All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5811
- Chapter 5820
7044 chapters
Kabanata 5815
Nagmasid si Tyson at nakita niyang nakatingin sa kanya si Prince Auten sa isang mapagpasensya na ekspresyon sa pinto. Hindi niya alam kung kailan pa dumating ang lalaki. Napabuntong hininga si Tyson at ngumiti ng mapait. "Hindi mo malalaman kung ano ang naghihintay sa iyo nang maaga. Siguro ito ang aking kapalaran." Umiling si Prince Auten at sinabing, "Great General, mali ka. Sinadya ko ito nang sinabi ko na sa iyong kakayahan, maaari kang maging hari ng Raksasa Tribe. Bakit mo nais na magtrabaho para sa isang babae? Kung tatanggapin mo ang iyong kapalaran ngayon, paano kung magpasya ang Empress na putulin ang iyong ulo? Susunod ka pa rin ba?" Siya ay may taimtim na ekspresyon, ngunit ang kamandag ay kumislap sa kanyang mga mata. Nasa tapat siya ng pagkuha ng Empress. Galit na inis niya ito. Kahit na walang ideya ang Empress na siya ay nagpapanggap na si Darryl, hindi niya iniisip na sapat na ito. Bilang isang resulta, naniniwala siya na ang pinakamahusay na oras upang pukawin s
Read more
Kabanata 5816
Nagmukha siyang sincere habang nagsasalita pero nagpakita pa rin ng hindi maipaliwanag na dilim ang kaniyang mga mata.Hindi na lihim para sa kanila ang nakatagong kuwarto sa ilalim ng Skyway Association. Kaya ipinadala si Tyson para hikayatin si Natalie palabas ng palasyo.Huminga naman nang malalim si Natalie nang paniwalaan nito si Tyson dahil sa seryoso at sincere nitong pagsasalita. “Sige. Kung ganoon, sasamahan kita para magtingin tingin.”Dito na niya ipinatawag ang maid na naghihintay sa labas para utusan itong tawagin ang mga kabalyero sa palasyo.Nasabik nang husto rito si Tyson kaya hindi na niya mailarawan ang kaniyang nararamdaman nang hindi magsuspetsa ng kahit na kaunti si Natalie. “Hinding hindi mo ako pupuwedeng sisihin dito, Natalie. Ikaw mismo ang nagalis sa aking posisyon bilang Punong Heneral.”Nagtipon tipon ang daan daang mga kabalyero sa palasyo pagkatapos ng ilang minuto. Agad nilang sinamahan si Natalie papunta sa headquarters ng Skyway Association. Palag
Read more
Kabanata 5817
“Napakagaling niyo talagang pumili, Boss!”“Oo nga. Mas maigi kung magkakaunawaan ang magkaaway kaysa maglaban nang walang saysay. Kaya ang pinakamagandang solusyon para sa atin ay ang pagpapakasal ng Empress sa aming boss.”‘Hayop! Ang lakas ng loob ng mga hayop na itong insultuhin ang aking dignidad ah?’“Dadalhin na lang kita sa impyerno!” Nanlalamig na sinabi ni Natalie sa sobrang galit.Kasabay nito ang pagabante ni Tyson para magkunwari na sinesermonan si Prince Auten. “Ang lakas ng loob mong insultuhin ang kamahalan. Lumuhod ka at humingi ng awa kung ayaw mong mapugutan ng ulo!”Habang hinihintay ang utos ng Empress, daan daang mga kabalyero ng palasyo ang bumunot sa kanikanilang mga taga para titigan nang husto si Prince Auten.Kahit na sa sitwasyong iyon, nagmukha pa ring bastos si Prince Auten habang tinitingnan nito si Tyson. “Paano kung ayaw ko?” Sarcastic nitong sinabi.“Mamatay ka na!” Bunot ni Tyson sa kaniyang taga bago ito lumundag sa ere habang sumisigaw.Suma
Read more
Kabanata 5818
