All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3771
- Chapter 3780
7044 chapters
Kabanata 3772
Hindi naman naapektuhan si Darryl ng ginawa ni Kendall. Maganda ang kaniyang mood habang naglalakbay kasama sina Debra at Jewel.Nang biglang maisip ni Jewel ang isang bagay habang nagpapakita ng malungkot na mga mata. “Mr. Darryl, mukhang ngayon po ang anniversary ng pagkamatay ng iyong ina.”Ilang taon na ang nakalilipas mula noong atakihin ni Young Master Dixon ang pamilya Carter na pumatay sa ina ni Darryl na si Luna, naroroon sa lugar na iyon si Jewel noong mangyari iyon. Si Darryl ang pinakamalapit na kaibigan ni Jewel kaya itinuring din nitong mga magulang ang mga magulang ni Darryl. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw kung kailan napatay si Luna.Dito na biglang nalungkot ang nagbubuntong hininga na si Darryl. Nasasaktan siya nang husto sa bawat sandaling maiisip niya ang kaniyang ina. Hindi pa rin siya umabot kahit na nakabalik siya sa tamang oras nang atakihin ni Young Master Dixon ang pamilya Carter. Dito na siya nagluksa sa kaniyang ina habang nakakaramdam ng matin
Read more
Kabanata 3773
“Kilala mo ba kung sino siya? Siya ang dating Master ng Elysium gate na si Darryl Darby! Siya ang ikalawang young master ng pamilya Darby!” Dagdag ni Jewel.“Darryl Darby?” Natigilan si Salvador at ang mga kasama niyang pirata ng ilang segundo bago magsitawa nang malakas ang mga ito.Dito na tumingin si Salvador kay Darryl mula ulo hanggang paa habang nagtatanong ng, “Kung ikaw si Darryl Darby, ako naman ang walang kapantay na pinuno ng Nine Mainland. Ano lalaban ka?”Tatlong taon na ang nakalilipas mula noong higupin si Darryl ng chaotic vortex sa tuktok ng Mt. Kunlun bago ito tuluyang gumuho. Kasalukuyang kilala noon ang Nine Mainland habang iniisip ng lahat na namatay si Darryl tatlong taon na ang nakalilipas kaya bakit ito biglang magpapakita sa Donghai City nang disoras ng gabi?Nakita ni Darryl na hindi naniniwala ang mga ito at wala na rin siyang oras para kumbinsihin ang mga pirating siya nga si Darryl Darby. “Binigyan ko na kayo ng pagkakaton kung maniniwala kayo sa akin o
Read more
Kabanata 3774
Masyadong malakas ang enerhiyang ito! Dito na natigilan si Salvador at ang kaniyang mga kaibigan sa sobrang takot. Nanginig nang husto ang dibdib ng mga ito sa kanilang nakita.Namawis naman ng malamig si Salvador habang nararamdaman niya ang matinding init ng apoy na pinakawalan ni Darryl. Gusto niyang tumakbo pero nanghihina ang kaniyang mga binti sa mga sandaling ito.Hindi nagsasalitang ginamit ni Darryl ang kaniyang kamay na nagpalipad sa apoy papunta kay Salvador. Mukhang mabagal lang ang paglipad nito pero agad itong nagpakita sa harapan ni Salvador sa loob ng isang iglap.“Ah!” Hindi na nakatakas pa si Salvador sa apoy habang sumisigaw nang malakas matapos mabalot ng apoy ang kaniyang katawan. Agad na natutong ang kaniyang bangkay sa loob lang ng ilang segundo.Masyadong nakakatakot ang apoy na ito. Naguluhan ang mga tauhan ni Salvador at hindi makapagsalita sa mga nangyari! Sino nga ba ang magaakala na ang isang mukhang ordinaryong lalaki ay magkakaroon ng ganito katinding
Read more
Kabanata 3775
