All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5311
- Chapter 5320
7044 chapters
Kabanata 5315
Higit sa lahat, si Heather ay may nakakatakot na pangitain tungkol sa Soul Extracting Technique.Bahagyang napangiti si Archfiend Antigonus nang makita ang takot na ekspresyon nito. "Matagal ka nang ini-interrogate ni Forsythe, ngunit tumanggi kang makipagtulungan, kaya wala akong pagpipilian kundi gawin ito."Pero na lang kung bukal sa loob mo na makipagtulungan at sabihin kung saan sila nagtatago. Papalayain kita kapag ginawa mo."Sa sandaling iyon, huminga ng malalim si Heather at nakaramdam ng pag-aalinlangan.Dapat ba niyang sabihin sa kanya ang totoo?Si Chester, Dax, at ang mga mula sa Hidden Hero Sect ay pawang magagaling na bayani. Magiging makasalanan siya kung ipagbili niya ang mga ito.Gayunpaman, kung hindi niya gagawin, gagamitin ni Archfiend Antigonus ang Soul Extracting Technique sa kanya, at siya ay hindi hihigit sa isang naglalakad na bangkay. Mas gugustuhin niya pang mamatay.Halos matumba si Heather habang sinusubukang magdesisyon. "Payag ka bang makipagdigma
Read more
Kabanata 5316
“Opo, Kamahalan.”Mabilis na sumagot si Forsythe habang nagpapawis nang husto ang kaniyang noo sa nang magsimula siyang magalala kay Morticia.Galit na galit si Archfiend Antigonus noong mga sandaling iyon. Siguradong nasa bingit ngayon ng panganib ang kanilang reyna.Natigilan din dito maging si Forsythe. Hindi niya maintindihan kung paano nagawa kanilang reyna na mainlove kay Ambrose.Naglakad si Forsythe sa labas ng lihim na kuwarto nang utusan niya ang ilang mga elite na disipulo na bantayan si Heather bago siya magpadala ng tao sa Dragon King Island para ipadala ang balita.“Ikaw—"Nagulat at nagalit naman dito si Heather. Sinabi na niya ang lahat ng kaniyang nalalaman pero hindi pa rin siya pinapakawalan ng mga ito!Sa kontinente ng Cryolet, kasalukuyang tirik ang napakagandang araw noong mga sandaling iyon.Isang chessboard na nakalagay sa lamesa na nasa isang maliit na hardin malapit sa Elixir Sector ang maklikita. Kumportableng nakaupo si Darryl sa isang upuan, dahan d
Read more
Kabanata 5317
Tumango naman dito si Lindsey. “Siguradong papasa ako sa lahat ng kinakailangang kakayahan sa Heavenly Secret Palace.”Dito na nagmamadaling inayos ni Lindsey ang chessboard bago sabihing, “Kuya Darryl, maglaro pa tayo ng isa pang beses.”Ngumiti naman si Darryl habang tumatayo nitong sinasabi na, “Malapit nanamang gumabi kaya hahayaan ko na munang si Sofia ang makipaglaro sa iyo. Mayroon pa akong kailangang gabin at kailangan ko na ring umalis sa loob ng dalawang araw.” Tumingala si Darryl sa walang ulap na kalangitan habang nagiisip na sinasabi ang mga salitang iyon.Bumalik na sa dati ang kakayahan ni Darryl nitong nakalipas na dalawang araw nang maituro niya kay Preston ang buong Celestial Swordmanship technique. Mayroon na ngayong kakayahan si Darryl na umalis gamit ang Shattered Void.Pero masyado pa rin itong delikado. Pinaghihiwahiwalay ng chaotic void ang napakaraming mundo ng mga tao kaya madalas na may katumbas na frustration ang pagpasok ng kahit na sino sa chaotic void
Read more
Kabanata 5318
