Buwisit! Ganito ba talaga kalakas ang Great Elder ng North Star Galaxy?Mas tumindi ang pagaalala ni Andres habang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon. Siguradong mahuhuli sila ni Goliry kapag nagpatuloy pa ang pagkadehado niya sa laban.Dito na tinawag ni Andres si Goliry. “Huwag mo na munang isipin ang mga disipulong iyan. Pabagsakin natin ito nang magkasama.” Bilang punong disipulo ng Belladonna Palace, alam ni Andres ang ibig sabihin ng paghuli sa lider bago sa mga tauhan nito.Hindi na magiging problema sa kanila ang mga disipulo sa sandaling makontrol nila si Angera.Pero wala siyang kamuang muwang na malaki na ang bahagi ng enerhiyang nawala sa katawan ni Goliry nang dahil sa mga pagatakeng ginawa nito kaya wala na itong sapat na lakas para labanan si Angera.Whew!Huminga naman nang malalim si Goliry habang sumisigaw nitong inaatake ang dalawang mga disipulo ng North Star Galaxy. “Mas maigi kung paghihiwalayin muna natin sila bago natin sila tuluyang talunin, Andres.”“
Pero walang kaideideya si Goliry na hindi lang si Darryl ang kagalang galang na bisita ng mismong pinuno ng Quad Ocean Sect kundi ang mismo ring pinuno ng Elixir Sector ng Pure Yang Division na kaalyado ng North Star Galaxy.Uhh…Naintriga at natuwa si Darryl nang biglang ilagay ni Goliry ang sedang sako sa kaniyang ulo. ‘Bakit niya tinatakpan ang mukha ko? Nagaalala ba siya na baka mapansin ako ng ibang tao?’Malapit nang bumalik sa dati ang lakas ni Darryl kaya mas naging madali na para sa kaniyang takasan si Goliry. Pero hindi na siya nakalaban nang maramdaman niya ang malambot nitong kamay sa kaniyang bisig.Agad na nailabas ni Goliry si Darryl sa kuwarto sa loob ng isang iglap.Dito na nakita ng mga disipulo ng North Star Galaxy si Darryl pero hindi nila ito nakilala dahil kasalukuyang nakasaklob ang sedang bag sa ulo nito.“Mayroon pa itong isang kasama…”“Siguradong isa ito sa mga kasabwat nila.”“Pigilan mo sila! Pigilan ninyo silang lahat!”Sigaw ng mga disipulo haban
Sumugod paabante ang mga disipulo habang sumisigaw nang malakas.Mga hayop!Hindi na naitago pa ni Goliry ang galit at pagkagulat na kaniyang naramdaman nang harapin niya ang sitwasyong iyon. Napahiya rin siya matapos niyang maisip na hahantong sa ganito ang Saint ng Red Shirt Crusade. Nagawa siyang dukutin ni Frankilda ng Quad Ocean Sect at pagkatapos ay nagawa naman siyang pabagsakin nang walang awang mga disipulo ng North Star Galaxy.Sa kasamaang palad ay mas marami na ang bilang ng mga ito nang makarating sila sa bangin.Pero paano magagawa ng isang babae na kilala sa kaniyang pagpapadalos dalos at kawalan niya ng awa na sumuko sa mga ito?“Makinig kayong lahat…”Ibinuka ni Goliry ang kaniyang bibig para magsalita habang nanlalamig na nakatingin sa mga disipulo na nasa kaniyang harapan. “Isa itong bagay na hinding hindi ko makakalimutan habangbuhay. Tandaan ninyo, walang kahit na sino sa inyo ang matitirang buhay sa susunod nating pagkikita.”Whoosh!Hindi naman tumigil si
Sa loob ng isang iglap, agad na nabalot ng apoy ang buong kuweba habang nababalot ng mainit na hangin ang paligid.Dito na nagsimulang maglabas ng mabahong amoy ng mga kristal na bumalot sa buong kuweba na siguradong hihilo sa sinumang makakalanghap dito.Hindi naiwasang mapaubo ni Goliry sa napakabahong amoy na kanyiang nalanghap habang nakakaramdam ng galit at pagkagulat sa kaniyang dibdib. “Nagawang magsindi ng apoy ng mga hayop na disipulong iyon ng North Star Galaxy.”Bahagya namang ngumiti si Darryl habang hindi nagsasalita ng kahit na ano.Mayroon siyang katawan ng isang sage kaya magagawa ang nakapaligid na apoy at amoy sa kaniya.Nagsimula namang bumigay ng kasama niyang si Goliry. Nawala ang malaking bahagi ng natitira niyang internal energy nang dahil sa ginawa nilang paglalakbay papunta sa lugar na iyon. Kaya natural lang na mawalan siya ng depensa sa harap ng napakalaking apoy na pumaligid sa kaniya.Napakahayop ng mga disipulong ito ng North Star Galaxy!Sa ilalim