Napanguso si Prince Auten na gumawa ng isang mapanuksong ngiti habang sinasabi na, “Maganda kong Empress, itigil mo na ang pakikipaglaban. Hinding hindi moa ko matatalo kahit na mas marami pa ang bilang niyo sa amin.”Nagalit at napahiya naman dito si Natalie. Napasimangot siya habang sinusubukan niyang umatake, dito na gumalaw ang kanyiang katawan hanggang sa malapit na itong magcollapse.‘Weird…’ Dito na mabilis na namutla ang kaniyang mukha. ‘Bakit biglang nanlambot at nanghina ang aking katawan?’ Isip nito. ‘Hindi ko manlang maitaas ang aking kamay na para bang may pumipigil sa aking internal energy. Nalason ba ako?’ Nahirapan na siyang tumayo noong mga sandaling iyon.Natuwa naman si Prince Auten sa kaniyang nakita. Hindi niya kinuha ang pagkakataong ito para umatake. At sa halip ay ngumiti lang siya habang nagtatanong ng, “Kamahalan, hindi mo ba magamit ang internal energy mo ngayon? At para rin bang namamaga at walang lakas ang inyong katawan?”Nagugulat namang sumagot si Na
Read more
Kabanata 5819
‘Wala na sa sarili ang isang ito!’ Nagagalit na sinabi ni Natalie kay Tyson.“Tyson, naisip mo na ba ang maaaring maging kapalit ng mga ginawa mo? Pagsususpetsahan ka ng lahat sa sandaling hindi ako makabalik sa palasyo—”Pero agad na pinutol ni Tyson si Natalie sa pagsasalita. “Huwag mo na itong alalahanin. Walang malay ngayon ang mga kabalyero ng palasyo. Walang kahit na sino ang nakakaalam sa katotohanan, ang tanging alam lang nila ay ang paghuli sa iyo ng mga natitirang miyembro ng Skyway Association. Walang kahit na sino ang magsususpetsa sa akin dahil gagamitin ko ito bilang dahilan para gawing hari ang aking sarili.”Agad niyang ikinaway ang kaniyang kamay nang matapos siya sa pagsasalita. Dito na kinuha ng mga lalaking nakaitim na nagmamasid sa paligid si Natalie papunta sa headquarters ng Skyway Association para ikulong.Tumigil naman si Tyson ng isang sandali para magisip at pagkatapos ay kinuha niya ang bolo para gumawa ng hiwa sa kaniyang balikat. Mabilis na tumulo ang
Read more
Kabanata 5820
“Inuutusan ko kayong lahat na hanapin ang Empress. Pinapayagan ko kayong patayin ang lahat ng miyembro ng Skyway Association na makikita ninyo sa paligid.” Confident na inutos ni Tyson.“Masusunod po, Punong Heneral!” Iisang sagot ng mga sundalo ng black armored rider bago maghanda ang mga itong umalis ng hall para ibaba ng utos ni Tyson sa kanilang mga kasama.“Sandali!” Nang biglang umabante si Tyson para nagsususpetsahang tingnan si Tyson. “Tyson, inalis ng Empress ang iyong posisyon kaya wala ka nang awtoridad na mamuno sa mga sundalo ng Raksasa. At ikaw din ang nagpabagsak sa Skyway Association kaya bakit ang Empress ang kanilang dinukot at hindi ikaw?”Masyadong naging accurate at reasonable ang kaniyang mga sinabi at mga tanong kaya wala nang kahit na sino ang nagkaroon ng kakayahang kumuwestiyon sa kaniya.Huminga naman nang malalim si Tyson habang naglalagablab sag alit ang kaniyang puso. Kahit na naging maganda ang takbo ng plano, alam niya na hindi pa rin siya makakaiwas
Read more
Kabanata 5821
Nablangko naman ang isip ni Koku nang tingnan siya ng lahat.‘Ang ikasiyam na binibini… ay isang miyembro ng Skyway Association?’Pagkatapos ng ilang segundo, nahimasmasan na rin si Kokun bago nito nanlalamig na sabihin kay Tyson na, “Pinapalala mo lang ang sitwasyon natin. Walang alaala ang ika siyam na binibini kaya wala siyang ideya kung sino talaga siya.”Habang nagsasalita, tumingin si Kokun kay Prince Auten. “Nakilala ko ang ika siyam na binibini nang makita ko siyang palutang lutang sa tubig. Nasugatan ito nang husto bago ka magpakita para patayin ito. At naman kung nagmula siya sa Skyway Association? Ano ang gusto mong patunayan?”Ngumiti naman ang hindi nagsasalitang si Prince Auten nang marinig niya ang paliwanag ni Kokun.'Hoho…'Nanlalamig namang ngumiti si Tyson. “Ang lakas ng loob mong magsalita ng mga ganiyang Kokun! Nagawang pasukin ng Skyway Association ang ating tribo matapos nitong magkunwaring makikipagnegosyo lamang sa atin. At agad ding nagpunta rito ang mga