Agad na napasimangot si Darryl nang makarating siya sa paanan ng bundok. Naging maganda ang kaniyang mood pero wala siyang nagawa noong mga sandaling iyon.Naramdaman niya na nagtatago ang napakaraming mga elite sa kakahuyan sa magkabilang gilid ng daanan.Wala nang kahit na sino ang may instinct na kagaya niya.Nagkaroon ng sage na katawan si Darryl kaya nagawa niyang lamangan ang mga ordinaryong tao pagdating sa paningin, pandinig at pakiramdam. Simple na lang para sa kaniyang maramdaman ang mga nagtatagong tao sa kaniyang paligid. Nagawa niya pa ngang mabilang ang dami ng mga ibon at insekto sa kaniyang paligid.Hindi naman ginulat ni Darryl ang mga ito nang maramdaman niya ang mga tao sa kaniyang paligid. Huminga lang siya nang malalim habang kinakanta ang isang kanta na naging viral sa internet ng World Universe ilang taon na ang nakalilipas. “Ang mga baboy… na may dalawang butas sa kanilang ilong…”Kumalat ang napakalakas niyang pagkanta sa buong bulubundukin.Nadidismaya n
Read more
Kabanata 5319
“Nakatago ang mga misteryosong technique sa pagpapalakas ng Heavenly Secret Palace sa Spirit of the Heavenly Secret. Tanging mga disipulo lamang ng Heavenly Secret Palace ang maaaring magsanay dito kaya paano ko magagawang mapagaralan ito ngayong hindi naman ako isa sa kanilang mga disipulo?”Inisip ni Darryl ang kaniyang mga sinabi nang marealize niya ang isang bagay. “Naiintindihan ko na gusto ninyong matutunan ang Spirit of the Heavenly Secret mula sa munting bata na iyon kaya naisip ninyo na pagnanasaan ko rin ito tama?”“Sayang dahil hindi ako mahilig maging sunudsunuran sa iba. Nakikipaglaro pala si Lindsey sa loob ng isang pavilion sa mountain gate. Dalian na ninyo kung gusto ninyo siyang maging disipulo ngayong malapit na siyang mananghalian.”Nabalot ng panloloko ang mga mata ni Darryl nang sabihin niya iyon.Agad namang nagalit sina Martin at Zacho nang marinig nila ang ginawang sarcasm ni Darryl.Si Adam ang naunang bumunot ng espada na kaniyang itinutok kay Darryl haba
Read more
Kabanata 5320
Nagmukhang ninenerbiyos si Darryl nang sabihin niya iyon habang kumikislap ang mga tuso niyang mata.Nang makita niya ang pagsuko ni Darryl agad na napasinghal si Martin bago ito umabante at nanlalamig na magsalita ng, “Huwag ka nang magkunwari, bata. Hindi mo pa rin ba alan kung ano ang gusto namin?”“Hindi ba’t ginamit mo ang isa sa mga technique ng Heavenly Spirit Palace nang tumakas ka kanina?”“Hindi ka namin papatayin hangga’t magagawa mong ituro sa amin ang mga spell sa misteryosong mga technique ng Heavenly Secret Palace nang detalyado.”Walang duda na papatayin din ni Martin si Darryl sa sandaling maituro nito ang laman ng mga technique ng Heavenly Secret palace. Sabagay, ang batang ito pa rin ang Sect Master ng Elixir Sector sa Pure Yang Division na nagpakita ng angking talento sa iba’t ibang larangan.Hindi naman nagbago ang itsura ni Darryl nang marinig niya iyon. Dito na siya nakaramdam ng matinding tuwa sa kaniyang dibdib.‘Inakala ng mga mangmang na ito na nagmula
Read more
Kabanata 5321
“Sugod!”Kumalat ang maputla at kulay purple na usok sa paligid pero walang kahit na sino ang nagkaroon ng pakialam dito habang sumusugod sila kay Darryl.Pero agad silang nakaramdam ng pagkahilo bago pa man sila makalapit dito. Agad na umikot ang kanilang mga paningin habang namumula ang kanilang mga mata.“Ang sakit ng ulo ko!”“Ano ang nangyayari… bakit ako nahihilo?”“Ako… Ako rin…”Habang nasa gitna ng pagkagulat, naramdaman ni Adam ang panginginig ng kaniyang katawan sa harapan ng kaniyang mga kasama. Dito na siya napatingala na para bang sasabog na ang kaniyang ulo habang bayolenteng umiikot ang kaniyang paningin.Ano ang nangyayari?Bakit niya naramdaman na para bang sasabog na ang kaniyang ulo.Pagkatapos ng isang segundo, nawala na sa kaniyang sarili si Adam bago pa man niya maintindihan ang mga nangyayari. Agad siyang tumitig sa kaniyang mga katabi habang inaatake nang buong lakas ang mga ito.“Mamatay ka na, Darryl Darby.”Walang dud ana hindi lang logic ang nawa