“Well…”Binunot ni Goliry ang mahaba niyang espada sa sobrang frustration habang nakatitig na sinasabi kay Darryl na, “Kung ganoon ay mayroon kang paraan para hindi ako tablan ng apoy kagaya mo?”Nanlaki ang umaasa niyang mga mata habang nagsasalita.Napakamot naman sa kaniyang ulo si Darryl habang ipinapakita ang pagiisip kunwari niya nang malalim sa harapan ni Goliry. “Mayroon, pero—"Dito na siya pinutol ni Goliry sa pagsasalita bago pa man siya matapos para sabihing, “Kung ganoon ay tulungan mo na ako dali!”Ngumiti naman si Darryl habang dahan dahang nagsaaslita. “Kakaiba ka rin no? Pinagtangkaan mo akong patayin at ngayon ay umaasa ka namang tutulungan kita? Iniisip mo ba na pipiliin ko na tulungan ka?”Agad na namula ang magandang mukha ni Goliry habang nanlalamig na sinasabing, “Sige. Kung ayaw mo akong tulungan, papatayin na lang kita bago ako tuluyang malapnos ng apoy at mamatay.”Nanlamig nang husto ang itsura ni Goliry habang sinasabi ang mga salitang iyon. ‘Ang laka
Nabalot ng tuwa at gaan ng loob si Goliry nang pumayag na si Darryl na tulungan siya. “Sige na kung ganoon.”Tumango naman at ngumiti si Darryl habang sinasabi na, “Simple lang naman ang naisip kong paraan. Ang dapat mo lang gawin ay dumikit at yumakap sa akin para mawala ang nararamdaman mong init mula sa kumakalat na apoy sa paligid.”Ngumiti si Darryl kay Goliry bago niya ito tingnan mula ulo hanggang paa habang nagsasalita.Sinusubukan pa ring asarin ni Darryl so Goliry noong mga sandaling iyon. Palagi siyang pinapahirapan ng babaeng ito kaya paano niya mapapalampas ang pagkakataong ito para makipaglaro kay Goliry?Pero sa totoo lang, mayroong punto ang sinabi ni Darryl. Sa pamamagitan ng sage niyang katawan, ang kinakailangan lang gawin ni Goliry ay yumakap kay Darryl para hindi siya tablan ng apoy.Napaatras naman si Goliry habang namumula ang kaniyang mukha at kumakabog ang kaniyang dibdib sa tindi ng kahihiyan na kaniyang naramdaman sa kaniyang mga narinig.Napakahayop ta
Namula ang mukha ni Goliry nang sabihin niya ang mga salitang iyon.Malinaw na umaangat ang mga nakahawak na kamay ni Darryl sa kaniyang binti sa bawat hakbang na ginagawa nito. Masyadong nakakagigil ang pakiramdam na ito para kay Goliry.Uhh…Hindi naman nakapagsalita rito si Darryl. “Paano kita bubuhatin kung hindi ko hahawakan ang iyong mga binti? Puwede bang tiisin mo muna ito nang kaunti?”Mas tumaas ang ginawang paghawak ni Darryl habang nagsasalita.Namula naman sa sobrang kahihiyan ang mukha ni Goliry pero hindi niya pa rin alam kung paano niya sasagutin si Darryl.Pagkatapos ng ilang segundo, mukhang naisip nito ang isang bagay kaya agad siyang napakagat sa kaniyang labi habang nanlalamig niyang sinasabi na, “Sige. Ang anumang nangyari sa kuwebang ito ay hinding hindi dapat makalabas sa kuwebang ito. Sinisiguro ko sa iyo na mas gugustuhin mo pang mamatay dito sa sandaling magsalita ka ng kahit na kaunti tungkol sa nangyaring ito.”Sinalungat niya ang personal niyang dig
Sige!Niluwagan ni Darryl ang kaniyang mga braso habang napapangiti sa kaniyang sarili nang makita niya ang nagmamadaling mukha ni Goliry.Nagmamadali namang bumaba si Goliry sa likuran ni Darryl pero sa sobrang pagmamadali ay naipit ang kanan nitong binti sa isang kalapit na baging na naging dahilan ng kaniyang pagkadulas.Nanatiling nasa balikat ni Darryl ang kanang kamay ni Goliry kaya kasabay niya itong nahulog sa lupa.Thump!Nagkataon namang nauna ang ulo ng bumabagsak na si Darryl hanggang sa tumama ito sa katawan ni Goliry. Ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nilang dalawa sa isa’t isa.Whew!Nablangko naman ang isip ni Darryl nang maramdaman niya ang pagtama ng malambot na katawan ni Goliry sa kaniya.Kasabay nito ang paulit ulit niyang pagtingin mula ulo hanggang paa kay Goliry sa sobrang paghanga na kaniyang nararamdaman.Napakaganda!Inaamin maging ni Darryl sa kaniyang sarili na hindi lang ang angkin nitong kagandahan ang makapigil hininga dahil masyado ring