All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4621
- Chapter 4630
7044 chapters
Kabanata 4624
Naging magaan ang paggalaw na ginawa ni Darryl kaya hindi siya napansin ng Empress.“Kamahalan…”Umupo si Empress Heidi sa harapan ng altar habang hawak hawak ang kaniyang baso bago magpatuloy sa pagbulong sa kaniyang sarili. “Pinagisipan ko na ito nang buong araw at ngayon ay nakabuo na ako ng isang importanteng desisyon. Iaabsorb ko ang diwatang kaluluwa ni Ancient Ancestor sa akin.”Naging mahinhin at determinado ang naging tono sa pagsasalita ni Empress Heidi.Ano?Kumabog nang husto ang dibdib ni Darryl sa ilalim ng upuan na kaniyang pinagtataguan.Gustong iabsorb ni Empress Heidi ang enerhiya mula sa diwatang kaluluwa ni Ancient Ancestor?Nawawala na talaga ito sa kaniyang sarili. Masyado na itong lapastangan—at masyado na ring hindi makatao!Alam ni Darryl na mayroong mali nang makita niya ang bolang kristal kanina, pero hindi niya inakala na magkakaroon ng lakas ng loob si Empress Heidi na iabsorb ang enerhiya mula sa mismong diwatang kaluluwa ni Ancient Ancestor.Haba
Read more
Kabanata 4625
Gagawin niya talaga iyon, Siyempre!Sabagay, si Empress Heidi pa rin ang asawa ni Nine Heaven Emperor. Isang malaking krimen para kay Master Magaera ang pagkauhaw niya sa asawa ng Emperor na umabot sa punto kung saan nagawa pa nitong pumasok nang walang paalan sa kuwarto ni Empress Heidi—sapat na ito para mapatawan siya ng parusang kamatayan.Nasabik nang husto si Darryl nang maisip niya ito.Masyado siyang matalino para maisip ang ganitong klase ng ideya.Walang tigil na ipinahanap ni Master Magaera si Darryl kaya mababawasan siya ng mga bagay na dapat alalahanin sa sandaling mapatay niya ito sa tulong ni Empress Heidi.Pero agad siyang hindi nakapagsalita sa mga susunod na nangyari.“Magaera?”Nanginig ang katawan ni Empress Heidi nang makita niya ang mukha ni Darryl. Dito na nagpakita ng pagkagulat ang maganda niyang mukha. “I…ikaw nga ba talaga iyan?”Bahagyang namula ang mukha ni Empress Heidi na humalo maging sa kaniyang mga kilos.Malaki talaga ang naitulong ng Kaleidos
Read more
Kabanata 4626
Pero hindi pa rin ito tama!Mabilis namang kumalma si Darryl. Naririto siya para mangalap ng impormasyon hindi para magpanggap na si Master Magaera at makipagharutan kay Empress Heidi.Agad na ginawa ni Darryl ang lahat ng kaniyang makakaya para gayahin ang boses ni Master Magaera nang sabihin nito na, “Kamahalan, sinabi mo ba talaga kanina na gusto mong iabsorb ang diwatang kaluluwa ni Ancient Ancestor?”Oo!Hindi manlang nagalinlangan si Empress Heidi dahil naisip nito na wala naman siyang dapat na ipagalala ngayong si Master Magaera lang naman ang nasa kaniyang harapan. Dito na siya siguradong tumango habang sumasagot ng, “Pinagisipan ko talaga ito ng buong araw.”“Gagawin ko lang ito para pigilan si Lute Belle sa sandaling may gawin ito na hindi maganda. Isipin mo nga! Isa itong hindi mapapantayang diyos na nagtatanglay ng lakas na hindi maiimagine ng kahit na sino. Ano na lang ang gagawin ko sa sandaling ipagpilitan niya si Aurin na maging susunod na Emperor ng Godly Region?
