All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 2631
- Chapter 2640
7044 chapters
Kabanata 2632
“Napakasweet naman ng mga sinabi mo.” Naging maganda ang mood ni Karen sa mga sandaling ito habang sumesenyas na sinasalubong ang dalawa. “Nasa loob ng main hall si master para hintayin kayong lahat, maaari na kayong pumasok.”Tumango si Fang Mao bago pangunahan si Sara na pumasok sa main hall!Kasalukuyan nang marami ang mga taong nasa loob ng hall.Agad na natigilan ang magmaster noong makapasok sila sa hall matapos nilang makakita ng ilang mga pamilyar na mukha sa loob nito, kasalukuyang punong puno ng mga tao ang main hall.Maraming iba’t ibang sekta mula sa iba’t ibang kontinente ang tumanggap sa imbitasyon ni Zhang Jue. Kahit na hindi nagawang manguna ng mga ito, itinuturing pa ring impressive at engrande ang mga sektang iyon.Hindi naman nagpakita ng kahit na anong emosyon si Fang Mao sa kaniyang mukha, pinangunahan niya si Sara sa paghahanap ng kanilang mauupuan bago tuluyang irelax ang kaniyang sarili.Nakarating na ang karamihan sa mga bisita na nagudyok sa nalalapit na
Read more
Kabanata 2633
Ano? Gusto niyang gamitin ang mga ito para tapusin si Darryl?Agad na natigilan ang lahat sa mga sandalign ito.Si Darryl ay isang kilalang tao sa Nine Mainlands. Mayroon itong napakalakas na kapangyarihan kung ikukumpara sa kanila. Tatlong taon na ang nakalilipas mula noong pangunahan nitoa ng Nine Mainland na talunin ang tribo ng Raksasa, hindi na maikukumpara pa ng kahit na sino ang naging kontribusyon ni Darryl sa sangkatauhan.Nagugulat na napatingin ang mga tao sa hall sa isa’t isa, hindi magawang makapagbanggit ng mga ito ng kahit isang salita sa kanilang mga bibig!Napakunot naman ang noo ni Sara habang lumulubog ang kaniyang puso.“Sinasabi ko na nga bang may hindi magandang pinaplano si Zhang Jue. Ipinakita na niya ngayon sa lahat ang pagiging demonyo niya. Gusto niyang kunin ang suporta ng ganito karaming mga sekta para labanan ang kaniyang kuya?”Inasahan na ni Zhang Jue ang pagkagulat ng mga ito, pero agad pa rin itong ngumiti habang sinasabi na, “Alam ko ang mga ina
Read more
Kabanata 2634
Inilagay din ni Fang Mao ang kaniyang handprint sa papel. Wala itong magiging kahit na anong consequence sa kanya ngayong nagkukunwari lang naman siyang sect master ng Snow Mountain Sect.Natuwa nang husto si Zhang Jue nang mapirmahan ng lahat ang kontrata, dito na niya itinaas ang kaniyang wineglass para makipagtoast sa kanilang lahat.“Apprentice!”Agad na kinomfort ni Fang Mao si Sara nang makita niyoa ng itsura ng kaniyang disipulo, “Huwag kang magalala. Nanakawin natin sa kaniya ang Sky Breaking Axe at Exquisite Pagoda sa sandaling tulog na ang lahat.”Sige!Tumango naman nang husto rito si Sara habang ipinapakita ang punong puno ng pagasa niyang mga mata.Naguluhan nang husto sa kaniyang sarili si Sara nang makita niyang magkaisa ang napakaraming mga sekta para labanan ang kaniyang kuya at ang tribo ng Raksasa. Pero agad na gumaan ang kaniyang loob nang marinig niya ang plano ni Fang Mao.“Siguradong hinding hindi matatalo ni Zhang Jue si Kuya sa sandaling wala sa mga kama
Read more
Kabanata 2635
