All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4561
- Chapter 4570
7044 chapters
Kabanata 4564
Ang Nine Heaven Emperor, ang mga banal na sundalo at heneral ay natigilan at nagulat. Ang Archfiend Antigonus ay napakalakas.Ang nagniningas na pulang lotus na ginagamit ni Darryl ay napaka-kakila-kilabot, ngunit ang Archfiend Antigonus ay madaling naharang ang pag-atake na iyon?Nabigla rin si Darryl. Hindi nakakagulat na siya ang Archfiend ng halimaw na lahi. Ang kanyang lakas ay sapat upang itanim ang takot sa buong Godly Region.Gayunpaman, matapos ang pagkabigla ay kumalas, mabilis na kumalma si Darryl. Ngumiti siya at pinuri, "Kamahalan, hinahangaan ko ang iyong mahusay na mga kasanayan, tunay na ikaw ay isang karapat-dapat na kalaban at sapat pag-aralan!"Nang matapos na siyang magsalita, malakas na enerhiya ang sumabog mula sa katawan ni Darryl. Mabilis itong bumagsak at bumaril patungo sa Archfiend Antigonus.Nabigla ang Nine Heaven Emperor. "Audric, huwag kang maging padalos dalos."Mas maaga, hinarang ni Archfiend Antigonus ang kanyang pag-atake nang madali kapag gina
Read more
Kabanata 4565
Sa isang iglap, tumaas ang hangin at ang mga ulap, ang batis ng demonyong enerhiya ay nagsama patungo sa Bloody Soul Crusher. Pagkatapos, isang kulay dugong sibat ang nagpakita, papunta kay Darryl.Ang anino ng sibat ay tinali sa hangin. Nakakatakot ito.Sa sandaling iyon, nag-aalala ang lahat kay Darryl. Gayunpaman, tumayo si Darryl at mukhang wala siyang balak na ilagan ang atake.Tulad ng malapit na siyang papatayin ng anino ng sibat, siya ay nagbulong ng isang bagay, at ang hangin sa harap niya ay biglang baluktot. Pagkatapos, ang palawit sa kanyang leeg ay sumabog ng isang ilaw, at isang malaking bagay ang sumabog sa hangin.Ito ay isang itim na hayop. Mahigit 100 metro ang haba nito. Tila isang maliit na bundok mula sa malayo, napapaligiran ng itim na ambon at kidlat. Nakakatakot ang mga mata ng dugo nito.Ito ang masamang hayop, Wild Fury, na nasakop ni Darryl dati.Sa sandaling lumitaw ang Wild Fury, isang napakalakas na masamang enerhiya ang sumabog at hinarap ang anino
Read more
Kabanata 4566
Natigilan ang mga fiend na sundalo sa kanilang nakita. Para sa kanila, nagawa nilang talunin ang walang katulad na si Archfiend Antigonus. At nagawa rin siyang matalo ng isang halimaw.Isang sandali ring nanahimik ang buong bundok. Maririnig nang malinaw maging ang tunog ng pagbagsak ng isang karayom sa lupa.Dito na unang nagreact ang ilang mga sumisigaw na Fiend Martyr.“Kamahalan!”“Okay lang po ba kayo, Kamahalan?”Dahan dahan namang tumayo si Archfiend Antigonus para ikaway ang kaniyang kamay na nagsasabing okay lang siya.Dito na siya huminga nang malalim bago siya tumingin kay Darryl para nanlalamig na sabihing. “Wala ka talagang katulad, Darryl. Hindi ko inakala na susuwertehin ka pa rin kahit na noong ipatapon kita sa Infernal Shadow Prison at mapaamo ang Wild Fury."Nagpakita ng galit at pagkakumplikado ang kaniyang mga mata. Nalaman na niya sana ito nang gamitin ni Darryl ang lakas ng Red Lotus Fayette.Agad na umingay ang buong bundik nang matapos sa pagsasalita si
Read more
Kabanata 4567