Read more
Kabanata 4627
Masyado nang malalim ang gabi nang makabalik si ang pagod at iretableng si Darryl. Agad siyang bumagsak sa kaniyang kama nang makabalik siya sa kaniyang kuwarto at agad na nakatulog doon.Hindi siyempre nakalimutan ni Darryl na bumalik sa matanda niyang itsura.Pagkalipas ng ilang oras.Creak!Nang nagsisimula nang magliwanag ang araw, malalim pa ring natutulog si Darryl. Dito na niya narinig ang dahan dahang pagbukas ng pinto na sinundan ng pagpapakita ng isang magandang imahe na pumasok nang pasimple sa kaniyang kuwarto.Buwisit!Nalaman kaya nito ang pagpapanggap niya bilang si Master Magaera? Nagpadala ba si Empress Heidi ng tauhan para dakipin siya?Agad na nagising si Darryl sa narinig niyang ingay. Dito na siya parang naalimpungatang naningkit sa taong pumasok sa kaniyang kuwarto.Oh?Agad na natigilan si Darryl nang makita niya ang eksenang iyon. Isa pala itong 16 hanggang 17 taong gulang na batang babae na nakasuot ng nagliliwanag sa dilaw na dress na mas lalong nagpa
Read more
Kabanata 4628
Kahit na naging weird ang pagpunta ni Sheila roon, masyadong naging impressive ang itsura ng kaniyang mukha at katawan. Maliban pa rito ang pagiging magkamukha ni Sheila at ni Empress Heidi. Siguradong magandang lalaki ang batang ito sa hinaharap.Hindi naman pinansin ni Princess Sheila ang ginagawang pagtingin ni Darryl. Ngumiti lang ito habang pilyong sinasabi na, “Maaari mo bang hulaan?”Hulaan?Agad namang nablangko ang isip ni Darryl nang marinig niya iyon. Masyadong malaki ang Jade Fairyland na tinitirhan ng libolibong mga kababaihan—kaya paano niya malalaman kung sino ang isang ito?“Master!”Habang inaalog ni Darryl ang kaniyang isip, narinig niya ang isang pagtawag mula sa labas, na sinundan ng biglaang pagpasok ni Prince Aurin sa kuwarto.Bahagyang nagulat si Prince Aurin bago siya humarap para sermonan si Princess Sheila. “Bakit ka nanaman nagpaikot ikot dito, Sheila? Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo kahapon na ito ang kuwarto ng aking master? Hindi ka maaaring pumasok d
Read more
Kabanata 4629
“Hindi!”Iniling ni Princess Shiela ang kaniyang ulo bago ito tumalon sa kama para humarap at sabihing, “Gusto kong manatili rito. Walang kahit na sino ang makikipaglaro sa akin sa sandaling lumabas ako kaya hindi ako aalis dito.”“Ikaw—"Naramdaman ni Aurin ang pagsakit ng kaniyang ulo pero wala pa rin siyang magagawa pa rito.At nang magsisimula nang magsalita, dito na siya nakarinig ng malalakas na tunog ng uwak sa labas. Naging malayo ang ingay na ito pero masyado pa rin itong malakas para mapatalon silang lahat sa sobrang gulat.Nagulat ang lahat maging sina Darryl, Prince Aurin at Princess Shiela sa kanilang narinig.Ano ang nangyayari?Agad namang napasimangot si Darryl. Mayroon pa rin bang mga natirang fiend? Sino ang bumuhay sa mga ito?Kasabay nito ang pagpapalitan ng tingin nina Prince Aurin at Princess Shiela habang nagpapakita ng nagugulat na mga tingin.Si Princess Shiela ang naunang nahimasmasan. Nagtatakbo siya para tumingin sa paligid bago nito umiiyak na sabi
Read more
Kabanata 4630
