All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4021
- Chapter 4030
7044 chapters
Kabanata 4022
Nagliwanag ang mukha ni Darryl sa sobrang confidence. “Agad akong gagawa ng isang protective barrier sa paligid natin sa sandaling pumasok tayo sa formation. Pero limitado lang ang kayagng gawin ng diwata kong kaluluwa kaya kakailanganin kita para palakasin ito, naiintindihan mo?”Ganito pala ang pinaplano niyang gawin.Dito na kumislap ang mga mata ni Grunt habang nakangiting tumatango at sumasagot ng, “Huwag po kayong magalala dahil gagawin ko po ang buo kong makakaya Prince Consort.”Nagsalita siya nang buong puso habang punong puno nang panlalamig ang dibdib ni Grunt.“Una ay nagawa mong kunin si Prinsesa Dorothy mula sa akin bago tanggalin ang kaniyang pagkainosente, at ngayon ay gusto mo namang palakasin ko ang diwata mong kaluluwa? Wala ka na ba talaga sa sarili mo?”Napagisip isip na ito ni Grunt. Magpapanggap siyang sumasangayon kay Darryl bago maghintay ng tamang pagkakataon para iwananan ito at hayaang mamatay sa Blood Sacrifice of Fiends. Hindi naman nakapansin ng ka
Read more
Kabanata 4023
Naging kalmado nang husto ang mukha ni Darryl habang kumakabog nang husto ang kaniyang puso.Mangangalahati ang dalawa sa kanilang tagumpay sa sandaling makatawid sila sa blood formation.Dito na niya nakitang alisin ni Grunt ang kaniyang mga kamay bago tumalikod at lumipad papunta sa exit.Dito na nagawang makaalis ni Grunt habang nagpapakita ng malademonyong ngiti sa kaniyang mukhang nakaharap kay Darryl. “Oh, Darryl Darby, gustong gusto mo talagang pabagsakin ang formation na iyan at bumalik ng buong karangalan sa Godly Region. Kung ako sa iyo ay ititigil ko na ang walang kwenta mong mga ambisyon. Oh, para ng apala ito sa pagkuha mo kay Prinsesa Dorothy mula sa akin, hayop ka! Ituring mo na itong paghihiganti mula sa akin. Goodluck sa pagpunta mo sa impyerno.”Napuno ng tuwa ang bawat salitang binanggit ni Grunt habang tumatawa ito nang malakas at mabilis na lumalayo sa kulay dugong hamog.Buwisit!Dito na nabalot ng galit si Darryl. Paanong hindi niya inasahan ang paghihigant
Read more
Kabanata 4024
“Manatili rito ang ilan sa inyo para magpatuloy na magpadala ng mensahe sa Godly Region.”Pagkatapos ng ilang segundo ay gumawa si Master Magaera ng ilang malalalim na hinga bago magutos sa kaniyang mga sundalo.“Masusunod po kagalang galang na Master!”Iisang sumagot dito ang ilang mga sundalo. Nagtipon tipon ang mga ito para gamitin ang mga diwata nilang kaluluwa sa pagbabakasakaling makapagpapadala sila ng mensahe sa Godly Region.Samantala, dinala naman ni Master Magaera si Skylar sa isang lugar na hindi kalayuan sa mga sundalo. Dito na nagpakita si Master Magaera ng malabagyong itsura habang nagtatanong ng, “Nasaan na si Archfiend Antigonus, Skylar Blanc?”Importante para sa kaniyang makapagpadala ng mensahe sa Godly Region at malaman ang kinaroroonan ngayon ni Archfiend Antigonus.Agad na huminga nang malalim si Skylar nang maramdaman niya ang galit sa dibdib ni Master Magaera. “Hindi niyo ba narinig ang mga sinabi ko kanina, Master Magaera? Kaya ng kagalang galang na si Ar
Read more
Kabanata 4025
