All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3971
- Chapter 3980
7044 chapters
Kabanata 3972
Sa loob ng isang pribadong kuwarto sa tavern, nakangiting tumili si Prinsesa Dorothy kay General Grunt. “Sir, maaari mo ba kaming bigyan ng isa sa pinakamasasarap ninyong wine! Ngayon ang araw kung saan nakaligtas ka sa panganib kaya dapat lang na ipagdiwang natin ito!”Bakit hindi siya matutuwa ngayong nakasama na niyang muli si General Grunt?Pero naging seryoso pa rin ang mukha ni Grunt sa mga sandaling ito. Nagdalawang isip siya habang nagtatanong ng, “Mahal na prinsesa, nagawa ninyong hanapan si Skylar ng isang purong Yang na katawan. Nangangahulugan lang ito na malapit nang mabuhay muli si Archfiend Antigonus na siyang wawasak sa mundong ito. Halina’t—"Pero agad siyang pinigil ni Prinsesa Dorothy sa pagsasalita, “Si Ama na ang bahala kahit na gaano pa kalala ang mangyari rito. Masyado rin namang malakas si Ancient Ancestor kaya nakasisiguro ako na magiging madali lang para sa kaniya na ayusin ang bagay na ito.”At pagkatapos ay agad siyang ngumiti nang husto habang sinasabi
Read more
Kabanata 3973
“Ano iyon?” Nakangiting tanong ni General Grunt.Napanguso naman ang nananatiling tahimik na si Prinsesa Dorothy habang naguguluhan sa kaniyang sarili.Dito na narealize ni General Grunt na mayroong mali sa naging aura ng paligid kaya seryoso nitong itinanong na, “Ano iyon, Mahal na Prinsesa? May kinalaman ba ito sa kamahalan?”Hindi na nakapagpigil pa si Prinsesa Dorothy kaya umiiyak nitong sinabi na, “Hindi…hindi na ako purong babae…”Mabilis niyang ikinuwento kay General Grunt ang nangyari sa kanila ni Darryl sa loob ng kaniyang kuwarto. At sa huli ay napahiya siya sa harapan ni Grunt nang husto. Napuno ng kahihiyan ang kaniyang mga mat ana para bang hindi na nito kaya pang tingnan si General Grunt nang direkta sa mata. Sa totoo lang ay magagawa niyang itago ito sa General pero masyado niya itong mahal kaya isang uri ng pambabastos sa Heneral ang hindi niya pagsasabi ng totoo. Hindi niya ito masabi noong hindi pa siya lasing kaya agad niya itong sinabi nang kumagat na ang tama n
Read more
Kabanata 3974
Malalim na ang gabi at maliit lang ang bayang ito pero masyado pa rin itong matao at masigla habang lamyang lamya naman sa kaniyang kinaroroonan ang naglalakad na si General Grunt. Hindi na perpekto ang prinsesa na kaniyang hinahangaan. At bilang isang special envoy na ipinadala mula sa Godly Region at Commander na itinalaga ng Nine Heaven Emperor. Isang kahihiyan para sa buong Godly Region ang nangyaring pagbihag sa kaniya ni Skylar. Paulit ulit na nagplay ang mga bagay na ito sa kaniyang isipan na para bang nasa ilalim siya ng isang matinding sumpa. “Bakit? Bakit nangyari ang lahat ng ito?”Dito na siya nahirapan sa kaniyang sarili nang biglang mabalot ng isang malakas na pressure ang buong kalangitan sa ibabaw ng bayang iyon. Kasabay nito ang pagtigil sa paglalakad ng lahat habang nakatulalang tumitingin sa kalangitan na para bang may mga kapansanan. Agad na nawala ang pagkalasing ni General Grunt nang makita niya ang eksenang ito. “Na… Nandito na si Master Magaera?”Maliban sa
Read more
Kabanata 3975
