All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5421
- Chapter 5430
7044 chapters
Kabanata 5425
‘Napakabilis…’ Namutla sa takot ang mukha ni Henry nang makita niyang sumabog ang gintong liwanag sa kaniyang harapan. Gusto niya sanang yumuko pero huli na ang lahat para sa kaniya.Pagkatapos ng isang segundo, direktang tinamaan si Henry ng gintong liwanag na nakapagpatalsik sa kaniya sa ere sa layong halos umabot sa isang daang metro bago siya bumagsak nang malakas sa isang bato sa entrance ng Godly Secret Realm. Sumirit ang dugo sa kaniyang bibig habang tumitigil siya sa paghinga na kumitil sa kaniyang buhay.Hiss…Napabuntong hininga naman sa takot ang mga disipulo ng tatlong naglalakihang mga sekta habang tuluyang tumatahimik ang paligid.Ganito ba talaga kalakas ang True Flame Sect? Nagawa niyang patayin si Henry gamit ang isang pagatake.“Mabuhay ang Sect Master.”Dito na sumigaw nang malakas ang nasa 10,000 mga disipulo ng True Flame Sect habang nababalot ng pagkasabik at tuwa ang kanilang mga mukha.Nagpakita naman ng pagkaarogante ang mukha ni Prince Auten. Hindi ma
Read more
Kabanata 5426
Habang nagsasalita, tiningnan nang direkta ni Prince Auten ang Palace Master mula ulo hanggang paa habang nakangiting sinasabi na, “Narinig ko na mas maganda raw ang Palace Master daw ng Pure Yang Division kaysa sa mga diyosa ng kalangitan. Mukhang totoo nga ang mga narinig kong usap usapan tungkol s aiyo.”Kahit na isa itong uri ng pagpuri, nabalot pa rin ng panloloko ang tono ng kaniyang boses.Hindi naman naging kumportable ang Palace Master sa ginawang pagtingin ni Prince Auten, pero agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili habang mahina siyang sumasagot ng, “Sumosobra ka na, Adam Bedford. Naiisip mo ba kung ano ang maaaring maging kapalit ng pagbangga mo sa tatlong naglalakihang mga sekta?”Hindi itinuring na banta ng Palace Master si Adam. Sabagay, isa lang naman itong sect master ng True Flame Sect na isang second class sect sa kanilang kontinente.Sinuwerte lang ito nang mapabagsak niya si Zacho.Pero wala siyang kaalam alam na patay na ang tunay na Adam Bedford.Ho ho…
Read more
Kabanata 5427
Napagdesisyunan ng mga sekta na magkaroon ng isang pansamantalang alyansa para mapagplanuhan kung paano nila lilibutin ang siyudad sa ilalim ng lupa. Si Martin ang nanguna sa mga ito hanggang sa huli, pero agad itong pinutol ni Adam sa huling sandali nang talunin niya si Martin.Kahit na naging malinaw ang kaniyang pagkatalo, hindi pa rin natuwa si Martin sa naging duwelo nila ni Adam at agad niyang naisip na sinuwerte lang ito sa laban nilang iyon. Siguradong iba ang kalalabasan ng labang iyon sa sandaling maglaban sila gamit ang buo nilang mga lakas.Pero sa kasamaang palad, walang kaalam alam si Martin na hindi si Adam ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan, dahil isa itong lalaki na mas malakas at mas nakakatakot kaysa sa nakaharap niyang si Adam.Ngumisi naman si Prince Auten nang makita niya ang papasugod na si Martin. “Nakikita ko na gusto mo nang mamatay! Ang lakas ng isang payasong katulad mo na umarte sa harapan ko ah?”Nang marinig nila ang mga salitang iyon sa ere, i
Read more
Kabanata 5428