Umikot ang mukha ni Skylar pero hindi pa rin ito nagsalita ng kahit na ano. Dito na naubos ang pasensya ni Master Magaera. Agad itong sumigaw ng, “Sabihin mo sa akin! Nasaan si Archfiend Antigonus?”Bahagyang ngumiti naman dito si Skylar habang hindi nagsasabi ng kahit na ano.Sumigaw nang buong lakas si Master Magaera habang itinataas ang kaniyang Soul Slayer Whip bago muling itong ihampas sa katawan ni Skylar.Lumipad naman sa ere na parang isang lumilipad na gintong dragon ang latigo bago gumawa ng sunod sunod na tunog at humampas nang malakas sa lupa.Kumabog nang husto ang dibdib ng mga sundalo sa eksena na kanilang nasasaksihan.Pero nanatili pa ring ang pinaparusahang si Skylar.…Samantala, mabilis namang tinipon ni Grunt ang ilang mga sundalo bago sumugod pabalik sa Jade Fairyland.Hindi nagtagal ay nagawa na niyang banggitin nang walang pagkakamali ang kuwento na kaniyang ginawa kay Nine Heaven Emperor.Ano?Dito na nagulat nang husto ang lahat maging si Nine Heaven
Read more
Kabanata 4026
Makikita ang ilang daang libong mga bangkay ng fiend sa paanan ng Sealed Fiend Mountain kaya malinaw para sa kahit na sinong nagpunta roon si Archfiend Antigonus para buhayin ang mga ito sa pamamagitan ng isang sumpa.Dito na biglang pumasok ang isang bagay sa isip ni Master Magaera kaya hindi na ito nagpatumpik tumpik pa. Sa loob ng isang iglap ay agad itong lumipad sa ere habang sumisigaw ng, “Magtipon tipon kayo ngayundin! Sumama kayo sa akin pabalik ng Godly Region.”Agad na nagsama sama ang daan daang libong mga sundalo habang sinusunod ang utos ng kanilang lider.Dito na tumuro ang isa sa mga sundalo sa halos hindi na mabuhayt na katawan ni Skylar. “Ano po ang gagawin natin sa kaniya, Kagalang galang na Master?”“Pabayaan mo na siya riyan!” Wala nang pakialam si Master Magaera nang sabihin niya ang mga salitang iyon sa sundalo.Totoo ngang malakas si Skylar pero para na rin siyang patay ngayon matapos niyang tanggapin ang napakaraming pagatake mula sa Soul Slaying Whip ni Ma
Read more
Kabanata 4027
“Opo, Kamahalan!”Nagmadaling sumugod ang ilang mga royal guard para dahan dahang iangat ang katawan ni Skylar sa isang kabayo bago sumugod pabalik sa palasyo ng New World.…Samantala, sa Five Poison Sect.Pagkatapos ng ginawang pagtakas ni Kendall, dahan dahang kumalat ang mga natitirang miyembro ng Five Poison Sect na para ring mga ibon.Masasabi ng kahit na sinong hindi naging maganda ang kanilang laban.Agad na natapos ang laban paglubog ng araw. At ang tanging nakita lang nila ay ang pagdanak ng dugo sa kaninang masigla at masayang mga miyembro ng Five Poison Sect. Nakahilera ang mga katawan nito sa lupa habang nababalot ng amoy ng bakal at naaagnas na katawan ang hangin sa paligid.Dito na nakahinga nang maluwag si Chester, ang kaniyang mga tauhan at ang mga disipulo ng Hidden Hero Sect.Tapos na rin ang labang ito sa wakas.Ang tanging pinagsisihan nila ay ang kawalan nila ng aksyon noong tumakas si Kendall kasama ng mismong inner core ng sinaunang nakalalasong alupiha
Read more
Kabanata 4028
Dating naikasal si Quincy kay Darryl. Naging maayos ang lahat hanggang nitong ilang taong nakalipas matapos mapagkamalan ni Darryl na si Quincy ang kapatid nitong Empress. Dito na nangyari ang isang pagtataksil kung saan kinamuhian nang husto si Quincy si Darryl. At pagkatapos ay ilang beses ding nagpadala ng mga tauhan si Quincy sa pamilya Carter para subukang kunin ang kostodiya ni Shannon at ng kaniyang mga anak. Pero walang kahit na isa sa mga ito ang nagtagumpay.Kaya maaari nating sabihin na hindi maganda ang naging relasyon ngayon ng pamilya Carter at ni Quincy.Kaya hindi maganda ang kahulugan ng pagpapakita ni Quincy at ng malaki nitong hukbo.Dito na kumunot ang noo ni Quincy habang napupuno ng tensyon ang kaniyang dibdib.Malinaw na nakafocus ito ngayon sa Five Poison Sect na nasa kaniyang harapan na napaligiran ng mga naagnas na bangkay at lupang puno ng dugo. Nagmukha itong impyerno sa ibabaw ng daigdig. Maliban pa ito sa isang dambuhalang nilalang na nakahandusay hind
