Ang Alamat ng Dragon General
Ang Alamat ng Dragon General
Author: Crazy Carriage
Kabanata 1
Author: Crazy Carriage
Sa Cansington Station.

Isang matangkad, maskuladong lalaki na nakaitim na coat at madilim na salamin ang lumabas, ang kanyang phone ay nasa kanyang tenga.

“Nakuha mo na a ang impormasyon?”

“Oo, Heneral. Ang babae na nagligtas sayo mula sa apoy sampung taon ang nakalipas ay si Thea Callahan. Nakaligtas siya matapos iyon pero ang kanyang mukha ay naapektuhan ng matindi dahil sa apoy.”

Humigpit ang hawak ng lalaki sa phone ang kanyang ekspresyon ay nandilim.

Mainit na araw ng summer, pero ang temperatura ay bumagsak ng biglaan.

Merong bugso ng malamig na hangin at ang lahat ng naglakad lampas sa kanya ay hindi namalayang nanginig.

Ang kanyang pangalan ay James Caden.

Sampung taon nakaraan, ang mga Caden ay nasunog ng buhay, naging biktima sa plano laban sa kanila.

Ng walang pakialam sa kanyang sariling kaligtasan, isang dalaga ang sumugod sa inferno at nagligtas sa kanila.

Lahat ng 38 na mga Caden ay namatay ng gabing iyon at ang unang pamilya Cansington ay ay nawala na.

Matapos siyang maligtas, tumalon siya sa ilog. Ito ang tanging paraan para makaligtas.

Napunta siya sa Southern Plain kung saan siya naging sundalo.

Nilaan niya ang sampung taon sa pagangat sa rangko. Mula sa walang pangalang tauhan, siya ngayon ay isang heneral.

Hinamon niya ang elite na hukbo ng 30,000 ng magisa. Nagpunta siya sa misyon ng solo, pinasok ang kampo ng kalaban at nahuli ng buhay ang kanilang heneral.

Siya ay ang maalamat na Dragon General ng Southern Plains.

Siya ang Black Dragon, isang pangalan na tumatakot sa kanyang mga kalaban.

Siya ang pinakabatang heneral Sol na nabuhay.

Ng siya ay naging heneral, nagdesisyon siya na magretiro at bumalik sa Cansington. Meron siyang mga utang na babayaran at paghiganting gagawin.

Kailangan niyang bayaran si Thea sa paglitas ng kanyang buhay at ipaghiganti ang kanyang pamilya.

“Gusto ko lahat ng impormasyon na meron ka kay Thea.”

“Pinadala ko ito sa iyong email, sir. Pakiusap tignan mo ito.”

Binaba ito ni James at tinignan ang kanyang email. Merong mensahe na naghihintay para sa kanya.

Thea Callahan, babae, 27 taong gulang.

Ang mga Callahan ay second-class na mamamayan sa Cansington

Sampung taon nakalipas, si Thea ay senior high pa din, isang Year 3 na estudyante.

Linggo noon at siya ay naglalakbay papunta sa suburb kasama ang kanyang mga kaibigan.

Noong gabi, narinig niya ang pagiyak ng tulong mula sa nasusunog na villa. Ng walang pakialam sa kanyang sariling kaligtasan, sumugod siya papasok at niligtas ang isang binata.

Ang binatang iyon ay si James.

Ang aksidente ay tuluyang binago ang buhay ni Thea.

Maswerte siya na makaligtas, pero nagkaroon siya ng mga sunog sa kanyang buong katawan, na matinding sumira sa kanyang balat.

Simula noon, siya ay naging katatawanan sa kanyang mga kaklase. Pinaguusapan siya ng lahat ng patago.

“Thea, utang ko sayo ang buhay ko. Ilalaan ko ang natitira dito para bayaran ang utang ko.”

“Ang mga Xavier, mga Frasier, mga Zimmerman at mga Wilson ay may panghabang buhay na utang sa akin. Ngayon na bumalik ako sa bayan na ito, pagbabayarin ko sila. Para sa kamatayan ng pamilya ko, magbabayad sila ng buhay. Lahat sila.”

Nakakuyom ang mga kamao ni James, pumasok sa multi-purpose na sasakyan na walang plaka.

Isang lalaki na nakasuot ng itim na sando at sumbrero ay may hawak ng manibela.

