All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4221
- Chapter 4230
7044 chapters
Kabanata 4222
“Maghahanap na po ako ng mga bata pagkatapos ko pong makipagusap sa inyo, Sect Master.”“Sige!” Tango ni Skylar habang gumagaan ang kaniyang dibdib.Nakatalikod ito kay Kendall kaya hindi niya nakita ang ekpresyon nito sa mukha.Agad na umalis si Kendall pagkatapos nitong paglingkuran si Skylar.Isang nakakatakot na ngiti naman ang nagpakita sa mukha ni Kendall habang papalabas ng Prayer Tower.Maghahanap ito ng mga bata pero bibigyan niya muna ito ng isang napakaliit na bagay bago dalhin kay Skylar. Dito na nagdesisyon si Kendall na magrebelde sa kaniyang master.Nakatali siya kay Skylar matapos niyang sumailalim sa fiend blood contract kaya higit pa sa kamatayan ni Skylar ang kakailanganin para masira ito. Pero alam niya na ang natatanging paraan para makawala sa kaniyang master ay ang tuluyang pagkawala ng kontrol nito. At ngayong sinasanay nito ang Devil Nightmare, ito na ang perpektong oportunidad para kay Kendall na gawin iyon.Pagkatapos ng kalahating oras, nakarating na
Read more
Kabanata 4223
Ngayong mukha pa ring hindi makapaniwala ang mga bata, agad na nagpakita ng ngiti si Kendall habang tumatangong sinasabi na, “Hindi ko kayo niloloko, Sa totoo lang ay pinipili ko na kayong lahat na sumali sa aking sekta hangga’t magagawa ninyong pumayag na sumali sa amin.”Dito na kinuha ni Kendall ang isang maliit na porselanang bote na naglalaman ng mga kulay emerald na mga pill. “Nakikita ninyo itong mga pill na ito? Ginawa ko sila para sa mga bagong miyembro ng aming sekta. Agad kayong magiging isang cultivator sa sandaling inumin ninyo ang mga ito.”Hindi na maitago ni Kendall ang kasamaan sa kaniyang ngiti habang nagsasalita.Ang mga pill na ito ay walang iba kundi ang Five Poison Soul Sucking Pills, ito ay isa sa mga pinakaiingatang kayamanan ng Five Poison Sect. Masyadong nakalalason ang mga pill na ito na gawa sa 81 uri ng iba’t ibang insekto. Ang sinumang iinom ng pill na ito ay agad na mawawalan ng kontrol sa kanilang mga sarili.Simple lang ang naging plano ni Kendall.
Read more
Kabanata 4224
Ang mga batang dinadala ni Rory ay nagpakita ng iba’t ibang uri ng takot sa kanilang mga mukha habang umiiyak at sumisigaw sa kanilang kinatatayuan. Sabagay, bata pa rin ang mga ito kaya ito ang natural nilangh sagot sa isang nakakatakot na sitwasyong kagaya nito.Pero mukhang nakakita ng ginto ang mga batang kasama ni Kendall na para bang umaasa ito na may mangyayari sa kanila.Yare.Agad na kumabog nang malakas ang dibdib ni Kendall sa ipinakitang mukha ni Skylar. Pero bilang isang matalinong babae, mabilis pa rin siyang nakahanap ng isasagot kay Skylar. Nagpakita ito ng naninigurong ngiti habang sinasabi na, “Oo nga pala! Sect Master, nadisiplina ko na ang mga batang ito kaya hindi na ito manggugulo na magpapadali sa ginagawa niyo pong pagsasanay.”“Magaling.”Napangiti na lang si Skylar sa mga sinabi ni Kendall bago proud na sabihing, “Hindi na talaga ako dapat na magalala sa mga bagay na ipinapagawa ko sa iyo.”Dito na inalis ni Skylar ang lahat ng pagdadalawang isip na kani
Read more
Kabanata 4225
