All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4121
- Chapter 4130
7044 chapters
Kabanata 4122
Napabuntong hininga rito si Oliver-Nagmukha siyang takot. Dito na siya bumulong ng, “Handa po akong maglingkod sa inyo sir. Ako po pala si Ulysses. Bahagi po ako at ang aking mga tauhan ng isang backup patrol team kaya hindi pa rin po namin naririnig ang tungkol sa bagong teritoryo ng mga demonyo.”Pinilit ni Oliver na ikalma ang kaniyang sarili habang nagpapatuloy sa pagsasalita. “Nagpadala po si White Tiger King ng maraming mga backup patrol team para maghanap ng mga fiend na kagaya po ninyo para idistract. Ito po ay para manatiling lihim ang lokasyon ng bagong teritoryo ng mga demonyo.”Nagpakita ng matinding sinseridad ang mukha ni Oliver habang nagsasalita habang nakakaramdam ng kaba sa kaniyang dibdib.Ang tangi niyang goal noong araw na iyon ay ang paglalayo sa hukbo na ito ng mga fiend sa bagong teritoryo ng mga demonyo. At higit sa lahat, ito na ang kaniyang pagkakataon para maitama ang kaniyang mga pagkakamali kaya hindi siya maaaring magkamali rito.Napagisipan na ito na
Read more
Kabanata 4123
Nakaramdam si Oliver ng hindi mapapantayang tuwa sa kaniyang puso nang makalayo siya at ang kaniyang mga tauhan.Nagtagumpay sila sa kanilang misyon.Inakala nito na magreresulta sa kaniyang pagkamatay ang pagkahuli sa kanila ng Fiend Martyr na iyon pero nagawa pa rin nilang makatakas dito. Siguradong ipagmamalaki siya ng kaniyang ama nang husto sa sandaling bumalik ito sa bago nilang teritoryo.Samantala, ilang sandali matapos umalis ni Oliver kasama ng kaniyang mga tauhan, bumalik ang heneral na ipinadala ni Yooda kasama ang ilang daang mga mandirigmang fiend.“Kagalang galang na Fiend Martyr.”Dito na nagmamadaling tumakbo ang fiend papunta kay Yooda habang ipinapakita ang kumplikadong itsura ng kaniyang mukha. “Naghanap po kami sa canyon pero wala po kaming nakita na kahit sinong demonyo. At sa halip ay nakakita po ako ng maraming mga patay na sundalo ng Godly Region sa isang kalapit na kuweba nito.”Dito na tumigil sa pagsasalita ang heneral ng mga fiend. Mukhang malalim ang
Read more
Kabanata 4124
Dito na sumabog sa katatawa ang mga taong nasa loob ng batong palasyo habang unti unting napapalitan ng pagkasabik at tuwa ang tensyon na umikot sa paligid nito.Masyadong malakas ang mga fiend kaya naging isa itong malaking banta sa lahi ng mga demonyo. Kaya hangga’t maaari ay iniwasan nila ang anumang uri ng komprontasyon sa lahi ng mga fiend, kaya natural lang na matuwa sila nang husto sa ginawa ni Oliver.“Kamahalan.”Dito na nagmamadaling lumapit ang isang tagapaglingkod. Hindi na makontrol ang tuwa sa mukha nito habang binabati si White Tiger King. “Gising na po ang mahal na binibini.”Agad na napuno ng selebrasyon ang buong batong palasyo habang makikita ang tuwa sa mukha ng mga elder nang marinig nila iyon.“Magaling, nagising na rin sa mga sandaling ito si Lady Leia!”“Isa talaga itong magandang araw para sa tribo ng mga Demonyo.”“Tama!”Napangiti naman dito si White Tiger King habang gumagaan ang kaniyang dibdib.Nagising na rin ang kaniyang anak matapos nitong mawa
Read more
Kabanata 4125
