All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5611
- Chapter 5620
7044 chapters
Kabanata 5615
Sa pagkakataong 'yon, isang payat na pigura ang lumipad at lumapag sa bubong ng pangunahing bulwagan. Kasama ang kanyang magandang mukha, maamong mukha at maputing balit, suot niya ang isang mahabang puting bestida.Kung nandito si Darryl, siguradong mamamangha siya. Kahit na pagkatapos ng ilang mga taon, hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Circe kahit na hinahabol na siya ng edad. Ang balat niya ay maputi pa rin na parang niyebe tulad ng isang labing walong dalagang babae.Tumingin si Circe sa patay na katawan ni Josiah, tapos ay kay Jeca, at tapos sa lahat ng mga tao. Sumigaw siya, "Mga miyembro ng Mouse Sect, mga taksil kayong lahat! Ang lakas ng loob niyong pasukin ang teritoryo ng pamilyang Lange?"Naging disyerto ang Falling Zen Temple ng ilang mga taon. Dahil teritoryo ito ng pamilyang Lange at maliban sa makasaysayang lugar nito, nakalista ang pamilyang Lange sa pinagbabawal na lugar.Si Jace at ang iba pa ay hindi sumagot. Pinigilan nila ang kanilang hininga at nanlaki an
Read more
Kabanata 5616
Napalunok si Jeca nang maramdaman niya ang lakas ng pagatakeng ito. Hindi na niya magagawa pang ilagan ang ganitong klase ng pagatake kaya mabilis niyang ginamit ang kaniyang internal energy para bumuo ng isang protective barrier sa kaniyang harapan.Agad na lumipad papunta kay Jeca ang pagatake ni Circe nang mabuo ang kaniyang shield na tumama nang malakas sa barrier. Isang mababang ingay ang maririnig habang nababasag ang barrier na binuo ni Jeca.Nagtuloy tuloy ang pagatake hanggang sa masaksak nito ang katawan ni Jeca. Sumirit ang dugo sa kaniyang sugat, dito na siya umatras ng ilang hakabang habang namumutla ang kaniyang mukha.‘Buwisit!’ Pinunasan naman ni Jeca ang dugo sa gilid ng kaniyang bibig bago ito tumitig kay Circe. ‘Napaktindi mong babae ka. Gusto mo talaga akong patayin sa mga pagatake mo!’Kahit na balot siya ng galit, hindi pa rin siya nagpanic at sa halip ay ngumiti pa siya habang sinasabi na, “Ms. Circe, wala naman tayong hinanakit sa isa’t isa kaya bakit mo ako
Read more
Kabanata 5617
Naramdaman ni Circe ang pagkablangko ng kaniyang isip noong mga sandaling iyon. Malinaw niyang naramdaman ang tila pagkasunog ng mga sugat na kaniyang tinamo sa mga bubuyog na iyon. At nang tumindi ang tila nasusunog niyang pakiramdam, agad na nahilo at nahirapang tumayo si Circe.Kahit na ganoon ay nagngitngit pa rin ang kaniyang mga ngipin habang sinusubukang kumalba kahit na masyado siyang nagulat sa tindi ng mga Red Bee na iyon.Ngumiti naman si Jeca habang itinataas ang kaniyang kamay para ikalat ang kulay puting pulbos sa hangin. Dito na kumalma ang mga Red Bee bago ito nagsibalik sa kulay itim at gawa sa kahoy na box. At nang mapabalik niya ang lahat ng mga bubuyog, natutuwang ngumiti si Jeca kay Circe habang sinasabi na, “Ms. Circe, sinabi ko na sa iyo, hindi ba? Hindi mo ako matatalo sa sandaling seryosohin ko ang laban nating dalawa. Naniniwala ka na ngayon?”Dito na siya dahan dahang naglakad palapit kay Circe.“Lumayo ka! Huwag na huwag kang lalapit sa akin!” Naramdaman
Read more
Kabanata 5618