Sabi niya, “Heneral, ang mga Callahan ay pipili ng asawa para kay Thea sa susunod na tatlong araw. Si Patriarch Lex Callahan ay may sinabi. Na hanggat ang manliligaw ay handa na makasal sa pamilya Callahan, siya ay mapupunta sa ilalim ng proteksyon ng mga Callahan matapos ang kasal.”

Sumimangot si James. “Pagpili ng asawa?”

“Sir, ang mga Callahan ay medyo prestihiyosong pamilya, pero si Thea ngayon ay kinukunsidera na ugly duckling ng Cansington. Walang magpapakasal sa kanya at siya ay magiging katatawanan ng pamilya. Ang Old Mister Callahan ay desperado, kaya naisip niya ang ideyang ito. Si Thea ay naging pangit, pero marami pa din ang gusto sa negosyo at yaman ng pamilya. Sa incentive na ito, handa sila na maikasal sa pamilya.”

Sa villa ng mga Callahan.

Bawat importanteng miyembro ng pamilya ng mga Callahan ay nandoon.

Ngayon ang araw na si Lex Callahan, ay pipili ng asawa para sa kanyang apo. Matapos ang masinsinang proseso ng pagpili, sampung manliligaw ang umabot sa huling round.

Nakatayo sa foyer ng villa, sila ay iba’t ibang edad, hugis at laki.

Wala sa kanila ay merong kahanga hangang background, kasama si James.

Kung wala si Thea, siya ay namatay na mula sa apoy sampung taon ang nakalipas.

Kung wala si Thea, walang James, o ang Black Dragon.

Isang babae na nakabalot mula ulo hanggang paa ang nakaupo sa couch. Na may puting belo, walang nakakita kung ano ang itsura niya.

Isang matanda na nakasuot ng tatlong pirasong suit ang nakatayo, nakatukod sa tungkod na merong ulo ng dragon. Nakatingin sa sampung lalaki, sinabi niya, “Pinili ko si… James Caden.”

Ang babae na nakaputing belo ay nanginig.

Ang kanyang kapalaran ay sigurado na?

Alam niya na simula sa sandali na tumakbo siya sa apoy sampung taon ang nakaraan, nawala na ang lahat sa kanya.

Ang iba pang mga manliligaw ay umalis, nalungkot.

Nanatili si James, nakatayo pa din.

Sa sandaling iyon, isang lalaki ang tumayo at lumapit kay James. Tinapik siya sa likod, ngumisi ang lalaki. “Tratuhin mo ng mabuti ang pinsan ko. Siya ay maaaring naging pangit, pero babae pa din siya. Sigurado ako namagagawa ka niyang pa din na mapasaya.”

Iyon si Tommy Callahan, ang pinakamatandang apo ng mga Callahan.

Hindi pinansin ni James si Tommy, sa halip nakatuon kay Thea.

Ang kanyang tingin ay nanatili sa babae, kahit na hindi niya pa din makita ang kanyang mukha.

Subalit, nakikita niya na ang belo ay basa ng kanyang mga luha.

“Thea, umuwi ka ng magisa. Meron akong appointment.” Isang may edad na babae ang umalis sa sandaling magagawa niya, ang kanyang ekspresyon ay medyo nandidiri.

Ang babae ay ang ina ni Thea, si Gladys Hill.

Si Gladys ay malinaw na nabigo sa kanyang anak.

Ang iba pang mga babae sa pamilya ay nakasal ng maayos, pero ang kanyang sariling anak ay kailangan pakasalan ang lalaki na pinulot mula sa mga kalsada.

“Dad, pupunta ako sa opisina.” Ang ama ni Thea, si Benjamin, ay hindi pinansin ang kanyang anak. Umalis siya matapos batiin ang kanyang ama ng walang interes.

Ang natitirang mga Callahan ay nakatitig kay James ng lantaran, may nanlalait na ekspresyon sa kanilang mukha.

Siya ay matangkad, malakas at may kakayahang katawan, pero handa siyang pakasalan si Thea at pumasok sa pamilya Callahan? Si Thea ay katatawanan sa lahat ng Cansington, ano ba naman!

Lumapit si James kay Thea at nakaunat ang kanyang braso, nakatingin sa kanya.

Si Thea, tahimik na umiiyak sa couch, ay napatunganga.

“Mula sa ngayon, poprotektahan kita. Sumama ka sa akin at mapupunta sa palad mo ang buong mundo. Gagawin kitang pinakamasayang babae sa mundo.”

