Kabanata 64
Author: Crazy Carriage
Hindi inasahan ni James na magiging driver siya isang araw.

Pero pakiramdam niya ay magaan sa pakiramdam ang ginagawa ni Gladys, maski para sa kanya.

Pumasok siya ulit sa military region.

Pumasok siya at lumabas, inulit niya ito nang ilang beses.

Namutla ang mga Callahan, bakas sa mga mukha nila ang galit.

Natuwa ang ibang mayayaman sa palabas na ito.

Mukhang walang magawa si Daniel.

Si James ang Black Dragon. Bakit siya kumikilos na parang isang pangkaraniwang tao na hindi pa nakakaranas ng kahit na ano? Hindi ba nakakahiya kapag nakarating sa Capital ang mga ginagawa niya?

Gayunpaman, maganda ang pakiramdam ni James.

Payapa at madali na lang ang mga araw niya.

Lumabas ulit si James. Nang papasok ba siya, pinigilan siya ni Thea. "Jamie, tama na yan. Pinapatagal mo ang pila."

Lumingon si James para tignan si Gladys. Nagtanong siya, "Kuntento ka na ba, mama?"

"Haha. Oo naman!" Abot tainga ang ngiti ni Gladys.

Ang sarap sa pakiramdam!

Iyon ang pinakamasayang s
Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Related Chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 65

    Ngayon, iniisip ni James kung nagkaganito lang si Gladys dahil sa mga naranasan niya. Tumango si James at nagsabing, "Madali lang magtayo ng clinic. Pero, sa tingin ko mas mabuti kung maghihintay tayo. Narinig ko na naghahanap ang trade center sa lungsod ng foreign investors. Pwede tayong magtayo ng clinic doon." Smack!Binatukan siya ni Gladys. "Alam mo ba kung anong klaseng lugar ang trade center? Isa itong malaking lugar na dinesenyo bilang ang pinakaaligagang financial center sa bansa. Baliw ka ba? Paano tayo magtatayo ng clinic doon? Napakataas ng renta doon maliban pa sa gagastusin natin." Hinawakan ni James ang ulo niya. Renta? Bibilhin niya ang buong entire trade center. Kung magpapasya siyang magtayo ng clinic doon, sinong maniningil sa kanya ng renta? Pero, matalino niyang piniling manahimik. Kung sinabi niya sa kanila na bibilhin niya ang trade center, iisipin nila na isa siyang tanga. Sa sandaling narinig ni David na popondohan ni Gladys ang clinic ni James

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 66

    “Ina, anong ginagawa niyo? Bakit ganyan ang ugali niyo? Bakit niyo trinatrato ng ganito ang lolo ko?”“Oo nga, sino ka ba sa tingin mo?”“Lumuhod ka at humingi ng tawad sa aking lolo ngayon din.”…Nagpalitan ang mga Callahan sa panlalait kay Gladys. Kaagad na pinalitan ni Gladys ang kanyang tono. Habang nakangiti, sinabi niya, “Ama, ang aking bahay ay masyadong maliit para sa inyo dahil hindi ito isang villa. Wala din kaming mga upuan. Dahil wala nang espasyo sa loob ng bahay, naisip ko na mas mabuti kung manatili na lang kayo dito sa labas. Pwede natin pag-usapan kung anuman ang pinunta niyo dito. Ah, at nagdala pa kayo ng regalo! Davie, ano pa ang ginagawa mo dyan? Kunin mo na ang mga regalo!”“Sige!”Tinanggap ni David ang regalo mula sa mga Callahan. Subalit, masyado marami ang mga regalo na hindi niya kayang kunin ang mga lahat ng ito. Sigaw niya, “Lyssa, tulong!”Pinasa ni David kay Alyssa ang mga regalo na hawak niya bago inabot ang iba pang mga regalo. Sinubukan ni

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 67

    “May alak at tabako. Benjamin, ibenta mo ang mga ito sa kiosk sa labas ng ating lugar bukas. Tignan natin kung magkano ang makukuha natin sa mga ito.”Si Benjamin, na nanatiling tahimik sa buong oras na ito, at pinakita ang kanyang pagsang-ayon.“Nay, kailangan mo pa bang gawin yun? Pamilya naman tayo. Bakit kailangan niyo pang gawin komplikado ang lahat?” Tanong ni Thea ng may mahinang boses.“Ano ba ang alam mo?” Sigaw ni Gladys. “Hindi ko na kaya. Mabuti na to ngayon! Ngayon, hindi ko na kailangan sumunod sa mga patakaran nila. At Davis, mabuti pang umatras ka na. Kalimutan mo na ang trabaho mo sa Eternality at maghanap ng panibagong trabaho. Magiging maayos lang tayo kahit na walang tulong ng mga Callahan.”“Sige,” tahimik na sumagot si David, habang nakayuko ang kanyang ulo..Humikab si James.Hindi pa siya nakakatulog matapos ang lahat ng pananabik kagabi.“Thea, matutulog na ako sa kwarto natin.”Kinaway ni Thea ang kanyang kamay. “Sige lang.”Pagkatapos nito, nilabas n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 68

