All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4071
- Chapter 4080
7044 chapters
Kabanata 4072
“Hindi nakipagkita sa akin si White Tiger King dahil ayaw niyang gamitin ang enerhiya ng mga demonyo. Iniisip niya ba na wala akong magagawa na kahit ano sa sandaling iwanan niya lang ako rito? Tingnan natin kung ano ang magagawa niya sa sandaling magpunta rito ang mga fiend. Dito na mapapasok sa isang sitwasyon ang mga demonyo na kung saan wala na silang magagawa kundi lumaban.” Sabi ng nasasabik na si General Grunt habang tumitingin gamit ang nanlalamig niyang mga mata.Nagpumilit siyang isali sa digmaan ang mga demonyo. Kaya isang kontribusyon na para sa kanila ang pagharap sa isang bahagi ng kampon ni Archfiend Antigonus.Habang nagiisip ang lahat, tumingin si General Grunt sa paligid bago niya utusan ang kaniyang mga heneral. “Sabihin ninyo sa lahat ang ibinaba kong utos na pakawalan ang Seek Help Amulet pagsapit ng dilim.”“Opo, Kamahalan!” Iisang sagot ng mga heneral.…Samantala, sa teritoryo ng mga demonyo, sinunod ni White Tiger King ang payo ni Darryl kaya hindi ito nak
Read more
Kabanata 4073
Dito na tumawa si Leia habang sumasagot ng, “Sige, iyon na muna siguro sa ngayon! Kailangan ko pang maghanda ng ilang mga herb para kay Kamahalang Darry nang mapabilis ang paggaling ng nabali niyang binti. Kinakailangan ko nang umalis ngayon.”Dito na siya tumalikod para umalis habang nagiiwan ng kaunti niyang amoy sa paligid. Pinanood ni Oliver ang paglalakad palayo ni Leia kaya agad itong natigilan ng ilang mga minuto. Hindi nagtagal ay nagising na rin siya sa katotohanan at nakaramdam ng matinding frustration habang isinasara nang husto ang kaniyang mga kamao.“Buwisit. Ako ang kaibiga ni Leia mula pagkabata pero kay Darryl pa rin siya napalapit? Hindi… hindi ito maaari.” Isip niya.Habang nagngangalit sa kaniyang sarili si Oliver, ilang mga tagasunod na babae ni White Tiger King ang naguusap at nagtatawanang dumaan sa kaniyang harapan. Hindi naging malakas ang kanilang paguusap pero nagawa pa rin silang marinig ni Oliver.Sinabi ng isa sa mga natutuwang tagapaglingkod na nakasu
Read more
Kabanata 4074
“Gusto rin ni Leia si Darryl? Imposible. Napakaimposible na bagay na ito.” Isip ni Oliver.At pagkatapos ng ilang segundo ay nagising na rin siya sa katotohanan habang bumabagsik ang kaniyang mukha. Isang diyosa si Leia para sa kaniyang mga mat ana kasing puro ng niyebe at isang partner na magagawa niyang protektahan hanggang sa dulo ng kanilang buhay. Hindi siya makapaniwala na ibibigay din nito ang kaniyang puso kay Darryl. Pero masyado pa ring matinding katibayan ang paggamit ni Leia sa Tiger Crystal sa mga sugat ni Darryl.Ang Tiger Crystal ay isang banal na gamot na pinakaiingat ingatan ng buong lahi ng White Tiger. Sinasabi na gawa ito sa essence na nakuha nila mula sa ninuno ng White Tiger habang nasa gitna ng naganap na pagsabog ng parehong langit at lupa. Dito na ipinasa ni White Tiger King ang Tiger Crystal kay Leia para ingatan ito hanggang sa sandali na kailanganin niya itong gamitin.Malinaw na naalala ni Oliver ang tungkol sa seryoso niyang pagrerequest kay Leia na mak
Read more
Kabanata 4075