Unti unting kumalat ang matapang na amoy ng dugo sa entrance ng Godly Secret Realm sa bawat minutong lumilipas na para bang isa itong torture chamber sa impyerno.Ang tanging nakita ng lahat ay ang walang tigil sa sagupaan nina Evan, Prince Auten at ng palace Master habang kumakalat at sumasabog ang kanikanilang mga aura sa paligid.Nagkaisa nang husto sina Evan at ang Palace Master pero hindi pa rin nila inasahan na maiilagan o masasalag ni Prince Auten ang nakamamatay nilang mga pagatake.Dito na itinaas ni Prince Auten ang kaniyang palad para magpadala ng isang pagatake na magpapaatras sa Palace Master.“Ayaw na ayaw ko talagang pumapatay ng magaganda at munting mga binibini. Paano kaya kung hayaan na lang ng Pure Yang Division na pamunuan sila ng True Flame Sect kung gusto mo pang mabuhay.”Habang nagsasalita, nagbigay siya ng isang tingin kay Evan. “Ganoon din sa iyo, Sect Master ng Heavenly Ocean Sect.”Whew…Nagbago ang itsura ng Palace Master habang napapakagat sa kaniya
Read more
Kabanata 5429
Hindi pa tapos ang labang ito.Nagpunta ang kanang kamay ni Prince Auten sa ulo ng Palace Master habang tumitingin siya sa kaniyang paligid bago niya nanlalamig na sabihing, “Tumigil na kayong lahat! Sumuko na kayo kung ayaw ninyong makita na pagsamantalahan ko sa harapan ninyo ang inyong Palace Master.”Whoa…Napatigil ang lahat habang hindi maitago ang pagpapanic sa kanikanilang mga mata at ang galit sa kanikanilang mga dibdib.Yare…Sa dalawang mga Sect Master, isa sa mga ito ang nasugatan nang husto habang isa naman ang binihag ni Prince Auten. Sino pa ba ang nakahandang lumaban para sa kanila.Nang makita niyang tumigil ang lahat, ngumisi si Prince Auten habang kumakaway ito kay Rachelle.Agad namang naintindihan ni Rachelle ang mensahe nito kaya agad siyang umabante para itali ang mga disipulo ng tatlong naglalakihang mga sekta sa lalong madaling panahon.Pagkatapos ng ilang minuto, agad na lumapit si Rachelle para sabihin kay Prince Auten na, “Kuya, nasa ating mga kamay
Read more
Kabanata 5430
Pagkatapos ng kalahating oras, nakarating na rin si Darryl sa entrance ng Godly Secret Realm.Whew…Hindi naiwasang mapabuntong hininga ni Darryl sa tanawin na kaniyang nasaksihan.Malinaw niyang nakita ang ginagawang pagbabantay ng napakaraming mga miyembro ng True Flame Sect sa entrance papasok sa Godly Secret Realm.Nawala na talaga sa kaniyang sarili si Adam nang sakupin nito ang Godly Secret Realm.Nang maisip niya ito, tumingin si Darryl sa kaniyang paligid hanggang sa makita niya ang dugo sa sahig na nagpapakita sa isang matinding laban na naganap dito kanina.Kasabay nito ang pagikot ng mga boses mula sa bibig ng mga disipulo ng True Flame Sect noong mga sandaling iyon.“Napakaganda ng nangyaring laban kanina.”“Oo nga. Napakaganda talaga ng Palace Master na iyon ng Pure Yang Division. Mabuti na lang at hindi siya pinatay ni Sect Master dahil masyado siyang nakakapanghinayang kung mamamatay lang siya.“Ha, wala ka namang magagawa kundi tingnan ito sa malayo kahit na hi
Read more
Kabanata 5431
Pero umarte si Rachelle na tila wala siyang narinig, sumugod siya nang walang galit o pagkapahiya.Huh?Mas lalong nalito si Darryl. Mali iyon—kung aasarin niya ang babae nang ganito noon, paniguradong magagalit si Rachelle at kaagad itong lalaban sa lalake.Pero wala nang reaksyon ngayon ang babaeng ito, madalas siyang kalmado.Ang hindi alam ni Darryl noon ay nasa ilalim ng kontrol ng ibang tao si Rachelle at isa lamang itong puppet.Sa kaisipang iyon, bumilis si Darryl at unti-unting naisara ang distansya sa pagitan nil ani Rachelle.Nang malapit na niya itong maabutan, nakita niya na malakas na nanginig si Rachelle bago ito nagtago sa hall. Maraming Godly Secret Realm at walang laman ang karamihan sa mga ito.Kaya naman hindi ito masyadong inisip ni Darryl at nagmadali rin siyang makalapit.Anong…Nang makapasok si Darryl sa hall, huminto siya at kaagad na lumingon.Makikita sa loob ng kuwarto ang kulay itim na parisukat na mga bato, magulo ang pagkakapatong ng mga bato.