Ang kanyang boses ay malakas at hindi matitinag.

Sa sandaling iyon, nakalimutan niya ang nanlalait na mukha ng kanyang pamilya.

Ang nakita niya ay ang lalaki na nasa harapan niya. Matangkad at malakas, pero malumanay.

Kinuha ni James ang kanyang kamay at hinatak siya patayo. Mahinhin, sabi niya, “Tara na.”

Magkahawak ang kamay, umalis sila sa villa.

Isang multi-purpose na sasakyan na walang plaka ay naghihintay sa labas ng villa, kasama ng dalawang lalaki na nakaitim na suit.

Dinala ni James ang isang nakatungangang Thea papalapit.

Nagsimulang sinabi ng mga lalaki, “Hene…”

Kinumpas ni James ang kanyang kamay, pinutol ang sinabi nila. “Dalhin mo ako sa House of Royals. Kailangan kong asikasuhin ang injury ng asawa ko.”

Si James ay hindi lang ang maalamat na Dragon General ng Southern Plains. Siya din ay magaling na doktor.

Ang paggamot sa mga peklat ni Thea ay madaling gawin.

Continue to read this book for free
Scan the code to download the app
Next Chapter

Latest Chapter

  • Kabanata 4333

    'Ang kanyang cultivation path ay naputol, ngunit maaari niyang icultivate ang kanyang Omniscience Path sa antas na ito. Kahanga hanga siya. Kahit na mayroon siyang Chaos Sacred Lotus, mahihirapan siyang pumasok sa Eighth Stage. Aaksayahin niya ang kapangyarihan at ang kumpletong Chaos Path ng Chaos Sacred Lotus. Malaking tulong ito sa pag unawa sa mga landas, ngunit sayang ang pagsipsip nito upang buksan ang potensyal ng buhay.'Pagtingin kay James sa malayo, biglang may naisip si Zella. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at isang puting liwanag ang lumabas sa kanyang mga palad.Itinaas niya ng mataas ang kanang kamay. Nakaharap ang palad niya kay James.Sa sandaling ito, isang misteryosong pattern ang lumitaw sa kanyang kanang palad. Ang pattern ay nakasisilaw at namumulaklak na puting liwanag.Bumulong siya ng sumpa na hindi maintindihan ni James.Pagkatapos, naramdaman ni James ang isang mahiwagang kapangyarihan. Ang kapangyarihan ay pumasok sa kanyang katawan sa pamamagitan ng

  • Kabanata 4332

    Hindi muna pinag iisipan ni James ang mga masalimuot na tanong sa ngayon.Sa kasalukuyan, kailangan niyang mag isip ng paraan para talunin at patayin si Wynton.Ang kapaligiran dito ay elegante na may sapat na Espirituwal na Enerhiya. Ito ay isang mahusay na lugar para sa paglilinang.Sa isang alon ng mga kamay, ilang Time Inscription ang lumitaw at nagtipon, na bumubuo ng isang time formation.Ang tatlumpung libong taon ay maikli.Lalo na noong naabot na ni James ang ganoong kataas na cultivation rank. Sa bawat oras na magsagawa siya ng closed-door meditation, aabutin ito ng milyon milyong taon. Kung gusto niyang maunawaan ang mga lihim na sining, kakailanganin niya ng ilang panahon.Ang tatlumpung libong taon ay masyadong maikli. Magkakaroon lang siya ng breakthrough kung gagamitin niya ang time formation.Atsaka, kahit may breakthrough siya, hindi niya kayang talunin si Wynton.Tumingin kay Zella, tinanong niya, "Anong cultivation rank ang kailangan kong maabot para talunin

  • Kabanata 4331

    Itinuro ni Zella ang manor at sinabing, "Batay sa iyong kasalukuyang cultivation rank, hindi mo matatalo si Wynton at wala ka ng karagdagang oras pa. Maaari kang manatili dito sa ngayon at gamitin ang lugar na ito para sa pagtatanim. Kung kailangan mo ng anumang tulong, maaari mong sabihin sa akin."Sa pag iisip tungkol sa ranggo ng paglilinang ni Wynton, naramdaman ni James ang pagpintig ng kanyang ulo.Paano matatalo at mapapatay ni James si Wynton sa loob ng tatlumpung libong taon?Itinulak niya ang pinto at pumasok sa mansyon.Napakalaki ng manor at maraming Empyrean herbs sa loob. Umupo siya sa isang sitting area at tinignan si Zella na naglalakad. Isinasantabi kung matatalo niya o hindi si Wynton, nakita niyang misteryoso ang babaeng nasa harapan niya. Alam pa niyang nasa kaharian siya.Maraming sikreto ang alam ng ginang na hindi niya alam.Interesado siya sa Sky Burial Age."Nabasa ko ang tungkol sa alamat ng Yaneiri Clan sa mga sinaunang teksto. Nakita rin ni Wynton ang