Nasabik nang husto sa kaniyang narinig si Nine Heaven Emperor. Wala na sa mga kamay ni Arcfiend Antigonus ang diwatang kaluluwa ng kaniyang master kaya wala na siyang dapat pang ipagalala. Kasabay nito ang pagtitig niya kay Darryl gamit ang humahanga niyang mga mata.Hindi na kataka taka kung bakit si Darryl ang pinili ng kaniyang master. Maaasahan siya ng kahit na sino sa importanteng mga sandali. Sa totoo lang ay hindi natuwa si Nine Heaven Emperor kay Darryl noon pero pagkatapos niyang maranasan ang lahat ng ito, naintindihan niya na rin ang rason ni Ancient Ancestor kung bakit nito pinahalagahan si Darryl.Hindi na nagdalawang isip ang nasasabik na si Nine Heaven Emperor. Agad niyang ikinaway ang kaniyang espada habang sumisigaw ng, “Patayin ninyo sila! Gawin ninyong bulubundukin ang bundok na ito at huwag kayo magpakita ng awa sa mga ubod ng samang mga fiends na naririto. Oras na para burahin natin sa mapa ang lugar na ito!”Dito na sumagot ang higit sa 100,000 mga divine soldi
Read more
Kabanata 4568
Napahinga naman nang malalim si Yooda habang nagiging seryoso ang kaniyang itsura. Taman ga ang sinabi ng kaniyang kamahalan. Nakasalalay sa labang ito ang dignidad at karangalan ng mga fiend. Kaya hindi dapat sila umatras kahit na mamatay pa sila sa labang ito.Nagulat din maging si Darryl nang makita niya ang sitwasyon sa ibaba habang nakikipaglaban siya kay Archfiend Antigonus. Ipinakita ng kaniyang mukha ang bahagya niyang pagkadala sa pangayaring iyon. Kahit na masyadong masama at walang awa ang mga fiend, masyado pa ring malakas ang kanilang kagustuhan na mabuhay.At nang maisip niya ang bagay na ito, agad na sumigaw si Darryl kay Archfiend Antigonus. “Bakit mo ba ginagawa ito, Kamahalan? Bakit kailangan mong ilagay sa isang sitwasyon na hindi pa mababalikan pa ang iyong mga tauhan para lang sa dignidad at karangalan ng iyong lahi?”“Itigil mo na ito. Nakahanda akong tulungan ka na humingi kay Nine Heaven Emperor ng isang lugar na matitirhan ng mga fiend sa sandaling sumuko ka
Read more
Kabanata 4569
Sabagay, siya pa rin si Archfiend na pinuno ng mga fiend kaya maging si Ancient Ancestor ay natatakot sa kaniya.Nakaramdam siya ng matinding sakit sa kaniyang katawan habang tumitindi ang pagkagulat at galit ni Darryl. Wala na talaga sa kaniyang sarili si Archfiend Antigonus. Mas pipiliin pa nitong masugatan nang malubha mapatay lang si Darryl, pero maging si Darryl ay aminado na mas malakas nga ang nakakatakot na si Archfiend kaysa sa kaniya.Kasabay nito ang tahimik na pagaalala ni Nine Heaven Emperor at ng mga divine soldiers at kanilang mga heneral kay Darryl.At sa gitna ng napakaraming sugat na tinamo ng kaniyang katawan, nagawa pa ring hawakan ni Archfiend Antigonus ang kaniyang sibat bago ito dahan dahang naglakad papunta kay Darryl. “Tingnan natin kung sino na ang makapagliligtas sa iyo ngayon.”Dito na nabalot ng malisyosong aura ang hangin sa paligid.Naramdaman ni Darryl na parang maluluha na siya noong mga sandaling iyon pero walang kahit na isang luha ang tumulo sa
Read more
Kabanata 4570
Hindi nila inaasahan na makapaglalabas ng ganitong uri ng lakas si Archfiend Antigonus na tumatayog pununo ng mga fiend. Nagawa niya itong gawin nang dahil sa tindi ng kaniyang galit.Dito na nagliwanag ang ubod ng lakas na apoy na nakapagpapurple sa kalangitan. Yumanig naman ang buong Sealed Fiend Mountain habang nabibitak na para bang nawawasak na ang buong Godly Region.Natigilan ang magkabilang panig nang makita nila ang katakot takot na lakas ni Archfiend Antigonus. Maging si Nine Heaven Emperor ay natakot nang husto sa kaniyang nakita.Masyado na itong malala! Tuluyan nang nawala sa kaniyang sarili si Archfiend Antigonus!“Mamatay ka nang hayop na Nine Heaven ka!” Sigaw ni Archfiend Antigonus habang lumilipad nang mabilis sa kalangitan bago sumugod kay Nine Heaven Emperor.Winasak ng purple na apoy ang lahat ng madaanan nito na tumakot sa sinumang nakakakita rito noong mga sandaling iyon.Kasing bilis ng kidlat itong sumugod na nakapagpapanic kay Nine Heaven Emperor, hindi
