All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5461
- Chapter 5470
7044 chapters
Kabanata 5465
Sa kawalan ng pag asa, pumikit si Rachelle."Rachelle!" Sa mga oras na 'yon, narinig niya ang pagsigaw ni Darryl. "Ituon mo ang pansin sa banal na kapangyarihan sa katawan mo papunta sa Shenting at Broadway Point. Pagkatapos sunugin mo 'to. Dalian mo!"Mukhang balisa ang mukha niya, na para bang gusto niyang lumipad at tulungan si Rachelle. Ang pamamaraan ni Darryl ay maaaring atakehin ang parehong Prince Auten at ang disipulo nang sabay sabay, ngunit si Rachelle ay masasaktan din.Gayunpaman, mas kanais nais ito kaysa masira ang Crown Point niya at mawala ang kanyang kaluluwa. Maliit ang pinsala kumpara sa mga 'yon. Buti na lang, maliligtas ang buhay niya.Walang pag aatubili na sinunod ni Rachelle ang mga tagubilin ni Darryl. Idinirekta niya ang kanyang banal na kapangyarihan sa Shenting at Broadway Point. Pagkatapos ay pinaputok niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga palad.Biglang sumiklab ang isang nakakatakot na kapangyarihan. Hindi nagkaroon ng panahon si Prince Auten na iw
Read more
Kabanata 5466
“Ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagligtas sa aming mga buhay at ang pagiwas sa panganib. At pagkatapos ay maaari na tayong gumawa ng plano para sa hinaharap.” Sabi ni Darryl habang nagpapakita ang kumplikadong itsura ng kaniyang mukha.Hinding hindi niya hahayaang makawala si Prince Auten ngayong alam na niya kung gaano ito katuso at kasama. Siguradong magiging maganda ang susunod na mga mangyayari sa sandaling mapanatili nito ang kaniyang kontrol sa True Flame Sect. Pero wala pa rin siyang magawa. Wala siyang sapat na divine na enerhiya para labanan si Prince Auten.Napakagat naman sa kaniyang labi si Rachelle habang nahihirapan sa kaniyang sarili nang marinig niya ang payo ni Darryl. “Kung ganoon, hindi ako maaaring umalis dito.” Inisip ng lahat na nagtaksil si Rachelle sa True Flame Sect kaya mas titibay lang ang bintang ng mga ito sa sandaling umalis siya kasama ni Darryl.“Pero ano naman ang gagawin mo sa sandaling manatili ka rito? Paano ka makakapaghiganti kung hindi mo
Read more
Kabanata 5467
“Subukan niyo kung hindi talaga kayo naniniwala sa akin.” Confident na sinabi ni Darryl habang nababalot ng malakas na aura ang kanyiang katawan.Tama, sumugal dito si Darryl. Alam niya na hindi sila magagawang atakihin ng mga disipulong iyon. Ginawa lang nila ito sa takot nila kay Prince Auten na nagutos nito sa kanila. Sumugal siya na kinakailangan niya lang ibluff at takutin ang mga ito para tumigil sa ginagawa nilang pagatake sa kanila ni Rachelle kahit na napilitan sila nang dahil sa utos ni Prince Auten.Tumingin naman sa isa’t isa ang mga disipulo nang maramdaman nila ang malakas na aura ni Darryl. Agad na nabalot ng takot ang kanilang mga mukha habang napapalunok sa kanikanilang mga puwesto. Hindi nagpakita ng kahit na kaunting paghinga ang katawan ni Darryl ayon sa kanilang nakikita. Pero nagawa pa rin nilang masaksihan ang pagkakulong ng kanilang mga kasama sa mga batong iyon.Hindi nila itinuring na malakas si Darryl pero marami pa rin itong mga itinatagong technique na m
Read more
Kabanata 5468
