All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4171
- Chapter 4180
7044 chapters
Kabanata 4172
Nakahinga naman na ng maluwag si Black Tortoise King nang marinig niya iyon. Sa pamamagitan ng ginawang estratehiya ni Darryl ay siguradong magiging maayos ang takbo ng kanilang plano!Sa ilalim ng pamumuno ni Archfiend Antigonus, daan daang libong mga sundalo ng fiend ang mabilis na nakarating sa Imperial Sky Place.Masyadong naging agresibo ang mga fiend. Hindi nagtagal ay natanggap na rin ng Imperial Sky Palace ang balita ng kanilang pagdating kaya agad na tinipon ni Nine Heaven Emperor ang nasa 10,000 niyang mga opisyal, Grand Weapon at mga heneral para harapin ang kanilang mga kalaban.Dito na nagharap ang libolibong mga sundalo ng Godly Region at ang daan daang libong mga kampon ng fiend habang nababalot ng isang mabigat na aura ang hangin sa paligid.Agad na ninerbiyos ang mga opisyal na nakatayo sa hagdan ng Imperial Sky Palace nang makita nila iyon. “Naghanda nga ang lahi ng fiend sa pagkakataong ito kaya hindi magiging madali ang labang ito sa atin.”Lumutang naman sa gi
Read more
Kabanata 4173
Kalmado namang ngumiti si Nine heaven Emperor nang makita niyang confident na sa nagiging takbo ng pangyayari si Archfiend Antigonus. “Iyan lang ba ang gusto mong sabihin? Kailangan mong aminin sa iyong sarili na mayroon pa ring nilalang na mas mahusay kaysa sa iyo. Kaya hindi ikaw ang magdedesisyon kung gagana ang Innate Formation na ito o hindi."Dito na niya itinaas ang kaniyang kamay. “Simulan niyo na.”Hindi na nagpatumpik tumpik pang ginamit ng daan daang mga Grand Weapon na nakastandby ang kanikanilang mga divine power para gamitin ang formation. Agad na narinig ng lahat ang isang malakas na tunog bago nila maramdaman ang pagyanig ng lahat sa loob ng 1000 milyang radius mula sa Imperial Sky Palace.“Ano?” Agad na nanigas ang ngiti ni Archfiend Antigonus habang nagsisimula itong magpanic. “Ito… imposible. Siguradong masisira na namin ang Innate Formation gamit ang mga Fiend Crystal na ito. Kaya paano ninyo ito nagawang italag? Saan kami nagkamali?”Walang kaalam alam si Arch
Read more
Kabanata 4174
Swoosh!Agad na namula ang mga mata ni Archfiend Antigonus habang hindi nagsasalita ng kahit na ano. Pero unti unti pa ring tumindi ang galit na kaniyang nararamdaman sa pagkatalo nila sa labang iyon. Matagal niya itong hinintay kaya hindi niya hahayaan ang kaniyang hukbo na matalo ng Godly Region sa pagkakataong iyon.Dito na tumakbo si General Grunt kay Nine Heaven Emperor para sabihing, “Kamahalan, natalo na po natin ang mga kalaban. Oras na po para gumanti!”Agad na kumislap sa sobrang pagmamadali ang kaniyang mga mata habang nagsasalita. “Nagawa ko nang magkaroon ng kontribusyon nang maibigay ko ang liham kay Nine Heaven Emperor. Oras naman ngayon para pumatay ng mas maraming mga sundalo ng fiend.”Sumabog naman sa katatawa si Nine Heaven Emperor habang binabati si General Grunt, “Magaling, napakagaling. Kagabi ka pa nagbibigay ng kontribusyon sa ating kontinente kaya bibigyan kita ng isang pabuya sa sandaling matalo na natin ng tuluyan ang mga fiend na ito.”Kumislap naman s
Read more
Kabanata 4175