Read more
Kabanata 4029
Ano?Hindi nakapagsalita sa kanilang narinig ang lahat, kabilang na sina Dax at Chester.Kailan pa nagkaroon ng ganitong klase ng pagiisip si Quincy Jones? Ibang iba ito sa Quincy na nakilala nila.Dito na agad na nakabalik sa realidad si Chester bago nakangiting sabihin kay Quincy na, “Natutuwa ako sa kagustuhan mong isantabi ang lahat ng namamagitan sa atin para magkaisa. Maaari ko bang tanungin kung ano na ang plano mo ngayon?”Bahagya namang ngumiti si Quincy bago sabihing, “Chester Wilson. Ikaw ang Sect Master ng Eternal Life Palace Sect, at alam ko na isa kang uri ng lalaking may mataas na karunungan at kaalaman sa estratehiya. Alam nating lahat na masyadong matindi ang lakas ni Archfiend Antigonus kaya magiging imposible para sa ating lahat na talunin siya gamit ang ating mga sundalo.”Dito na nagpasya at nagsalita si Quincy. “Kaya hinihiling ko sana ang pagsali sa amin ng mga miyembro ng pamilya Carter at maging ng mga disipulo ng Hidden Hero Sect. Tungkol ang bagay na ito
Read more
Kabanata 4030
Hindi na pinigilan pa ni Quincy ang galit sa kaniyang puso!Kasabay nito ang paghahanap niya kay Darryl. Sabagay, ito pa rin ang pinakamalakas na miyembro ng pamilya Carter kaya tago man o hindi, ang presensya nito ay agad na magdadala ng masamang balita sa kaniya.Walang kaalam alam si Quincy na wala ngayon si Darryl sa Nine Mainlands.“Lumapit ka kung gusto mo.”Agad na naginit nang husto ang dugo ni Dax nang hindi na niya pigilan ang kaniyang galit. Dito na siya sumigaw ng, “Gusto mong magbilangan tayo ng hinanakit sa isa’t isa hindi ba? Magaling, puwede nating gawin iyan ngayong araw. Maraming miyembro ng pamilya Carter ang namatay sa pananambang ninyo kaya ito na ang tamang pagkakataon para maningil kami!”Agad na sumabog ang elixir field sa katawan ni Dax na naglakas ng isang malakas na aurang nagpinta ng kulay ginto sa ere na nasa kaniyang harapan habang hawak hawak ang Sky Breaking Axe sa kaniyang kamay.Nagalit na rin nang husto ang katabi nitong si Elder Fire. Dito na s
Read more
Kabanata 4031
Huminga ng malalim ang iba pang mga bantay ng maharlika dahil sa takot.Isang makapangyarihang mandirigma si Dax at mataas ang kaniyang reputasyon.Iyon, kasama ng Sky Breaking Axe, ay tunay na katakot-takot.Nanatiling hindi gumagalaw si Quincy sa gitna ng ere, malamig niyang pinanood ang digmaan. Hindi siya kumilos dahil na rin sa pagiging marangal ng kaniyang isipan.Para bang nawalan ng kontrol si Dax, kaliwa’t kanan niyang pinatay ang kaniyang mga kasama. Bumuhos ang galit ni Quincy nang mag-utos siya. “Kayo na ang bahala kay Dax Sanders!”Na kay Dax ang Sky Breaking Ax, mayroon siyang hindi malalampasang lakas. Naramdaman ni Quincy ang paghagod ng lakas ng ax nang magpatuloy sa pakikipaglaban si Dax, kasabay nito ang matarik na pagbaba ng kaniyang lakas.Nagtawag ng mas maraming puwersa si Quincy para sugurin si Dax. Sa ganoong paraan ay mabilis na mauubos ang lakas ng lalaki, mas mapapabilis ang pagpatay dito.Magiging malaking kawalan sa pamilya Carter at sa Hidden Hero
Read more