Kabanata 6
Author: Crazy Carriage
Maaga kinabukasan, nakatanggap ng tawag si James mula kay Thea.

“Hey honey, nagawa kong makausap ang aking kaklase. Handa siya na tumulong at gumawa ng appointment sa chairdman, si Alex Yates. Nasaan ka? Pumunta tayo sa opisina ng Celestial Group ngayon at siguraduhin ang order. Tatanggapin ka ni lolo pagkatapos nito!” Ang masayang boses ni Thea ay umalingawngaw sa phone.

“Hintayin mo ako sa bahay. Susunduin kita sandali.”

Matapos ibaba ang tawag, gumulong paalis ng kama si James at naghanda sa bilis na kaya niya.

“Saan tayo pupunta, James?”

Si Henry ay naghihintay na sa kotse.

“Kela Thea.”

“Sakay na.”

Sumunod si James. Nasa manibela si Henry, sila ay dumating sa lugar ni Thea ng mabilis. Naghintay siya sa labas.

Lumitaw si Thea.

Ng kikitain niya ang chairman ng Celestial Group, si Thea ay naghirap para ayusin ang kanyang sarili. Nakasuot ng maganda, masikip na dress at ang kanyang itim na buhok ay nakasampay sa kanyang balikat, siya ay talagang tanawin na magandang tignan.

“Honey.”

Nakita ang itim na multi-purpose na sasakyan na lumapit mula sa kalayuan, tumakbo si Thea papunta sa sasakyan na may masayang ekspresyon, sinasabi, “Ang kaklase ko ay hindi nagpigil. Ginawa niya ang appointment para sa amin, kaya ang kailangan nating gawin ay ang magpakita sa opisina ng Celestial Group.”

Medyo napangiti si James.

Ito ay walang kinalaman sa kanyang kaklase. Kung hindi niya kinausap si Alex Yates, wala sana ang kahit anong appointment na tinutukoy niya.

Subalit, nakita si Thea na sobrang saya, nagdesisyon siya na hindi ito sirain. Sa halip, pinuri niya siya. “Sabi ko na. Kaya mo ito, darling. Ikaw na ang bahala ngayon. Kung hindi natin makuha ang order, wala na ako.”

Maliwanag na ngumiti si Thea. “Huwag kang magalala. Hindi ko hahayaan na mangyari iyan.”

Hindi niya pa alam ang mga detalye tungkol sa background ni James, pero siya ay nanggaling na sa kanyang villa dati.

Sa House of Royals ay ang pinaka magarang villa sa Cansington at ito ay merong malaking halaga na kaugnay nito. Kahit sino ay hindi magagawang mabili ito.

Pakiramdam niya na imposible ang swerte na asawa niya ito. Ngayon, gusto niya na ipakita ang kanyang kakayahan sa kanya.

Gusto niya na ipakita sa kanya na siya ay hindi ang lumang Thea. Kahit na siya ay naging katatawanan ng maraming mga taon, tinuloy niya ang kanyang pagaaral sa bahay at siya ay mahusay na scholar.

“Tara na, darling.”

Sumakay si Thea sa sasakyan.

Sinabi ni James, “Henry, papunta sa opisina ng Celestial Group.”

Niyakap ni Thea si James at inisip ang nangyari kagabi. Sinabi niya, “Honey, alam mo ba na si Old Warren Xavier ay pinatay kagabi?”

Ang mga Xavier ay ang pinuno ng The Great Four.

Bilang pinuno ng mga Xavier, si Warren ay kilala. Kilala ng lahat kung sino siya.

Sa pagdiriwang ng mga Xavier kagabi.

Merong pagdiriwang kung saan pinagbunyi nila ang partnership ng Megatron Group at Celestial Group. Ngayon na ang Megatron ay merong unang prayoridad sa order ng Celestial, ang kanilang negosyo at impluwensya ay lalong lalawak.

Ika walumpung kaarawan din ni Warren Xavier.

Subalit, isang misteryosong tao ang pumunta sa party na may dalang kabaong. Pinugutan niya si Warren at dinala ang kanyang ulo. Mabilis kumalat ang balita at ito ang pinakamainit na balita sa Cansington sa sandaling ito.

Ngayon, ang importanteng mga department ay iniimbestigahan ang insidente.

Gayunpaman, wala masyadong nangyari.

Nagpanggap na nagulat si James sa tanong ni Thea. “Ako ay dumiretso sa kama matapos na makauwi kagabi. Hindi ko alam ang tungkol dito. Ang mga Xavier ay parte ng The Great Four sa Cansington, hindi ba?”