  • Kabanata 4330

    Alam ni James kung gaano kalubha ang kanyang mga pinsala. Alam pa niya kung gaano katagal at kahirap ang aabutin para mahilom niya ang mga pinsalang dulot ng Yaneiri King.Gayunpaman, wala pang isang minuto ang inabot ni Zella para tuluyang gumaling si James.Matagal na tinitigan ni James ang maganda at magandang babae. Hindi niya maiwasang ma-curious kung bakit siya tinulungan ni Zella.“Niligtas kita dahil sa tingin ko importante ka,” Sagot ni Zella sa malumanay na boses."Importante ako?"Bakas sa mga mata ni James ang pagtataka.“Sundan mo ako.”Pagkatapos sabihin iyon, nagsimulang maglakad si Zella patungo sa pasukan ng Mount Yaneiri. Sa kabila ng kanyang unang pagkalito, sinundan siya ni James."Narinig mo na ba ang Sky Burial dati?" Tanong ni Zella.“Mhm.” Sabi ni James, "Narinig ko na ito dati."Sinabi ni Zella, "Lahat ng nilalang ay namamatay sa tuwing sasapit sa atin ang Everlasting Night Demon Lord. Sa mahabang kasaysayan ng Greater Realms, bawat at bawat sibilisas

  • Kabanata 4329

    Malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Zella. Gayunpaman, nanatili siyang nakatayo sa parehong lugar nang walang sinasabi.Sa sandaling iyon, itinaas ng Haring Yaneiri ang kanyang kamay at pinitik ang kanyang mga daliri.Isang ripple ng enerhiya ang nabuo sa paligid ng espasyo kung saan nakatayo si James. Naramdaman ni James ang napakalaking enerhiya na umaatake sa kanya mula sa lahat ng direksyon sa susunod na sandali.Ang pag atake ay dumating ng napakabilis na si James ay hindi na nagkaroon ng oras para umiwas o umiwas dito. Nagawa pa nga ng Yaneiri King na sirain ang Jamesʼ Genesis sa hit na iyon.Halos biglang lumabas ang Ignis na nakapaloob sa katawan ni James. Bumagsak si James sa lupa, pakiramdam na parang naubos ang lahat ng pwersa ng kanyang buhay sa kanyang katawan.“Ang boring.”Nawalan ng interes ang Hari ng Yaneiri. "Akala ko haharapin ko ang isang talagang malakas o kahanga hangang cultivator. Sa palagay ko ang mga pagsubok na idinisenyo para sa Path of Heavenly Awak

  • Kabanata 4328

    Halatang nabigla si James sa mga tanong ni Zella.Nagkaroon siya ng kaalaman tungkol sa lihim na sining ng Projection pagkatapos na makabisado ang Greater Paths. Sa pamamaraang iyon, maaaring gamitin ng isang cultivator ang nakaraan ng isang buhay na nilalang upang lumikha ng isang artipisyal na mundo o kaharian para sa layunin ng pagsasanay.'Alam ko rin kung paano gawin iyon. Gayunpaman, ang buhay na nilalang, na ang nakaraan ay hiniram para sa projection, ay hindi dapat maramdaman na nangyayari ito.‘Gayunpaman, ang babaeng ito ay kahit papaano alam na ako ay nandito para sa mga pagsubok.’ Pag iisip ni James.“Sino ka?”Matalim na titig si James kay Zella.Si Zella ay mukhang kalmado at composed habang patuloy na pinagmamasdan si James. Hindi siya kinabahan kahit kaunti kahit alam niyang kinabukasan nanggaling si James.Sumagot siya sa matatag na boses, "Ang pangalan ko ay Zella Yanes. Ang Yaneiri King ay ang aking nakatatandang kapatid. Maaari mo bang sabihin sa akin ngayon

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App