At sa wakas ay nakabalik na rin ang isipan ni Connor sa realidad, pinagdikit din nito ang kaniyang mga kamao para batiin si Darryl at nakangiting sabihin na, “Isang malaking karangalan para sa Green Cloud Sect ang iyong pagdating dito.”Pagkatapos niyang magsalita, agad na naglakad paabante si Melody para sabihing, “Mayroon po tayong problema, Ama. Naglagay si Zhang Jue ng isang bitag para saktan ang Pamilya Carter. Kinakailangan natin silang tulungan.”Dito na detalyadong ikinuwento ni Melody ang lahat.“Nakabalik na si Ama. Hindi naman kailangang umalis ngayon ni Master kung magagawa siyang tulungan ni Ama.”Ito…Dito na tuluyang naging awkward ang mukha ni Connor.Dito na pilit na ngumiti si Connor habang sinasabi na, “Hindi ko inaasahang magiging ganito kasama si Zhang Jue. Sect Master Darby, maaari po bang manatili kayo rito habang pinagiisipan ko ang tungkol sa iyong request?”“Maraming salamat, Sect Master Yoel.” Tango ni Darryl.Ayaw nang idamay pa ni Darryl ang Green C
Read more
Kabanata 2636
Nakaramdam ng hiya si Darryl nang tingnan niya ang mukha ni Conner. “Pasensya ka na sa abala, Sect Master Yoel.”Gustong umalis kaagad ni Darryl pero mahirap tanggihan ang kaseryosohan ni Conner.Bukod doon ay nagpadala rin si Zhang Jue ng hindi mabilang na kalalakihan para hanapin kung nasaan si Darryl; magiging problema kung matatagpuan siya ni Zhang Jue.Natawa si Conner.Natuwa ang lalaki nang sumang-ayon sa kaniya si Darryl. Kinuway niya ang kaniyang kamay. “Bilis, maghanda kayo ng masarap na wine at mga pagkain.”Mabilis na kumilos si Camryn para maghanda ng mga pagkain nang marinig niya ang pag-uutos ni Conner.Natuwa si Melody nang mapagpasyahang manatili ni Darryl; magkakaroon siya ng maraming oportunidad para matuto ng mga bagay mula sa lalaki.Alas siyete na ng gabi.Buhay ang kapaligiran. Naihanda na ang masarap na hapunan bilang kautusan ni Conner.Apat na tao ang nasa lamesa—sina Darryl, Conner, Camryn, at Melody.Isang palakaibigan na host si Conner, tumawa at
Read more
Kabanata 2637
”SIge, tara tingnan natin.” Nakangiting sabi ni Darryl.‘Napakatalino at napakaganda ng alagad kong ito; magugustuhan siya ng lahat.’Makalipas ang ilang sandali ay pinamunuan ni Melody ang daanan at di nagtagal ay narating nila ang elixir production room. Kasama rin nila si Conner at ang asawa nito.Ang Green Cloud Sect ay isang prominenteng sekta. Mayroon din silang malaking silid na pagawaan ng elixir. Tatlong beses ang laki nito kaysa sa isang basketball court, tradisyunal ang pagdisenyo rito.Nakikita ni Darryl nap uno ng mga medisina at halaman ang mga istante sa silid.“Master!”Naglakad si Melody sa harapan ng isang pugon at seryosong nagtanong. “Dalawang buwan na ang nakalipas noong huli akong gumawa ng elixir. Noong panahong iyon ay sinubukan kong gumawa ng Mysterious Spirit Pill. Ilang beses akong sumubok pero nabigo lamang ako.”Ang Mysterious Spirit Pill?Napangiti si Darryl sa kaniyang narinig. “Hindi naman ganoon kahirap ang paggawa nito. Kailangan mo lang kontro
Read more
Kabanata 2638
Nang sandaling iyon ay tumawa at nagsalita si Conner. “Hindi mo na kailangan pang manghula, Sect Master Darby; ako ang naglagay ng deterrence powder ngayon ngayon lang.”Ano?Nagulat at nagalit si Darryl; labis itong nagulat! ‘Bakit naman iyon gagawin ni Conner? Wala akong problema sa kaniya. Sa kabilang banda, ako ang master ng kaniyang anak; bakit naman niya gugustuhing hamakin ako?”Nagulat din si Melody; blangko nitong tinitigan si Conner pero hindi siya makapagsalita.Sigh!Nagbuntong hininga si Conner nang gumaan ang kaniyang loob habang magulo ang ekspresyon niyang tiningnan si Darryl. “Pasensya ka na Sect Master Darby, wala akong ibang magagawa. Sasabihin ko sayo ang katotohanan; dumalo ako sa salu-salong inorganisa ni Zhang Jue kanila lamang.”Zhang Jue?Nanginig ang puso ni Darryl nang marinig niya iyon; naintindihan niya iyon kaagad. “Mga tauhan kayo ni Zhang Jue?”‘Hindi nakapagtatakang gagawa siya ng paraan para hamakin ako; kakampi siya ni Zhang Jue.’Umiling ang