“Tama iyon,” Sabi ni Thea. “Ang mga Xavier ay mga pinuno ng The Great Four at ang kanilang mga negosyo ay umaabot sa iba’t ibang mga industriya. Ang Megatron magisa, ay pagmamay ari nila, ay mas makapangyarihan kaysa sa lahat ng negosyo ng mga Callahan, at ang mga Xavier ay marami ding mga negosyo.”

Si Thea ay mukhang medyo naiingit. “Lahat ng babae sa Cansington ay desperado na maikasal sa mga Xavier para maranasan nila ang madaling buhay.”

Medyo ngumiti si James. “Hindi ba’t meron kang pagkakataon kahapon? Idivore mo ako at magkakaroon ka ng pagkakataon mo.”

“Ugh.”

Si Thea ay hindi napahanga. “Ang pagiging parte ng mayamang pamilya ay hindi maginhawa. Sa nakalipas na sampung taon, marami akong nakitang panlalait sa akin. Para sa kanila, ako ay wala lang kung hindi katatawanan. Alam ko kung sino ang nagtatrato sa akin ng taos puso. Wala akong pakialam na maikasal sa mayaman. Atsaka, ang asawa ko ay mayaman.”

Dahil dito, ngumiti siya, isang maligayang ekspresyon ang nasa kanyang mukha.

Pinisil ni James ang kamay ni Thea.

Siya ay medyo lohikal na babae.

Walang sinabi si Henry, nakatuon sa kalsada. Kaagad, sila ay nakarating sa opisina ng Celestial Group.

Isang international na grupo, ang Celestial Group ay negosoy ng pamilya Yates, na nagmula sa Capital.

Ang kanilang headquarters ay mahusay, na walong palapag na gusali.

Si James at Thea ay lumabas sa sasakyan.

Tinignan ni Thea ang kahanga hangang gusali, kaba ang naramdaman niya.

Higit sa sampung taon na nakalipas, nanatili siya sa bahay hanggat makakaya niya.

Subalit, meron siyang malakas na kagustuhan na bumisita at tignan ang mundo sa labas. Ang rason bakit siya nagaral ng matindi sa bahay ay para pakawalan ang kanyang sarili mula sa kathang isip na kulungan at umakyat ng mas mataas.

Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang kanyang kaklase.

Higit sa dalawampung minuto makalipas, isang babae na may makapal na makeup at pangtrabahong skirt ang lumapit sa kanila. Ng makita niya si Thea na nakatayo sa entrance, hindi niya maitago ang kanyang gulat.

Narinig niya na nabalik na ang itsura ni Thea. Pinadala pa ni Thea ang kanyang litrato, pero hindi siya naniwala dito. Siya ay napilitan na tanggapin ang katotohanan ngayon na nakita niya si Thea mismo.

Siya ay mukhang nainggit sa kung gaano kaganda si Thea ngayon.

Lumapit sa kanila, nagdalawang isip siyang nagtanong, “Thea?”

Masaya, hinablot ni Thea ang kamay ng isa pang babae. Sinabi niya, “Jane, ako ito! Ikaw ay talagang naging pinuno ng department sa Celestial Group!”

Si Jane Whitman ay sobrang napuri. Ngumiti siya at sinabi, “Gusto ko lang na subukang mabuhay. Thea, kung gusto mong makita ang chairman, kailangan mo pa din ang pahintulot ng general manager. Tara na.”

Tumayo si Thea nakatulala sa kinatatayuan niya.

Ng sila ay nagsasalita sa phone kahapon, pinangako ni Jane na gumawa siya ng appointment sa chairman, si Alex Yates.

“Thea, dapat malaman mo na hindi madali para makakuha ng order mula sa Celestial. Kung gusto mo ang order, kailangan mo na…” Lumapit siya kay Thea at may binulong sa kanyang tenga.

Matatag na tinanggihan ni Thea ang ideya ni Jane. “Talagang hindi.”

Nawala ang pasensya ni Jane. “Thea, kung ikaw ay hindi handa na magsakripisyo, paano mo magagawa na makakuha ng kahit ano pabalik? Pinadala ko ang iyong litrato sa manager. Sumang ayon siya na hayaan ka na makuha ang order kung matutulog ka kasama niya. Hindi mo kailangan na makita ang chairman!”

“Jane, akala ko na tayo ay magkaibigan. Ganito mo ba tratuhin ang isang kaibigan?”

Si Jane ay hindi napahanga. “Gusto mong makuha ang order ng walang sakripisyo? Hayaan mo na sabihin ko sayo ngayon. Imposible ito. Malinaw kong sinabi, kaya pagisipan mo ang tungkol dito kung gusto mo na magpatuloy.”

Tumalikod siya at umalis matapos iyon, ang kanyang mga heel ay tumutunog ng malakas sa sahig.

Si Thea ay nasa bingit ng pagiyak. Tumalikod siya para tignan si James na nanatiling tahimik sa oras na ito. “Wala akong silbi, hindi ba?”