    Isang malaking araw ito para sa Cansington.Ang Blithe King ay magiging opisyal na na commander-in-chief ng five armies.Ang tatlong mga patriarch ng The Great Four ay nakatali sa mga upuan at pugot.Nawawala ang kanilang mga ulo.Ang lahat ng mga Xavier ay binalak na tumakas ng Cansington.Subalit, nakita ni James na mangyayari ito. Kaya naman hinarangan niya ang dagat, lupa, at himpapawid, na epektibong pumutol sa ruta ng The Great Four para makatakas. Wala sa kanila ang pwedeng tumakas ng Cansington. Matapos ang succession ceremony ng Blithe King, isang opisyal na anunsyo ang ginawa para ipaliwanag ang mga naganap na pagpatay.Ang pagpili sa isang bilanggo na bibitayin, nilagay ng mga awtoridad ang ghost mask na ginamit ni James sa kanya. Pagkatapos ay binitay nila ito sa harap ng publiko sa pamamagitan ng pagbaril dito.Pansamantala nilang pinagtakpan ang bagay na ito.Kabilang sa The Great Four, ang mga Xavier ay tuluyang nawasak. Hindi na sila muli pang makakabangon kah

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 69

    “Sige, bakit ba hindi? Marami naman na akong naipon noong nasa militar pa ako.”“Hindi ko hilig na gumastos ng pera ng lalaki.”“Sige kung yan ang gusto mo.”Wala nang sinabi pa si James pagkatapos nito.Kung gusto ni Thea na magtrabaho, hahayaan ko siya.Gayunpaman, nagpaplano pa naman siya, kaya hindi pa siya sigurado kung kailan niya ito magagawa.“Maghilamos ka na. Magbibihis lang ako.”“Sige.”Tumango si James at umalis ng kwarto.Walang tao sa may sala. Malamang ay umalis ang lahat.Dahil sa kakagising lang niya, naghilamos si James sa may banyo. Pagkatapos, hinintay niya si Thea sa may sala.Hindi nagtagal, lumabas si Thea sa kanyang kwarto ng nakabihis.Nakasuot si Thea ng crisp white shirt na may pencil skirt at high heels. Mukha siyang isang successful business woman.Maganda din ang katawan niya. Habang nakalugay ang kanyang mahabang itim na buhok sa kanyang likuran, nag mukha siyang isang mature at maabilidad na babae.“Ang ganda mo.”Pinuri ni James si Thea

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 70

    Gamit ang kanyang electric bike, hinatid ni James si Thea sa malaking job fair sa malapit.Nang makarating sila, sinabi ni Thea, “Jamie, bakit hindi mo na lang ako hintayin dito sa labas? Ako na lang ang papasok sa loob ng mag-isa.”Pabirong sinabi ni James, “Bakit? Nakakahiya ba akong kasama?”Kaagad na nagpaliwanag si Thea, "Syempre naman hindi. Magiging matagal kasi ito. Nag-aalala ako na baka mabagot ka. May internet cafe sa may malapit. Bakit ka na lang kaya maglaro muna? Tatawagan na lang kita kapag tapos na ako." Malumanay na tinulak ni Thea si James. Bilang isang babae, marami na siyang nabasang libro tungkol sa relasyon kahit na wala pa siyang karanasan. Ang lahat ng libro ay sinabi na ayaw ng mga lalaki na gumala ng walang patutunguhan kasama ng babae. Ang totoo ay nag-aalala siya na baka mabagot ito. "Hindi ko alam kung paano maglaro. Sasama na lang ako sayo. Mag-aalala ako kung hindi kita kasama dahil ang ganda mo pa naman." Ngumiti si James. Naantig ang damdam

