All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 4711
- Chapter 4720
7044 chapters
Kabanata 4714
Pagkatapos 'non, naglagay ng ngiti sa labi si Empress Heidi at sinabi kay Darryl, "Mas maganda kung gusto mo talagang pumunta. Sobra ang pasasalamat ko kung makukuha mo ang Ghost Spirit Herb at malulutas mo ang problema ko."Sobra siyang nasabik tungkol sa suhesyon. Umaktong mapagkumbaba si Darryl at nagsalita nang nakayuko ang ulo, "Sobrang bait mo, Kamahalan."Sa kailailamin ng kanyang puso, umismid siya, 'Hindi ko inaasahan na bibigyan mo ako ng gantimpala. Mas mabuti sana kung titigilan mo nang maghanap ng gulo.'Isang ideya ang lumitaw sa isipan niya habang nakatingin sa Cloud Spirit na siyang nakatayo nang taas ang noo, "Kamahalan, hindi ko matatapos ang gawain nang ako lang mag-isa. Gusto ko sanang humiling ng assistant.""Sino ang naiisip mo?" tanong ni Empress Heidi.Ngumiti si Darryl at tinuro ang kanyang daliri sa Cloud Spirit, "Ayos lang kung siya?"Sa katunayan, walang maitutulong ang Cloud Spirit sa paglalakbay. Gayunpaman, umakto siya na taas ang kanyang noo at m
Read more
Kabanata 4715
Tuwang tuwa si Empress Heidi habang tinatango ang kanyang ulo at ngumiti kay Darryl. "Inaasahan kita."Si Darryl ay ngumisi bilang balik sa kanya, "Opo, Kamahalan."Pagkatapos ng ilang minuto, iniwan nila Darryl at Cloud Spirit ang bed chamber. Nang nasa labas na sila ng bed chamber, bumalik si Cloud Spirit sa dati niyang sarili at malamig niyang sipat, "Hoy! Ang pakay mo sa pagpunta sa Black Swamp ay para makuha ang Ghost Spirit Herb. Maliban pa 'ron, huwag mong isipin ang tungkol sa pag-utos sa akin na gawin ang kahit na ano."'Ang isipin na ako ang isa sa paboritong tao ni Empress Heidi, at ngayon, kailangan kong sundin ang matandang lalaking 'to. Nakakahiya.'Ngumiti si Darryl at tumango, "Syempre."Hindi na tinuloy ng Cloud Spirit ang usapan. Sa halip, magaan siyang tumalon sa hangin at lumipad papunta sa teritoryo ng mga demonyo. Umiling si Darryl at sumunod ng malapitan....Mayroong disyertong isla sa NIne Mainland ng ilang milyang layo mula sa Ice Fire Island. Ang isl
Read more
Kabanata 4716
“Kung ganoon ay maaring hindi lang natin naintindhan si Yarl.”“Sangayon ako sa iyo. Inalagaan natin si Yarl mula noong maliit pa ito kaya hinding hindi ito magagawang hingin ang fiend na kaluluwa ni Morticia na isang uri ng kataksilan.”“Tama nga si Yarl. Ang pinakaimportante sa atin ngayon ay ang pagiisip ng paraan para matalo ang Ice Fire Island at mailigtas ang kamahalan.”Habang nagsisimula sa paguusap usap ang lahat, isang elder ang tumayo at tumingin sa kaniyang paligid. “Makinig kayong lahat, hindi tayo dapat mawalan ng isang lider na mamumuno sa ating angkan. Kaya minumungkahi ko na panatilihin natin si Yarl na pinuno ng ating angkan. Dapat tayong magkaisa sa pagtulong sa kaniya para mapaunlad pa nang husto ang angkan ng mga Blanc.”Agad na nagsitango ang karamihan sa kanilang mga kasama na nagpakita sa pagsangayon ng mga ito.“Oo nga, isang talentadong lalaki si Young Master Yarl. Kaya wala nang kahit na sino maliban sa kaniya ang may karapatang mamuno sa atin.”“Sumasa
Read more
Kabanata 4717
