Huminga naman nang malalim si Darryl habang nararamdaman ang mabigat na pressure sa kaniyang dibdib. Hindi niya inasahang bibigyan siya ni Ancient Ancestor ng ganito kaimportanteng bagay.Hindi naman natuwa si Nine Heaven Emperor sa kaniyang narinig. “Master, hayaan niyo po akong magpadala ng ilang mga tauhan na sasama kay Darryl papun
Read more
Kabanata 3728
“At makukuha rin natin ang tulong ng Green Dragon sa pagkakataong ito. Magiging madali na lang para sa atin ang pagtalo sa Elysium Gate at Flower Mountain!”Dito na nagbigay ng opinyon ang lahat habang nananatili namang tahimik si Rogart.Pagkatapos ng ilang sandali ay huminga nang malalim si Rogart bago ngumiti at sabihing, “Makinig kayong lahat, hindi maganda para sa kahit na sinong miyembro ng Heavenly Alliance na sumusunod sa mga batas ng langit na umatake sa ibang mga sekta nang basta basta.At sa halip ay dapat tayong maghanda ng isang selebrasyon na magiimbita sa Elysium Gate, Flower Mountain at iba pang mga sekta. Maiintindihan din nila ang lahat sa sandaling makita nila ang angkan ng Green Dragon dito.”Napaatras sa kanilang narinig si Lord Kenny Bred at ang iba pang mga sect master pero isang ngiti ang nagpakita sa kanilang mga mukha pagkatapos ang isang sandali.“Napakahusay! Gagamitin ng kamahalan ang angkan ng Green Dragon para mapasuko ang mga ito, wala na po kayong
Read more
Kabanata 3729
Tatlong taon na ang nakalilipas mula noong mamatay si Donoghue matapos kainin ni Yennie ang kaniyang lakas bilang King of Death. Isang sandali ring nawalan ng lider ang Ghost World nang dahil dito. At kinalaunan ay nagbalik si Ileana para tumayo at ideklara ang kaniyang sarili biglang bagong Queen of Death.Noong pa lang ay siya na ang Queen of Death na nakapagpatibay pa nang husto sa kaniyang posisyon. Wala nang kahit na sinong nilalang sa Ghost World ang tumutol sa pagkuha nito sa trono. Agad na nagbaba ng bagong mga regulasyon si Ilaena nang makabalik siya sa kapangyarihan, at isa na rito ang paghihigpit ng seguridad sa buong underworld.Nanatili namang kalmado si Darryl habang sinasabi na, “Hindi ako nawawalang kaluluwa. Nagmula ako sa Nine Mainland at nandito ako para asikasuhin ang isang importanteng bagay.”Dito na nagbago ang itsura ni Dane at ng iba pang mga sundalo ng underworld.Nanlalamig namang tumawa si Dane habang sinasabi na, “Napakatapang ng taong ito para magpunta
Read more
Kabanata 3730
Napakunot ang noo ni Ileana nang tumama ang kaniyang paningin sa lahat. “Mga tapat kong mamamayan, nagawang pasukuin ni Rogart ang angkan ng Green Dragon. Ayon sa impormasyong natanggap natin, kinakailangan pang pabagsakin ni Rogart ang Elysium Gate, Flower Mountain at iba pang mga sekta na hindi sumali sa kaniyang alyansa bago tuluyang makontrol ang Nine Mainland. Ano naging reaksyon ninyo rito?”Dito na tumingin ang mga envoy at mga opisyal sa isa’t isa pero walang kahit na isa sa kanila ang umabante. Hanggang sa huli ay nagawa na ring lumapit ng isang envoy para sabihin ang isang bagay gamit ang kumplikadong tono ng kaniyang boses, “Isa itong bagay sa pagitan ng Godly Region at Nine Mainland kaya iniisip ko na hindi po dapat tayo mangialam—"Nang biglang sumugod si Dane papasok sa hall bago lumuhod sa harapan ni Ileana “Pagbati po, Kamahalan!”Napasimangot naman dito si Ileana, agad na nagpakita ng inis ang maganda niyang mukha matapos ng biglaang pangiistorbo ni Dane. “Ano ang g
Read more
Kabanata 3731
’Ano?!’ Nagulat ang puso ni Dane. Nagulat siya at blangkong tumitig kay Darryl. Wala siyang masabi nang umagos sa kaniyang dugo ang pagkataranta. ‘Tinawa niya bas a pangalan ang Kamahalan?’ “Darryl!” Masayang tumayo si Ileana mula sa kaniyang trono at mabilis na lumapit sa lalaki. Tinantsa niya ito bago magsalita. “Ikaw talaga iyan! Hindi ka patay! Hindi ako makapaniwala!”Labis ang kaniyang tuwa. Siya ang tipong malamig at malayo sa mga tao, pero ipinakita niya ang ibang parte ng kaniyang pagkatao kay Darryl.Nagulat si Dane, mga sugo, at mga opisyal ng underworld. ‘Siya ba ang sikat na si Darryl mula sa Nine Mainland? Hindi ba’t nilamon siya ng chaotic vortex tatlong taon na ang nakaraan?’Sumulyap si Ileana kay Dane at nagsalita. “Dane, nakababatang kapatid ko si Darryl at isa siyang bayani ng Nine Continents. Alam mo ba kung ano ang magiging kaparusahan mo sa hindi magalang na pag-asal sa kaniya?”Hindi malakas ang kaniyang boses pero matindi ang kadakilaan nito.Matinding n
Read more