All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4531
- Chapter 4540
7044 chapters
Kabanata 4534
Malamig ang ekspresyon ng napakagandang mukha ni Yvette. Wala siyang reaksyon nang makita niya sina Chester at ang iba pa.“Yvette!”Hindi maitago ni Chester ang pagkasabik sa kaniyang mukha. Humakbang siya paabante at bumati sa babae. Nagsalita ito. “Ang tagal mong nawala at ngayon mo lang kami kinausap. Nag-alala kami sa’yo.”Sobrang nasabik din si Ambrose. Sumigaw ito. “Nandito na kami, tita.”Subalit blangko ang mukha ng nakaupong si Yvette. Mukhang hindi siya masaya.“Napakatapang!”Nang sandaling iyon, naglakad ang heneral paabante at malamig na umangal. “Ang kapal ng mukha mo! Dapat mong tawaging Iyong Kamahalan ang Empress sa Full Energy Hall.”Makapangyarihan at matatag ang tono ng kaniyang boses.Naku po!Hindi na nakatiis pa ang nagpipigil ng galit na si Dax. Sumagot ito. “Sino ka naman? Isa kaming pamilya. Sino ka para guluhin kami? Gumilid ka.”“Anong sinabi mo? Nagalit din ang heneral. Tinitigan nito si Dax. “Napakatapang mo!”Pagtapos ay ilalabas na sana niya
Read more
Kabanata 4535
Nang sandaling iyon, bumalik din sa wisyo si Dax. Sumigaw ito. “Tingnan mo siya Chester! Hindi siya ang kilala nating Yvette. Kumampi siya sa lahi ng mga halimaw pero patuloy ka pa ring naniniwala sa kaniya?”Namula ang mukha ni Dax at tinitigan si Yvette. “Tama na ang mga walang kabuluhan, Yvette. Hindi kami kailanman yumuko sa kasamaan sa kabila ng mga pinagdaanan ng pamilya Carter. Sumuko ka nalang. Tara na!”Tumalikod si Dax at nagtungo palabas ng palasyo.Komplikado ang ekspresyon ng mukha nina Chester, Ambrose, at ng iba pa. Handa na rin silang umalis.“Isang kalokohan!” Nang sandaling iyon, malamig na umangal ang heneral at sumigaw ito. “Sino ka sa tingin mo at naisip mong maaari kang maglabas pasok sa palasyo kung kailan mo gustuhin?”Pagtapos ay narinig nila ang mga pagyapak—bumaha ang libo-libong guwardiya ng maharlika, humarang sila sa entrada at pinalibutan si Chester at ang mga kasama nito.“Gusto mo ng laban? Ganoon ba?”Mainitin ang ulo ni Dax. Hindi na siya nakap
Read more
Kabanata 4536
Huminga ng malalim si Dax, suminghal at nagsalita. “Binigyan na kita ng sagot. Hindi kailanman yuyuko sa kasamaan ang pamilya Carter. Dapat kang sumuko.”Pagtapos ay tumingin sa paligid si Dax. Nagsalita ito. “Dapat na nating tigilan ang mga walang kabuluhan. Kailangan muna nating umalis dito.”“Okay!”“Makikinig kami sa’yo, Tito Dax.”Tumango sina Ambrose, Neil, Chester, at ang iba pa. Kaagad silang kumilos para makawala sa kanilang paligid, pero naging epektibo ang Fantasy Fiend Poison nang simulant nilang gamitin ang kanilang internal na enerhiya.Kaagad na nanginig at kinilabutan ang lahat. Hindi nila magamit ang kanilang internal na enerhiya.“Naku naman! Mukhang na-lock ang enerhiya ko!”“Ang akin din!”Walang enerhiyang natumba sa sahig sina Dax at ang mga kasama nito bago pa sila matapos sa pagsasalita.“Masyadong naging mataas ang tingin ninyo sa inyong sarili!” Malamig na nanermon si Yvette at dahan-dahang naglakad pababa mula sa kaniyang trono. Naglakad siya palabas
Read more
Kabanata 4537