Kumislap ang mga mata ni Jeca sa sobrang pagkagahaman nang makita niyang mawalan ng malay si Circe. Siguradong matutuwa na siya sa kaniyang buhay sa sandaling matikman niya ang tamis ng diyosa mula sa pamilya Lange. Pero bago iyon, kailangan niya munang harapin ang pulubing ito.Sumigaw si Jeca sa mga miyembro ng Mouse Sect, “Ano pang hinihintay mo? Patayin mo na siya nang maipaghiganti na natin si Altar Master Josiah!”Agad na bumunot ng mga sandata ang mga miyembro na umatake kay Antigonus.Nagpakita ng malisya ang mga mata ni Antigonus habang sinasabi na, “Mga ignoranteng insekto! Ngayong gusto niyo na talagang mamatay, pagbibigyan ko kayong lahat.”Itinaas niya ang kanan niyang kamay. Dito na nasira ang daloy ng hangin sa kaniyang paligid na sinundan ng pagpapakita ng isang malalim at kulay crimson na bola ng apoy na nabuo mula sa lakas ng Power of the Fiend Soul.At pagkatapos ay agad niyang ikinaway ang kaniyang kamay kung saan lumipad ang bola ng apoy na nagiwan ng kulay cr
Read more
Kabanata 5619
Tumango si Circe bago ito sumagot ng, “Oo. Natusok ako ng mga nakalalasong bubuyog na pinakawalan nila kaya ako nawalan ng malay.”Dito na naglakad palapit ang isang batang disipulo para seryosong sabihin na, “Pero Circe, kayong dalawa lang ng wirdong lalaking iyan ang natagpuan namin sa loob ng Falling Zen Temple. Wala na kayong kahit na sinong kasama sa loob.”Paano ito nangyari?Agad namang kumunot ang noo ni Circe.Paano nagawang mawala nang ganito karaming mga tao?Ikinaway naman ni Tuji ang kaniyang kamay habang sinasabi na. “Dalhin ninyo ang lalaking iyan dito.”“Opo, Chief,” Sagot ng dalawang mga disipulo na lumabas ng conference hall.Hindi nagtagal ay hinatak ng mga ito papasok sa hall ang wala pa ring malay na si Antigonus. Naistorbo ito sa gitna ng kaniyang pagpapalakas na sumira sa kaniyang Power of the Fiend Soul. At pagkatapos ay napilitan pa siyang gamitin ang kaniyang lakas para buohin ang bola ng apoy na umabo sa mga miyembro ng Mouse Sect na naglagay sa kaniya
Read more
Kabanata 5620
Alam ni Antigonus na madali siyang mahuhuli ng mga tauhan ni Master Magaera sa kasalukuyan niyang kondisyon sa sandaling umalis siya sa pamilya Lange. Wala na rin siyang iba pang mapupuntahan kaya agad siyang sumugal para manatili rito.Agad namang umingay ang buong hall. Hindi na naiwasang magusap usap ng mga nakatatanda at nakababatang miyembro ng pamilya Lange.“Manatili rito? Alam mo ba na isa kang outsider?”“Alam mo ba kung anong lugar ito? Nakatayo ka sa harapan ng pamilya Lange! Iniisip mo ba na maaari kang manatili rito kung gugustuhin mo?”“Oo nga. Wala kang karapatan para sumali sa pamilya Lange!”Hindi na naitago ng mga tao sa paligid ang kanilang pagkainis kay Antigonus habang naguusap usap. Para sa kanila, wala nang pinagkaiba si Antigonus sa isang pulubi kaya isa nang nakakatawang ideya ang pananatili ni Antigonus sa kanilang pamilya.Wala namang naging pakialam si Antigonus sa sinasabi ng mga ito habang nakakaramdam ng galit sa kaniyang dibdib ‘Mga ignoranteng lan
Read more
Kabanata 5621
Nagliwanag ang mga mata ni Darryl nang makita niya si Heather kaya hindi na niya naiwasa pang sabihin na, “Mas lalo kang gumaganda ngayong matagal tayong hindi nagkita, Heather.”Namula naman ang mukha ni Heather sa kaniyang narinig habang nababalot ng tuwa ang kaniyang dibdib.Dito na napatingin si Darryl sa sanggol na karga ni Heather habang naguusap silang dalawa. Napatigil siya bago magdilim ang kaniyang mukha. “Ang batang ito…”Habang nagsasalita, isang bukol ang nabuo sa lalamunan ni Darryl na pumigil sa kaniyang magsalita ng kahit na ano.Masyadong bilugan at kayumanggi ang batang ito na may masiglang mga mata na siya ring nagpakita sa misteryosong itsura ni Morticia.Totoo nga ang lukso ng dugo kaya agad na nalaman ng hindi nagtatanong na si Darryl na ang batang ito ay anak ni Morticia.Napabuntong hininga na lang ang lahat nang makita nila ang mukha ni Darryl bago magign seryoso ang kanilang mga itsura.Sinundan ito ng paglapit ni Chester kay Darryl para sabihing, “Ito