Read more
Kabanata 4571
Samantala, sa New World.Tumayo si Yvette sa mga gate ng palasyo habang nakasuot ng pangmaharlikang robe. Dito na siya nagtatakang napatingin sa kalangitan.Nakatayo sa kaniyang likuran ang mga gulat na opisyal na napatingin din sa kalangitan noong mga sandaling iyon.Walang kahit na sino sa mga ito ang nakapansin sa pagbabago ng tingin ni Yvette.Ginamit ni Archfiend Antigonus ang natitira niyang enerhiya para kontrolin ang kaluluwa ni Yvette. Kasabay nitong namatay ang pagkontrol na ginagawa nito kay Yvette kaya dahan dahan nang bumalik ang malay ni Yvette.“Sundin ninyo ang aking utos!”Unti unti nang nahimasmasan si Yvette habang sinasabi na, “Dalian ninyo! Dalhin ninyo sa palasyo ang mga miyembro ng pamilya Carter at ng iba pang mga sekta.”Naging malinaw at malakas ang kaniyang boses na hindi makukuwestiyon ng kahit na sino.“Opo, Kamahalan!”Agad na nagtipon tipin ang mga opisyal para sundin ang inutos ni Yvette sa kanila. Mabilis na nagpunta sa dungeon ang mga ito.Bu
Read more
Kabanata 4572
Nagtawanan ang mga tao sa palasyo habang nagpapakita ang ngiti sa kanilang mga mukha nang marinig nila ang sinabi ni Dax.Agad na naging masigla ang puno ng tensyon na hangin sa paligid sa loob ng isang iglap.Halos mahati naman sa dalawa ang mukha ni Yvette sa sobrang taas ng kaniyang ngiti. Dito na siya humarap kay Dax habang nagpapasensyang sinasabi na. “Patawarin mo ako sa nagawa ko, Kuya Dax. Hindi ko magagawa ang ganitong klase ng pagtataksil nang walang kumokontrol na kahit sino sa akin. Nangangako ako—na wala nang mangyayari pang ganito sa susunod.”Hindi naiwasang mapatingin muli ni Yvette sa kaniyang paligid habang nagsasalita. “Nagdusa kayong lahat nang dahil sa akin kaya maghahanda ako ng isang piyesta para sa makabawi sa inyong lahat.”Ngiti ni Yvette habang nagpapakita ng kaunting pagaalala ang kaniyang mga tingin.Hawak pa rin ng Godly Region ngayon si Darryl kaya hindi niya alam kung ano na ang lagay nito ngayon. Pero sigurado siya na mayroong nangyari sa lahi ng m
Read more
Kabanata 4573
Nasugatan nang husto si Master Magaera nang bumalik siya sa Floating Island. Ito ang dahilan kung bakit mas pinili niya na manatili sa Godly Region para mabawi ang nawala niyang lakas.“Tama ka riyan,” Sabi ni Empress Heidi kay Magaera habang nababahalang kumakabog ang kaniyang dibdib.Dito na nila narinig ang sunod sunod at kumakalabog na tunog na palapit sa bulwagan na nagpatingin sa maraming mga opisyal sa direksyon na pinanggagalingan ng tunog.“Nakabalik na sila!”“Sila na nga ito.”Higit 10,000 mga sundalo ng Godly Region ang umabante nang napakabilis sa ere. Nagmukhang pagod ang mga ito habang nagpapakita ng panlumumo ang kanilang mga mukha.Nakabalik na sila.Nabalot ng emosyon si Empress Heidi nang makita niya ang mga ito. Pero agad niyang naramdaman na mayroong mali nang mapansin niyang hindi kasama ng mga ito si Nine Heaven Emperor.“Kamahalan!”Nakarating na rin sa wakas si Darryl at ang mga sundalo ng Godly Region sa bulwagan. Iniyuko ng mga ito ang kanilang mga u
Read more