Home / All / Ang Munting Asawa ni Mr. Tremont / Kabanata 6 Hanggang sa Huli, Magkasama Tayong Tatanda
Kabanata 6 Hanggang sa Huli, Magkasama Tayong Tatanda
Author: Lemon Flavored Cat
May isang saglit na parang nakita ni Arianne ang anino ni Will sa likuran ni Tiffany.

Kilalang-kilala nila ang isa't-isa kaya naman nagawa ni Tiffany Lane na gayahin ang boses ni Will Sivan.

Napahinto ng saglit ang puso ni Arianne. Bumukas ng kaunti ang kanyang bibig na parang may sasabihin siya pero hindi niya alam kung paano ito sasabihin.

Sa isang saglit, nakangiting kumaway sa kanya si Tiffany.

"Ayos, tapos na ang misyon ko. Kung ano man ang sasabihin mo, ikaw na mismo ang magsabi niyan kay Will! Mag-ingat ka pauwi, magkita na lang tayo bukas!"

Pumasok si Tiffany sa kanyang kotse at umalis, iniwan niyang nakatulala ng matagal si Arianne sa kanyang kinatatayuan.

Paulit-ulit niyang iniisip ang sinabi sa kanya ni Tiffany...

Pasado eight o'clock na ng gabi nang makarating si Arianne sa Tremont Estate.

Maingat niyang binuksan ang regalo na binigay ni Tiffany at sa loob nito ay isang necklace. Bracelet naman ang binigay sa kanya ni Will.

Napansin niya na may note sa regalo ni Will, "Hanggang sa huli, magkasama tayong tatanda."

Kinilig si Arianne sa nabasa niya, agad niyang tinago ang mga regalo sa loob ng karton sa ilalim ng kanyang higaan.

Alam niyang hindi papayag si Mark Tremont na makita sa kanya ang mga ganoong bagay, kaya hindi tatangkain ni Arianne na suotin ang mga ito sa harap ni Mark Tremont.

Sa isang saglit, narinig niya sa kanyang likuran ang boses ni Mary. "Ari, nakauwi ka na pala? Hayaan mong lutuan kita ng birthday meal."

Mabilis na tumayo si Arianne. "NaNay Mary, 'wag mo na po akong paglutuan. Kumain na ako kanina, magpahinga ka na po."

Nagdadalawang isip na magsalita si Mary habang pinapainit niya ang kanyang mga palad .

"Ari, mukhang nagmadaling umuwi si sir mula sa business trip niya para i-celebrate ang birthday mo. Nakita ko pa nga na may regalo siya para sayo, pero mukhang nainis siya kasi wala ka pa dito kanina. Bakit ganitong oras ka na nakauwi? Hindi pa kumakain si sir…"

Biglang huminto ang hininga si Arianne dahil sa kanyang narinig, makikita ang sindak sa kanyang maputlang mukha.

Ipinagbawal siya ni Mark Tremont na gamitin ang free time niya sa labas ng estate.

Tinanggap niya ang imbitasyon ni Tiffany dahil inakala niyang hindi agad babalik si Mark Tremont.

Na-trigger si Arianne sa sinabi ni Mary sa kanya.

Anong rason para umuwi si Mark Tremont at i-celebrate ang birthday ni Arianne?

Imposibleng magbibigay siya ng regalo sa dalagang ito!

Hinawakan ni Mary ang kamay ni Arianne dahil nakita niyang natatakot ang dalaga.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka kakainin ng buhay ni sir. Paghahandaan ko siya ng pagkain at ikaw ang magdala sa kanya sa taas. Birthday mo ngayon. Hindi siya maiinis sayo kung sweet ka sa kanya."

Tumango na lamang si Arianne.

Pagkatapos lutuin ni Mary ang pagkain, maingat na umakyat ng hagdan si Arianne.

Maingat niyang ginamit ang isa niyang kamay para katokin ang pintuan ng kwarto ni Mark.

"Nasa loob ka ba?"

Walang sumagot kay Arianne. Matagal nang sanay ang dalaga sa ganitong pangyayari.

Hindi madaldal na tao si Mark Tremont, kaya normal sa kanya na hindi mamansin ng tao kapag bad mood siya.

Kumuha ng lakas ng loob si Arianne para buksan ang pintuan. Nagulat siya sa kanyang nakita, nasa harap niya si Mark Tremont na nagsisigarilyo habang nakaupo sa harap ng French window.

Binalot ng manipis na usok ang kwarto, mapapaisip ka na lang kung gaano karami ang hinithit ng lalaking ito.

Natandaan ni Arianne na madalang mag sigarilyo si Mark.

Hindi pa nagpalit ng damit si Mark Tremont, suot niya pa rin ang kanyang tailored suit.

Ang kanyang buhok ay malinis na nakaayos, wala kang makikitang buhok na nakataas.

Pinilit ni Arianne na pakalmahin ang sarili niya, binaba niya ang pagkain at naglakad siya papunta sa bukas na bintana sa gilid upang makahinga siya ng maayos.

"Saan ka nanggaling?" Agad siyang tinanong ni Mark Tremont.

Napahinto ang puso ni Arianne sa sobrang kaba.

