Kabanata 5516
Itinaas ni Archfiend Antigonus ang dalawa niyang mga kamay nang matapos siya sa pagsasalita. Dito na nagpakita ang isang kulay dugong guhit ng liwanag habang lumalabas ang isang kulay dugong photosphere sa kaniyang katawan. Ito ay walang iba kundi ang fiend na kaluluwa ni Archfiend Antigonus.

Unti unting naging isang kulay tansong liwanag ang fiend na kaluluwa ni Archfiend Antigonus na sumunod saan man siya magpunta bago ito bumuo ng isang kulay tansong armor sa kaniyang katawan. Nagmukha pa rin itong isang pisikal na gamit kahit na binuo ito ng fiend niyang kaluluwa. Umangat ng ilang beses ang init sa katawan ni Archfiend Antigonus hanggang sa tuluyang mabuo ang kaniyang armor.

Napahinga naman nang malalim ang Fighters of the Twelve Stars na nakapaligid kay Archfiend Antigonus nang maramdaman nila ang katakot takot nitong lakas sa ere. Dito na sumama ang itsura ng kanilang mga mukha.

Hindi basta basta para sa kahit na sinong makalaban ang tinitingalang lider ng mga fiend. Sa ilalim
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter