All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3921
- Chapter 3930
7044 chapters
Kabanata 3922
“Huwag kang magpadalos dalos Ambrose!”Dito na nagdilim ang mukha ni Chester habang umaabante para pigilan si Ambrose pero masyado pa rin itong mabilis kaya agad itong nakalapit sa mga miyembro ng Heavenly Alliance.Agad na naramdaman ng mga miyembro ng Heavenly Alliance ang aura sa ibabaw ng kanilang mga ulo. Napatingin ang mga ito sa itaas at nagulat sa kanilang nakita.“Hindi ba’t ito si Ambrose Darby, ang Guardian ng Elysium Gate?”“Ano ang ginagawa ng isang ito rito?”“Nagpunta rin siya rito nang magisa. Gusto na ba niyang mamatay?”Itinaas ni Cayden ang kaniyang ulo para tingnan si Ambrose habang naguusap usap ang kaniyang mga kasama. Dito na niya nanlolokong sinabi na, “Gusto mo bang magsimula ng gulo ritong hayop ka?” Magpapakita si Cayden ng kahit na kaunting respeto kay Ambrose kung noon lang ito nangyari. Pero masyado nang lumaki ang Heavenly Alliance kaya yumabang na nang husto si Cayden.Buwisit!Dito na namula ang mga mata ni Ambrose sa sobrang galit habang binaba
Read more
Kabanata 3923
Totoo nga na matagal tagal na ring naging Sect Master ng Elysium Gate si Ambrose pero palagi pa rin siyang tinatawag ng mga miyembro ng pamilya Carter bilang Young Master.Napasimangot naman nang bahagya ang nakatayo sa isang tabi na si Chester nang makita niya ito.Padalos dalos nga si Cayden pero hindi pa rin ito isang mangmang. Siguradong mayroon din itong itinatagong kakayahan ngayong nagawa na nitong hamunin si Ambrose. Naramdaman ni Chester na para bang gusto na niyang awatin si Ambrose pero naisip niya na mas lalo silang pagtatawanan ng Heavenly Alliance kapag ginawa niya ito. Iisipin ng mga ito na nakipagsanib puwersa siya kay Ambrose para lang labanan si Cayden—dalawa laban sa isa—na maglalagay dito sa isang dehadong posisyon.Ito ang dahilan kung bakit hindi gumawa ng anumang hakbang si Chester sa mga sandaling iyon.Agad na nagusap usap ang mga miyembro ng pamilya Carter. Maging ang mga miyembro ng Heavenly Alliance ay napakunot habang nagaalala para sa kasama nilang si
Read more
Kabanata 3924
Mukhang nagmaang maangan si Cayden sa komosyong nangayari sa kaniyang ibaba. Dito na nagpakita ang isang pasimpleng ngisi sa kaniyang mukha habang tumititig kay Chester at sinasabing. “Ano iyon? Gusto ring matuto ni Master Wilson ng leksyon?”Nagmukhang bastos si Cayden habang lumalabas ang mga salitang iyon sa kaniyang bibig.Naisip niya na mas maigi kung kukunin niya ang oportunidad na ito para pabagsakin sina Chester at Ambrose sa harapan ng maraming tao. Sa pamamagitan nito ay hindi masasayang ang kanilang lakad kahit na hindi pa nila makita rito si Skylar.Dito na nagdilim ang mukha ng tahimik na si Chester.Agad na kumapal ang hangin sa paligid habang bumubunot ng espada ang dalawang lalaki. Dito na nagbabadyang magsimula ang isang matinding laban.Pero agad nilang naramdaman ang isang shockwave ng enerhiyang nagmula sa malayong bahagi ng madilim na kalangitan. Sinudan ito ng pagkawala ng isang anino na bigla ring nagpakita sa kanilang harapan na para bang isang kidlat.Mak
Read more
Kabanata 3925