"Sa… kaibigan ko, gumala kami. Hindi ko alam na bumalik ka na pala." Mahinhin ang boses ni Arianne, sumabay ito sa malakas na hangin na pumasok mula sa bintana.

Hindi sigurado si Arianne kung narinig ba siya ng mabuti ni Mark. Mukhang matalas ang pandinig ng lalaking ito.

"Hindi mo alam na nakabalik na ako? Sinasabi mo ba na pwede mong gawin ang kahit anong gusto mo kapag wala ako dito?" Kinilabutan sa lamig si Arianne kaya sinara niya ang bintana.

"Hindi… mali ang ginawa ko. Hindi na mauulit."

Hindi na siya nagpaliwanag pa at hindi niya rin sinubukang banggitin na eighteenth birthday niya ngayon.

Sa kahit anong sitwasyon, parating manghihingi ng tawad si Arianne sa kasalanan niya kapag nakita niyang galit si Mark.

Sa isang saglit, mapangutyang tumawa si Mark Tremont, nakangiti siya habang pinapatay niya ang kanyang sigarilyo at isinalin niya ang liquor sa isang baso.

Uminom siya ng kaunti nang bigla siyang ni-remind ni Arianne, "Uminom ka pagkatapos mong kumain…"

Tiningnan ni Mark Tremont ang baso sa kanyang kamay at lumapit siya kay Arianne. "Birthday mo ngayon."

Ayaw inumin ni Arianne inumin ang liquor na inabot sa kanya ni Mark. Hindi niya kasi alam kung paano ito inumin at alam niyang baso ito ni Mark.

Clean freak si Mark Tremont. Napakasama ni Arianne para hawakan ang baso ng lalaking ito, paano pa kapag ininuman niya ito?

"Hin… hindi ko alam kung paano ito inumin."

Agad na sumimangot si Mark Tremont, bigla niyang hinawakan ang baba ni Arianne at pinainom niya ito ng liquor.

Mabilis na uminit ang lalamunan ni Arianne kaya ilang beses siyang umubo.

Bago pa siya maka-recover sa kanyang ubo, bigla siya hinila at niyakap ni Mark.
Continue to read this book for free
Scan the code to download the app

Latest Chapter

  • Kabanata 1901 Ang Ilaw Sa WAKAS Ng Walang Hanggan

    Matagal nang hindi narinig ni Arianne ang pangalang iyon, ilang segundo siyang napaatras sa pagkataranta bago tuluyang naalala ang kanyang mukha.Shelly-Ann Leigh... Siguradong ginugol niya ang lahat ng mga taon sa mental na institusyon, tama ba? Alam ng Diyos kung ang buhok ng babae ay kulay-abo na at puti na sa kabuuan.Kapag ang isang tao ay malapit nang mamatay, ang isang tao ay maaaring tumayo upang patawarin ang lahat ng kasaysayan sa pagitan nila—kahit ang mga madilim, kahit na ang ledger ay punong-puno—para sa kabutihan. Kaya, sagot ni Arianne, “I’ll go with you. Kahit anong mangyari, nanay mo pa rin siya."Hindi inaasahan ni Mark ang sagot na iyon mula sa kanya. Sa gulat niya ay napayuko siya at nag-iwan ng halik sa labi nito. “Alam kong pinili ko ang tamang babae bilang asawa ko. Akala ko hindi ka papayag na samahan ko siya sa mga huling araw niya…”Walang sinagot si Arianne. Hindi siya masyadong makulit na susubukan niyang manalo sa isang babae na ang mga araw ay bilang

  • Kabanata 1900 Lumipad Papalayo Sa Dilim Ng Gabi Ang Uwak At Naiintindihan Na Hindi Siya Kailanman Nabibilang Sa Mga Puti At Ginto

    Ngumisi si Arianne. “Nakakaawa ka naman, parang isang basang sisiw. Hindi ako ganoon ka-tanga para galitin ang ina ng lalaking gusto ko kung ako ikaw, girl. Lalo na hindi ako magsasabi ng kahit anong kasing baba ng IQ niyan. Hayaan mo akong maging tapat sa iyo: walang sinumang may apelyido na Leigh ang makahihigit sa akin—nabigo lang ang huling sumubok. At Nabigo siya ng matindi. Nakakasiguro ako na iiwan mo kami sa loob ng tatlong araw. Kapag mali ako, pwede kang manatili dito magpakailanman. Gusto mong makipagpustahan? Hinahamon kita."Iniwan niya ang kanyang pananakot na nakabitin at ibinalik ang kanyang wheelchair, naiwan ang hinamak na dalaga.Ang galit ay lumabas kay Raven habang ang mga alon ng lindol sa kanyang buong katawan. Malapit na siyang mag-hyperventilation, ngunit bago pa man ito naging imposible, lumapit siya at pinilit ang sarili na kumalma. She had a feeling na kahit na himatayin siya doon at pagkatapos, walang makakadiskubre sa kanya, hindi ba?Ngayong bumalik si