Lagot siya!Hindi mapigilang lumunok ni Darryl nang maramdaman niya ang malakas na kapagyarihan ng Wild Fury, sikreto siyang nag-alala roon.Nang harapin niya ang Mirage Dragon, ginamit niya si Blaise para mabaling sa iba ang atensyonn nito. Nang harapin niya ang Terror Hound at Higateng Pagong at nagawa niyang paglabanin ang dalawa at naghintay na mayroon siyang mapala rito.Mag-isa lamang siya nang sandaling iyon. Walang maaaring gamitin para ibaling sa iba ang atensyon ng Wild Fury. Anong dapat niyang gawin?Hanap niya ang kamatayan kahit na harapin niya ito. Sa puntong iyon, hiling lamang ni Darryl na magkaroon ng lakas ng loob at swerte.Tinago ni Darryl ang takot sa kaniyang puso at ngumiti sa Wild Fury nang isipin niya ang tungkol doon.“Ako si Darryl Darby. Ibinigay sa akin ni Empress Nuwa ang heavenly spiritual aura na nasa aking katawan.”Ano?Nagulat ang Wild Fury. Kakaiba ang ekspresyon ng kaniyang mukha nang tingnan niya si Darryl. “Si Empress Nuwa ang nagbigay niy
Read more
Kabanata 4538
Bukod doon, alam na alam ng Wild Fury kung gaano kalakas ang Mirage Dragon ang ang dalawa pang Evil Beasts.Walang laban sa lalakeng iyon ang tatlo sa kanila, paano pa kaya kung mag-isa lamang siya.Nang maramdaman niya ang mga pagbabago sa mga mata ng Wild Fury, hindi mailarawan ang pagkasabik at tuwa ni Darryl.‘Magaling! Nagawa ko ring takutin ang Wild Fury.’Naging malamig ang ekspresyon ng mukha ni Darryl. “Ngayon ay ikinakaharap ng Godly Region ang problemang hindi pa nito nakikita kailanman. Nagbabalik ang lahi ng mga halimaw. Plano nilang pasukin ang Imperial Sky Palace at pamunuan ang lugar na iyon.“Sa ganoong kaganapan, ipinadala ako ni Empress Nuwa sa Infernal Shadow Prison para tawagin ang Four Evil Beasts para tulungang makipaglaban ang Godly Region sa lahi ng mga halimaw. Sinabi ni Empress Nuwa na mapapatawad ang mga pagkakamali ninyo kapag naging tapat at totoo ka sa iyong serbisyo.“Sinong mag-aakalang ipagpapatuloy ng tatlo ang dati nilang gawi. Hindi sila nakip
Read more
Kabanata 4539
”Iyong Kamahalan!”Naglakad palapit si Ganon at magalang na nagsalita. “Sa tingin ko’y pinagtaksilan ni Blaise ang lahi ng mga fiend. Paniguradong nagpunta siya sa Infernal Shadow Prison para iligtas si Darryl.”“Pero alam ng lahat kung gaano kadelikado ang Infernal Shadow Prison. Mayroong Four Evil Beasts na naroon. Hindi pa rin matatakasan nina Blaise at Darryl ang kamatayan kahit magsanib-puwersa pa sila.”Pagtapos ay may pag-alalang nagsalita si Ganon. “Sa tingin ko, ang pinaka importanteng kailangan nating gawin ay ang harapin ang Godly Region. Patay na si Darryl. Nawala na rin ang pinakamalaki nating problema. Isa pa, nasa atin pa rin ang fairy soul ng Ancient Ancestor. Walang tatalo sa atin.”Natuwa ang Archfiend Antigonus. Ngumiti at nagsalita siya. “Tama si Ganon. Nasa mga kamay natin ang pagkapanalo. Subalit mayroon tayong kulang-kulang 20,000 na mandirigma. Paano tayo mananalo kung babanggain natin sila?”Napakamot ng ulo si Ganon. “Maaari nating gamitin ang fairy soul
Read more
Kabanata 4540
”Masusunod, Iyong Kamahalan!” Sagot ng heneral at mabilis siyang lumabas. Di nagtagal, dinala niya sa hall ang nakatali na mandirigma ng lahi ng mga fiend. Kalmado ang ekspresyon ng mukha ng mandirigma ng lahi ng mga halimaw, wala ring takot ang tindig nito.Thally ang pangalan ng mandirigma. Ipinadala siya ni Yooda para ipasa ang maling balita sa Nine Heaven Emperor.“Sagutin mo ang tanong ko!” Nang sandaling iyon, umalab kay Thally ang mga titig ng Nine Heaven Emperor. Malamig itong nagtanong. "Bakit nasa Floating Island ang lahi ng mga fiend?”Huminga ng malalim si Thally at walang takot nitong hinarap ang mga tingin ng Nine Heaven Emperor. “Bakit ko sasabihin sa’yo ang tungkol sa aming negosyo?”“Ang kapal ng mukha!” Mukhang galit si Master Magaera. Nanermon ito. “Ang kapal ng mukha mo para kausapin sa ganiyang paraan ang Kaniyang Kamahalan! Gusto mong mamatay!”Pero hindi umatras si Thally. Malamig na nagsalita ang lalake. “Emperor mo siya. Hindi sakin. Yumuko lamang ako sa K