Read more
Kabanata 5622
Pagkalipas ng ilang segundo, nahimasmasan na rin ang lahat.Seryosong ibinaba ni Chester ang kaniyang baso bago ito magsalita, “Sinasabi ko na nga bang may mali sa Sir Au na ito.”Naoverwhelm si Dax sa tindi ng nararamdaman niyang emosyon habang sumisigaw nitong sinasabi na, “Buwisit, ang lakas ng loob ng Price Auten na ito ah! Hindi ako makapaniwalang naloko niya tayo.”Napatayo si Dax habang nagsasalita. “Kasalukuyang nagpapalakas sa loob ng isang pribadong kuwarto ang hayop na iyon ngayon. Kukunin ko lang ang ulo nito.”Masyadong naigng mainitin ang ulo ni Dax kaya hindi na niya napigilan pa ang kaniyang galit nang malaman niya na hindi maganda ang intensyon ni Prince Auten.Pero nakakailang hakbang pa lang ito nang pigilan siya ni Chester. “Huwag kang magpadalos dalos, Dax. Huwag muna tayong gumawa ng ikaalarma niya ngayong alam na natin ang tunay niyang pagkatao.”Nagpakita naman si Darryl ng nasasaktang ngiti habang tumatango itong sumasangayon kay Chester. “Tama si Kuya Ch
Read more
Kabanata 5623
Well, kung peke ang lalaking nakaupo roon, siguradong malapit lang dito ang taong bumuo sa imaheng iyon.“Maghanda ka nang pumunta sa impyerno, Darryl Darby.”Habang nagiisip sa kaniyang sarili, isang sigaw ang kaniyang narinig mula sa itaas na sinudan ng paglipad pababa ng isang imahe mula sa itaas ng kuwarto habang kumikislap ang ubod ng sama niyang mga mata.Ito ay walang iba kundi si Prince Auten.Sinundan niya si Ambrose papunta sa Donghai City para lang mahanap si Darryl, at siya rin ang bumuo sa pekeng imahe ng lalaki sa gitna ng kuwarto para lokohin ito.Nagtago siya sa kisame ng pribadong kuwarto para maghintay ng tamang pagkakataon na umatake.Dito na nakita ni Prince Auten ang nadidistract na si Darryl kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na umatake.“Ikaw nga!”Nagpakita ng gulat na itsura si Darryl nang makita niya si Prince Auten kahit na kalmado ang kaniyang dibdib.Pumapatay naman ang itsura ni Prince Auten habang nakangisi nitong sinasabi na, “Oo, ako nga it
Read more
Kabanata 5624
Nang marinig niya ang mga salitang iyon sa ere, itinaas ni Darryl ang kaniyang kamay para gumawa ng pagatake sa likuran ni Prince Auten.Thump!Nangyari ang lahat ng ito nang isahan.Kasalukuyan pa ring nagugulat si Prince Auten kaya hindi na ito nakailag sa tamang oras. Naramdaman ang isang mababang pagyanig sa ere habang sumisirit ang dugo sa bibig ng tumatalsik na si Prince Auten.Malakas na tumama ang katawan ni Prince Auten matapos nitong tumalsik ng halos isang daang metro, namutla nang husto ang kaniyang mukha noong mga sandaling iyon.Malinaw niyang naramdaman ang pagkabali ng ilan niyang mga ribs habang nagkakagulo ang aura sa loob ng kaniyang katawan.Nagngitngit ang ngipin ni Prince Auten habang dahan dahan siyang tumatayo, galit at nagtataka nitong tinitigan si Darryl. “Ikaw… paano mo nagawang maging okay?”Hindi pa tuluyang nakakabalik sa dati ang divine energy ni Darryl kaya imposible para ritong salagin ang pagatakeng iyon.Pero hindi malaman laman ni Prince Aute
Read more