  • Kabanata 1899 Hindi Pala Ako Lumilipad Kasama Nila Bumabagsak Pala Ako Mag-isa

    Si Melissa ang tipo na palaging nagtutulak sa mga bagay na maging maligaya hangga't makatwiran. Tumalon siya sa kanyang mga paa at itinaas ang kanyang tasa, “Yo, everyone! Mag-toast tayo dahil magiging cousin-in-law ko na si Cindy!"Ang mga tao ay masigasig na sumagot sa kanilang mga tasa sa hangin at isang dagundong—maliban kay Raven, na nanatiling nakaupo. “Mayroon akong sickly constitution. hindi ako makainom. Ako ay humihingi ng paumanhin."Napaka-mechanical ng kanyang ngiti, masyadong mapula ang kanyang mukha. May kung anong kumislap sa mga mata ni Arianne bago siya sumagot, "Oo naman."Matapos mawala ang pagsasaya, inihatid ni Arianne ang kanyang wheelchair patungo sa courtyard. Ang panlabas na anyo ng Tremont Estate ay tila nagyelo sa oras, kung kaya't ang pagpunta rito ay nagparamdam sa kanya na... ligtas.Siyempre, iyon ay sa kabila ng pagpanaw nina Henry at Mary. Sa huli, lumipas ang oras at nagbago ang mga bagay, dumarating at umalis ang mga karakter at bagay, at lahat n

  • Kabanata 1898 Talagang Naiiba Na Parang Isang Uwak Sa Gitna Ng Mga Puting Sisne

    Hinawakan ni Arianne sa kamay ang dalawang dilag at ngumiti. "Salamat! Sus, para sa akin… para kayong dalawa ay tumanda sa isang kisap-mata! Ang ganda niyong dalawa! Cindy, nasaan ang kapatid mo? Hindi pa umuuwi si Plato?"Sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang mahal na kapatid ay napa-pout si Cynthia. “Sabi niya uuwi siya kalahating buwan na ang nakalipas—yun ang sabi niya. Sino ang nakakaalam kung ano talaga ang kanyang ginagawa, bagaman? Anyway, who cares about that no-good. Palagi naman siyang ganito. Ah, medyo mainit ang panahon. Dapat siguro pumasok na tayo sa loob."Tumango si Arianne at binigyan ng maikling, hindi mapakali na tingin kay Aristotle. Ni minsan ay parang gusto niya itong kausapin... Hindi kaya binibilang ng bata ang kanyang mga hinaing sa kanyang isipan? Si Mark at Arianne ay nanatili sa Switzerland nang napakatagal; Mahirap siguro ang buhay para sa kanya nang mag-isa.Hanggang sa makarating siya sa sala ng mapansin niya si Raven. "Millie, ito ba ang iyong nakabab

  • Kabanata 1897 Ang Pagbabalik Ng Reyna

    Napatigil ang buong pagkatao ni Aristotle.Labing-siyam na taon niyang hinintay ang balitang ito. Sa paglipas ng panahon, unti-unting namatay ang mga apoy, lalong namamanhid ang puso, hanggang sa mismong pag-iisip ay wala na itong pinagkaiba sa panaginip na tubo. Ngunit ngayon, nakarating sa kanya ang balitang nagkatotoo at nagdulot sa kanya ng agos ng damdamin.Pagkaraan ng ilang sandali, sa wakas ay bumulong siya, "Kailan... Kailan sila babalik?"Isinara ni Jackson ang distansya sa pagitan nila at binigyan ang binata ng magaan, nakakaaliw na tapik sa mga balikat. “Not so soon, I bet; hindi kapag kakagising lang ng nanay mo at nangangailangan ng oras para gumaling. Labinsiyam na taon siyang natutulog, alam mo ba. So maybe after she’s recuperated enough for a while…” sagot niya. “Labinsiyam na taon na nating hinintay ito, di ba? Ano ang naghihintay para sa kaunti pa lamang kumpara doon? Ang pinakamahalagang bagay na dapat mong gawin ay ang pamahalaan ang kumpanya sa abot ng iyong ka

  • Kabanata 1896 Nagising Na Ang Mama Mo

    Hindi pa kailanman nagkaroon ng karelasyon si Cynthia kaya hindi niya alam kung ano ang pag-ibig. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado. Gustung-gusto niya ang pakiramdam na kasama si Aristotle at kung paano siya pinrotektahan nito mula noong mga bata pa sila. Kahit na si Aristotle ay naging medyo dominante at "makulit", hindi siya nabigla sa kanya. Sa halip, nakaramdam pa siya ng kaunting paggalaw, na nakakamangha.Hindi alam kung paano sila napadpad sa kama, na magkasabay ang kanilang mga hininga. Bukod sa huling hakbang, nagawa na nila ang halos lahat ng maaaring gawin.Nang malapit na silang tumama sa huling hakbang, biglang huminto si Aristotle at tinulungang hilahin ang mga saplot sa ibabaw ni Cynthia. "Matulog na tayo, good night."Naliligaw pa rin si Cynthia kanina. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Aristotle, at hindi rin siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin siya. Matagal na siyang nagpumiglas bago niya nakumbinsi ang sarili na sumabay sa agos...Kinabuka

More Chapter
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on MegaNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
Scan code to read on App