Dito na nanlalamig na tiningnan ni Archfiend Antigonus si Black Tortoise King na nakatayo sa malayo gamit ang gigil nitong mga mata.Agad namang nakaramdam si Black Tortoise King ng matinding takot sa kaniyang sarili habang napapalunok nang makita niya ang gigil sa mga mata ni Archfiend Antigonus. Kasabay nito ang natatakot na pagsasabi ni Darryl ng. “Buwisit, Nagsususpetsa na sa atin si Archfiend Antigonus.”Dito na walang pagaalinlangang sinabi ni Darryl kay Black Tortoise King na, “Kamahalan, natalo na ang mga fiend kaya ito na ang tamang oras para umalis dito. Dahil kung hindi ay magiging huli na ang lahat para sa inyo.”Tumango naman si Black Tortoise King bago ito magtanong ng, “Paano naman ikaw?”“Huwag kayong magalala sa akin dahil aalis ako sa sandaling magkagulo na ang lahat.” Sabi ng nagbubuntong hininga na si Darryl.Naiplano na niya ang lahat ng ito nang magisa. Mayroong isang teleport gateway ilang metro ang layo mula sa kanluran ng Imperial Sky Palace. Agad siyang m
Read more
Kabanata 4176
Habang bumubulong si Darryl sa kaniyang sarili, mabilis na nakalapit sa kaniya sina Morticia, Yooda at ang iba pang mga Fiend Martyr. Kaya hindi na ito nakapagisip pa nang gamitin niya ang lakas mula sa diwata niyang kaluluwa para labanan ang mga ito.Boom!Pagkatapos ng ilang segundo ay nagawang tamaan ng mga Fiend Martyr ang acupoint ni Darryl na nakapagparalisa rito. Hindi pa tuluyang nakakarecover ang diwata niyang kaluluwa pero nagawa na siyang atakihin ng mga Fiend Martyr. Hinding hindi niya magagawang labanan ang mga ito.“Duwag ka talaga, Darryl. Sinusubukan mo bang pagtaksilan ang lahi ng Fiend bago tumakas?” Nanlalamig na sinabi ng nakasimangot na si Morticia kay Darryl.“Hindi po ako tumatakas. Hindi ba’t sinabi ni Archfiend Antigonus na umatras tayo?” Nagtatakang sinabi ni Darryl sa mga ito. Isang malaking kasalanan ang pagtakas kaya hinding hindi niya aaminin ang bagay na ito sa kanila.Suminghal naman si Morticia habang sinusubukang sagutin ito pero agad siyang pinut
Read more
Kabanata 4177
Hindi naiwasang mapaisip ni Darryl kung mapagsususpetsahan siya ang nagkalat ng impormasyon noong mga sandaling iyon.“Maaari ngang hindi. Naging maingat naman ako noong umalis ako sa kampo ng mga fiend kaya walang kahit na sino ang nakakita sa akin. Siguradong hindi ako pagsususpetsahan ni Archfiend Antigonus.” Isip niya.Dito na biglang sinuntok ni Yooda ang pader bago ito sumigaw ng. “Wala na itong kasing sama pa! Siguradong totorturin ko ang gumawa nito sa sandaling malaman ko kung sino siya.”Galit na galit nitong sinabi noong mga sandaling iyon.90% ng mga fiend ang namatay sa labang iyon kaya kulang kulang 20,000 na lang sa mga ito ang natira. Kaya walang kahit na sino ang kakalma matapos dumanak ng kanilang dugo sa labang iyon.Dito na biglang nagusap usap ang ibang mga Fiend Martyr sa kanilang mga sarili.“Tama nga si Yooda. Dapat na nating mahanap kung sino ang nagtraydor sa atin.”“Oo nga, simulan na nating magimbestiga.”“Natalo tayo nang husto nang dahil sa traydor
Read more
Kabanata 4178
Nang biglang itulak ni Oliver ang kaniyang sarili paabante gamit ang kaniyang wheelchair habang sinasabi na. “Archfiend Antigonus! Sigurado akong hindi si Ama ang nagbigay sa kanila ng impormasyon. Nasisiguro ko po ito sa inyo…”Hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili. Kahit na si Oliver mismo ang umatake kay Black Tortoise King bago pagbantaan ang mga kalahi niya para yumuko sa lahi ng mga fiend, sa totoo lang ay nirerespeto pa rin ni Oliver si Black Tortoise King. Sabagay, ama niya pa rin si Black Tortoise King kaya paano niya magagawang kumalma ngayong ang kaniyang ama na ang itinuturong salarin sa pagkakalat ng impormasyon sa godly region?Dito na napatingin kay Oliver ang lahat kabilang na sina Archfiend Antigonus, Morticia at iba pang mga Fiend Martyr.Dito na nagmamadaling nagisip si Archfiend Antigonus habang kalmadong sinasabi na, “Hindi si Black Tortoise King ang traydor? Mukhang mayroon kang nalalaman kung sino talaga ang gumawa nito kaya bakit hindi mo sabihin sa amin
