All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 5911
- Chapter 5920
7044 chapters
Kabanata 5915
Bulag si Elgar. Isang bagay na hindi niya kilala kung sino si Darryl, pero bastos pa rin siya kung magsalita. Si Elgar ay nag-chuck at sinabi, "Loona, huwag magalit. Wala akong sinabi na mali!"Galit na galit si Loona. Malapit na siyang masabihan.Ngumiti si Darryl at sinabing, "Loona, dapat mo lang tanggapin ang kanyang mabait na regalo."Pagkatapos, tiningnan ni Darryl si Elgar at sinabi, "Kung siya ay mayaman at bobo na sapat na gumastos ng maraming pera sa isang mataas na kalidad na imitasyon, dapat mo lamang itong tanggapin."Si Darryl ay walang sama ng loob laban kay Elgar, ngunit patuloy na ininsulto siya ni Elgar. Kahit na si Darryl ay may mabuting pag-uugali, hindi niya ito makukuha.Isang pekeng?Napangiwi si Loona at tiningnan si Darryl sa isang madilim. Nahihirapan siyang maniwala.Paano niya nalaman na ang jade scroll ay isang pekeng?"Ano ang sinabi mo?"Kasabay nito, nagbago din ang mga ekspresyon ni Elgar. Isang bola ng galit na galit ang tumaas sa kanyang pu
Read more
Kabanata 5916
“Mahusay ang ginawang pagiimitate dito pero isa pa rin itong imitation!”At pagkatapos ay tumingin si Darryl sa may ari bago siya ngumiti habang sinasabing. “Naniniwala ako na ilang taon ka nang nasa industriyang ito pero malaki ang tiyansang may nanloko sa iyo.”Naging mahina lang ang tono ng kaniyang boses pero hindi pa rin ito nagawang kwestiyunin ng kahit na sino.Uh…Huminga naman nang malalim ang may ari nang marinig niya ang malinaw na paliwanag ni Darrly. Dito na naging kumplikado ang itsura ng kaniyang mukha.Nakuha niya ang jade scroll sa isang pribadong auction. Nagawa niya ring magbayad ng ilang daang libong dolyar para rito kaya paano ito naging peke?Pero mukhang siguradong sigurado rin ang tao sa kaniyang harapan sa sinasabi nito.Agad na napaniwala ni Darryl ang ibang mga customer kaya mabilis itong nagusap usap nang tahimik sa kanikanilang mga puwesto.“Pagkatapos marinig ang kaniyang paliwanag, maaari kayang peke ang bagay na iyan?”“Hindi ko rin masabi!”“M
Read more
Kabanata 5917
Nawala nga ang antique luster ng jade scroll sa lamesa. Kahit na masyado pa ring pino at maputi ang texture nito, nagkaroon pa rin ito ng patay na kulay. Maging ang kulay nito ay kumupas matapos nitong malubog sa tubig alat.At higit sa lahat, nawala na rin ang mga bakas ng pagiging antigo sa mga gilid ng scroll na ito.Paano itong nangyari?Naramdaman ng mayari na tila ba tinamaan siya ng kidlat noong mga sandaling iyon. Naguluhan at nanginig ang kaniyang katawan nang bahagya sa kaniyang nakita.Gumastos siya ng ilang daang libong dolyar para bumili ng isang pekeng bagay.Buwisit! Peke nga ang bagay na ito!Sumama rin nang husto ang mukha ni Elgar noong mga sandaling iyon.“Elgar!” Namangha nang husto si Loona sa naging obserbasyon ni Darryl habang naiinis nitong tinitingnan si Elgar bago nito nanlalamig na sabihing, “Huwag ka ng bumili ng mga antigo sa susunod kung hindi mo naiintindihan ang mga ito. Sinabi na ng kaibigan kong peke ito pero hindi ka pa rin nakinig sa kaniya.”