Kinomfort siya ni James. “Syempre hindi. Bakit hindi mo subukan na kitain si Alex Yates mismo? Sa tingin ko kikitain ka niya. Sige, maghihintay ako sa sasakyan.”

Mahinang tinulak ni James si Thea sa direksyon ng gusali.

Sa sandaling iyon, bumalik si Jane kasama ang may edad na lalaki.

Ang lalaki ay naka suit at tie, mukhang matagumpay na negosyante.

Nakapulupot ang braso ni Jane ng malapit sa kanya, lumapit muli kay Thea. Nakangiti, sinabi niya, “Thea, ito ang manager ng Celestial Group. Siya ay namamahala sa lahat ng koneksyon sa negosyo. Siya ang may huling sabi sa kung sino ang makakakuha ng mga order.”

Ang tanging rason bakit si Jane ay nasa posisyon na ito ngayon ay dahil sa natulog siya kasama ng manager, si Linus Johnson. Kabit siya nito.

Pinadala ni Jane kay Linus ang litrato ni Thea kagabi.

Kaagad na naintriga si Linus. Pinangako niya na si Jane ay ipopromote siya sa posisyon ng deputy department manager kung nagawa niyang tulungan siya na makasama sa kama si Thea.

Ngayon na nakita ni Linus si Thea mismo, siya ay mas nalibugan.

Si Thea ay mas maganda sa personal.

Pinangako niya na makakasama niya siya sa kama sa anumang paraan.

Naglakad siya papunta sa kanya ang kanyang dibdib ay nakalabas. “Thea, tama? Sinabi ni Jane ang lahat sa akin. Mainit na araw ngayon. Bakit hindi natin pagusapan ito sa isang kwarto sa hotel? Huwag kang magalala. Sumama ka sa akin at hindi mo kailangan alalahanin ang tungkol sa order. Bibigyan pa kita ng deal na limampung milyong dolyar ang halaga!”

Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Latest Chapter

  • Kabanata 4429

    Sinabi ni Xezal, "Ipaubaya mo sa akin si James. Lahat ng nasa ibaba ng Terra Acme Rank ay dapat umalis kaagad sa Cloud Realm. Lilituhin ko si James habang ang lahat ay aasikasuhin si Soren. Dapat na muna natin siyang ligpitin."Ang mga powerhouse sa ibaba ng Terra Acme Rank ay sunod sunod na umalis sa lugar.Napansin ni James ang ilan sa kanila na sinusubukang tumakas sa lugar at mabilis na na-activate ang formation sa paligid ng Cloud Universe."Nang dumating ang Permanence Acmeans sa hangganan ng universe, napagtanto nila na may nabuo na upang bitag sila. Hinimok nila ang lahat ng kanilang lakas na subukan at basagin ang formation ngunit hindi sila nagtagumpay.Naiwan na walang ibang opsyon, bumalik sila sa Soul Realm."Kami ay nasa problema. Ang Cloud Universe ay sealed na ng isang formation. Sinubukan naming sirain ito, ngunit ang aming mga pagsisikap ay walang saysay."Napagtanto ng mga powerhouse na naroroon kung gaano kalubha ang sitwasyon.“Haha!!!” Tumawa si James ng na

  • Kabanata 4428

    Nalantad si James sa pagpapanggap kay Wyot, at sumuko na siya sa pagtatangkang itago pa ito.Hinawakan niya ang Death-Celestial Sword, isang mahiwagang sandata na pino mula sa isang Light ng Terra Acme Rank.Nanginginig ang espada ni James at tila nagkaroon ng koneksyon sa kanyang misteryosong kapangyarihan.Noong nakaraan, sinisigaw ni James ang First Tone ng Nine Voices ng Chaos.Sa pagkakataong ito, sinubukan niyang baguhin ang tono sa kapangyarihan at ilubog ito sa Death-Celestial Sword.“Atake!!!” Sinugod ng mga powerhouse si James.Tumalon si James sa hangin, sinugod sila at hinampas ang kanyang espada.Biglang gumawa ng mahiwagang tunog ang Death-Celestial Sword. Ang tunog ay naging isang maliwanag na Enerhiya ng Sword at sinira ang lahat ng nasa daan nito.Naramdaman agad ng mga powerhouse ang walang kapantay na kapangyarihan. Ang Sword Energy ay tumama sa ilang pabaya at ang kanilang mga katawan ay nilaslas sa kalahati.Samantala, ang iba ay pinasabog ng pwersa at tum