Read more
Kabanata 4179
Agad na ngumisi si Oliver habang nagsasalita, “Nagpunta ako rito nang mas maaga ng isang araw kaysa sa iyo kaya agad kong nalaman na bihira lang gumamit ng papel at panulat ang mga fiend sa kampo.”Dito na biglang naglakad ang isa sa mga heneral ng fiend bago sabihing, “Oo nga. Naalala ko na ngayon. Walang kahit na sino ang gumagamit ng papel at panulat sa kampo maliban an lang kagabi. Kumuha ng ilan nito si Darryl.”“Buwisit! Inakala ko na naitago ko na ang ebidensya. Hindi ko inakalang makikita pa rin nila ito.” Walang magawang inisip ni Darryl.Hindi niya inakalang magkakaroon ng mahigpit na pagmomonitor ang lahi ng mga fiend sa mga papel at panulat sa kanilang kampo.Nakita ni Oliver ang pagbabago sa mukha ni Darryl bago sabihing, “Ano na ang gagawin mo ngayon? Ikaw lang ang nagiisang gumagamit ng papel at panulat dito. At mahahalata namang gumamit ka ng ilang mga papel. Ano ang sinulat mo sa mga papel na ito? At kanino mo ipinasa ang mga ito?”Bumagsak naman ang mukha ni Darr
Read more
Kabanata 4180
Napalunok na lang si Darryl sa kaniyang sarili habang nananatiling kalmado nang maramdaman niya ang nakakatakot na aura ni Archfiend Antigonus. “Wala na po akong mga sasabihin pa. Patayin niyo na lang po ako kung gusto ninyo.”Alam niyang mamamatay na siya noong mga sandaling iyon pero hindi pa rin siya nagpanic dahil nasa kaniyang pa rin ang Power of Bird Ancestor na nagtatanglay ng mga characteristic ng isang Nirvana. Ang Nirvana rebirth ay isang walang katulad na enerhiya na matatagpuan sa katawan ng mga Red Sparrow na magbibigay kay Darryl ng kakayahang mabuhay sa sandaling patayin siya ni Archfiend Antigonus.“Magaling. Napakagaling!” Sigaw ni Archfiend Antigonus habang nasusurpresa noong marinig niya na minamadali siya ni Darryl. Ayaw na rin niyang magasalita ng kahit na ano noong mga sandaling iyon. “Ngayong ito na ang hinihiling mo, pagbibigyan kita sa gusto mo.”Dito na niya itinaas ang kaniyang kamay para atakihin si Darryl. Naglalaman ang pagatakeng ito ng walang hanggang
Read more
Kabanata 4181
Tiningnan itong maigi ni Lute Belle at nagbigay ng komento. “Kakaiba. Malakas ang Evil Spirit Energy na nandito at nakakagulat na mayroong apos. Hindi lang iyon, mayroon ding espiritu… Kung sino ka man, itinadhana tayong magkita. Sumama ka sa akin, titingnan ko kung maibabalik ko ang pisikal mong anyo.”Kaagad siyang naglabas ng jade vial at ipinasok dito ang apoy na naglalaman ng espiritu ni Darryl. Pagtapos noon ay lumipad siya sa langit at naglaho.…Ilang oras ang nakalipas magmula nang tuluyang nalinis ang bakas ng digmaan at mga dugo. Mukhang bagong bago ang buong Imperial Sky Palace. Sobrang sigla sa Imperial Sky Palace ng sandaling iyon. Mayroong mahigit isang daang upuan at umupo ang mga opisyal nang naaayos sa kanilang ranggo habang nakangiti ang mga ito.Nasa trono ang nakabihis sa gold na robe na Nine Heaven Emperor, kalmado siya. Halos naubos ang sampu-sampung libong lahi ng mga halimaw. Hindi nagtagal at nawalan ng pakialam sa kanila ang Imperial Sky Palace. Paano s
Read more