Naalala ni Darryl na nagkaroon ng ilang problema ang Kylin sa pagpapalakas nito kaya ito nawala sa kaniyang sarili.Mukhang ganito rin ang ingay na kaniyang narinig nang magwala ang Shakun sa loob ng Beast Enclosure. Siguradong nagkaroon ng problema sa pagpapalakas ang halimaw na ito.“Tingnan natin ito!”Nagmamadaling sinabi ni Prince Aurin nang maisip ito ni Darryl. Dito na siya nagmamadaling nagpunta sa direksyon ng Beast Enclosure.Agad naman siyang sinundan nina Darryl at Princess Sheila.Hindi nagtagal ay narating ng mga ito ang Beast Enclosure. Agad na napabuntong hininga ang lahat kabilang sina Darryl, Prince Aurin at Princess Sheila nang makita nila ang eksena sa kanilang harapan.Agad na nagulat at natrauma si Darryl sa kaniyang nakita.Nakita niya ang isang dambuhalang imahe na lumulutang sa gitna ng ere sa loob ng Beast Enclosure. Nagmukha itong isang maliit na bundok sa malayo. Para itong isang malaking killer whale na may 100 metrong haba at armado ng matatalim ni
Read more
Kabanata 4631
Napakunot ang noo ni Empress Heidi sa nasa gitna ng ere na si Shakun, hindi niya maitago ang kaniyang gulat.Hindi ba napaamong halimaw si Shakun? Bakit ito nawalan ng kontrol?“Iyong Kamahalan!”Dali-daling kinausap ng heneral na nagbabantay sa Beast Enclosure ang babae. “Nagkaroon ng problema si Shakun habang nag cu-cultivate at nawalan ito ng kontrol.”Kumunot ang noo ni Empress Heidi. Lumingon ito para tingnan ang mga opisyal. “Ano sa tingin ninyo ang dapat nating gawin sa sitwasyong ito, mga opisyal?”Nagpalitan ng natatarantang tinginan ang mga opisyal. Wala sa kanila ang may alam kung ano ang dapat isagot.Bihirang makitang mawalan ng kontrol si Shakun. Sinong nakakaalam kung anong dapat gawin?“Mga walang kwenta, lahat kayo!”Hindi mapigilang umangil sag alit ni Prince Auten. “Grupo ng mga walang kwentang an*mal, wala ba kayong mga isip? Ano pang silbi ninyo dito?”Purong pagkamuhi ang ekspresyon ni Prince Auten.Akala niya’y makukuha niya ang trono sa loob ng isang d
Read more
Kabanata 4632
Malaki ang tiwala sa mga ngiti ng Wiz Immortal, marahan nitong pinakilala si Prince Auten. “Huwag kayong mag-alala, Marangal na Prinsipe. Itinadhana kayo bilang maging isang Emperor—yuyuko sa’yo si Shakun at susundan niya ang bawat pag-uutos mo kapag nakita ka na niya.“Isa pa, nanood akong maigi at alam kong tama ako. Karamihan sa galit ni Shakun ay naipon sa tuktok ng kaniyang ulo. Ang kailangan mo lang gawin ay sambitin ang Emperor Sky Spell at ipasok ito sa tuktok ng ulo ng halimaw para mailabas ang galit, iyon lamang at tapos na!”Namangha sa pagkagulat ang mga opisyal.“Napakagaling ng Wiz Immortal! Nagawa niyang hanapin ang kahinaan ni Shakun nang ganoon kabilis!”“Talagang karapat-dapat siyang maging susunod na Royal Master.”“Nakakamangha, Marangal na Imortal!”Umikot sa hangin ang mga papuri habang hinimas naman ng Wiz Immortal ang kaniyang balbas, natuwa ito.Nagbuntong-hininga si Prince Auten at ibinaba ang kaniyang depensa. Kumalat ang ngiti sa kaniyang mukha.Ikin
Read more
Kabanata 4633
Puno rin ng pang-aasar ang ekspresyon ng mukha ni Prinsipe Auten. “Kung ganoon ay huwag kang magsalita kung wala kang plano.”Tumingin sa paligid si Prinsipe Auten at malaki ang tiwala sa sariling nagsalita. “Panoorin ninyo at matututunan ninyo kung paano papaamuhin ng isang totoong Emperor si Shakun.” Labis ang laki ng tiwala ni Auten nang sandaling iyon; siguradong siyang tama ang mga sinabi ng kaniyang master.Pagtapos ay sumabog ang enerhiya ni Prinsipe Auten at sumugod sa direksyon ni Shakun.Mabilis na dumapo si Prinsipe Auten sa ulo ni Shakun. Pinaagos niya ang kaniyang enerhiya sa kanang kamay at pinatama ito sa tuktok ng ulo ni Shakun para alisin ang magulong enerhiyang naroon.Thump!Nang sumunod na segundo, narinig nila ang mahinang pagkabog nang magulat si Prince Auten. Naramdaman niyang sobrang lakas ng namuong enerhiya sa tuktok ng ulo ni Shakun—walang paraan para maalis ito.Paano iyon nangyari?Nang magulat si Prinsipe Autin, galit naman ang naramdaman ni Shakun
Read more