Read more
Kabanata 5432
Isang baliw na babae.Hindi mapigilang mapaisip sa sarili ni Darryl: kayang tiisin ng babaeng ito ang sakit kahit lubha siyang natamaan.Mas lalong lumapit si Darryl, tinutok niya ang mahabang espada sa dibdib ni Rachelle. “Tatanungin kita ng huling beses. Nasaan ang Palace Master?”Namula ang mga mat ani Darryl nang magsalita siya at hindi niya magawang pigilan ang kaniyang galit ng mas matagal.Tahimik na tiningnan ni Rachelle ang nakatutok na patalim sa kaniya, walang emosyon ang napakaganda nitong mukha. “Wala akong pakialam kahit na patayin moa ko. Hindi ka makakatakas ngayong araw.”Nag-utos si Prinsipe Auten kay Rachelle na akitin siya sa pormasyong ito pagkakita niya sa lalake isang oras lang ang nakalipas.Nasa kontrol si Rachelle nang sandaling iyon at ginawa niya ang tinanong ni Prinsipe Auten. Para sa kaniya, walang ibang mas mahalaga pa kaysa sa pag gawa ng mga ipinag-utos nito sa kaniya—hindi kahit ang sarili niyang buhay.Hay*p!Nagkiskis ng ngipin si Darryl nang
Read more
Kabanata 5433
Rumble!Sumunod na segundo ay bumangga si Prinsipe Auten sa proteksyong harang. Kaagad nitong nadurog si Darryl at dumaing ito ng mahina, lumipad sa ere sa layong mahigit sampung metro bago malakas na bumagsak sa sahig.Hay*p!Malinaw na naramdaman ni Darryl na buo pa rin ang kaniyang fairy soul, pero halos maalis ito. Nandilim din ang kaniyang tingin kay Prinsipe Auten.Paano siya naging ganito kalakas sa loob lang ng ilang araw?Hindi maaari… mahalagang itala na mayroong proteksyon ng Saber Saint si Darryl, pero halos madurog ang kaniyang fairy soul sa atakeng iyon.Ha ha…Hindi maitago ni Prinsipe Auten ang kaniyang pagkasabik nang suminghal siya kay Darryl. “Kamusta iyon? Sa tingin ko’y hindi mo iyon inasahan?” Nang magsalita siya, naramdaman ni Prinsipe Auten na medyo kahihiyan ang sitwasyon.Kung nasa pinakamalakas na anyo siya, magiging sapat ang pag-atakeng iyon para tuluyang mabura ang fairy soul ni Darryl. Pero nasugatan na niya ang lalake at sapat na iyon.Hindi nat
Read more
Kabanata 5434
Malinaw niyang naramdaman ang mas lumalakas na pressure sa Fairy Slaying Formation, nakuha ng mga lilang kristal ang kaniyang fairy soul.“Oh, Darryl Darby…”Mayabang si Prinsipe Auten sa katanungan. “Para isipin na dapat ay ikaw ang mahusay na Nine Heaven Sage. Hindi mo pa rin ba talaga alam kung sino ako? Ho ho… hayaan mong tanungin kita: sino ang may karapatang gamitin ang Fairy Slaying Formation?”Sino ang may karapatan?Napatingin si Darryl sa mga kataga nang mayroon siyang maisip at huminga siya ng malalim. “Ikaw… ikaw si Prinsipe Auten?” Naging pupil niya si Aurin sa Godly Region at ngayon, isa na itong Nine Heavens Emperor. Hindi na magagawang umatake kay Darryl.Ang tanging taong maghihiganti kay Darryl ay walang iba kundi si Prinsipe Auten.“Nakikita kong hindi ka isang mangmang.”Malamig na suminghal si Prinsipe Auten, inaasar nito si Darryl sa enchanted barrier. “Sigurado akong hindi mo mahuhulaan na mapapasakamay kita.”“Sa akin dapat ang posisyon ng pagiging emper
Read more