Kabanata 5519
‘Ano na ang gagawin ko? Siguradong mabubura na nang tuluyan sa mundo ang lahi ng fiend sa sandaling may mangyaring hindi maganda sa kamahalan. Hindi namin magagawa ng aking sanggol na buhayin ang buong lahi ng mga fiend nang magisa.’

Naguluhan nang husto ang isip ni Mortica noong mga sandaling iyon. Dito na siya napakagat sa kaniyang labi nang makita niya ang isang bundok sa kaniyang harapan bago siya lumapag sa tuktok nito. Agad siyang tumingin sa headquarters ng Hidden Hero Sect mula rito.

Masyadong madilim ang kalangitan sa ibabaw ng Hidden Hero Sect habang nagaganap ang isang laban. Dito na niya nakitang nakikipaglaban si Archfiend Antigonus sa Fighters of the Twelve Stars suot ang isang kulay tansong armor.

‘Ang Tyrant of the Sky Fiend… ginamit ng kamahalan ang Tyrant of the Sky Fiend,’ Isip niya.

Nanginig ang kaniyang katawan habang nagpapakita ng pagalala ang maganda niyang mukha. Hindi ito mararamdaman ng ibang tao, pero bilang isa sa mga Fiend Martyr, alam niya na napasok
Continue to read this book on the App

Related Chapters

Latest Chapter