Bumulaga sa kanila ang napakalaking nilalang na lumapit sa kanila nang mabilis.Ito ay walang iba kundi ang sinaunang nakalalasong alupihan.Nagkaroon ng nasa 100 metrong haba ang alupihang ito habang mapapansin din ang nasa 200 nitong mga paa na gumuhit sa magkabilang gilid ng kaniyang katawan. Nababalot ng kulay dark green na kaliskis ang katawan ng alupihang may uhaw sa dugong mga mata.Makikita rin sa likuran nito ang isang pares ng mga pakpak. Nagliwanag ang papalapit nitong imahe na pinaligiran ng kulay berdeng apoy.Ang berdeng apoy na ito ay nagmula sa pagkasunog ng kamandag na nilalabas ng sinaunang nakalalasong alupihan.Agad na naramdaman ng lahat ang pagbagsak ng temperatura sa kanilang paligid nang magpakita ang alupihan sa kanilang harapan. Kasalukuyan nang nasa tagsibol ang kanilang panahon sa mga sandaling ito pero agad na naradamdaman ng lahat na para bang nasa gitna na sila ng taglagas nang makita nila ang alupihang ito.Napatigil ang lahat sa sobrang gulat haba
Read more
Kabanata 3926
Pero mas lumala pa ang kanilang sitwasyon nang ibuka na ng sinaunang nakalalasong alupihan ang malaki nitong bunganga para sunod sunod na ilabas ang malakas na berdeng apoy. Naglalaman ng kamandag ang berdeng apoy na ito kaya agad na naging mga kulay porselanang mga kalansay ang ilang daang miyembro ng ng Heavenly Alliance nang matamaan sila ng berdeng apoy na ibinuga ng alupihan sa loob ng isang iglap. Sigurado na isa itong makapanindig balahibong eksena para sa kahit na sinong makakakita rito.Hindi na makapaniwala pa si Cayden sa kaniyang nakikita habang nawawala sa kaniyang sarili nang dahil sa tindi ng galit at pagkagulat na kaniyang nararamdaman. Dito na niya nagmamadaling ginamit ang kaniyang internal energy para gumawa ng isang Heavenly Shield sa kaniyang harapan sa pagbabakasakali na mapoprotektahan siya nito laban sa berdeng apoy na nilalabas ng alupihan.Agad na tumama ang berdeng apoy sa Heavenly Shield na lumusaw dito sa loob lang ng ilang segundo.Dito na biglang umiko
Read more
Kabanata 3927
Napatingin ang lahat kay Cayden habang dahan dahan itong tumatayo sa kaniyang puwesto. Nagberde ang buo nitong mukha habang kumikislap ang kaniyang mga mata. Gumawa ito ng isang tunog na hindi pa kailanman naririnig ng kahit na sino—na para bang isang tunog ng iyak at tawa na maririnig nang magkasabay.Dito na sabay sabay na napabuntong hininga ang mga miyembro ng pamilya Carter at mga miyembro ng Heavenly Alliance habang pinapanood ang eksenang iyon.Tama nga si Chester. Nagawang makipagcontact ni Cayden sa lason ng sinaunang nakalalasong alupihan kaya agad siyang nainfect nito. Siguradong mawawala sa sarili ang sinumang malalason ng alupihan kaya wala na itong iba pang maiisip kundi pumatay ng ibang nilalang.Wala sa sariling tumingin sa kaniyang paligid si Cayden habang gumagawa ng pagiyak na parang isang hayop. Dito na siya sumugod sa mga miyembro ng Heavenly Alliance.Patay. Patay. Patay. Dito na tuluyang nawalan ng kontrol sa kaniyang sarili si Cayden—isang salita lang ang ma
Read more
Kabanata 3928
Hindi pa nila nahuhuli si Skylar at ngayon ay dumagdag pa ang sinaunang nakalalasong alupihan na ito sa mga nilalang nakailangan nilang tapusin.Hindi naging maganda ang mga bagay bagay sa mga sumunod na segundo.“Kayo riyan, halikayo rito!”Isang bagay ang pumasok sa isipan ni Chester. Dito na siya tumingin sa mga tao sa kaniyang paligid habang sinasabi na, “Magpadala kayo ng mga tauhan sa malalaking sekta ng Nine Mainlands para humingi ng tulong. Ikuwento ninyo sa kanila nang detalyado kung ano ang nangyari. Oo nga pala, magpadala rin kayo ng mga tauhan kina Senior Divine Famer. Dalian ninyo.”Hindi sumama sina Senior Divine Farmer sa hukbo nina Chester at Ambrose papunta sa Five Poison Sect. At sa halip ay hinayaan nila itong manatili sa likuran kasama nina Zhu Bajie, Chang Er at iba pa.Dahil wala si Darryl dito, ang naiwang si Senior Divine Farmer na lang ang natira nilang pagasa.Sabagay, nagkaroon pa rin ng titulong Medicine Ancestor si Senior Divine Farmer kaya malaki ang