Walang kamuangmuang ang mga batang nililinlang lang sila nito hanggang sa huli nilang hininga.“Sila—"At nang maghahanda na si Skylar na kumaway sa ika 11 na bata, mukhang nadiskubre ng isang batang babae ang isang bagay. Dito na siya tumuro sa sampung nakahandusay na bata sa sahig bago natatakot na umiyak ng, “Ang dilim na ng kanilang mga mukha, na para bang wala na itong mga buhay—"Habang nagsasalita, agad na napatingin ang natitirang mga bata sa 10 mga bangkay. Totoo ngang madilim na ang mukha ng mga batang iyon at mukha ring takot na takot ang mga ito. Kaya malinaw na para sa kanilang patay ang mga ito.“Patay na nga ang mga ito!”“Nakakatakot.”“Whoa!”Agad na napuno ng pagpapanic ang natitirang mga bata habang nagsisimula sa pagiyak nang paisa isa. Mabilis ding naihi sa kanilang mga salawal ang mga batang may mas mahinang loob kaysa sa ibang mga bata.Nang mairita ito sa ingay na ginagawa ng mga bata, agad na naging mabagsik ang itsura ni Skylar. Dito na siya sumigaw ng
Read more
Kabanata 4226
“Gusto mo na ba talagang mamatay?”Hindi na napigilan pa ni Skylar ang kanyiang galit nang makita niyang papalapit ang atake ni Kendall. Dito na niya sinubukang umatake pero hindi na niya ito nagawa sa tamang oras dahil hawak hawak pa rin niya hanggang ngayon ang batok ng batang babae na kaniyang hinabol.Agad na tumama ang atake ni Kendall sa katawan in Skylar at sa loob ng isang mababang ingay ay agad na napaliyad ang katawan nito habang napapaatras ng ilang hakbang.Kasabay nito ang pagtalsik ng batang babae bago tumama sa isang poste, agad itong nalagutan ng hininga nang dahil sa tindi ng impact na tumama sa munti nitong katawan.Hinding hindi magagawa ni Kendall na saktan ni Skylar kung nangyari lang ito noon. Pero nagawa na niya ngayong pagsamahin ang lakas mula sa sinaunang nakalalasong alupihan at ang sarili niyang internal energy kaya agad siyang lumakas nang husto. Nalason din si Skylar kaya agad na kumalat ang enerhiya mual sa fiend soul nito na nagresulta sa panghihina
Read more
Kabanata 4227
“Papatayin kita! Argh!”Habang nasa gitna ng kaniyang galit, agad na naglabas si Skylar ng isang wala sa sariling sigaw. Mabilis itong sumugod para patayin si Kendall pero hindi pa rin niya makontrol hanggang sa mga sandaling iyon ang enerhiya ng fiend niyang kaluluwa.Yumanig ang buong Prayer Tower sa tindi ng nakakatakot na puwersang lumabas mula sa enerhiya ng fiend na kaluluwa ni Skylar.Pagkatapos ng ilang segundo ay hindi na kinaya pa ni Skylar ang lakas ng puwersa kaya agad siyang napaluhod bago tuluyang mawalan ng malay.Kasabay nito ang paglabas ng enerhiya ng fiend sa kaniyang katawan.Hindi naman nagdalawang isip si Kendall na umupo sa tabi ni Skylar para iabsorb ang enerhiya na lumabas sa katawan nito.Hindi pa rin isang fiend si Kendall kaya hindi nito magagawang iabsorb ang enerhiya mula sa fiend na kaluluwa ni Skylar. Pero nagawa pa rin niyang pagsamahin ang lakas ng sinaunang nakalalasong alupihan sa sarili niyang internal energy. Halos 10,000 taon nang nabubuhay
Read more
Kabanata 4228
“Okay lang ang lahat.”Ngiti ni Kendall habang gamit ang mahinhing niyang boses, “Masyado lang marami ang mga espirito ng batang inabosorb ng aking master kaya agad siyang nahimatay sa tindi ng puwersang mula sa mga ito.”Dito na tumingin si Kendall kay Skylar bago magpatuloy sa kaniyang pagsasalita, “Tiningnan ko na ito at okay pa rin naman ang lagay niya sa ngayon. Ilang araw na pahinga lang ang kaniyang kakailanganin.”Nawalan siya ng malay?Kumunot ang noo ni Orlando sa kaniyang mga narinig.Nawalan naman ng gana si Kendall na ipaliwanag pa ito. Dito na siya naglakad paabante bago kunin ang katawan ni Skylar. “Ako na ang kukuha sa kaniya para mapagaling niya ang kaniyang sarili. Sabihin niyo na lang ang nangyari kay Kamahalan sa sandaling magtaka ito pagbalik niya.”Nagpakita ng pagkaseryoso ang mukha ni Kendall habang nagsasalita, kabaliktaran ito sa inis na ipinapakita ng kaniyang mga mata.Isang matalinong babae si Kendall kaya agad nitong nalaman na magiging mahirap ang