Masyadong naging abala si Darryl sa pagtalo kay Prince Auten kaya muntik na niyang makalimutan ang pagbihag ng True Flame Sect sa mga sect master. Hindi maiimagine ng kahit na sino ang magiging kapalit ng hindi pagligtas sa mga ito.Agad na kumunot ang noo ni Rachelle nang marinig niya ang tanong na iyon. Huminto siya ng isang sandali bago nahihiyang sumagot ng, “Hi… hindi ko maalala kung ano ang aking mga ginawa sa mga araw na hawak ako ni Prince Auten.”‘Nako hindi!’ Huminga nang malalim si Darryl bago ito magsimulang magpanic.Ayon sa ugali ni Prince Auten, siguradong mas malaki ang tiyansa na hindi maganda ang susunod na mangyayari sa mga sect master na iyon kaysa sa mabuti.Dito na napatanong si Rachelle ng, “Darryl, bakit gustong kunin ni Prince Auten atn Godly Secret Realm at ang mga miyembro ng tatlong naglalakihang mga sekta?”Kahit na kasali siya sa gulong ito, nakalimutan niya ang lahat ng nangyari noong hawak siya ni Prince Auten. At ngayong kilala ni Darryl si Prince
Read more
Kabanata 5469
“Holy Nun.” Nagulat ang mga elite na disipulo sa entrance nang makita nila sina Darryl at Rachelle doon. Mabilis silang nagsiyuko para magpakita ng paggalang kay Rachelle.Inutusan ng Prince Auten ang mga disipulong ito na magbantay sa lugar na iyon dalawang oras na ang nakalilipas matapos niyang makuha ang mga miyembro ng tatlong naglalakihang mga sekta. Binigyan niya ng utos ang mga ito na huwag umalis sa lugar na iyon hangga’t hindi nakakarinig ng utos ang mga ito mula sa kaniya.Dahil dito, hindi nagawang umalis ng mga disipulong nagbabantay doon. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin nila narerealize ang paggising ni Rachelle sa katotohanan at ang pagbaliktad nito kay Prince Auten.Tumingin ang mga elite na disipulo kay Darryl habang nakayukong sinasabi ng mga ito na, “Darryl? Ano ang ginagawa niya kasama ang holy nun?”Nasurpresa rin sila nang madiskubre nil ana walang lakas na dumadaloy sa katawan ni Darryl. Para siyang naging isang ordinaryong tao noong mga sandaling iyon
Read more
Kabanata 5470
Pagkatapos nitom ikinuwento ni Rachelle sa lahat ang buong katotohanan. At nang matapos, tumingin siya sa entrance habang sinasabi na, “Pagkatapos saniban ni Prince Auten ang katawan ng aking kuya, gumamit siya ng ilang ubod ng samang technique para kontrolin ako. Hindi ko ginusto ang anumang ginawa ko nitong mga nakaraang araw. Sana ay mapatawad ninyo ako kung naoffend ko kayong lahat sa mga ginawa ko.”Natigilan ang lahat s akanilang narinig. Tiningnan nila si Rachelle gamit ang hindi makapaniwala nilang mga mata habang namamanghang iniisip na, “Sinaniban ang katawan ni Adam?’Matagal nang naging usap usapan ang tungkol sa pagsanib ng isang cultivator sa katawan ng ibang tao pero wala pang kahit na sino ang nakakakita nito sa personal. Kaya inisip nila kung totoo ba ito o isa lang kasinungalingang ginawa gawa nina Darryl at Rachelle.Dito na suminghal si Martin. Tumingin siya kay Rachelle at Darryl bago naiinis na sabihing, “Tama na. Hindi niyo na kailangan pang umarte sa harapan
Read more
Kabanata 5471
Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, umaasang tiningnan ng mga kasama nito si Darryl.Alam nil ana siguradong masisira nang tuluyan ang reputasyon ng parehong Heavenly Ocean Sect at North Star Galaxy sa sandaling kumalat ang balita tungkol sa hindi pagkakaligtas sa kanila ni Darryl.Iligtas ka?Nang makita niya ang biglaang pagbabago sa ugali ni Martin, hindi na naiwasan pang matawa ni Darryl. “Gusto mong iligtas kita? Ano ang sinabi mo kanina? Hindi ba’t inakusahan mo ako na nakikipagsabwatan sa True Flame Sect?”Uhh…Bumuhos na parang isang malamig na tubig ang kahihiyan sa lahat habang nababahala sa kanilang mga puwesto.Dito na nagsalita si Martin gamit ang nagmamakaawang tono ng kaniyang boses, “Kasalanan ko ang lahat ng ito, Master Darby. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan para masabi ang mga bagay na iyon. Seryoso ako nang sabihin ko na katapusan na namin sa sandaling hindi mo kami iligtas dito.”Humingi si Martin ng tawad habang kumakabog sa tin