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 71

    Nilapag ni Thea ang kanyang resume sa lamesa.Pagkatapos nun, tumingala ang lalaki.Nang makita nito si Thea, nagulat ito.“Sandali lang.” “Huh?”Aalis na sana si Thea matapos niyang ilapag ang kanyang resume, pero huminto siya at nilingon ang recruitment manager ng Ella Corporation. Tinanong niya, “May iba pa ba kayong kailangan?”Tinitigan ni Hank Wilson si Thea, at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Naging ganid ang kanyang ekspresyon. Ngayon lang siya nakakita ng isang napakagandang babae.Tinuro ni Hank ang upuan, habang sinasabi, “Maupos ka. Mag-usap tayo.”“Sige.” Umupo si Thea.“Anong posisyon ang inaaplayan mo?”“Nag-aaplay ako para sa posisyon ng fashion designer.”“Meron ka na bang kahit na anong karanasan na may kaugnayan dito?”“Wala pa.”Napasimangot si Hank, at sinabi, “Sweetheart, hindi to uubra. Alam mo ba kung sino kami at ano ang kinakatawan ng aming mga designer?”Habang nagsasalita siya, binasa nito ang resume ni Thea.“Grumaduate ka sa isang sec

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 72

    Oras na para umuwi.Sinabihan ni Hank ang ibang mga aplikante na bumalik na lang bukas.Pagkatapos nun, niligpit na niya ang kanyang mga gamit at sinabi, “Thea, bakit hindi tayo bumalik sa lugar ko? Wala naman tao sa bahay. Pwede kong ipaliwanag sayo ang lahat doon ng detalyado.”“Ano?” Nagulat si Thea. “Sa bahay mo?”Nang makita niya ang gulat na ekspresyon ni Thea, mabilis na binawi ni Hank ang kanyang sinabi. “Mas malapit ang bahay ko kaya mas mainam. Kung hindi ka komportable dun, pwede naman tayong pumunta sa opisina ko na lang.”Si Hank ay ang human resource manager ng Ella Corporation. Dahil siya ang namamahala sa recruitment, meron siyang sariling opisina.May sopa sa kanyang opisina, na pwede na din tulad ng isang kama.Naisip na niya ito ng maigi. Ikakama niya si thea kahit na anong mangyari. Lalo na, sinabi ng media na siya ang pinakamagandang babae sa Cansington.Nasabik siya nang maisip niya ang tungkol seksi nitong katawan at magandang mukha nito.Nakahinga ng

Latest Chapter

  • Kabanata 4143

    Si Wotan ay lubos na nagtitiwala sa kanyang sariling lakas. Gayunpaman, si James ay isang cultivator na may hindi masasabing potensyal. Siya ay isang tao at naabot na ang median ng Seventh Stage ng Omniscience Path. Bilang karagdagan, nakuha niya ang Three Fire Transformations ng Flame Art.Nabawasan ang kumpiyansa ni Wotan habang nakatayo sa harap ni James.Ngumisi si James at sinabing, "Hindi pa tayo nakakarating sa huling stage. Kung talagang mapawalang bisa ko ang formation sa paligid ng Planet Desolation, talagang gagawin ko ito at tutulungan kitang umalis."Ng marinig ito, gumaan ang loob ni Wotan. Malaki ang pananalig ni Wotan kay James at naniwala siya na sa kalaunan ay magiging isa siya sa mga pinakatanyag na cultivator sa Greater Realms kung mabubuhay siya.Kapag dumating ang oras na iyon, ang paniniil ng Ten Great Races ay magwawakas at ang mga tungkulin ay mababaligtad. Ang Human Race na nagdurusa sa lahat ng mga taon na ito ay muling babangon at magiging isa sa mga pan

  • Kabanata 4142

    Inalis ni James ang sinaunang aklat, na iniwan si Wotan na bahagyang nabigo. Ang Three Fire Transformations ng Fire Art ay isang kahanga hangang Supernatural Art at ito ay pinagnanasaan maging ng mga Acmean. Gayunpaman, nagkaroon sila ni James ng naunang kasunduan, kaya hindi niya maipahayag ang kanyang mga pagtutol."Ang natitirang mga kayamanan ay magiging akin, kung gayon. Ayos ka ba dito?" Napatingin si Wotan kay James.Sumenyas si James na nagpalakas ng loob. "Lahat ng iba pa sa silid ng silid aklatan ay sayo."Ang Three Fire Transformation ng Flame Art ay ang pinaka mahusay na biyaya sa pinakamataas na palapag. Dahil nakuha na ni James ang pinakamagandang biyaya sa palasyo, wala siyang interes sa iba pang mga manual.Tumalikod si Wotan at bumaba. Maraming top-notch at mahuhusay na Supernatural Power manual ang inimbak sa ikawalong palapag, na lahat ay mahirap hanapin sa labas ng palasyo.Hindi sila tiningnan ni Wotan ng maayos at itinago na lamang ang lahat. Pumunta siya sa

