All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5571
- Chapter 5580
7044 chapters
Kabanata 5575
Ito rin ang sumpang nagtanggal sa kakayahan ni Scitalis na makaalis sa abyss na naging dahilan ng pagkakakulong niya rito nang ganito katagal. Kaya hindi na naging bago sa kaniya ang mahika.Kaya wala na siyang ibang naramdaman kundi pagkagulat nang makita niyang sumasabog ang mahika sa katawan ni Rachelle.Habang nasa gitna ng kaniyang pagkagulat, sinubukang tumigil ni Scitalis pero huli na ang lahat para sa kaniya.Sa loob ng isang iglap, tumama nang malakas ang protective shield sa napakalakaing katawan ni Scitalis na gumawa ng nakabibinging tunog na nagpayanig sa buong kuweba.Agad na napatalsik si Scitalis sa tindi ng puwersang tumama sa kaniya habang nananatili namang lumulutang sa gitna ng ere si Rachelle, tila hindi ito nasaktan habang nababasag ang protective shield sa kaniyang paligid.Mabilis na napalitan ng pagkagulat ang itsura ni Debra habang hindi niya makapaniwalang tinitingnan si Rachelle. ‘Paano niya nagawang magkaroon ng ganiyang klase ng lakas? Masyado itong ma
Read more
Kabanata 5576
Naging sincere ang itsura ni Scitalis habang nagpapakita ng pagkamuhi ang kaniyang mga mata.Dalawang libong taon nang nabubuhay si Scitalis at minsan na rin siyang naging grand general sa kontinente ng North Moana. Kaya paano niya magagawang hayaan ang kaniyang sarili na maging tagapaglingkod ni Rachelle nang ganoon kadali?Napagisip isip na niya ang tungkol sa bagay na ito. Magkukunwari siyang tagasunod ni Rachelle para gamitin nito ang kaniyang mahika para tanggalin ang sumpang ibinigay sa kaniya ni Yennie. At pagkatapos ay maghihintay na lang siya ng tamang pagkakataon para magawa ang lahat ng gusto niya sa dalawang ito…Kasabay nitong nakahinga nang maluwag sina Debra at Rachelle sa kanilang mga sarili nang marinig nila ang mga sinabi ni Scitalis.Kaya pala ang bilis nitong magmakaawa sa kanila. Mukhang napasailalim ito ng isang sumpa na nagtanggal sa kakayahan nitong makaalis sa lugar na iyon.Dito na nahimasmasan si Rachelle habang bumubulong siya kay Debra ng, “Ano sa ting
Read more
Kabanata 5577
Hindi na nagaksaya pa ng salita si Debra nang makita niyang wala ang sincerity at katapatan sa mukha ni Scitalis.“Sige!”Napahakbang paatras si Debra habang mahina nitong sinasabi kay Rachelle na, “Nasa mga kamay na natin ang buhay niya kaya hindi na tayo dapat pang magalala sa kung anong pinaplano niyang gawin. Maaari na nating tanggalin ang sumpa niya ngayon.”Habang nagsasalita, nagpakita ng confidence ang mukha ni Debra. Wala nang sinuman maliban sa kanila ni Darryl ang may kaalaman para gamutin ang lason sa Soul Addict Pill kaya hindi siya natatakot sa kung anong gagawin ni Scitalis.Sige!Agad namang tumango si Rachelle sa mga salita na kaniyang narinig habang dahan dahan siyang naglalakad palapit kay Scitalis para magsalita gamit ang naiiritang tono ng kaniyang boses. “Sige. Paano natin ito gagawin?”Sa totoo lang, wala nang iba pang nararamdaman si Rachelle kundi pagkamuhi sa bago niyang tagasunod kaya ayaw niyang tanggalin ang sumpa nito pero ito na lang ang nagiisa niy
Read more
Kabanata 5578
