All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4471
- Chapter 4480
7044 chapters
Kabanata 4474
Agad namang itinigil ni Celine ang kaniyang espada sa pagatake habang kumukunot ang kaniyang noo.Kasabay nito ang pagkislap ng mga mata ni Darryl habang nanlalamig na nagtatanong ng, “Anong lihim?”Huminga naman nang malalim si Sergio bago punasan ang malamig niyang pawis habang tumuturo sa kaniyang likuran. “Ang Phoenix Feather Mountain. Magyaroon nagpunta roon na nagpakilalang isa sa 12 Fiend Martyrs, sinabi nito na nagpunta siya sa Nine Mainlands para hanapin ka.”Dito na nagiingat na tumingin si Sergio sa direksyon ni Darryl.“Hinahanap ako?”Nagtataka namang napahinto sa pagsasalita si Darryl bago ito nanlalamig na suminghal kay Sergio. “Matagal na akong kalaban ng mga fiend kaya hindi na ako masusurpresa kung magpupunta sila rito para hanapin ako. Kaya wala nang kahit na anong lihim sa mga sinabi mo.”Habang nagsasalita, sinenyasan ni Darryl si Celine na ipagpatuloy ang kaniyang pagatake.Tumango naman si Celine bago muling iangat ang mahaba niyang espada.“Hindi, huwag
Read more
Kabanata 4475
Sige!Dito na tumango sa isa’t isa ang sumasangayong sina Celine at Queenie.Nagmamadaling sumugod ang tatlo papunta sa direksyon ng Phoenix Feather Mountain pagkatapos ng isang segundo.……Samantala, sa Phoenix Feather Mountain.Kasalukuyan pa ring nasa gitna ng matindi nilang laban sina Yvette at Thoth. Isang oras na silang naglalaban kung saan nanghina si Yvette sa bawat segundo na lumipas. Namumutla na ang kaniyang mukha habang malapit nang sumuko ang kaniyang katawan.“Sa totoo lang ay dapat mo nang purihin ang sarili mo matapos mong tumagal nang ganito sa harapan ko.”Naubos na ang pasensya ni Thoth habang nanlalamig na sinasabi ang mga salitang iyon. Dito na niya ginamit ang fiend niyang enerhiya na sumabog sa kaniyang katawan. Agad na nagdilim sa buong Phoenix Feather Mountain na para bang nagawa nitong gabi ang paligid.Buwisit!Agad na nanginig ang katawan ni Yvette habang kumakabog nang husto ang kaniyang dibdib nang maramdaman niya ang pumapatay na aurang lumalabas
Read more
Kabanata 4476
Kahit na nagbago pa ang itsura ni Darryl na umabot sa punto na kung saan hindi na siya nakilala ni Yvette, hinding hindi pa rin niya makakalimutan ang boses nito. Agad niyang nalaman si Darryl ang lalaking kasama ng dalawa nang marinig niya itong magsalita.Siya nga talaga ito. Hinding hindi talaga pumapalya sa pagpapakita ang lalaking iyon sa mga sandaling kinakailangan siya ni Yvette.Maluha luha na si Yvette sa sobrang tuwa habang nagaalala itong sumisigaw kay Darryl ng, “Magiingat ka, Darryl. Masyadong malakas ang Fiend Martyr na iyan. Hindi ko siya mapabagsak kahit na gamitin ko pa ang fiend kong kaluluwa.”“Huwag kang magalala!”Nakangiting comfort sa kaniya ni Darryl bago nito nanlalamig na titigan si Thoth. “Nagkita tayong muli, Fiend Martyr Thoth. Sigurado ako na inakala mong iyon na ang huli nating pagkikita, tama?”Namula nang husto ang mga mata ng galit na si Darryl habang sinasabi na, “Ang lakas ng loob mong pagbuhatan ng kamay ang mahal ko. Pagbabayaran mo ngayong ar
Read more
Kabanata 4477