  • Kabanata 4141

    "Ito ay akin."Nagsalita si James bago nagkaroon ng pagkakataon ang iba at sinabing, "Napagkasunduan na namin noon pa na may makukuha kaming bawat isa."Pagkatapos magsalita, humakbang pasulong si James at humarap sa bola ng liwanag. Isa itong sinaunang aklat na kumikinang sa puting liwanag. Lumapit si James at kinuha ang libro.Sa sandaling hinawakan niya ito, ang puting liwanag mula sa sinaunang libro ay biglang lumabo at nag iwan lamang ng isang ordinaryong librong sinaunang itsura. Sa pabalat ng sinaunang aklat ay ilang sinaunang kasulatan—Three Fire Transformations ng Fire Art. Bagama't medyo lipas na ang mga banal na kasulatan, nakilala ito ni James.Nakita ni Wotan, na kasama niya, ang libro sa kanyang kamay. Nakahinga siya ng maluwag matapos basahin ang sinaunang kasulatan sa pabalat. Ang ekspresyon ni Wotan ay nagpapahiwatig na tiyak na alam niya kung ano ang Three Fire Transformation ng Flame Art.Tumingin sa kanya si James at nagtanong, "Ano ang problema? May alam ka ba

  • Kabanata 4140

    Napatingin si Wotan kay James. Wala siyang masabi bilang tugon sa tanong ni James.Dahil hindi sumagot si Wotan, hindi na nagtanong pa si James. Nilingon niya ang bulubundukin sa likuran niya.Medyo malaki ang bulubundukin. Sinakop nito ang ilang light-years. Ang tuktok ng bundok ay nasa langit. Mula sa malayo, makikita ang ilang piraso ng arkitektura sa tuktok ng bundok.Bukod pa rito, iba ang lugar na ito sa labas ng kaharian.Ang enerhiya ng Planet Desolation ng Langit at Lupa ay naubos, ngunit ang enerhiya dito ay makapal. Katumbas ito ng ilang makapangyarihang mga banal na lugar sa Greater Realms.Bukod doon, nakita rin ni James na may taniman sa espirituwal na bundok. Maraming pambihirang Empyrean herb, kabilang ang Ancestral-Ranked elixir, Macrocosm-Ranked elixir at kahit ilang bihirang Acme-Ranked elixir, ang nasa plantasyon.Ang mga elixir na ito ay isa nang malaking kapalaran.Sinulyapan si Wotan, na nagpapagaling pa, hindi siya tinawag ni James. Sa halip, tumungo siya

  • Kabanata 4139

    Sa isang kaway ng mga kamay, maraming inskripsiyon sa formation ang lumitaw sa mga kamay ni James. Ang mga inskripsiyon ng formation ay pumasok sa formation at agad na nag bitak ang formation. Dinala ni James si Wotan sa pormasyon sa pamamagitan ng bitak at nawala sa hindi mabilang na mga tanawin ng buhay na nilalang.Sa sandaling dinala ni James si Wotan sa sirang formation, nawala ang bitak ng sirang formation.Maraming powerhouses ang nagmadali. Ng makita nilang pumasok sa formation sina James at Wotan, nagalit sila."Bwisit.""Gaano kasuklam suklam. Ngayong pumasok na sila sa formation, kung nakuha nila ang mana ng Compassionate Path Master, ang kanilang mga kakayahan ay mapapabuti. Kung si Forty nine ay magsagawa ng closed-door meditation doon at magkaroon ng isang pambihirang tagumpay, lahat tayo ay mamamatay kapag siya ay lumabas.""Bilisan mo at mag isip ng paraan.""Sino ang makakasira sa formation?""Napakaraming formation masters dito. Kahit isa sa kanila ay hindi mak