Naging kalmado lang si Darryl nang kumprontahin siya ng babae.“Nakabangga ng lalaking ito ang isang taong mas makapangyarihan sa kaniya na sinubukan niyang pagnakawan. Hindi ba’t karapat dapat lang ito sa kaniya?” Habang nagsasalita, narealize ni Darryl kung gaano kalakas ang babae kaya agad siyang nagulat sa kaniyang kinatatayuan.Nasa huling bahagi na ito ng Heaven Ascension. Paano nagawa ng isang babaeng wala pang 20 anyos na magkaroon ng lakas na mas matindi pa kaysa kay Dax? Nasa gitna pa lang si Dax ng Heaven Ascension ngayon.Dito na lumingon ang babae para sigawan ang mga tauhan ni Salvador. “Magaling! Nagawa ninyong makatakas nang mabilis akong makatulog at nagawa niyo pang magnakaw dito? Mukhang hindi na nga maaalis ng isang leopard ang mga batik nito sa katawan.”Nang makita nila ang galit nito, agad na nanginig ang mga lalaki habang lumuluhod na nagmamakaawa sa babae.“Hindi na po namin ito ginagawa.”“Patawarin niyo na po kami, Ms. Veron.”Namutla ang kanilang mga
Read more
Kabanata 3776
Nanatili namang kalmado si Darryl habang tinitingnan ng lahat. Inisip niya kung paano nagkaroon ang isang batang babae na kagaya nito ng napakatinding lakas para gawing alipin ang mga piratang nakakalat sa dagat ng Donghai City. Ito ang bagay na kumuha sa kaniyang interes.At pagkatapos ay hindi na naiwasan pang sumugod ni Jewel kay Veron. “Hinding hindi kami hihingi ng tawad sa iyo. Kilala mo ba kung sino siya? Siya si Darryl Darby, ang lalaking nagtayo ng Elysium Gate at ang kilalang bayani ng Nine Mainland.”Dito na nagugulat na sinabi ng mga piratang, “Si Darryl Darby ng Elysium Gate?”“Siya nga iyon… kaya pala mayroong kakaiba sa kaniya.”“Sigurado ako na mga kasama niya ang dalawang ito. Masyado silang maganda…”Hindi na tumigil ang mga pagbati at komento anng marinig nila iyon. Dito na napasimangot si Veron habang nakatingin kay Darryl.“Ano naman kung ikaw si Darryl Darby? Ako lang ang may karapatang magturo ng leksyon sa mga tauhan ko. Kaya dapat lang na humingi ka ng ta
Read more
Kabanata 3777
Dito na biglang lumipad si Veron papunta kay Darryl bago niya ito sundan papunta sa dagat. Agad namang sumunod sa kanila sina Debra at Jewel. Samantala, nasasabik namang sumunod si Rophe at ang mga pirata nang makita nila ang laban.Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa pampang. Dito na tumayo si Veron sa isang bato habang sinasabing, “Darryl, magiging alipin kita mula sa araw na ito sa sandaling matalo ka sa laban natin.”Dito na sumabog si Darryl sa katatawa. “Hindi ka ba natatakot sa mga sinasabi mo! Paano naman kapag ikaw ang natalo sa laban natin?”“Sino ang hindi natatakot sa atin ngayon? Puwede mo nang gawin ang kahit na anong gusto mo sa akin sa sandaling matalo mo ako!” Nanlalamig na sagot ni Veron na parang isang swan habang umaatake kay Darryl.Napangisi naman si Darryl sa ipinakitang confidence ni Veron. Agad siyang umangat at nakipagsagupaan kay Veron sa gitna ng ere. Inisip niya na talunin si Veron sa loob ng isang atake, pero agad itong nagbago nang maisip niya na
Read more
Kabanata 3778
Napakaimposibleng mangyari nito. Hindi alam ni Veron na mayoon nang kaluluwa ng diwata si Darryl kaya hindi na ito katulad ng ibang mga cultivator na ipinanganak sa mundo ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit niya nagawang salagin ang Devil’s Finger nang walang kahirap hirap.Nang makita niya ang seryosong mukha ni Veron, agad na tumawa si Darryl habang sinasabi na. “Sumuko ka na lang, hindi ka karapat dapat na maging kalaban ko.”Napakagat na lang si Veron habang sumisinghal na sinasabing, “Hindi kailanman malalaman ni Veron Lange ang pakiramdam ng pagsuko sa harapan ng kaniyang kalaban.”Dito na nanginig ang kaniyang katawan habang sumusugod papunta kay Darryl.Tahimik namang napabuntong hininga si Darryl sa katigasan ng ulo ni Veron. Ag pagkatapos ay biglang umikot ang kaniyang katawan na parang isang kaluluwa hanggang sa makarating ito sa likuran ni Veron kung saan niya itinaas ang kaniyang palad. Napagdesisyunan na niyang pabagsakin si Veron sa loob ng isang pagatake para ma