Dito na napatingin si White Tiger King kay Colori Phoenix bago nito sabihing “At binigyan ka ni Colori ng Red Sparrow Pill para mapigilan ang pagkalat ng essence sa buo mong katawan.”Dito na bahagyang ngumiti si Colori Phoenix habang umiiling na sinasabing, “Wala akong ginawa na kahit anong malaki, Kamahalan. Isang malaking pamilya tayo rito kaya ginawa ko lang po ang nararapat kong gawin noong mga panahong iyon.Dito na natulala ang hindi makapagsalitang si Leia.Sinubukan siyang pagsamantalahan ni Kamahalang Darby? Mukhang wala naman siyang naaalala na ganitong pangyayari.“Leia!”Dito na nagmamadaling pumasok ang isang imahe, ito ay walang iba kundi si Mona.Agad itong yumakap sa braso ni Leia habang nagpapakita ang galit at pandidiri sa maselan nitong mukha. “Hindi ka na dapat naging ganoon kabait sa hayop na iyon, Leia, wala na siyang ibang gusto kundi ang pagtugon sa tawag ng kaniyang laman. Pero totoo pa rin ang karma dahil nagawang mahuli si Darryl ng mga fiend nang ilig
Read more
Kabanata 4126
“Ama!”At sa wakas ay binasag na rin ni Mona ang katahimikan ng lahat. Agad itong tumuro kay Oliver habang sumisigaw ng, “Itali ninyo siya, at siguruhing masesentensyahan siya sa lahat ng kaniyang kasalanan.”Maaari ngang bata pa at matigas ang ulo ni Mona pero alam pa rin nito kung ano ang tama at mali. Ayaw na ayaw niya kay Darryl pero ito pa rin ang bayani nilang mga demonyo.Isang walang kapatawaran at walang kasingsamang bagay ang pagbibintang ni Oliver kay Master Darby.Tumango naman si Leia at Colori Phoenix habang nagsasalita ito kasama ng iba pang mga demonyo.Ayon sa mga batas ng demonyo, ang mga ginawang ito ni Oliver karapat dapat na para sa isang mabigat na sentensya.Whew!Dito na huminga nang malalim si White Tiger King habang hindi nagsasalita sa kaniyang kinatatayuan.Namutla naman sa sobrang takot ang mukha ni Oliver bago lumuhod at magmakaawa kay Leia. “Kasalanan ko ang lahat ng ito, Leia. Nagasal hayop ako noong mga sandaling iyon kaya hindi ko na inisip ang
Read more
Kabanata 4127
Ano?Naramdaman ni Oliver ang pagkablangko ng kaniyang isip nang marinig niya ito.Itinatakwil na siya ng buong lahi ng mga demonyo? Paano itong nangyari?Nang dahil sa sitwasyon ngayon sa Godly Region, siguradong hindi maganda ang kahihinatnan niya sa sandaling makasalubong siya ng mga sundalo ng Godly Region o ng kampon ni Archfiend Antigonus. Napuno ng takot at kaba ang dibdib ni Oliver nang maisip niya ito. Dito na siya humarap kay White Tiger King para magmakaawa rito. “Kamahalan, patawarin niyo na po ako sa aking kasalanan. Huwag niyo po akong itakwil sa ating lahi. Patawarin niyo po ako! Patawarin niyo po ako!”Habang nagmamakaawa ay nagpakita ito ng nakakaawang itsura kay Black Tortoise King.Hindi na napigilan pa ni Black Tortoise King ang kaniyang sarili kaya agad nitong ibinuka ang kaniyang bibig para magsalita para kay Oliver.“Black Tortoise King!”Pero siniguro pa rin ni White Tiger King na hindi ito makakapagsalita. Ngumiti ito habang sinasabi na, “Sinabi mo sa ak
Read more
Kabanata 4128
“Manahimik kang hayop ka!”Dito na bumagsak ang mukha ni Black Tortoise King sa sobrang galit. Sumigaw ito nang malakas habang tumuturo kay Oliver at sinasabing. “Ang lakas ng loob mong humingi ng tulong sa akin matapos ng mga nagawa mo? Hindi mo ba alam na dapat lang na mahatulan ka ng kamatayan sa harap ng publiko nang dahil sa mga nagawa mo pero masyado pa ring naging maawain si White Tiger King para hayaan kang mabuhay. Ang lakas ng loob mong humiling pa ng higit dito ah?”“Lumuhod ka at magpasalamat sa kaniya ngayundin!”Ito na lang nag natatanging bagay na magagawa ni Black Tortoise King para sa kaniyang anak. Pero nangyari na ang lahat kaya wala na siyang magagawa pa na kahit ano tungkol dito.Agad namang natigilan si Oliver habang nagugulat na nakatayosa harapan ng kaniyang ama.Dito na siya huminga nang malalim bago tumingin kay White Tiger King para pasalamatan ito. “Maraming salamat po sa inyong patas at maawaing hatol, Kamahalan.”Halos hindi na sumagot si White Tiger
