All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5211
- Chapter 5220
7044 chapters
Kabanata 5215
'Wow ...' Huminga ng malalim si Darryl matapos basahin ang buong kwento sa tela ng sutla at hindi makakalma nang medyo matagal. 'Kaya't ang maliit na batang babae ay ang huling anak na babae ng Palace Master. Ang Langit na Lihim na Palasyo ay nawasak sa halos isang libong taon, at ang maliit na batang babae ay natutulog dito sa parehong tagal. Ang Cyrolet Continent ay nagbago nang buo mula noon. Siya ay isang maliit na batang babae na nagising lamang upang mahanap ang kanyang pamilya at mga kaibigan ay lahat ay namatay, na iniwan siyang nag-iisa sa mundong ito. Ano ang isang awa maliit na batang babae.'' Bumuga ng buntonghininga si Darryl. Lumabas siya sa palasyo, umaasa na mahanap si Lindsey kalaunan. Nakaramdam ng pasensya si Darryl sa kanya, hindi dahil kung sino siya. Sana ay tinulungan niya ito. ... Samantala, sa isang parisukat ng ilang daang metro mula sa kinaroroonan ni Darryl. Sa pamamagitan ng enerhiya vortex, maraming mga piling tao mula sa iba't ibang mga sekta ang
Read more
Kabanata 5216
At nang dahil dito, dahan dahang nagsialis ang mga tao sa paligid hanggang sa mabakante ang gitna ng plaza para sa gaganaping laban.Tumingin naman si Martin sa paligid gamit ang confident niyang ngiti. “Ngayong wala nang kahit na sino ang may gustong sabihin, simulan na natin ang laban. Inaanyayahan ko ang sinumang may gustong sumali na magpunta sa gitna.” Dito na siya naglakad papunta sa isang tabi.Confident si Martin sa kaniyang kakayahan bilang pinakamatandang elder sa Heavenly Ocean Sect. Hahayaan niya munang magsimula ang mga ito ng laban hanggang sa dumating ang tamang pagkakataon para pumasok siya at talunin ang lahat ng nasa gitna.Dito na nagsimulang manggigil ang mga tao habang tumitingin sa kanilang paligid. Maraming mga kayamanan ang matatagpuan sa siyudad na nasa ilalim ng lupa at hindi rin ganoon kamangmang ang mga elite ng bawat sekta. Gusto nilang lahat na magipon ng enerhiya hanggang sa makita na nila ang mga kayamanan. Hindi nila gustong gamitin muna ang kanilang
Read more
Kabanata 5217
Agad na nagtinginan ang mga taong nakarinig sa tanong ni Joewel pero walang kahit na sino sa kanila ang naghamon dito. Masyadong malakas si A Kill In Every Ten Steps na gumagamit ng napakatinding ultimate technique sa pakikipaglaban. Kaya hindi nagawa ng sinumang may mahinang loob na hamunin si Joewel. At higit sa lahat, ang pagkatalo kay Joewel sa harap ng napakaraming tao ay masyadong nakakahiya para sa kahit na sino.Kasabay nitong umalis si Darryl sa palasyo na hindi kalayuan sa plaza habang dala dala ang tela ng seda sa kaniyang katawan. Hindi mapakali ang kaniyang dibdib nang malaman niya ang buong kuwento ng Heavenly Secret Palace. Lalo na noong maalala niya si Lindsey na siyang gumamit ng Wonder Travel Amulet para makapagteleport—hindi na siya mapakali habang nagaalala sa bagay na iyon.‘Kinakailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon!’ Nagmamadaling lakad ni Darryl.Pero hindi pa siya nakakalayo nang makita niya ang napakaraming tao na nagtitipon sa gitna ng plaz
Read more
Kabanata 5218