  • Kabanata 4138

    Si James ay nagsasagawa ng closed-door meditation sa pagbuo ng oras.Karamihan sa mga nabubuhay na nilalang na naroroon ay may sama ng loob laban sa Human Race, kaya ayaw nilang bumangon si James. Kung bumangon siya, magiging banta siya sa kanila.Sa pangunguna ni Wynnstan, maraming buhay na nilalang ang sabay sabay na umatake.Daan daang powerhouse ang sabay sabay na umatake at lahat ng uri ng magic treasure ay lumabas. Patungo sila sa bulubundukin na kinaroroonan ni James. Napakapangit ng kanilang aura.Sa isang espada sa kanyang kamay, ang ekspresyon ni Wotan ay napakaseryoso."Napakaraming problema ang binibigay niya sa akin," Sumpa ni Wotan. Pagkatapos, ang kanyang katawan ay kumikislap at lumitaw sa gitna ng hangin. Nagsimula na ring masilaw ang plain sword sa kanyang kamay.“Sword Field!” Sigaw ni Wotan.Ang espada sa kanyang kamay ay patuloy na gumagalaw at hindi mabilang na Sword Energies ang lumitaw. Ang mga Sword Energies na ito ay nagtipon. Agad silang nagkatotoo at

  • Kabanata 4137

    Dahil si Leilani ay nasa panig ni Wotan, siya ay malaking tulong.Paglingon ni Wotan ay napatingin si Wotan kay James na naka ekis ang binti at nakakunot ang noo. "Bakit kailangan niyang simulan ang kanyang closed-door meditation ngayon?"Hindi handang protektahan ni Wotan si James. Gayunpaman, si James lamang ang maaaring masira ang formation at si James lamang ang maaaring magdala kay Wotan sa formation. Para makuha ang mana ng Compassionate Path Master, si James lang ang mapoprotektahan ni Wotan.Sa malayo, maraming buhay na nilalang ang nagtipon. Nagpalitan sila ng tingin.Kahit na nagkasundo sila, kasama si Wotan, walang gustong umatake muna.Kaya, walang gumalaw.Sa pagbuo ng oras, nakaupo si James na naka-cross legs.Ilang kakaibang inskripsiyon ang lumitaw sa kanyang harapan. Ito ang mga inskripsiyon sa pagbuo.Natutunan niya ang ilang simpleng inskripsiyon sa labas ng Planet Desolation. Matapos makapasok sa Planet Desolation, sinira niya ang maraming formation. Ang mas

  • Kabanata 4136

    Hindi mabilang na mga tingin ang dumapo kay James. Sila ay kung saan naroroon ang formation ng Palace of Compassion.Bagama't hindi masira ng mga formation masters na nagtipon dito ang formation, naiintindihan nila ang ilang sitwasyon sa loob ng formation.Matagal na ang nakalipas, nalaman ng isang formation master ang sirkumstansya ng formation at alam niya na kung saan naroon ang Palace of Compassion.Nagmamadaling nilapitan ni Wotan si James na nakangiti at nagtanong, "Wala rin namang problema sa pagkakataong ito, di ba?"Ngumiti si James at sumagot, “Anong mga problema ang maaaring magkaroon?”Ng sabihin niya iyon, maraming mga powerhouse ang nag iba iba ang emosyon. Sa sandaling ito, lahat sila ay gustong makipag alyansa kay James.Si Leilani, din, ay mas sabik kaysa dati na makipag alyansa kay James. Hindi niya napigilang lumapit kay James. Sa isang nakakaakit na ngiti at isang matamis na boses, siya ay tumawag, "Forty nine."Sinulyapan ni James si Leilani at walang pakial

  • Kabanata 4135

    Bulong ni Leilani sa sarili.Kung masisira ni James ang formation, ang pagsunod kay James ay magbibigay sa kanya ng mas mataas na pagkakataon na makuha ang mana ng Compassionate Path Master.Nakakatakot ang mana ng isang Acmean. Kahit na ito ay nahahati sa maraming bahagi, ito ay maihahambing sa lahat ng mga pundasyon ng isang super lahi sa Greater Realms.Ilang sandali, seryoso ang ekspresyon ni Leilana. Nag iisip siya ng mga paraan para makipag alyansa kay James. Tumingin siya sa paligid, tumingin siya sa mga tao sa paligid niya at pagkatapos ay kay Wotan. Matapos timbangin ang mga kalamangan at kahinaan, lumakad siya papunta kay Wotan at humarap sa kanya.Sinulyapan siya ni Wotan na may kalmadong ekspresyon habang walang pakialam na nagtanong, "May kailangan ka ba?"Napangiti si Leilana. Napakaganda niya sa magandang katawan at sikat na babae sa Greater Realms.Gayunpaman, hindi interesado si Wotan sa kanya."Wotan," Tinawag ni Leilana si Wotan at nagtanong, "Paano ka nakipag

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App