Read more
Kabanata 4229
Ang enerhiyang lumabas sa kanyiang katawan ay kapareho ng enerhiyang lumalabas sa kagalang galang na si Master Blanc.Paano itong nangyari?Habang mas nagiisip ay mas nabablangko ang isipan ni Orlando.Wala siyang kaalam alam na inabsorb ni Kendall ang enerhiya sa fiend na kaluluwa ni Skylar. Ito ang dahilan kung bakit naging ganito kalakas ang enerhiya na kaniyang inilabas.Pinabagal din ng pagkagulat na ito ni Orlando ang kaniyang pagkilos.“Dadalhin na kita sa impyerno!”Dito na itinaas ni Kendall ang kaniyang mga kamay habang umaatake sa dibdib ni Orlando. Nagmukhang magaan lang ang pagatakeng ito pero masyado pa ring naging mabilis ang mga pangyayari kaya hindi na nakapagreact pa sa tamang oras si Orlando para mailagan ang pagatakeng iyon.Tumama ang pagatakeng iyon sa dibdib ni Orlando na nakapagpatalsik dito ng isang daang metro palayo kay Kendall habang sumisigaw ito nang malakas sa sakit na kaniyang naramdaman. Malakas itong bumagsak malapit sa entrance ng palasyo haban
Read more
Kabanata 4230
Agad namang nagpatuloy si Lord Kenny sa pagsasalita gamit ang nagiging direktang tono ng kaniyang boses, “Magpapakita ka lang bukas sa sandaling magdeklara tayo ng digmaan. Sigurado ako na sapat na ang iyong presensya para takutin ang mga royal guard na nagbabantay sa royal city, hinding hindi na nila tayo magagawang labanan pa.”Ang naging estratehiya ni Lord Kenny ay ang pagtapos sa misyong ito sa lalong madaling panahon.“Hindi!”Mabilis na iniling ni Yvette ang kaniyang ulo habang ginagamit ang hindi makukuwestiyong tono ng kaniyang boses. "Umatake ka bukas kung gusto mo pero hindi ako sasama sa iyo. Iminumungkahi ko na magpahinga bukas at umatake sa makalawa.”Hindi na niya binigyan pa si Lord Kenny ng pagkakataong gumanti pagkatapos niyang magsalita. Agad siyang tumayo at umalis sa tent nito.Walang duda na ayaw atakihin ni Yvette ang royal city ng North Moana dahil agad na babagsak ang buong kontinente ng North Moana sa sandaling mapabagsak nila ang royal city, at ayaw din
Read more
Kabanata 4231
Sobrang nagalit ang heneral nang magsalita ito. “Hula ko ay nagpunta ang taong iyon para maghatid ng mensahe.”Halos hindi mapigilan ni Lord Kenny ang kaniyang pagkbasabik sa mga balita. Kumuway ito. “Nasaan siya? Dalhin siya rito.”Dali-daling lumabas ng tent ang heneral bago itong nagpakita ng mabilis kasama ang isang anyog sakay ng de-hila. Nakabihis manlalakbay ang lalake; kalmado ang ekspresyon ng mukha nito. Mukhang nakakamangha rin ang lebel ng kaniyang kakayahan.Henry Lowe ang pangalan ng lalake, isa sa mga miyembro ng Spirit Home Sect. Isang maliit na sekta sa kontinente ng North Moana ang Spirit Home Sect, pero mga matatapang na tagapaghatid ng hustisya ang lahat ng miyembro nito. Kaagad silang nagboluntaryong tumulong nang malaman nilang pupunta sa North Moana Continent ang New World Royals.“Sino ka?”Tinantsa ni Lord Kenny si Henry at malamig na nagtanong. “Anong pakay mo sa pag-alis sa royal city ng ganitong oras ng gabi? Magsabi ka ng totoo.”Madilim ang ekspresyo
Read more