“Pinatay mo ang tatlo kong mga kapatid, Antigonus. Kaya hindi mo na kailangang hintayin pa si Master Magaera para makipaglaban—dahil ako na mismo ang magdadala sa iyo sa impyerno.”Habang naririnig ang huling salita sa ere, namula nang husto ang mga mat ani Zeke habang isinisigaw niya ang mga salitang iyon.Nabalot ng hindi makontrol na galit at pighati si Zeke nang maisip niya ang miserableng pagkamatay ng kaniyang mga kapatid.Ho ho…Ngumisi naman si Antigonus sa ginawang mga sigaw ni Zeke na para bang wala itong pakialam habang nagpapatuloy siya sa pangungutya kay Master Magaera. “Magaera! Hinamon na kita ng ilang beses pero nagawa mo pa rin akong itulak palayo.”Habang nagsasalita, isang bagay ang pumasok sa isipan ni Antigonus kaya agad itong nagpatuloy sa kaniyang pangungutya. “Nakuha ko na. Natatakot ka sa formation na ito. Natatakot kang makulong dito hindi ba? Kung ganoon, tuturuan kita kung paano makalabas dito. Manood ka.”Buwisit!Tinusok ng mga salitang ito ang prid
Pero buo na ang pasya ni Antigonus, nakagawa na rin siya ng plano.Ito ay walang iba kundi ang pagsakripisyo kay Morticia para magamit ang Fiend Soul nito sa Blood Sacrifice Formation…“Maraming salamat po, kagalang galang na Archfiend…”Agad na lumuwag ang naninikip na dibdib ni Morticia nang makita niya na mapatawad siya ni Antigonus. Dito na siya sumagot bago sumugod papunta sa formation.Inalala ni Morticia ang mga nakaukit na imahe sa dingdingn ng dungeon na kaniyang pinagkulungan kung paano sisirain ang formation bago magsalita nang makapasok siya sa formation. “Kagalang galang na Archfiend. Ito po ang Battle of the Star Formation na ginawa ni Yellow Emperor. Naglalaman ito ng Fuxi Primordial Bagua, at ang…”Nasabik nang husto ang nagsasalitang si Morticia.Importante nating malaman na masyadong matalino si Archfiend Antigonus kaya agad niyang malalaman sa pamamagitan nito kung paano niya mawawasak ang formation sa lalong madaling panahon.Pero wala kay Morticia ang focus
“Magaera!”Agad na naging nakamamatay ang mga tingin ni Antigonus sa narinig niyang panunukso habang tuloy tuloy na tumataas ang galit sa kaniyang dibdib.Hindi na mabilang ang mga fiend na napatay ni Magaera sa digmaan ng mga diyos at ng mga fiend at pumapangalawa lang ang posisyon nito kay Nine Heaven Emperor. Ito ang dahilan kung bakit hindi naging maganda ang mukha ni Antigonus nang makita niya ito.Habang nakakaramdam ng galit at pagkagulat si Magaera, bahagya namang nagalala si Antigonus.Hindi ito maganda.Sapat nang problema ang Battle of the Star Formation para kay Antigonus. Pero nagawa pa ring dumating dito ni Master Magaera kasama ng mga sundalo ng Godly Region.Mas pahihirapan nito si Antigonus na makipaglaban para sa kaniyang buhay. At nang maisip niya iyon, agad na hinawi ni Antigonus ang Battle of the Star Formation habang nanlalamig siyang nagsasalita kay Master Magaera.“Tamang tama ang naging dating mo, Magaera. Sinusubukan mo palalain ang sitwasyon dito?”Ma
Nagngalit ang mga mata ni Heather habang sinisigaw niya ang mga tanong na ito. Mukha namang napahiya si Morticia nang marinig niya iyon. Masyadong nakakahiya para sa kaniyang bumalik dito pagkatapos niyang mangako na aalis siya.Bahagya siyang tumigil bago siya sumagot kay Heather ng, “Huwag kang magalala. Tutuparin ko ang pangako ko. Wala akong sasaktang mga miyembro ng Hidden Hero Sect at pamilya Carter. Bumalik lang ako rito para iligtas ang Kamahalan.”Pinlano niyang sirain ang formation at umalis kasama ni Archfiend Antigonus. Hindi na siya magtatagal pa sa lugar na iyon sa sandaling magawa niya ang gusto niya. Hindi ito maituturing bilang pagsira sa kaniyang pangako ngayong sisirain lang naman niya ang formation. Magagawa niya ito nang hindi nananakit ng kahit na sinong miyembro ng Hidden Hero Sect.Natigilan naman si Heather habang inaalam kung paano siya magrereact dito.‘Sisirain ang formation?’ Napasimangot dito sina Ambrose, Chester, Dax at ng iba pa nitong mga kasama.