Read more
Kabanata 2639
Nagbuntong hininga si Darryl nang maramdaman niya ang lakas mula sa katawan nila. Lahat sila ay level five Martial Kings.Nang sandaling iyon ay napansin nilang tatlo si Darryl. Natuon ang atensyon nila sa lalaki.Mukhang hindi palakaibigan ang dalawang lalaki; tanging ang babae lamang ang mukhang curious.Mahinahong tumango si Darryl para magbigay bati. “Ako si Darryl. Maaari ko bang malaman kung ano ang itatawag ko sa inyo?Sama-sama silang nakakulong, kaya naman hindi ibinunyag ni Darryl ang kaniyang pagkatao. Nakakahiya na nahuli siya ni Conner sa ganoong paraan.Tumango ang babae kay Darryl pagtapos nitong magsalita. “Kamusta ka? Ako si Clarice Zaine, siya ang kuya ko na si Woody, si Feud naman ang pangalawa kong kapatid.”Mukhang natural at poised pa rin si Clarice nang magsalita ito; iyon ang kakaibang karakter ng babaeng miyembro ng Raksasa Tribe.‘Magkakapatid ang tatlo.’Ngumitit at muling ngumiti si Darryl; espesyal ang tunog ng kanilang mga pangalan.“Little Sister
Read more
Kabanata 2640
Sa wakas ay huminto ang tatlong magkakapatid nang marating nila ang talampas.Sa ilalim ng liwanag ng buwan, nakita ni Darryl si Clarice na may hawak na sinaunang mapa. Mukhang detalyado itong nakatingin doon, nanatili ang kaniyang mga mata roon nang magsalita siya.May hinanap sa mga pader ng talampas ang magkapatid na lalaki. Balot ito sab aging. Masyadong malayo si Darryl sa kanila kaya naman hindi niya masyadong makita ang mga ito.Squeak…Nasorpresa si Darryl nang makahanap ang tatlong magkakapatid ng sikretong lagusan pagkaraan ng higit sampung segundo. Unti-unting gumalaw ang talampas bago makita rito ang maliit na uwang papunta sa tagong kweba.‘Paano nila nalaman ang tungkol sa sikretong lagusan sa burol ng Green Cloud Sect?’Kumunot ang noo ni Darryl; nagsimulang tumaas ang kaniyang kuryosidad.Labis na naging emosyonal ang magkakapatid; mabilis silang pumasok sa kweba.Hindi nagdalawang isip si Darryl; patuloy niyang sinundan ang mga ito.Nang marating niya ang entr
Read more
Kabanata 2641
Nang sandaling iyon ay naramdaman ni Darryl ang malakas na pressure na bumalot sa kaniyang katawan. Naramdaman niya na parang pinigilan ang kaniyang katawan sa kahit na anong direksyon; hindi maganda ang naging pakiramdam niya.Sa parehong sandali ay labis na dumilim. Wala siyang nakitang ni isang bagay sa kaniyag harapan. Hindi manlang niya makita ang kaniyang mga daliri nang i-unat niya ang kaniyang mga kamay. Lumutang ang buong katawan ng lalaki.Makalipas ang hindi malaman na ilang sandali, sa wakas ay dumikit ang mga pa ani Darryl sa sahig.Sigh!Huminga ng malalim si Darryl at unti-unting minulat ang kaniyang mga mata. Nagulat siya na kaniyang nakita.Nakita niya ang napakalaking siyudad sa kaniyang harapan; mukha itong langit na nasa daigdig.Mas malaki ng ilang beses ang lugar kaysa sa Donghai City. Akala niya ay isa itong sinaunang libingan. Maya maya pa ay napagtanto niya na isang abandonadong siyudad ang lugar. Paniguradong lumubong ito noong nagkaroon ng digmaan. Naki
Read more