Nagpanic at nautal si General Grunt habang nanginginig ang kaniyang mga tuhod. “Sabi sabi lang po ang tungkol sa bagay na iyon. Nakatakda nang ikasal ang prinsesa kay Darryl at kasalukuyan na ring nakahanda ang lahat sa kanilang kasalan. Kaya paano ko po magagawang mahalin ang isang babaeng para na sa ibang lalaki?Dito na nagisip si Master Magaera habang sinasabi na, “Kung ganoon ay bakit hindi mo sabihin sa akin kung bakit nagalala nang husto ang prinsesa sa kaligtasan mo?”Gumawa ng isang ipinagbabawal na bagay sa Godly Region ang prinsesa nang magdala ito ng isang purong Yang na katawang kakailanganin ni Archfiend Antigonus para muling mabuhay kapalit ng kaligtasan ni General Grunt. Kaya kahit na sino ay magsususpetsa sa ginawa niyang iyon.Agad namang pinunasan ni General Grunt ang pawis sa kaniyang noo habang mahinang sumasagot ng, “Maaaring… Maaaring nakita po siguro ng prinsesa na tapat ako sa kamahalan nang napakaraming taon kaya hindi niya po naatim na makita akong mapaham
Read more
Kabanata 3976
Nakaramdam ng awkwardness dito si General Grunt habang tumatangong sumasagot ng, “Uh… Sige.”“Saan ka nga pala nagpunta?” Nagtatakang itinanong ni Prinsesa Dorothy.Nagisip naman si General Grunt nang isang sandali para makagawa ng dahilan sa prinsesa. “Nagtanong tanong lang ako sa paligid kung may lugar bang malapit dito na may magandang kapaligiran na maari nating puntahan.”Dito na nakangiting nagtanong ang prinsesa ng, “Napakasweet mo naman. Nakahanap ka na ba ng lugar na maaari nating mapuntahan?”Nakangiti namang sumagot si General Grunt ng, “Opo. Ilang milya lang lang layo nito mula sa atin!”Seryoso siyang nagsalita habang nakakaramdam ng matinding bigat sa kaniyang dibdib. Nagsinungaling siya sa prinsesa para hindi ito maghinala sa kaniya.Napapalakpak naman sa tuwa si Prinsesa Dorothy nang marinig niya iyon. “Magaling! Gagawa tayo ng isang maliit na kubong gawa sa kahoy pagdating natin doon. Hindi, gumawa na lang pala tayo ng isang magandang tower…”Habang nagsasalita
Read more
Kabanata 3977
Sinabi ng Jade Immortal na may kakayahan ang Heavenly Oracle Bone na malaman ang hinaharap at dapat lang magamit sa oras ng desperasyon. Hindi ba’t ito na ang perpektong sandali para gamitin ang buto ngayong nakakulong siya sa Sky Prison? Habang nagiisip ay hindi na siya nagdalawang isip pa na gamitin ang lakas ng diwata niyang kaluluwa sa hawak niyang Heavenly Oracle Bone.Whoosh! Dito na nagpakita ang isang kumikislap na liwanag mula sa Heavenly Oracle Bone habang nasisira ang magandang daloy ng hangin sa paligid ng kaniyang selda. At pagkatapos ay bigla nang nagpakita ang isang eksena na parang isang ilusyon sa harapan ni Darryl.Napahinga na lang nang malalim ang nagugulat na si Darryl nang makita niya ang mga nangyayari sa kaniyang harapan. Ipinakita ng eksenang ito ang Imperial Palace sa Godly Region. Nagkaroong apoy sa paligid habang walang tigil na naglalaban ang dalawang mga imahe sa loob ng isang kuwarto sa tuktok ng palasyo.Isa sa mga ito ay ubod ng sama habang ang isa
Read more
Kabanata 3978
Napasimangot ang Nine Heaven Emperor habang ikinakaway ang kaniyang kamay para paalisin ang mga bantay. At pagkatapos ay agad niyang tinanong si Darryl ng, “Ano ang sasabihin mo?”Kasbay nito ang hindi natutuwang pagtingin ng Empress kay Darryl. “Darryl, ipapakasal namin si Dorothy sa iyo kaya ituring mo sana ito bilang biyayang isang beses mo lang matatanggap sa buong buhay mo. Ang lakas ng loob mong isama siya para takasan ang inyong kasal ah? Ano nanaman ba ang iniisip mo ngayon?”Dito na napipilitang ngumiti si Darryl habang sumasagot ng, “Hinding hindi ko po kayo magagawang linlangin ngayon.”Dito na niya sinimulang sabihin ang nakita niya sa ilusyon kanina. Hindi pa rin niya siyempre sinabi ang tungkol sa paggamit niya ang Heavenly Oracle Bone habang ikinukuwento ang tungkol sa pagbuo ni Archfiend Antigonus sa kaniyang katawang lupa.“Ano?” Agad na nagbago ang mukha ni Nine Heaven Emperor nang marinig niya iyon habang napapatayo sa kaniyang kama at nakatitig na nagtatanong ka