Hindi na nagaksaya pa ng oras si Morticia habang nagpapatuloy sa pagkautal si Yarl. Agad siyang tumalon at lumapag na parang isang kidlat sa harapan nito. At pagkatapos ay agad niyang itinaas ang kaniyang kamay para sampalin sa mukha si Yarl.Slap!Ginamit niya ang buo niyang lakas at bilis sa sampal na iyon kaya hindi na ito nailagan pa ni Yarl. Agad itong sumigaw bago lumipad nang malayo ang kaniyang katawan at tuluyang bumagsak sa pampang.“Ugh…”Nang mahirapan nang tumayo si Yarl, agad na namula ang kaniyang mukha habang umaapaw ang dugo sa kaniyang bibig.‘Ito na ang katapusan ng lahat’Natakot dito nang husto si Yarl. Alam niya na hinding hindi siya palalampasin ni Morticia matapos niyang tangkaing kunin ang fiend nitong kaluluwa. Naramdaman niya na tuluyan nang nawala sa katawan ni Morticia ang lasong ibinigay dito ng mga maharlika sa South Cloud World kaya agad na itong nakabalik sa dati nitong lakas.Napuno ng pagkagulat ang mga mata ng mga disipulo at elder ng pamilya
Read more
Kabanata 4718
Agad na umusbong ang galit sa bawat miyembro ng angkan habang sumisigaw at dinudumog ng mga ito si Yarl.At nang makita niya ang sitwasyon, agad na lumuhod at nagmakaawa sa harapan ni Morticia ang mangiyak ngiyak nang si Yarl.“Kamahalan, iligtas niyo po ako! Pakiusap, iligtas niyo po ako. Ginawa ko na po ang gusto ninyo kaya pakiuap iligtas niyo po ako.”Nagkawatak watak na ang aura sa kaniyang katawan matapos siyang sampalin ni Morticia. Nawalan na siya ng kakayahang lumaban kaya hindi na niya magagawang pantayan ang kahit na sino noong mga sandaling iyon. Kaya ang tanging natitira na lang dito ay ang kaniyang bangkay sa sandaling atakihin siya ng mga miyembro ng pamilya Blanc.Hindi naman nagbago ang itsura ni Morticia kahit na nagmukhang kaawa aw ana si Yarl. Agad niyang itinaas ang kaniyang kamay para senyasan ang mga miyembro ng pamilya Blanc na tumigil habang inaanunsyo niya na, “Kayong lahat! Masyado nang walang katulad ang kasamaang ginawa ng kriminal na ito. Kaya hindi ma
Read more
Kabanata 4719
Kumunot ang noo ni Cloud Spirit habang nagrereklamo nitong sinabi na, “Ano? Gaano katagal naman tayong maghihintay dito?”Dito na tuluyang naubusan ng pasensya si Cloud Spirit noong mga sandaling iyon kaya agad siyang tumitig kay Darryl habang sinasabi na, “Kasalanan ang lahat ng ito ng matandang iyon matapos niya akong dalhin sa malaimpyernong lugar na ito.”Bahagya namang napabuntong hininga si Darryl habang sumasagot ito ng, “Mga hanggang bukas siguro tayo maghihintay dito. Kusang mawawala ang hamog na ito pagsikat ng araw bukas. Dito na tayo ligtas na makakapasok sa Black Swamp.”“Bukas ng umaga?”Agad na nagpakita ang galit sa magandang mukha ni Cloud Spirit. At hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili.“Sinasadya mo ang lahat ng ito no? Bakit ngayon mo ako dinala rito sa Black Swamp kung bukas pa pala tayo makakapasok dito?”Masyado nang nakakatakot ang pagiisip tungkol sa pagpapalipas ng gabi sa gitna ng kagubatan.Inosente namang napabuntong hininga si Darryl. “Huw
Read more
Kabanata 4720
Nanigas ang buong katawan ni Cloud Spirit nang makita niya ang palaka, dito na nagpakita ng matinding nerbiyos ang maganda niyang mukha.Kahit na siya ang pinakapaboritong tauhan ni Empress Heidi na mayroon ding sapat na lakas para lumaban, sa huli ay isa pa rin itong babae kaya mayroon pa rin itong mga bagay na kinatatakutan.At isa na sa mga bagay na ito ang maliliit na hayop gaya ng mga palaka.“Ahh!”At nang makita niya ang paglapit ng palaka sa kaniya, agad na tumili si Cloud Spirit habang umaatras, halos mangiyak ngiyak na ito noong mga sandaling iyon.‘Ano bang klase ng lugar na ito? Bakit nagkaroon ng ganito kapangit na palaka rito? At bakit alam ng palaka na takot ako sa kaniya?’Agad na napaupo si Darryl nang marinig niya ang sigaw ni Cloud Spirit. ‘Ano ang nangyari?’Tumingin siya sa direksyon papasok sa gubat bago malakas na magtanong ng, “Cloud Spirit, ano ang nangyari sa iyo?”Hindi na halos makapagsalita si Cloud Spirit noong mga sandaling iyon sa sobrang takot.