Read more
Kabanata 4129
Whew!Nagpakahirap namang tumayo si Darryl habang dahan dahang naglalakad papunta sa batong pinto para subukan itong itulak pabukas.Pero agad na lumabas ang isang nakabubulag na liwanag sa dugong linya nang hawakan niyan ang pinto. Nakaramdam si Darryl ng matinding puwersang tumama sa kaniyang katawan bago ito tumalsik palayo.“Ugh…” Tumama ang katawan ni Darryl sa pader bago sumirit ang dugo sa kaniyang bibig. Agad ding nagdilim ang kaniyang paningin pagkatapos ng impact na halos magtanggal sa kaniyang malay.Buwisit!Nagngitngit ang ngipin ni Darryl habang pinupunasan ang dugo sa magkabilang gilid nito. Dito na siya galit at gulat na tumingin sa selyong nasa pinto.Ganito ba talaga kalakas ang mga selyong ginagawa ng mga fiend?Hinding hindi niya ito masisira hangga’t hindi pa tuluyang gumagaling ang diwata niyang kaluluwa. Dito na ba siya mamamatay?At nang maisip ni Darryl ang paghihirap an kaniyang dadanasin, mayroong isang payat na imaheng nagbukas sa pinto bago ito magl
Read more
Kabanata 4130
“Iniisip mo bang gagana iyan sa akin?”Nanlalamig na ngisi ni Morticia, hindi nagpakita ng anumang emosyon ang tono nito sa pagsasalita. “Walang kahit na anong halaga ang mga bilanggo sa lahi ng mga fiend kaya hindi umaasa ang kahit na sinong kaaawaan namin ang mga ito. Iniligtas ko ang iyong buhay dahil nakitaan pa kita ng pakinabang kaya huwag kang maging bastos sa harapan ko!”“Sige, kung ganoon ay ganito pa rin ang sagot ko. Ayaw ko nang ulitin pa ito.” Narerelax na sinabi ni Darryl.Agad na naubusan ng pasensya si Morticia nang malaman niyang hindi gumagana ang plano niya kay Darryl. Dito na niya nanlalamig na sinabing, “Nakikita ko na sinusubukan mo lang maging malakas at kagalang galang sa harapan ko. Sige, tingnan natin kung hanggang saan ang lakas mo.”Dito na muling itinaas ni Morticia ang kaniyang kamay para ilabas ang isang latigong gawa sa ivory na naging parang isang hangin sa sobrang bilis.Hindi na napigilan pa ni Morticia ang kaniyang sarili. Isa siya sa twelve Fi
Read more
Kabanata 4131
Umatras at gumilid si Mona para panoorin ang paglalaban. Tila bato at walang ekspresyon ang kaniayng mukha. “Sumusobra? Gumawa ka ng mga nakakamuhing bagay pero pinaalis ka lang sa Demon tribe bilang parusa. Maaaring mabait ang aking ama, pero hindi ko iyong mabibigay sa’yo.“Hindi ka makakatakas dito. Kukunin ko ang mga binti mo.”Walang pakialam si Oliver sa mga pag-iyak ni Mona, buong puso siyang nakatuon sa mga mandirigma ng White Tiger na nasa kaniyang harapan.Sa isang kisapmata ay lumipas ang ilang round. Napabagsak niya ang White Tiger warriors bago siya tumumba sa sahig at naubusan ng kahit anong enerhiya para magpatuloy sa pakikipaglaban.Si Oliver ang anak ng Black Tortois King kaya mayroon siyang hindi maipagkakailang kakayahan.Padalos-dalos si Oliver nang lumaki siya. Mayabang ang ekspresyon sa kaniyang mukha nang sugurin niya si Mona. “Gusto mong baliin ang aking mga binti sa tulong ng mga lalaking iyan? Bakit mo naisip na isa iyong magandang ideya?”Namula sa gali
Read more