Read more
Kabanata 5822
Sumali na rin sa usapan ang iba pang mga pinuno ng tribo nang marinig nila ang mga salitang iyon sa ere.“Tama siya. Nangangailangan ng pinuno ang Raksasa para makagalaw ito nang maayos sa Nine Mianlands.”“Nakikiusap kami sa inyo, Punong Heneral, hanapin niyo po ang Empress…”Nagsalita ang mga pinuno ng tribo na nakapagpasabik kay Tyson pero hindi niya pa rin ito ipinakita sa iba.Pagkatapos ng isang segundo, ikinaway ni Tyson ang isa sa kaniyang mga kamay habang dahan dahang sinasabi na, “Ngayong nagpupumilit ang ating mga pinuno, ako na ang aako sa tungkulin para mailigtas ang ating Empress. Inuutusan ko kayong hanapin ang Empress anuman ang mangyari.”Habang nagsasalita, inutusan ni Tyson ang mga sundalo ng Black Armored Rider.“Nagawang makipagsabwatan ni Kokun sa Skyway Association na isang malaking uri ng pagtataksil. Ipakalat ninyo ito sa paligid at selyuhan ninyo ang kaniyang tahanan. Arestuhin ninyo ang buo niyang pamilya at ang sinumang malapit sa kaniya nang walang pa
Read more
Kabanata 5823
‘Talaga?’Nang makarating dito si Darryl, nakita niya na nakaselyo ang buong bahay ni Kokun noong mga sandaling iyon.Ilang mga sundalo ng black armored rider ang nagmarka ng isang ‘no-entry’ na guhit sa lupang nasa tapat ng gate papasok sa tahanan ni Kokun. Makikita ring nakatayo ang isang grupo ng mga naguusap usap na tao sa labas ng linya.“Hindi ako makapaniwala na nagkaroon ng lihim na alyansa si Kokun at ang Skyway Association.”“Oo nga, karirinig rinig ko lang nito. Mukhang hindi talaga naging maganda ang intensyon ng Skyway Association, at ginamit lang nila itong dahilan para mapasok ang tribo ng Raksasa…”“Mabuti na lang at sinelyuhan na nila ang bahay nito.”Ano ang nangyayari? Mayroong lihim na alyansa si Kokun at ang Skyway Association? At kasalukuyan nang sineselyuhan ang bahay nito ngayon?Habang nasa gitna ng pagkagulat, ipinasok ni Darryl ang kaniyang katawan hanggang sa makarating siya sa harapan ng linya. Hahakbang na sana siya papasok nang pigilan siya ng isan
Read more
Kabanata 5824
Hindi naman pinansin ni Circe ang mga disipulo habang nananatiling nanlalamig ang kaniyang itsura. Dito na niya ibinuka ang kaniyang bibig para masalita hanggang sa marinig ng buong Wudang Sect ang nanlalamig niyang boses.“Ako so Circe Newman mula sa pamilya Lange. Iharap ninyo sa akin si Graham Potter ngayundin.”Maging mahinhin ang kaniyang boses pero naglaman pa rin ito ng hindi mapapantayang puwersa.Circe Newman?Natahimik ang buong bakuran habang nagtitinginan ang mga disipulo. Mortal na magkaaway ang Wudang at ang mga Langes kaya hindi nila inaasahan na maglalakas loob si Circe na pumunta sa Wudang Sect nang magisa.Isa ang Wudang Sect sa naglalakihang mga sekta sa New World sa ayaw man o sa gusto nila. Hindi ba’t parang hinihiling na ng babaeng ito ang kaniyang kamatayan ngayong nagpunta siya rito nang magisa para maghamon ng laban?Namutawi ang katahimikan bago umabante ang isang elite na disipulo para tingnan si Circe nang may ngiti sa kaniyang mukha.“Nandito naman a
Read more