Home / All / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 14 Ang Pinagdaanan ni Arianne Wynn
Kabanata 14 Ang Pinagdaanan ni Arianne Wynn
Author: Lemon Flavored Cat
Kinilabutan ang dean.

"Mr. Tremont… siya lang ang ganoon… bukod tangi na siya lang ang may ganoong ugali. Temporary worker ang tutor. Ako na mismo ang magtatanggal sa kanya!"

Walang sinabi si Mark Tremont. Makikita lamang ang apoy sa kanyang mga mata mula sa galit na namumuo sa kanyang puso.

Biglang sumabad si Tiffany. "Anong temporary worker?"

Walang masabi ang dean. "Miss Lane, 'wag kang mangialam. Hindi pwedeng mangialam ang estudyante sa problema ng school!"

Sumimangot si Tiffany, sasagot na sana siya nang biglang lumabas ang doktor. "Nasaan ang pamilya ng pasyente?"

"Ako." sabay na sinabi ni Tiffany Lane at Mark Tremont.

Nabigla si Tiffany sa boses ni Mark Tremont.

Sinabi ni Tiffany na ka-pamilya niya si Arianne dahil hindi niya ma-contact ang kuya nito. Nakakapagtaka, bakit sumagot rin si Mark Tremont?

Tama lang na kinausap ng doktor si Mark Tremont, mas mapagkakatiwalaan na sa kanya ipaliwanag ang sitwasyon. "Nasa maayos na kalagayan na ang pasyente. May gastritis siya. Bata pa siya pero hindi siya healthy. Pakitingnan ang mga kinakain niya at siguraduhin mong healthy ang pagkain niya. Pwede na siyang umalis pagkatapos ng IV drip."

Nag-hum si Mark Tremont at pumunta siya sa emergency ward.

Walang malay si Arianne. Nakahiga siya sa higaan at magulo ang mahaba niyang buhok.

Naka-inject sa kanyang katawan ang cool fluid na dumadaloy sa manipis na pipe.

Makikita ang ugat sa likod ng kanyang mga kamay dahil maputla ang kanyang balat.

Hindi alam ni Mark Tremont kung kailan pa nagpabaya si Arianne sa kanyang sarili…

Lumapit si Tiffany Lane at malumanay niyang sinabi, "Walang mga magulang si Ari, kasama niya lang ang kuya-kuyahan niya. Walang pakialam ang kuya niya sa kanya. Ang kinakain niya araw-araw ay malamig na tinapay at malamig na tubig. Paanong hindi siya magkakaroon ng gastritis kung yun lang ang kinakain niya?"

Hindi napansin ni Tiffany ang mukha ni Mark Tremont na unti-unting dumidilim. Binalot ng maraming emosyon ang kumikislap na mga mata ng lalaking ito.

Patuloy na nagsalita si Tiffany, "Nakauwi na ang kuya niya, kaya kailangan niyang umuwi ng maaga araw-araw. Hindi ko man lang siya mayaya para kumain ng maayos na pagkain. Parang baliw 'di ba?"

"Parang baliw nga," mapangasar na sinabi ni Mark Tremont, "Ano pa ang alam mo?"

Nabuhay si Chatterbox Tiffany.

"Highschool palang, magkakilala na kami. Tatlong taon na kaming magkaibigan. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitang bumili ng mga bagong damit tulad ng isang normal na tao. Parang galing siya sa pulubing pamilya! Simula junior high kami, nag part-time na siya. Kakaiba yung mga trabaho na kinuha niya. Nung summer, nagpamigay siyang flyers sa ilalim ng init ng araw, naging dishwasher din siya nung winter… sumasakit ang loob ko kapag iniisip ko yun!"

"Okay lang kung hindi concerned ang kuya niya sa kanya, pero ipinagbabawal din ng kuya niya na maging malapit si Arianne sa ibang tao! Mas miserable siya ngayon, lalo na't hindi siya makapagtrabaho ng part-time! Kumukulo ang dugo ko kapag sinasabi ko ang mga ito! Nagbibisikleta pa siya papunta at pauwi ng school! Ang mga kamay niya, na ginagamit niya sana pan-drawing, ay sobrang tigas na!"

Dahan-dahang huminga si Mark Tremont.

Tila may tumulo mula sa kanyang mga mata. "Salamat at inalagaan mo siya."

Nagtaka si Tiffany at medyo hindi siya naging komportable sa reaksyon ni Mark Tremont. "Siya lang ang kaibigan ko. Trabaho ko na alagaan siya. Para sa akin, sana alagaan din naman siya ng kuya niya. Kung hindi niya ito kaya, sana hindi niya pinagbabawalan ang iba na maging mabait kay Arianne. Kung hindi, epal na talaga siya. Sasapakin ko siya ng malakas kapag nakita ko ang lalaking yun!"

Nag-alala ang dean na baka may masabing mali si Tiffany nang makita niya na walang pigil ang bibig ng dalaga.

"Tara na, nandito naman si Mr. Tremont. Hindi na natin kailangang mag-alala. Kokontakin ni Mr. Tremont ang pamilya ni Miss Wynn, dahil mabuting klaseng tao si Mr. Tremont. 'Wag na nating guluhin pa si Miss Wynn at nagpapahinga pa siya. Ako na ang nagbayad ng medical bills mula sa school."

Tahimik lamang si Mark Tremont. Pagkaalis nila, humarap at tiningnan ni Mark Tremont si Arianne Wynn.

Makikita ang lungkot sa kanyang mga mata habang hawak niya ang malamig na kamay ni Arianne.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit pinilit mong mabuhay ng ganito sa harap ng ibang tao? Para saan… bakit ang tigas ng ulo mo?"

Hindi alam ni Arianne kung gaano katagal siyang nakatulog. Malabo pero narinig niya ang mga sinabi ni Mark Tremont.

Pagkabukas ng kanyang mga mata, nakita niya ang galit na mga mata ni Mark Tremont.
Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Latest Chapter

  • Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App