Huminga rito nang malalim si Oliver bago sabihing, “Hindi mo pa ba naririnig ang usap usapan? Inalay na ng kapatid mo ang kaniyang sarili kay Darryl kagabi nang gawin nila ang bagay na iyon. Kaya paano mo nagawang magustuhan ang lalaki ng iyong kapatid? Ako lang ang iyong kinabukasan kaya ako lang ang lalaking nararapat sa iyo!”“Ano? Nagpunta si Mona kay Darryl kagabi at nagawa rin nilang… Hindi. Hindi ito maaari. Masyadong matigas ang ulo ni Mona. Nagawa pa nga nitong maliitin si Darryl nang ituring niya ito na isang baldado kaya paano niya magagawang ibigay dito ang kaniyang pagkababae?” Nanginginig at natutulalang inisip ni Leia.Tahimik siyang tumayo habang lumalakad muli si Oliver para hawakan ang kaniyang kamay habang sinasabi na, “Leia, kahit na mukhang gentleman si Darryl, isa pa rin itong manyak at walang kuwentang lalaki. Kaya dapat mong—"Slap! Pero hindi na nakapagpigil pa si Leia sa kaniyang sarili bago pa man matapos sa pagsasalita si Oliver. Agad niyang inangat ang
Read more
Kabanata 4076
“Dito na nagmamadaling sinabi ni White Tiger King na, “Hindi mo na kailangang sabihin iyan, Kamahalang Darryl. Ikaw ang kasangga ng mga demonyo kaya maliit lang na bagay ang banquet na ito para mapasalamatan ka namin.”Dito na siya tumingin sa kaniyang paligid bago magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Naalala ko kung paano nakulong ang mga demonyo sa Godly Region ng ilang libong taon. Hindi sana kami malaya ngayon kung hindi dahil sa iyo.”“Oo nga! Wala na sanang mga demonyo ngayon kung hindi dahil sa iyo.” Sagot ng lahat.Dito na tumayo si White Tiger King para itaas ang kaniyang baso at sabihing, “Narinig ko kay Leia na nagimprove na raw ang iyong mga sugat. Dapat lang natin na ipagdiwang ito. Halika’t magtoast tayo para kay Kamahalang Darryl.”Dito na tumayo ang lahat bago itaas ang kanilang mga baso para kay Darryl. Nagpakita naman ng nagpapasalamat na itsura si Darryl nang makita niya iyon, dito na niya magalang na itinaas ang kaniyang baso bago uminom kasama ng lahat.Pagkat
Read more
Kabanata 4077
Dito na sumasangayong tumango ang maraming mga mandirigma at mga chief nang dahil sa kanilang narinig. “Tamar in naman ang mga sinabi ni Darryl. Matagal nang nakakulong amg mga demonyo at hindi naging madali para sa buong lahi natin na makarecover mula rito. Kaya mas maigi kung ipagpapatuloy natin ang pagpapalakas kaysa sumali sa digmaan ng dalawang iyon.”“Nasa 10,000 ang bilang nga mga mandirigmang demonyo ngayon kaya bakit kami makikinig sa isang outsider na kagaya mo? Iniisip mo ba na madidiktahan mo ang aming kinabukasan ngayong isa ka ng partner ng aming lahi?” Sumisinghal na sigaw ni Oliver habang nagsasalita.Nagkaroon siya ng issue kay Darryl nang hindi sila magkaunawaan ni Leia. Kaya agad siyang nainis nang makita niyang sumangayon si White Tiger King sa suhestiyon ni Darryl na lumipat sa ibang lugar.Dito na biglang narinig ang isang malakas na boses mula sa likuran, “Walanghiya ka talaga!”Dito na napatayo sa kaniyang kinauupuan si Black Tortoise King bago nagmamadaling
Read more
Kabanata 4078
Agad namang gumaan ang loob at nawala ang bigat sa isip ni Black Tortoise King nang marinig niya ang mga sinabi ni Darryl. “Mabuti na lang at pinalampas ito ni Darryl.”Kasabay nito ang sabay na pagngiti nina White Tiger King at ng kaniyang mga demonyong mandirigma. Agad namang nagalit dito ang nakikinig sa labas na si Oliver. “Masyado nang sumosobra si Darryl! Nagawa nang humingi ni ama ng paumanhin sa iyo pero nagawa mo pa ring magsalita na parang kapantay niya!”Nagkaroon ng lakas ng loob si Oliver na sermonan si Darryl nang maalala niya ang nangyari sa kanila ni Leia pero napagdesisyunan niya pa rin na pigilan ang kaniyang sarili sa huli nang maisip niya na naroroon pa rin ang kaniyang ama.Agad namang nagliwanag ang kaninang awkward na hangin sa paligid ng batong kastilyo nang humingi ng tawad si Black Tortoise King.Dito na tumayo si White Tiger King habang tumatawang nagsasabi na. “Masyado kang mabait at mapangintindi, Kamahalang Darryl. Kaya inaalay ko ang toast na ito sa n