Read more
Kabanata 5472
Sumosobra na talaga si Darryl Darby. Paano ito maituturing na pagligtas sa kanila? Malinaw na gusto silang iblackmail nito.Napabuntong hininga naman si Darryl sa naging reaksyon ng mga ito. “Mukhang hindi ninyo kayang tuparin ang lahat ng gusto ko. Sige, magiingat kayo rito.”Habang nagsasalita, nagkunwari siyang kumakaway palapit kay Rachelle na nagbibigay dito ng senyas na umalis sa lugar na iyon.Dito na huminga nang malalim si Evan habang mabilis na sinasabing, “Sandali! Sect Master Darryl, pumapayag na kami sa lahat ng kondisyon ninyo.”Nagsara nang husto ang kaniyang mga kamao habang nagsasalita. Siguradong sisirain nang husto ng mga kondisyon ni Darryl ang reputasyon niya bilang Sect Master ng Heavenly Ocean Sect.Pero wala pa rin siyang magagawa. Nasa mga kamay na ni Darryl ang buhay nilang lahat at ito lang ang kanilang paraan para makaalis. Siguradong hindi magiging maganda ang mga susunod na mangyayari sa sandaling hindi nila makuha ang pagkakataong ito na makaalis.H
Read more
Kabanata 5473
“Oh. Sige.”Dito na nahimasmasan ang tumatangong si Evan, agad niyang tinawag ang lahat na umalis sa kuwartong iyon sa lalong madaling pahahon. Agad na pumait ang kaniyang itsura nang makalabas sila ng main hall.‘Buwisit, iniisip ba ng hayop na ito na mga mangmang kami? Maghintay ka lang, Darryl Darby.’Matapos maglakad ng nasa isang daang metro, bumagal si Evan sa paglalakad.Hindi naman naiwasang sumali ni Martin sa usapan, “Sect Master! Aalis na lang ba kami nang ganoon ganoon na lang? Ayaw sa ating sumama ni Darryl Darby kaya sigurado ako na mayroong mali sa mga nangyayari.”Hindi naman natutuwang sumagot dito si Evan, “Alam ko siyempreng may mali sa nangyayari pero hindi pa rin tama para sa akin na gumawa ng eksena lalo na sa sitwasyong ito. Wala nang gaanong lakas si Darryl pero ibahin natin si Rachelle.”Walang duda na si Rachelle ang rason kung bakit nagawang kumalma ni Evan kanina.Natahimik naman si Martin habang nakasimangot nitong sinasabi na, “Ano na ang gagawin na
Read more
Kabanata 5474
Sa kabilang banda, makikitang nakaupo ang tahimik na si Prince Auten sa gitna ng isang gumuhong bahagi ng Godly Secret Realm, kasalukuyan itong nasa gitna ng kaniyang pagmemeditate.Puno ng takot namang tumayo sa kaniyang paligid ang mga disipulo ng True Flame Sect. 10 minuto na ang nakalilipas mula noong masira ni Prince Auten ang Inverse Five Elements Formation para mailigtas ang mga disipulong nakulong doon.Pagkatapos nito ay agad siyang nagpadala ng mga tauhan para hulihin sina Darryl at Rachelle bago niya simulang gamutin ang tinamo niyang mga pinsala sa katawan.Dahan dahang ibinuka ni Prince Auten ang kaniyang mga mata habang humihinga siya nang malalim. Malapit nang gumaling nang tuluyan ang kaniyang mga sugat pero nanatili pa ring bagsak ang kaniyang mukha.Dito na bumalik ang mga disipulo na kaniyang ipinadala para habulin sina Darryl at Rachelle.“Nasaan na sila?”Nang mapansin niya ang takot na itsura ng mga disipulong ito, agad na nalaman ni Prince Auten kung ano an
Read more