  • Kabanata 4427

    Hindi nagpapigil si James kay Yemima. Nag aalala siya na mapahamak ang mga tao kung magpapakita siya ng awa sa kanya.Sinundan ni Xezal ang isang pag atake.Ang kanyang katawan ay nawala sa manipis na hangin. Sa susunod na sandali, muli itong humarap kay James at itinutok ang palad sa kanya.Agad na inihagis ni James ang Three Fire Transformation ng Flame Art. Dumaloy ang kanyang Ignis Powers sa kanyang katawan at agad siyang nagliyab.Para siyang isang fairytale character na may puting halo at puting apoy na naglalabasan mula sa kanyang katawan.Sa nakaraang pakikipaglaban ni James kay Xezal, kailangan niyang magpigil dahil natatakot siyang ilantad ang kanyang pagkatao.Sa pagkakataong ito, sa wakas ay mailalabas na niya ang lahat.Hindi nakaiwas si James sa atake ni Xezal. Sa halip, itinuon niya ang lahat ng kanyang lakas sa kanyang palad at sinalubong ang pag atake nito ng direkta.Boom!!!Isang pagsabog ang nangyari ng magkadikit ang dalawang palad na naging sanhi ng pagka

  • Kabanata 4426

    Bagama't marami sa mga powerhouse ang naniniwala sa Chaos Power ni James, ang mga salita ni Xezal ay nagduda sa kanila.Biglang naglabas ng makapangyarihang aura ang mga powerhouse.Lumapit si Zusman at sinabing, "Hindi mahalaga kung isa kang impostor o hindi, sumuko ka at hayaan mong ikulong ka namin, Wyot. Nangangako kaming hindi ka sasaktan o si Soren. Pagkatapos ka naming ibalik sa punong tanggapan ng Doom, hihilingin namin kay Sir Youri na linawin ang sitwasyon."Alam ni James na hindi na niya kayang lokohin ang mga ito at humagalpak ng tawa.Pinunasan niya ang kanyang ilong at nakangiting sinabi, "Sa tingin ko nabuking na ako."Ang kanyang mukha at aura ay unti unting nagbago, bumalik sa kanyang orihinal na sarili.“Hindi kaya…”Napaatras ang mga powerhouse sa pagkabigla matapos makitang nagbago ang itsura ni Wyot."Bingo. Ako si James Caden."Tumalon si James ng ilang daang metro sa hangin at tumingin sa mga powerhouse. Tumawa siya at sinabing, "Tama. Lagi akong nagpapa

  • Kabanata 4425

    Nalito ang mga powerhouse sa paliwanag ni James.Nagsimula silang magtaka kung nakuha na ni Youri ang huling token mula kay James at ibinigay ito kay Wyot.Ang lahat ay nagpalitan ng naguguluhan na mga tingin sa isa't isa. Maya maya'y napako ang kanilang mga tingin kay Xezal.Sabi ni Gaerel, "Xezal, hindi mo ba sinabing ginagaya ni James si Wyot ngayon? Dapat meron kang sabihin kung ano man."Sa ilalim ng hindi mabilang na mga tingin, humakbang si Xezal. Tumitig siya kay James at taimtim na sinabi, "Ako ang personal maid ng Patriatch ng Dooms. Hindi pa nakuha ni Youri ang huling token mula kay James. Ang token ng Cloud Race ay nasa kamay pa din ni James. Tutal meron siyang sampung susi, ibig sabihin lamang na siya ay si James Caden."Itinuro ni James ang kanyang daliri kay Xezal at galit na sumigaw, "Kabalbalan! Sinasabi mo na ikaw ang personal maid ng aming patriarch? Bilang Great Elder ng Doom Race, paanong hindi ko alam ang tungkol sayo? Dapat ay mula ka sa mga tao at pumunta d

  • Kabanata 4424

    Swoosh!!!Hindi mabilang na mga powerhouse ang lumitaw sa ipinagbabawal na lugar.Samantala, nasa loob ng formation si James, pinagmamasdan ang unti unting pagkawala ng itim na palasyo. Tuwang tuwa siya na ang pinakamalakas na magsasaka ng mga tao, si Soren, ay malapit ng mapalaya.Ilang segundo lang ay dumilim ang mukha niya. Nag aalalang tanong niya, "Mr. Soren, gaano katagal bago tuluyang maghiwa hiwalay ang formation?"Naramdaman ni James ang malalakas na aura sa labas ng formation at nagsimulang kabahan.Boom!!!Isang malakas na kalabog ang nagmula sa formation. Ito ay pwersahang nilabag at ang mga powerhouse ay pumasok sa kapatagan."Ito ay aabutin ng isang araw."Umalingawngaw ang boses ni Soren sa loob ng formation.“Isang araw?” Kumunot ang noo ni James.Nag aalala si James kung kaya niyang pigilan ang maraming powerhouse sa isang araw.Ang mga powerhouse ay pilit na sinira ang pinakalabas na layer ng formation at sumugod kay James. Ng makita nila siya, tinanong nil

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App