Isang matinding laban ang naganap at ilang mga sundalo lang ang nakalabas nang buhay. Ang natira ay agad na pinatay ng mga Garan bago nito habulin ang mga nakatakas na sundalo pabalik sa Hidden Hero Sect.Mga Garan?Dito na nakilala ni Master Magaera at ng mga heneral sa kaniyang likuran ang mga Garan habang kumukunot ang kanikanilang mga noo sa osbrang pagkagulat.Paano nagawang magpakita ng mga Garan dito?“Mga walang kuwentang halimaw?”Mabilis na nahimasmasan si Master Magaera habang lumulutang ang kaniyang katawan sa gitna ng ere, agad siyang sumigaw sa mga Garan ng, “Bakit hindi kayo yumuyuko sa akin?”Isang napakalakas na aura ang lumabas sa katawan ni Master Magaera habang nagsasalita na biglang kumalat sa ere.Agad na yuyuko ang mga pangkaraniwang Garan sa mga sandaling ito sa sandaling makaramdam sila ng ganitong klase ng enerhiya. Pero ang mga nagpuntang Garan dito ay mga ligaw na Garan kaya agad na tumindi ang galit ng mga ito sa sandaling maramdaman nila ang agresyo
Read more
Kabanata 5579
Namula ang mukha ni Heather nang maramdaman niya ang init sa mga sinabi ni Ambrose. “Kumain ka pa kung nasasarapan ka rito.”Habang nagsasalita, hindi na naiwasan pang magalala ni Heather habang sinasabi nito na, “Nakatakas na tayo ngayon… pero hindi naman natin alam ang lagay nina Uncle Chester at ng iba pa nating mga kasama.”Napabuntong hininga naman si Ambrose sa mga sinabing iyon ni Heather. Magsasalita na sana siya nang makarinig siya ng ilang mga yapak na papalapit sa kanila.Agad na nabalot ng pagsususpetsa ang mukha ni Ambrose nang makita niya ang unti unting paglapit ng isang lalaki sa kanila.Naging mabigat ang tingin nito sa lalaki na siguradong magpapanginig sa sinumang tatamaan nito.Ito ay walang iba kundi si Prince Auten na kanilang nakaengkwentro noon.Kagaya ni Ambrose, tumakas din pahilagang kanlurang si Prince Auten sa takot na baka mahabol ito ng mga Garan.Nagkataon na naamoy ni Prince Auten ang inihaw na isda sa kalapit na kakahuyan na nagdala sa kaniya ri
Read more
Kabanata 5580
Habang nagsasalita, nagbigay ng tingin si Prince Auten sa sanggol na natutulog nang mahimbing habang nakangiti nitong sinasabi na, “Napakaganda ninyong tingnan bilang isang pamilya. Naiinggit ako sa inyo!”Namula naman ang mukha ni Heather habang nagmamadali nitong nililinaw na, “Hindi namin ito anak.”Katatapos tapos lang kumain ni Ambrose nang marinig niya ang mga salitang iyon sa ere, “nakapagpahinga na ako, Heather. Halika na.” Habang nagsasalita, nagpakita siya muli ng nagiingat na tingin kay Prince Auten.Sinasadyang makipagusap ng lalaking ito kaya siguradong mayroon itong binabalak na hindi maganda.Direktang sasabihan ni Ambrose si Prince Auten na umalis kung nangyari lang ito noon. Pero hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang kaniyang internal energy kaya magiging mahirap para sa kaniyang sumabak sa isa nanamang laban.Ito ang dahilan kung bakit sinubukan ni Ambrose ang lahat para umalis kasama ng sanggol nang hindi nagsasalita ng kahit na ano kay Prince Auten.Sige!S
Read more
Kabanata 5581
Mayabang ang ekspresyon ni Zeke nang magsalita siya. Siya ang Heneral ng Four Profound Heavenly at halos hindi niya nakita si Ambrose bilang isang hadlang.Hay*p!Napamura sa sarili si Ambrose sa sitwasyong iyon, dumilim ang kaniyang ekspresyon.Magiging mahirap ang makalabas sa Hidden Hero Sect. Hindi na siya babalik.Bahagyang tinapik ni Ambrose si Heather. “Mauna na kayo ng sanggol, Heather. Pipigilan ko siya.” Matatag ang kaniyang boses, walang espasyo para sa mga katanungan.Alam niyang hindi pa siya gumagaling at tanging gulo lang ang maibibigay sa kaniya ng pakikipaglaban kay Zeke. Pero mas mainam na ito kaysa umupo at maghintay sa kaniyang pagkamatay.Pinag-isipan iyong maigi ni Ambrose. Gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para mapigilan si Zeke, nang sa gayon ay makaalis si Heather at ang sanggol.“Hindi, di ako aalis…”Nataranta si Heather at mariin siyang umiling nang marinig sa hangin ang mga salita. “Hindi ako aalis nang hindi ka kasama.” Marami nang napagd