Read more
Kabanata 3929
Nagpalitan naman ng tila magkakakuntsabang tingin ang mga tagapaglingkod habang nakangiti sa isa’t isa.Dito na nagsalita ang isa sa mga ito. “Kagalang galang na Heneral, maaaring hindi niyo pa po naririnig ang balita! Ikakasal na po si Prinsesa Dorothy. Gaganapin po ang kasal sa loob ng dalawang araw.”Isang engrandeng kasalan?Napaangat na lang ang katawan ni Grunt sa sobrang pagkagulat habang nakakarinig ng isang monotone na tunog sa kaniyang isip.Paano itong nangyari?Dito na nabalot ng matinding confusion ang isipan ni Grunt.Hindi pa siya umaamin sa prinsesa pero sigurado pa rin siya na may nararamdaman ito sa kaniya. At hindi pa niya kailanman narinig na mayroon na itong natitipuhang ibang lalaki.Kung ganoon ay ano ang maryoon sa biglaang kasalan na ito?Nang makita nila ang natitigilang itsura ni Grunt, hindi na ito masyadong inisip pa ng mga tagapaglingkod kaya agad na silang bumalik sa kanikanilang mga gawain.Whoa.Dito na nakabalik si Grunt sa realidad habang da
Read more
Kabanata 3930
Ganito nakikita ni Nine Heaven Emperor ang mga bagay bagay. Mayroong nararamdaman Si Grunt kay Prinsesa Dorothy kaya gumawa ito ng kuwento para subukang pigilan ang napipinto nitong kasal.“Kamahalan!”Agad na nagsimulang magpanic si Grunt nang makita niya na hindi naniniwala sa kaniya si Nine Heaven Emperor. “Nakahanda po akong itaya ang aking buhay para patunayang totoo po ang aking mga sinasabi! Hindi siya maaaring pakasalan ng Prinsesa, Ako…”Malapit nang maiyak si Grunt sa mga sandaling ito. Magpapakasal ang pinakamamahal niyang prinsesa sa ibang lalaki! Kaya paano niya ito magagawang tanggapin?“Itikom mo ang bibig mo!”Agad na pinutol ng nakakatakot na sigaw ng Nine Heaven Emperor ang pagsasalita ni Grunt bago pa man ito matapos. “Grunt, naging maganda at kagalang galang ang pagtrato ko sa iyo. Kaya umaasa ako na hindi ka magpapadalos dalos at gagawa ng kuwentong sisira sa ating dalawa.”“Nagmamahalan sina Darryl Darby at ang Prinsesa kaya sila ang perpektong nababagay sa
Read more
Kabanata 3931
”Sa mga taong nahawaan—para na silang patay. Hindi kailangang mag-alala sa kanila.”Tumango ang lahat sa mga sinabi ng lalaki.Nakangiting nagsalita si Chester. “Mukhang maganda ang plano mo. Kung ganoon ay magsimula na tayong umaksyon.”Marami sa mga matataas na miyembro ang magaling sa pagbuo ng iba’t ibang pormasyon. Malinaw na halos hindi magiging problema ang pag set up ng simpleng bitag.Sa ilalim ng pamumuno ni Chester, mabilis na nagsimulang bumuo ng bitag ang mga sekta para sa entrada ng kanyon.……Sa puntong iyon, sa kabilang banda.Sa altar ng Heavenly Alliance, umupo sa trono si Grunt. Sobrang dilim ng kaniyang mukha at mayroon itong galit at pagkamatay.Ikakasal kay Darryl Darby si Prinsesa Dorothy, samantalang binigyan ng mahirap na gawain si Grunt kung saan kailangan niyang ayusin ang kalat pagtapos ng nangyari sa Nine Mainlands. Sa bagay palang na iyon ay sapat na para pumatay si Grunt.Nang maisip niyang hindi na magiging malala pa ang sitwasyon ay nakatanggap
Read more