Read more
Kabanata 3979
Agad na narealize ni Empress Heidi ang isang bagay nang makita niy aang pagalis ni Nine Heaven Emperor kasama ni Master Magaera, “Naaalala ko na kamahalan. Hindi mo na kailangang magalala nang husto tungkol kay Archfiend Antigonus.”Dito na napahinto at napaharap sa Empress si Nine Heaven Emperor. “Paano ka nakasiguro sa mga sinasabi mo?”Kasabay nito ang pagsimangot ni Darryl habang tinitingnan ang kahinahinalang mga galaw ni Empress Heidi.“Maaari nang isilang anumang oras si Archfiend Antigonus matapos nitong makakuha ng isang purong Yang na katawan. Kaya paano niya nasabing wala na kaming dapat pang ipagalala rito?”Dito na nakahinga nang maluwag si Empress Heidi habang ngumingiti kay Nine Heaven Emperor. “Nakausap ko ang master tungkol kay Archfiend Antigonus at sinabi nito na magiging mahirap ang muli nitong pagsilang dahil hindi lang purong Yang na katawan ang kakailanganin nito. Mangangailangan din si Archfiend Antigonus ng isang purong Yin na katawan upang mabuo nang tuluy
Read more
Kabanata 3980
Sumigaw nang malakas ang makaliskis na dragon habang umaangat papunta sa mga kidlat na para bang hindi ito nagpapatalo. Pero malinaw pa ring makikita ang nerbiyos sa mga mata ng dragon. Sa totoo lang ay ito na ang huling hakbang sa ebolusyon ng mga dragon kung saan maraming mga makaliskis na dragon ang nabigo.“Tutulungan ka namin!” Dito na biglang dumilat si Chester at ang kaniyang mga kasamang nakaupo sa lupa bago lumipad papunta sa kalangitan.At pagkatapos ay sabay sabay silang gumawa ng isang protective shield sa ulo ng makaliskis na dragon para magawa nitong labanan ang pagtama ng kidlat sa kaniyang katawan.Boom! Boom! Boom!Makikita ang pagtama ng napakaraming kidlat sa ginawang shield nina Chester kaya agad na nabalot ng alikabok at usok ang hangin sa taas na ilang daang metro mula sa lupa. Dito na rin gumuho ang butas na pinagpahingahan ng dragon sa ilalim ng lupa habang yumayanig ang mga bundok na para bang katapusan na ng mundo. Dito na napaatras nang walang pagaalinlan
Read more
Kabanata 3981
Gumuho ang sikretong silid nang mas lumakas ang enerhiya at bumaril sa langit ang matinding pulang ilaw at nagliwanag ang mundo dahil dito.Sa parehong sandali ay malakas na yumanig ang mundo at nabalot sa madilim na ulap ang langit. Nang sandaling iyon ay lumabas sina Skylar at ang mga alagad ng Five Poison Sect para tingnan ang pangyayari. Nakita nila ang nakalutang na Archfiend Antigonus sa gitna ng ere at nagliwanag ang ilaw ng kulay dugo na kidlat sa tuktok ng kaniyang ulo. Naglabas ng masamang aura ang kaniyang katawan at umapaw ito sa paligid.Nagulat ang mga alagad ng Five Poison Sect sa kanilang nakita at nanlambot ang kanilang mga binti.Tiningnan ni Skylar ang Archfiend Antigonus at napuno ng pagkasabik at pagkabaliw ang kaniyang mga mata. ‘Nagawa ko. Sa wakas at nagawa ko!’Sa wakas at nagawa niya ang huling kahilingan ng kaniyang mga ninuno at dahil sa kaniya ay nangyari ang muling pagkabuhay ng Archfiend Antigonus. Mabilis na lumapit ang isang payat na anyo mula sa la
Read more