Read more
Kabanata 5322
Kahit na ano pa ang katotohanan, kailangan pa ring mamatay ni Darryl Darby.Nang maisip niya iyon, galit na sumigaw si Vincent ng, “Kayong lahat, patayin ninyo ang lalaking ito!”Nang marinig ng lahat ang mga salitang iyon sa ere, agad na sumabog ang kaniyang internal energy habang hinahawakan niya nang mahigpit ang kaniyang espada para sumugod papunta sa direksyon ni Darryl.Para kay Vincent, si Martin pa rin ang head elder ng Heavenly Ocean Sect sa bandang huli kaya sigurado siya na hindi manganganib nang ganoon kabilis ang buhay nito kahit na napapaligiran ito ng ilang mga tao.Kaya ang pinakaimportante sa lahat ay ang hindi pagsali sa labang iyon kundi ang pagsugod muna kay Darryl.Hindi na nakontrol ni Vincent ang kaniyang galit nang maalala niya ang pagtanggi ni Gigi sa kaniyang proposal nang dahil kay Darryl at ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na si Sherman sa ilalim na siyudad nang dahil dito.Kasabay niyang lumipad ang mga elite ng Heavenly Ocean Sect papunta sa direks
Read more
Kabanata 5323
Mabilis na nakita nglahat ang napakaraming mga bangkay ng kanilang mga kasama sa paligid na nagbigay ng kulay ng dugo sa lupa.Balot din ng dugo ang mga taong nagkaroon ng malay habang marami sa kanila ang nasugatan nang husto.Malinaw na mayroong isang matinding massacre na naganap kanina.“Ano…”Sa wakas ay nauna nang nahimasmasan si Zacho. “Paanong nangyari ang lahat ng ito?”Hindi pa rin naging malinaw para kay Zacho kung ano ang nangyari ngayong kagagaling lang nito sa paghahallucinate.Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, napahawak na lang si Adam sa kaniyang noo habang sinasabi na, “Nablangko talaga ako. Wala na akong ibang naisip kundi patayin si Darryl Darby.”Tumango naman ang lahat nang marinig nila ito.“Ako rin… Sinusubukan ko lang namang patayin si Darryl Darby kanina pero bakit hindi ko ito magawa?”“Ako rin…”“Maaari kaya… maaari kaya na naghallucinate tayong lahat kaya napagkamalan nating si Darryl ang isa’t isa?”Kahit na nagsalita ang mga ito, wal
Read more
Kabanata 5324
Sa loob ng isang iglap, nagsialis na sa lugar na iyon ang karamihan sa mga sekta.Whew…Dito na huminga nang malalim si Zacho. Dito na siya tumingin sa namatay na si Vincent bago ito tumingin kay Martin para seryosong sabihin na, “Nakikiramay ako sa inyo Elder Martin. Ngayong marami na sa atin ang sumuko, mas mabuti siguro na tumigil na rin ang North Sea Galaxy sa ating misyon. Maghiwalay na tayo rito.”Habang nagsasalita, tinawag ni Zacho ang mga disipulo ng North Sea Galaxy para umalis.Tanging sina Martin, Adam at ang mga disipulo na lang ng True Flame Sect ang natira roon.Nang makita niyang umalis ang lahat, nagalit nang husto si Adam habang galit itong sumisigaw ng, “Hayop! Wala nang kasing duwag ang mga ito.”Habang nagsasalita, tumitig nang husto si Adam kay Martin.“Elder Martin, hindi natin pupuwedeng hayaan ang ganitong klase ng kataksilan. Huwag kang magalala dahil magpapatuloy ang True Flame Sect sa pakikipaglaban para sa iyo at sa Heavenly Ocean Sect. Gagawin ko an
Read more