At nang matapos si Chad sa kaniyang sinasabi, agad na umabante ang kaniyang katawan kasama ng hawak niyang Flying Cloud Double Blade. Gumawa ito ng dalawang ray ng liwanag na parang mga bulalakaw habang lumilipad papunta kay Joewel. Gusto niyang ipakita kung gaano kalakas ang Godly Eagle Sect sa lahat kaya hindi na niya pinigilan pa ang kaniyang sarili na umaatake para patayin si Joewel.Nahiwa at nagkahiwahiwalay ang ere sa lugar na dinaraanan ng Flying Cloud Double Blade na nagpakita sa lakas nito. Kaya agad na nagalala ang mga tao kay Joewel nang makita nila iyon.“Napakalakas!”Hindi na ako magtataka kung bakit ito nasama sa listahan ng mga nangungunang sandata. Masyadong kahanga hanga ang ipinakita nitong potensyal.”“Magagagawa kayang salagin ni Joewel ang pagatakeng iyon.”Nanatili namang kalmado si Joewel habang naguusap ang mga tao sa paligid.Napaatras ng isang hakbang si Joewel habang itinataas nang pahiga ang kaniyang scabbard sa harapan ng kaniyang katawan matapos ma
Read more
Kabanata 5219
Ito ay walang iba kundi ang ikatlo sa magkakapatid na Hexa Swordmaidens na si Lumi. Lumipad ito papunta sa gitna habang naglalabas ng nanlalamig na aura sa kaakit akit nitong katawan at sa napakaganda nitong mukha.‘Wow… napakaganda!’ agad na umingay ang paligid nang makita nila si Lumi. Agad na nakuha ng kaakit akit niyang katawan at itsura ang atensyon ng karamihan sa mga lalaki.Siguradong mahuhumaling sa kaniya ang lahat ng mga kalalakihan sa sandaling makita ng mga ito ang perpekto niyang mukha, mahaba niyang buhok at ang walang kapintasan nitong katawan.‘Bwisit! Siya nga iyon!’ Nagulat din noong mga sandaling iyon si Darryl nang makita niya si Lumi.Nabuo ang isang hukay sa lupa nang maglaban siya at ang Hexa Swordmaidens. At matapos ng napakaraming taon, nakita na rin ng mundo ang nakatagong siyudad sa ilalim ng lupa. Inasahan ni Darryl na magsisimula na ang Hexa Swordmaidens na maglibot sa siyudad ngayong sila ang nauna sa lugar na iyon pero agad siyang nagulat nang makita
Read more
Kabanata 5220
“Iniisip kung kaya ba talaga niyang harapin ang technique na ito ni Joewel.”Habang naguusap ang lahat sa paligid ng plaza, naramdaman ni Darryl ang aura mula sa mahabang espada ni Joewel na nakapagpaseryoso sa kaniyang mukha.Nagpakita naman ng kaunting takot ang mukha ni Lumi nang harapin niya ang pinakatatagong technique ni Joewel na A Kill In Every Ten Steps kaya agad niyang binunot ang kaniyang espada para harapin ang pagatakeng iyon.Bilang isa sa magkakapatid na Hexa Swordmaiden mula sa Belladonna Palace, masyado ring naging kahanga hanga ang husay nito sa paggamit ng espada. Kaya hindi siya natakot nang harapin niya ang ipinagmamalaking technique ni Joewel.Pagkatapos ng isang sandali ay agad na nagtama ang katawan ng dalawa isa’t isa habang gumagawa ng isang malinaw at malutong na tunog na narinig ng lahat. Nagawa ng pagatake ni Joewel na sirain ang mahabang espada ni Lumi.Naging kasing lakas ni Lumi si Joewel sa pangkaraniwang pagkakataon. Pero masyado nang malaki ang i
Read more
Kabanata 5221
Whoa!Hindi na rin nakapagpigil pa ang ibang mga elite noong mga sandaling iyon habang sumisigaw ang mga ito kay Lumi.“Tama nga si Elder Martin. Sumosobra ka na.”“Isa lang itong practice duel pero paano mo nagawang umatake nang walang awa sa mga nakalaban mo?”“Oo nga. Sumosobra ka na talaga.”Nanlamig naman ang itsura ni Lumi nang marinig niya ang kantiyaw ng mga tao sa paligid habang tumitingin siya sa mga ito. “Kasalanan nila dahil hindi pa sapat ang kanilang lakas para labanan ako kaya bakit ako ang kailangan ninyong sisihin dito?”“Hindi ko na nga itinodo ang pagatake ko sa kaniya kanina dahil kung hindi ay mas naging miserable pa siguro ang sinapit ng mga ito ngayon.”Tama nga si Lumi. Nakilala sa kawalan nila ng awa at angkin nilang kalupitan ang magkakapatid na Hexa Swordmaidens, kaya magaan na para kay Lumi ang ginawa nito kanina dahil kung hindi ay wala nang nakaligtas na kahit isa sa mga nakalaban niya kanina.Masyadong competitive si Lumi kaya naniniwala siya na a