Read more
Kabanata 5918
“Huwag kang magalala, ako na ang bahala rito,” Mahinang sinabi ni Darryl bago niya pinatabi si Loona. At pagkatapos ay agad niya ng sinalubong ang pagatake ng mga ito.Bilang isang lalake, naintindihan ni Darryl kung ano ang nararamdaman ni Elgar noong mga sandaling iyon. Paano niya magagawang tiisin ang kahihiyan na kaniyang tinanggap sa harap ng taong nagugustuhan niya? Kaya hindi na maiiwasan pa ang laban sa mga oras na iyon.Agad silang umatras nang makita ng mga tao ang nangyayari sa paligid, natakot ang mga ito na madamay sa laban.Kasalukuyang tinitingnan ni Elgar si Darryl habang nagpapakita ng gigil at inis sa kaniyang mukha.‘Ang lakas ng loob mong kalabanin ako sa teritoryo ko, Pare. Paiiyakin kita!’Ordinaryong kaibigan lang ni Loona ang tingin ni Elgar kay Darryl kaya hindi niya inaasahan na mayroon itong lakas o suporta. Kaya naniniwala siya na hindi siya nito magagawang pantayan.Pero dito siya nagkakamali!Bam!Nakipagsagupaan si Darryl sa mga tauhan ni Elgar sa
Read more
Kabanata 5919
Hindi natuwa ang may ari ng tindahan noong sabihin ni Darryl na peke ang kaniyang itinitinda pero nagawa pa rin nitong pigilan si Elgar sa nagbabadyang pagkasira ng kaniyang tindahan kaya humanga nang husto ang mayari sa ipinakitang kabayanihan ni Darryl.Nakangiti namang umiling si Darryl sa pagaalalang ipinakita ng mayari habang sinasabi na, “Okay lang ako.”Isang spoiled brat lang ang tingin ni Darryl kay Elgar kaya hindi niya ito itinuring kahit kailan na kapantay niya.Agad namang nagalala ang mayari sa kawalan ng pakialam ni Darryl pero wala pa rin siyang magagawa na kahit ano.Naging kalmado naman si Loona noong mga sandaling iyon. Sabagay, si Darryl pa rin ang bisita ng Empress kaya hindi ito isang uri ng tao na dapat bastusin ni Elgar.Pero wala na rin siyang nagawa ngayong hindi na nakikinig sa kaniya si Elgar.“Magaling!”Nagising si Elgar sa katotohanan noong mga sandaling iyon. Dito na umasim ang kaniyang mukha habang nakaturo nitong sinasabi kay Darryl na. “Hinaham
Read more
Kabanata 5920
Bilang ama ni Elgar, naiintindihan ni Tai ang kaniyang anak.“Ama!”Hindi naman natuwa si Elgar nang harapin nito ang galit ng kaniyang ama. “Sino po bang nagsabi na maghahanap ako rito ng gulo? Hindi po ako ang nagsimula nito. Niloko ako ng lalaking iyan bago niya ako saktan.”Mas tumindi ang galit na nararamdaman ni Elgar habang iniisip niya ang nangyari. “Babalian ko lang siya ng buto ngayong araw.”Pagkatapos ay napatingin si Elgar kay Darryl.Kumunot naman ang noo ni Tai bago ito tumingin sa tinitingnan ni Elgar.Agad na natigilan si Tai nang makita niya si Darryl. Nablangko ang kaniyang isipan habang napapaluhod sa lupa sa sobrang takot.‘Grabe, gustong bugbugin ng mangmang kong anak ang kamahalan?’Hindi naman napansin ni Elgar na mayroon nang mali sa itsura ng kaniyang ama. Kaya agad siyang sumigaw ng, “Ano pang itinatayo tayo niyo riyan? Gawin niyo na!”Agad na itinaas ng mga sundalo ang kanikanilang mga sandata nang marinig nila ang utos ni Elgar.“Magsitigil kayo!”