Read more
Kabanata 5582
Napagtipon ang liwanag na galing sa internal na enerhiya, kasing bilis ng kidlat ang pagkilos nito.“Mag-ingat ka, Ambrose.”Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Heather nang maramdaman niya ang puwersa ng liwanag.Hinay*pak…Nagulat din si Ambrose. Ganito ba kalakas ang Four Profound Heavenly General? Napakalakas.Nagmadali si Ambrose na gamitin ang kaniyang internal na enerhiya para makabuo ng proteksyong harang sa kaniyang harap nang mapaisip siya.Nang sumunod na segundo ay malakas na bumangga ang liwanag sa proteksyong harang. Narinig sa hangin ang malakas na kalabog kasabay ng pagkasira ng proteksyong harang sa isang kisapmata, nagdulot ito ng malakas na mga alon ng enerhiya sa hangin.Napalipad si Ambrose dahil sa puwersa sa layong higit isang daang metro, malakas siyang bumagsak sa sahig.Napaatras din si Heather dahil sa puwersa.“Ambrose…”Nang sumunod na segundo ay bumalik sa wisyo si Heather at dali-dali siyang lumapit habang karga niya ang sanggol, naghanda siyang
Read more
Kabanata 5583
”Ugh…”Iritang-irita si Zeke sa pag-iyak ng sanggol, malamig siyang nagsalita. “Huwag ka munang magpaalam. Sasama ka sa’kin sa pakikipagkita kay Master Magaera. Depende sa kaniyang kagustuhan kung mabubuhay o mamamatay ka.”Naglabas ng pares ng lubid si Zeke para itali ang dalawa.Sa puntong iyon, nagpalitan ng tingin sina Ambrose at Heather, puno ng desperasyon at kawalan ng pag-asa ang kaniyang pagtitig.Pero sa huling segundo nang pagnanakaw, biglang sumabog ang isang malakas na enerhiya mula sa kalapit na gubat. Sinundan ito ng sing bilis ng kidlat na pagkilos ng isang anyo para tamaan ng pagsabog si Zeke. Umaalab ang kaniyang pagtitig. Iyon ay si Prinsipe Auten.Katunayan, hindi gusto ni Prinsipe Auten na iligtas si Ambrose. Anak siya ni Darryl. Pero kasalukuyang nagpapanggap si Prinsipe Auten bilang si Adam, at hindi niya magawang ibunyag ang kaniyang pagkatao kay Zeke.Isa pa, paniguradong magbibigay siya ng balita sa Godly Region kung alam lang niya ang kinaroroonan ni
Read more
Kabanata 5584
Ugh…Sa puntong iyon, dahan-dahang tumayo si Zeke at tumitig siya kay Prinsipe Auten. Magsasalita na sana siya nang kumunot ang kaniayng noo at bumulwak ang dugo sa kaniyang bibig.Tuluyang nabigla si Zeke at gulat at di makapaniwala siyang napatitig kay Prinsipe Auten. “Paano… paano ka nagkaroon ng kapangyarihan?”Hindi lamang nagulat si Zeke nang tanungin niya iyon, nagsuspetsa rin siya.Mahalagang itala na isa si Zeke sa Four Profound Heaven Generals at mayroon siyang mga mahikang kapangyarihan par amaprotektahan ang sarili. Hindi siya magagawang saktan ng isang mortal na cultivator, pero malinaw na naramdaman ni Zeke na halos mapabagsak ng pag-atakeng iyon ang kaniyang fairy soul.Mga mahikang kapangyarihan?Nagulat din sina Heather at Ambrose sa mga salita. Gulat silang napatitig kay Prinsipe Auten. Hindi nakapagtatakang makapangyarihan ang lalake ito—mayroon siyang mga mahikang kapangyarihan.“Ha ha…”Kalmado ang ekspresyon ni Prinsipe auten nang dahan-dahan siyang magsal
Read more