Read more
Kabanata 4721
Hindi naman na nakapagsalita pa si Darryl noong mga sandaling iyon.Buwisit, masyado nang sumosobra si Cloud Spirit, hindi ba? Siya ang unang gumawa ng hakbang pero ako pa rin ang may kasalanan dito.Hindi na pinalaki pa ni Darryl ang pangyayaring ito. Sa halip ay agad siyang tumalikod para ipagpatuloy ang kaniyang pagpapahinga sa damuhan.“Tumayo ka riyan!”Pero hindi pa rin nagpatinag si Cloud Spirit noong mga sandaling iyon. Kumislap ang kaniyang mga mata habang nagsususpetsa itong tumititig kay Darryl.“Sabihin mo sa akin ang totoo. Ikaw ba ang naglagay ng palaka sa tabi ko?”Para sa kaniya, siguradong alam ni Barely Immortal na takot siya sa mga palaka kaya nito nagawang maglakad ng isang palaka sa kaniyang tabi. Oo, ito nga talaga ang nangyari.Buwisit ka!Dito na biglang naubusan ng pasensya si Darryl. Bahagya siyang tumawa habang sumasagot ng, “Napakalakas naman ng loob mo para pagbintangan ako. Ano bang mapapala ko sa pananakot sa iyo? Ni hindi nga kita kilala kaya huw
Read more
Kabanata 4722
Hindi na pinasagot pa ng mga demonyo si Cloud Spirit. Agad nila itong dinumog hanggang sa maitali nila ito at si Darryl bago magpunta sa kanilang headquarters.“Hoy!”Habang nasa daan, nagkaroon ng pagkakataon si Cloud Spirit na bumulong kay Darryl, “Magpapanggap tayo na hindi natin kilala ang isa’t isa sa sandaling makita natin si White Tiger King. Naiintindihan mo ba?”Habang nagsasalita, hindi na naitago pa ni Cloud ang inis sa kaniyang mga mata.Kasalanan ng matandang iyon ang lahat ng ito. Siguradong hindi sila mahuhuli ng mga demonyo kung hindi lang dahil sa kaniya.Pinagisipan na ito nang maigi ni Cloud Spirit. Magpapanggap ito na wala siyang kinalaban kay Darryl sa sandaling gumawa pa ito ng gulo sa harapan ni White Tiger King.Nagulat naman dito si Darry bago siya sumagot nang ngiti kay Cloud Spirit.“Sigurado ka ba na magandang ideya ito?”“Oo, mayroon ka pa bang mas magandang plano kaysa rito?” Hindi mapakaling singhal ni Cloud Spirit.Tumango naman si Darryl bago i
Read more
Kabanata 4723
Habang nagsasalita, nagliwanag ang tingin ng umaasang si Morticia habang nakatitig ito kay Stella.Masyado pa itong bata pero masyado na itong malakas. Siguradong mas lalakas ang Sea Dragon Palace sa sandaling makuha ni Morticia si Stella.Agad namang kumislap sa sobrang galit ang mukha ni Stella nang marinig niya ang offer ni Morticia. Mabilis siyang sumagot dito nang walang pagaalinlangan.“Nanirahan nang mapayapa ang mga Scope sa Ice Fire Island nang hindi nangingialam sa mga nangyayari sa buong Nine Mainlands. Kaya hinding hindi namin tatanggapin ang mga salot ng Nine Mainlands na kagaya ninyo bilang aming mga kakampi! Labanan niyo kami kung gusto ninyo pero hindi kami susuko.”Nagmukhang nanghihina at nanlalambot na ngayon si Stella pero masyado pa ring naging malakas ang kaniyang willpower.Para kay Stella, isa lang pinuno ng mga pirata si Morticia. At kung titingnan, wala nang ginawa si Morticia kundi magdala ng kahihiyan at kaguluhan sa Nine Mainlands.Kaya siniguro ni St
Read more