‘Ano na ang gagawin ko? Siguradong mabubura na nang tuluyan sa mundo ang lahi ng fiend sa sandaling may mangyaring hindi maganda sa kamahalan. Hindi namin magagawa ng aking sanggol na buhayin ang buong lahi ng mga fiend nang magisa.’Naguluhan nang husto ang isip ni Mortica noong mga sandaling iyon. Dito na siya napakagat sa kaniyang labi nang makita niya ang isang bundok sa kaniyang harapan bago siya lumapag sa tuktok nito. Agad siyang tumingin sa headquarters ng Hidden Hero Sect mula rito.Masyadong madilim ang kalangitan sa ibabaw ng Hidden Hero Sect habang nagaganap ang isang laban. Dito na niya nakitang nakikipaglaban si Archfiend Antigonus sa Fighters of the Twelve Stars suot ang isang kulay tansong armor.‘Ang Tyrant of the Sky Fiend… ginamit ng kamahalan ang Tyrant of the Sky Fiend,’ Isip niya.Nanginig ang kaniyang katawan habang nagpapakita ng pagalala ang maganda niyang mukha. Hindi ito mararamdaman ng ibang tao, pero bilang isa sa mga Fiend Martyr, alam niya na napasok
Parang alon na umangat ang galit kay Archfiend Antigonus. Naisip niya na magaaksaya lang siya ng oras sa Fighters of the Twelve Stars sa sadnaling gamitin niya ang Tyrants of the Sky Fiend pero hindi niya inasahan na magdadala ang mga ito ng mga inner core ng mahiwagang mga halimaw.Nang makalapit si Archfiend Antigonus, tumingin naman sa isa’t isa ang mga Fighters of the Twelve Stars at hindi sumuko sa pakikipaglaban dito. Mabilis silang gumalaw para magreact sa ginagawang pagatake ni Archfiend Antigonus.Dito na muling nagsimula ang laban. Nagalala ang mga disipulo ng Hidden Hero Sect sa kapakanan ng Fighters of the Twelve Stars. Kahit na nagawa nilang kumonsumo ng mga inner core ng mahiwagang mga halimaw para palakasin agn kanilang mga sarili, masyado pa ring malakas ang armor ni Archfiend Antigonus.Kaya magiging mahirap para sa kahit na sinong malaman kung sino ang matitirang nakatayo sa labang ito.Kasalukuyang nakatingin sa laban si Ambrose noong mga sandaling iyon. Gusto ny
“Huwag kang magalala, Chester.” Nang makita niyang nagaalala si Chester, agad na sinabi ng malapit sa kaniyang si Debra na, “Ako mismo ang pumili sa Fighters of the Twelve Stars at naisip ko na rin ang sitwasyong sinasabi mo ngayon.”Inoobserbahan pa rin nang maigi ni Debra ang laban habang nagsasalita. Nagpakita ng pagkaconfident ang kaniyang mga mata habang nagsasalita.Agad namang lumuwag ang pakiramdam ni Chester nang sabihin niya iyon. Ayon sa kaniyang pagkakaintindi kay Debra, alam niya na hindi ito magsasabi ng mga bagay na hindi siya sigurado.Dito na muling gumalaw si Archfiend Antigonus. Sinubukan nitong muli na makawala sa formation. Agad na kumalat ang nakakatakot nitong lakas na nagpatalsik sa Fighters of the Twelve Stars. Agad na namutla ang mukha ng mga ito.Tama nga si Chester. Pagkatapos ng ilang oras na laban, naubos na rin ang enerhiya ng Fighters of the Twelve Stars. Pero walang kahit na sino sa mg aito ang umatras nang mapatalsik sila ni Archfiend Antigonus. A
Itinaas ni Archfiend Antigonus ang dalawa niyang mga kamay nang matapos siya sa pagsasalita. Dito na nagpakita ang isang kulay dugong guhit ng liwanag habang lumalabas ang isang kulay dugong photosphere sa kaniyang katawan. Ito ay walang iba kundi ang fiend na kaluluwa ni Archfiend Antigonus.Unti unting naging isang kulay tansong liwanag ang fiend na kaluluwa ni Archfiend Antigonus na sumunod saan man siya magpunta bago ito bumuo ng isang kulay tansong armor sa kaniyang katawan. Nagmukha pa rin itong isang pisikal na gamit kahit na binuo ito ng fiend niyang kaluluwa. Umangat ng ilang beses ang init sa katawan ni Archfiend Antigonus hanggang sa tuluyang mabuo ang kaniyang armor.Napahinga naman nang malalim ang Fighters of the Twelve Stars na nakapaligid kay Archfiend Antigonus nang maramdaman nila ang katakot takot nitong lakas sa ere. Dito na sumama ang itsura ng kanilang mga mukha.Hindi basta basta para sa kahit na sinong makalaban ang tinitingalang lider ng mga fiend. Sa ilalim