Read more
Kabanata 4079
Natuwa naman si Leia nang pumayag si White Tiger King kaya agad siyang bumalik sa kaniyang upuan matapos makatanggap ng tango sa kaniyang ama. Dito na napadalas ang kaniyang pagtingin kay Darryl habang nagpapakita ng ganda at kaunting takot ang kaniyang mukha.“Ito…” Hindi naman nakapagsalita si Darryl nang tanggihan niya ang alok ni Leia.Pero agad pa rin siyang pinigilan ni White Tiger King habang tinatapik ang kaniyang balikat at sinasabing, “Napagdesisyunan ko na ito, Kamahalang Darryl. Masyadong matalino at masipag si Leia kaya makakahinga na kami nang maluwag ngayong alam na naming nasa ilalim ka na ng kaniyang pangangalaga.”Wala namang nagawa rito si Darryl kundi sumangayon at tumango. Agad namang nagalit nang husto ang nakatayo sa labas ng kastilyo na si Oliver.“Paano itong nangyari? Paano nagawa ni Leia na magvolunteer para alagaan dito si Darryl. Hindi. Hindi ito maaaring mangyari.” Isip niya.Nagtagal pa ng isang oras ang banquet bago ito tuluyang natapos. At nang mak
Read more
Kabanata 4080
Isang mandirigma ng Black Tortoise si Tyrone na kasing edad lang ni Oliver at bata pa lang sila noong magsimula siyang sumunod dito. Nagpahinga at nagpalakas ang dalawa nang magkasama kaya maaari nating sabihin na para na ring kapatid ni Oliver si Tyrone.“Sundan ka?” Natitigilang tanong ni Tyrone. “Nagiimpake na ang lahat para sa pagalis natin dito kaya bakit mo gustong lipunin ang lahat.”Hindi na nagsalita pa si Oliver nang husto habang sinasabi na, “Mamaya ka na magtanong! Lipunin mo na ang mga tauhan natin ngayon. Mayroon tayong gagawin na ikagugulat ng lahat.”Hindi na nagtanong pa si Tyrone habang tinatawag ang lahat. Pagkatapos ng ilang minuto ay makikita nang nakatayo sa harapan ni Oliver ang nasa 5000 mga sundalo ng Black Tortoise. Ang bawat isa sa mga ito ay hawak ni Oliver na siya ring nagtanglay ng kahanga hangang lakas.Dito na dinala ni Oliver ang ilang libo niyang mga tauhan para umalis sa kanilang teritoryo papunta sa posisyon ni General Grunt.…Samantala, sa te
Read more
Kabanata 4081
Nang baguhin ni Darryl ang kaniyang isip ay naging masaya ang mood ni Leia. Hinawakan niya ang kamay ni Darryl at ngumiti nang magsalita. “Alam kong hindi moa ko paaalisin. Narinig kong malawak ang kuweba at angkop ito sa pagpapagaling.”Bahagyang tumawa si Darryl nang hilain siya ni Leia palapit sa kuweba.…Samantala, hindi kalayuan mula sa teritoryo ng demonyo, nagdala ng ilang libong Grand Weapons at mga heneral si General Grunt para magtayo ng mga tent at magpahinga.Sa military na tent sa kampo, madilim ang mukha ni General Grunt nang umupo siya roon. Plinano na niyang ilabas ang Seek Help Amulet para akitin ang nasa hindi kalayuang lahi ng mga halimaw, walang ibang magawa ang mga demonyo kundi ang sumali sa digmaan.Subalit nagbigay balita ang Grand Weapons na nagpatrolya na plinanong umalis ng White Tiger King. Nakaramdam siya ng matinding galit sa balita at halos dumura siya ng dugo.Puno ng takot na kinwestyon ni General Grunt ang White Tiger King, pero nagdesisyon siya
Read more