Thump!Agad na nagpakita si Thoth sa harapan ni Darryl sa loob ng isang iglap. Dito na walang pagaalinlangang itinaas ni Darryl ang kaniyang mga palad para salubungin ang pagatake ni Thoth.Nakarinig ang lahat ng isang malakas na pagdagundong habang nagsasalubong ang pagatake ng dalawa at pagkatapos ay mabilis na kumalat ang isang napakalakas na wave ng enerhiya sa paligid ng Phoenix Feather Mountain.Agad na napaatras sina Darryl at Thoth sa puwersa na tinanggap ng kanilang mga katawan.Mapaghahalataan na walang kahit na sino sa dalawa ang nakalalamang sa labang ito kaya naging patas ang resulta ng huli nilang sagupaan.‘Ano?’Nagugulat na sinabi ni Thoth sa kaniyang sarili. Nagmukhang ordinary ang lalaking iyon pero masyado pa ring naging kahanga hanga ang kaniyang kakayahan. Maliban pa ito sa ginawa niyang pagatake na puno ng natural na lakas.Paano itong nangyari?Walang kaalam alam si Thoth na tinatanglay ni Darryl ngayon ang lakas ng Red Lotus Fayette na isa sa pinakaiing
Read more
Kabanata 4478
Ihinampas ni Thoth ang Blazing Heaven Scepter sa gitna ng ere hanggang sa mabalot ng kulay dugong liwanag ang katawan ni Celine.Thump!Agad na napakagat sa kaniyang labi si Celine habang kumakabog ang kaniyang dibdib sa sobrang pagkagulat. Sinubukan niyang ilaganang pagatake pero huli na lang lahat. At loob ng isang dagundong, tumama nang malakas ang kulay dugong liwanag sa kaniyang katawan.Umangat ang katawan ni Celine bago ito bumagsak mula sa ere kasbay ng isang malakas na kalabog na narinig ng lahat."Ugh!"Nanginig ang katawan ni Celine habang sumisirit ang dugo sa kaniyang bibig nang tumama siya sa sahig. Dito na namutla ang kaniyang mukha habang nanghihina ang kaniyang katawan.Ganito ba talaga kalakas ang lahi ng mga fiend?Napasigaw si Celine kay Thoth sa sobrang galit at pagkagulat na kaniyang naramdaman. Ito ang unang beses kung saan nagawa niyang makipaglaban sa lahi ng mga fiend kaya alam na niya kung gaano kanakakatakot at kalakas ang mga ito.“Okay ka lang ba?”
Read more
Kabanata 4479
Nanlalamig namang ngumiti si Darryl. Lumipad ito nang nang mabilis hanggang sa magsimula ang matinding laban sa pagitan ng dalawa sa gitna ng ere.Parehong gumuhit ang imahe ang dalawa na tila ba umiikot ang mga ito sa isa’t isa. Agad namang gumulo ang kalangitan sa tindi ng aura na sumabog sa kanilang mga katawan na sinabayan ng pagkabuo ng madilim na kalangitang naglabas ng nakabibinging mga kidlat.Pero hindi pa rin gumamit ng anumang sandata si Darryl. Nakipaglaban siya gamit ang kaniyang mga kamay kaya sa loog lang ilang sagupaan ay nagawa siyang tamaan ng hawak na Blazing Heaven Scepter ni Thoth. Dito an tumalsik ng higit sa isang daang metro patalikod si Darryl habang sumisirit ang dugo sa kaniyang bibig.Buwisit!Hindi na napigilan pa ni Darryl ang galit at pagkagulat na kaniyang naramdaman habang pinipigilan ang kaniyang sarili. Mas malakas pa ang scepter na ito sa Sky Breaking Ax kaya magiging mahirap ang labang ito para sa kaniya.Kasabay nito ang tahimik na pagdadasal
Read more
Kabanata 4480
Agad na nawala ang dilim sa kalangitan nang sabihin niya ang salitang iyon. At pagkatapos ay biglang namula at naging kulay dugo ang kalangitan sa paligid.Sinundan ito ng biglang pagbalot ng apoy sa katawan ni Darryl. Bumuo ito ng isang forcefiend na gawa sa apoy bagoo ito bumuo ng mga imahe ng lots na bulaklak.Walang duda na ito nga ang technique na nakuha ni Darryl mula sa Red Lotus Fayette.Ang Great Fayette Takeover.“Katapusan mo na, Thoth!”Nawalan na ng kontrol si Darryl habang sumisigaw ito nang malakas. Dahan dahang nagsama sama ang mga bulaklak ng lotus bago ito bumuo ng isang higanteng bola na lumipad papunta sa direksyon ni Thoth!Tumigas ang hangin sa paligid sa sandaling tamaan ito ng bola ng apoy na ginawa ni Darryl na para bang katapusan na ng mundo!Yare!Agad na nagbago ang mukha ni Thoth nang maramdaman niya ang napakalakas na enerhiya ng nagliliyab na bola ni Darryl. Dito na niya biglang itinaas ang hawak niyang Blazing Heaven Scepter para salagin ang paga