Read more
Kabanata 5222
Kailan pa inatrasan ng isang Hexa Swordmaiden ang mga banta na kaniyang makakaharap?“Ngayong hindi ka nagpakita ng awa sa iyong kapwa, huwag na huwag mo kaming masisisi sa gagawin namin sa iyo.”Hindi na nagsayang pa ng laway si Martin. Malalim niyang tiningnan si Lumi bago siya tumawag nang malakas dito, “Huwag na huwag kayong magdadalawang isip sa isang ito mga kasama! Magsamasama tayong pabagsakin ang makamandag na babaeng ito. Mamatay ka na!”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, agad na sumabog ang internal energy ng mga disipulo mula sa iba’t ibang mga sekta. Hinawakan nila nang maigi ang kanikanilang mga sandata habang sumusugod papunta sa direksyon ni Lumi.Agad na namula ang magandang itsura ni Lumi habang sumisigaw ito ng, “Mga hipokrito kayong lahat! Sa kasamaang palad ay hindi pa rin magiging madali para sa inyo ang pagkuha sa buhay ko.”Buzz!Habang nasa gitna ng kaniyang pagkagulat at galit, sumabog ang internal energy sa katawan ni Lumi habang bumabalot
Read more
Kabanata 5223
“Isa nga talaga siyang Hexa Swordmaiden. Hindi ako makapaniwala na magagawa niyang mapabagsak ang ganito karaming tao habang napapaligiran ng mga ito. Masyado itong nakakatakot. Pero nakasisiguro rin ako na kinuha ng sword chant na ito ang malaking bahagi ng kaniyang enerhiya.”Habang nagugulat ang lahat, mapapansing namumutla ang mukha ni Lumi habang nanginginig ang maganda nitong katawan. Kaya mahahalata na masyadong marami ang enerhiyang ginamit ng katakot takot na sword chant na kaniyang ginamit kaya kakaunti na lang ang natitirang enerhiya sa kaniya ngayon.Nang malaman niya ito, hindi na naiwasan pang sumigaw ni Martin ng, “Dalian ninyo! Paubos na ang kaniyang internal energy. Umatake tayo nang sabay sabay para pabagsakin ito. Ang sinumang mauuna na makahuli sa kaniya ay magkakaroon ng karapatang gawin ang lahat ng gusto niya rito.”Dito na sumugod ang wala sa sariling mga disipulo sa paligid.Tama nga ang kanilang hinala. Masyado nang marami ang nawalang internal energy sa k
Read more
Kabanata 5224
Ho ho!Nang maramdaman niya ang galit ni Martin, bahagyang napangiti lang ang kalmadong si Darryl dito.“Hindi na ito importante. Ang importante sa lahat ay ang pagtutulong tulong ninyo para pabagsakin ang isang babae. Ano na lang ang sasabihin sa inyo ng iba sa sandaling kumalat ang balitang ito sa kontinente ng Cryolet?“At isa rin siya sa magkakapatid na Hexa Swordmaiden ng Belladonna Palace. Hindi ba kayo nagaalala kung ano ang maaaring maging kapalit ng kahihiyang ginawa ninyo ngayong araw sa hinaharap?”Namula nang husto ang mukha ni Martin nang maubusan na siya ng isasagot kay Darryl.Kasabay nito ang biglaang pagiging awkward ng itsura ng iba pang mga elite.Pero mabilis pa ring nahimasmasan si Martin. Kumislap sa sobrang galit ang kaniyang mga mata habang nanlalamig na sinasabi kay Darryl na, “Isa na itong bagay sa pagitan namin ng Belladonna Palace. Kaya wala ka nang pakialam pa rito. Umalis ka na hangga’t maaga pa kung gusto mo pang sikatan ng araw bukas.”‘Hindi manl
Read more