Read more
Kabanata 5921
Hmm…Natahimik si Darryl habang itinatango ang kaniyang ulo. “Maaari mong sabihin na totoo nga ang bagay na iyan.”Dito na siya nagsabi kay Loona ng ilang mga maliliit na bagay tungkol sa mga antique.Agad na natulala si Loona habang nakikinig ito kay Darryl, agad na umangat ang kaniyang paghanga at respeto kay Darryl sa bawat segundong lumilipas.Nagpatuloy sa paguusap ang dalawa at hindi nagtagal ay nakabalik na rin sila sa palasyo.Agad na nagpaalam si Darryl kau Monna nang makarating siya, alam niyang ito na ang tamang oras para bumalik sa Nine Mainlands ngayong nakapagpahinga na siya nang husto rito.Nagdalawang isip naman sina Monna at Loona na magpaalam pero alam nila ang mga tungkulin ni Darryl kaya hindi nito magagawang manatili roon.Nang umalis si Darryl, hindi ito lumipad at sa halip ay naglakad siya paalis habang ineenjoy niya ang tanawin sa paligid.‘Huh?’Nang makarating siya sa isang intersection papunta sa isang bundok, nakita niya ang isang maliit na batang b
Read more
Kabanata 5922
Napabuntong hininga na lang si Simone habang tumatayo.“Kung ganoon ay hindi mo pa ako kilala. Sige, makinig ka nang maigi. Ako si Simone Savage—ang kapatid ni Solomon Savage ng Skyway Association!”‘Ang Skyway Association?’Napasimangot sa kaniyang sarili si Darryl nang marinig niya ang mga iyon. “Hindi ko kilala ang iyong kapatid. Maaari kayang nagkamali ka ng dinukot?”Alam ni Darryl ang tungkol sa pagbagsak ng Skyway Association siyempre. Nagawang parusahan ni Monna nang husto si Tyson nang dahil doon. At narinig din ni Darryl ang tungkol kay Solomon Savage. Hindi niya lang inasahan na mayroon pala itong magandang kapatid.Nang maisip niya iyon, hindi na maiwasan pang mapatingin ni Darryl mula ulo hanggang pa ani Simone. Nakasuot ito ng isang dilaw na dress na nagpakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Nagkaroon ito ng isang pares ng magaganda at payat na mga hita na siguradong tititigan ng sinumang lalaki na makakakita ng mga ito.Nanlalamig namang tumingin si Simone
Read more
Kabanata 5923
Naging kalmado ang tono ni Darry sa pagsasalita pero hindi pa rin ito magagawang kuwestiyunin ng kahit na sino.Napangisi naman si Simone nang maubos ang kaniyang pasensya matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Darryl.“Sige, hindi na kita pahihirapan pa, Darryl Darby. Makipagtulungan ka sa akin kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi, huwag na huwag mo akong sisisihin sa mangyayari sa iyo!”Dito na tumalikod si Simone para kunina ng isang misteryosong kahon mula sa kanto ng kuwarto.‘Buwisit!’Agad na nagbago ang mukha ni Darryl nang makita niya ang laman ng kahon habang namumutawi ang pagkagulat at galit sa kaniyang dibdib.Makikita sa loob ng kahon ang nasa sampung mga maliliit na alakdan na kasing laki ng hinlalaki. Nagkaroon ang mga ito ng gintong kulay na tila ba magagandang obra maestra pero agad na nalaman ni Darryl kung ano ang mga ito.Ang pambihirang mga Goldnail Scorpion.Hindi makamandag ang mga Goldnail Scorpion pero nakilala pa rin ang mga ito sa mundo ng mga cu
Read more
Kabanata 5924
Tama nga si Darryl—nalason ang katawan ni Simone ng isang Tepan Snake.Nangyari ito noong bumisita si Simone sa isang sinaunang libingan dalawang taon na ang nakalilipas. Itinayo ang libingang iyon malapit sa isang bahagi ng lupa na nasa ibabaw ng lava kung saan naninirahan ang isang Tepan Snake ng ilang siglo.Nagawang pabagsakin ni Simone ang Tepan Snake pagkatapos ng 50 beses na pakikipagsagupaan dito pero nagawa pa rin siyang malason ng makamandag nitong apoy.Kaya nitong dalawang taong nakalipas ay nagawa ng subukan ni Simone ang iba’t ibang paraan para alisin ang lason ng ahas sa kaniyang katawan—pero wala pa ring naitulong ang mga ito sa kaniya. Kaya wala na siyang nagawa kundi gamitin ang kaniyang internal energy para pigilan ito, pero kahit na ganoon ay nagagawa pa rin niyang makaramdam ng matinding sakit sa bawat kalahating taon na lumilipas.At sa bawat sandaling nangyayari ito, nakakaramdam si Simone ng hindi mapigilang sakit na tila ba nasusunog ang buo niyang katawan.
Read more