Read more
Kabanata 4481
Tinulungan ni Darryl si Yvette habang nakikipag-usap siya kay Celine nang tumayo sila para linsanin ang Phoenix Feather Mountain.Naka Indian-sit ang Fiend Martyr na si Thoth, May panunuya itong suminghal. “Sa tingin ko’y alam mo kung gaano ka kalakas, Darryl.“Subalit hinding-hindi mo kailanman matatakasan ang lahi ng mga halimaw kahit na umalis ka ngayon.”Hindi siya pinansin ni Darryl at pinamunuan nito palabas sina Yvette at Celine paalis ng bundok.Napuno ng makapangyarihang aura ang kalapit na kalangitan nang dumaan ang dalawang anyo.Nakasuot ng kulay iton na armor ang dalawang anyo. Mayroong kapangyarihan ng halimaw na nakahalo sa kanila at naglabas ito ng nakakatakot na aura.Ang mga ito ay sina Blaise at Ganon ng Twelve Fiend Martyrs.Umapak lamang sa Great East sina Blaise at Ganon dahil hindi nila matunton ang lokasyon ni Darryl sa kahit saan. Mabilis silang nagpunta sa Great East pagtapos nilang mapansin ang mga pagbabago sa langit at lupa. Alam nilang nasa digmaan
Read more
Kabanata 4482
Napakunot ang tahimik na si Darryl.‘Anong nangyayari rito? Nandito ang labindalawang Fiend Martyrs at ngayo’y pati ang Lunaris Heneral at ang Grand Weapon.’‘Ako ba ang dahilan kung bakit nandito silang lahat?’Nasa malalim na pag-iisip pa rin si Darryl nang bumala ang Lunaris Heneral at ang Grand Weapon nito sa tuktok ng Phoenix Feather Mountain.Dumaan ang paningin ng Lunaris Heneral sa eksena habang malamig ang ngisi sa mga labi nito. “Buhay na buhay dito! Hindi ko akalaing magkakasama ang tatlo sa magiting na labindalawang Fiend Martyrs.”Sinulyapan nito si Darryl at napatinign kay Thoth. Namangha siya dahil sugatan si Thoth kahit na napakalaks nito.Sino ang mag gawa noon?”Ang lalake bang mayroong pulang marka sa buong mukha?Hindi nakilala ng Lunaris Heneral si Darryl dahil sa mga marka nito sa mukha na parang katulad ni Yvette noon.“Lunaris Heneral?”Umangil ang naka Indian-sit na si Thoth. “Wala kang pakialam. Dalhin mo ang mga aso mo at umalis ka rito ngayon din!”
Read more
Kabanata 4483
Ipinadala ng Nine Heavens Imperial ang Lunaris Heneral dahil nabuksan ang Holy Sky Stone. Hindi niya hahayaang dumulas sa kaniyang kamay ang nag-iisang clue.“Anong kinalaman noon sa’yo?”Tuluyang nawalan ng pasensya si Blaise. Dumilim ang kaniyang mukha nang malamig siyang nagsalita. “Ito na ang iyong huling pagkakataon. Aalis ka ba, oo o hindi?”Malaki ang tiwala ni Lunaris sa kaniyang mga inakala nang makita niya ang reaksyon ni Blaise. Naroon ang tatlong fiend Martyrs para kay Darryl—paniguradong mayroon itong kinalaman sa propesiya ng Holy Sky Stone. Kung hindi ay aatakihin na sila dahil sa maraming alitan sa pagitan ng Godly Region. Bakit sila magsasayang ng oras at enerhiya sa mga salita?Tumingin si Lunaris kay Darryl at sinabing, “Darryl Darby, sumama ka sa akin papuntang Godly Region; nais kang makita ng Kaniyang Kamahalan.”Hindi maaaring hayaan ni Lunaris na bumagsak sa lahi ng mga halimaw si Darryl dahil may posibilidad na mayroong koneksyon sa Holy Sky Stone ang lala
Read more