Read more
Kabanata 4541
Nagpapanggap lang si Thally na nagmamakaawa, pero sa loob loob niya, natatawa siya. Sobrang galing niyang umarte kaya paniwalang paniwala ang Nine Heaven Emperor. Wala talagang Soul Requiem Tower sa Floating Island. Gawa-gawa lang yun ni Thally at nag aabang na doon ang fiend race para atakihin ang Nine Heaven Emperor. Naniwala ang buong Imperial Sky Palace kaya galit na galit ang Nine Heaven Emperor, si Magaera at iba pang mga opisyal. Sa wakas! Nahanap na nila kung saan kinulong ang Ancient Ancestor. Dali-dali, inutusan ng Nine Heaven Emperor ang ibang opisyal, “Ikulong niyo ang isang yan.” Pagkatapos, tumingin siya kay Master Magaera, “Magaera, magsama ka ng ilang mga tauhan natin at maghanda kayo dahil pupunta na tayo sa Floating Island para iligtas si Master. Tandaan niyo na hindi pwedeng malaman ng fiend race ang tungkol dito.” Nasa alanganing posisyon ang Godly Region sa kasalukuyan. Bilang Nine Heaven Emperor, hindi dapat siya pwedeng sumama sa pagsugod, pero dahi
Read more
Kabanata 4542
T*ng*n*! Ang Blood Sacrifice ng mga Fiend! Hindi makapaniwala ang lahat lalong lalo na ang Nine Heaven Emperor at si Master Magaera! Habang ginagawa ni Antigonus ang formation, sinubukan ni Master Magaera na pigilan ito, pero nabigo siya kaya alam niya kung gaano ito kalakas. Hindi nagtagal, tuluyan ng nakumpleto ang formation ng Blood Sacrifice.“Protekatahn niyo ang kamahalan!” Walang anu-ano, ginamit ni Master Magaera ang kanyang fairy soul para bigyan ng protective shield ang Nine Heaven Emperor. Ganun din ang ginawa ng mga sundalong kasama nila, pero dahil nakapalibot sakanila ang formation, hindi yun ang sapat para maprotektahan ang Nine Heaven Emperor. Ang tanging solusyon ay kailangan nilang makalabas ng formation na yun sa lalong madaling panahon! “Sige! Bantayan at siguraduhin niyo ang kaligtasan ng Kamahalan! Susubukan kong sirain ang formation.”Pagkatapos, sinubukan ni Master Magaera ang lahat ng kapangyarihan na mayroon siya. “Sinusubukan mo bang sirain an
Read more
Kabanata 4543
Nagpatuloy ang pag atake ng mga Soul Crack Arrow sa protective shield. Sa sobrang lakas ng mga pwersang nagbabanggaan, nagdilim ang buong Floating Island. Galit na galit si Master Magaera. Inilagan niya ang mga umuulang pana hanggang sa makarating siya sa dulo ng formation. Kailangan niyang humanap ng paraan para sirain ito! Pero yun ang specialty formation ni Archfiend Antigonus kaya paano niya yun masisira ng basta-basta? Bandang huli, tuluyan ng nagamit ni Master Magaera ang lahat ng lakas niya kaya tuluyan ng nasira ang kanyang protective shield, kaya ganun ganun kadali nalang siyang napana. “Argggghhhh!!!” Ang isang diyos na kagaya ni Master Magaera ay may malakas na fairy soul kaya kulay ginto angf kanyang dugo. “Magaera!” Sobrang nag aalala ang Nine Heaven Emperor para kay Master Magaera pero wala siyang magawa kundi ang tawagin ito. Si Master Magaera ang kanyang kanang kamay at ang guardian ng Imperial Sky kaya kung mamatay ito, malaking kawalan yun para sa bu
Read more