Read more
Kabanata 3779
Tumawa naman dito si Darryl. “Magingat ingat ka sa pagsasalita mo. Kinontrol ko na ang aking enerhiya sa pagatakeng ginawa ko sa iyo dahil kung hindi ay baka hindi mo na ako nakausap nang ganiyan dahil kanina ka pa nawalan ng malay sa lupa.”Dito na namula ang mukha ni Veron habang nanginginig na sinasabing, “Ipinapangako ko na papatayin kitang hayop ka.”At pagkatpaos ay naging kasing gaan ng balahibo ang kaniyang katawan habang sumusugod kay Darryl gamit ang napakatinding enerhiya. Napailing na lang si Darryl dito habang papunta sa kaniya si Veron. Dito na niya kalmadong itinaas ang kaniyang palad.Boom!Agad na tumama sa isa’t isa ang palad ng dalawa na gumawa ng isang mababang tunog na nakapagpayanig sa paligid. Napaatras si Veron ng ilang hakbang habang nanginginig at namumutla ang kaniyang mukha. Napagdesisyunan ni Darryl na itigil ang pagiging maawain kay Veron dahil hinding hindi siya nito matatalo kahit na ibuhos pa niya ang buo niyang lakas sa palm strike niyang iyon.“I
Read more
Kabanata 3780
Napahinga naman nang malalim si Chester habang nagtatanong ng, “Mayroon nang kakaiba ang nangyari. Tatawag na ako ng tao para hanapin siya sa Donghai City mamaya.”“Master Wilson!” Tawag ng butler habang nagmamadaling lumapit kay Chester. “Mayroon pong lalaki sa labas ng manor. Sinabi niya na siya raw po si Skylar Blanc. Nagpunta raw po siya rito para makipagkita sa inyo, Master Wilson.” “Skylar Blanc?” Napasimangot naman sina Chester at Dax nang marinig nila ang pangalan nito. Hindi pa nila naririnig ang pangalang iyon noon.Dito na nagising sa katotohanan si Chester habang ininakaway ang kaniyang kamay at sumasagot ng, “Ayoko! Hindi ko siya gustong makita.”Nagalala na siya dahil hindi pa bumabalik si Darryl kaya wala siya sa mood na makipagkita sa kahit na sino.“Opo, Master Wilson.” Sagot ng butler bago ito umalis.Makikitang nakatayo sa tapat ng manor na pagmamayari ng pamilya Carter ang isang babae at isang lalaki. Nakasuot ang lalaki ng damit na nakapagpaguwapo pa nang hu
Read more
Kabanata 3781
Bumulong sa kani-kanilang sarili ang lahat, may biglang sumigaw sa manonood. “Hay*p naman!”Pagtapos ay nagpakita ang isang payat at kaaya-ayang babae. Nakasuot ito ng kulay burgundy na bestida at magaan ang yapak ng kaniyang mga paa, makurba ang katawan, at maamo ang mukha. Napakacharming at maganda ito. Siya ay si Kendall.Nagulat ang lahat sa Midland University sa biglaang pagpapakita nito. Kaagad na napatingin sa kaniya ang lahat, lalo na ang mga mayayamang bata na hindi magkaugaga nang makita ang babae.‘Isa ba siyang guro sa Midland University? Napakaganda niya.’ Naisip ng lahat.Di nagtagal at naglakad palapit ang ilang mayayamang bat ana nakasakay sa mamahaling mga sasakyan, habang bahagyang natawa at hinangaan ang bestida ni Kendall sa malapitan. Sila ang mayayamang playboy ng Mid City kung saan namuhay ng mayaman. Maluho ang mga ito dahil na rin sa nanggaling sila sa mayayamang pamilya. Sa mata ng mga mayayamang kabataang iyon, si Kendall ay paniguradong isang bagong guro
Read more