All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 2641
- Chapter 2650
7044 chapters
Kabanata 2642
Namangha ito. Tumayo si Clarice at nanginig ang kaniyang katawan. Hindi niya magamit ang kaniyang internal na enerhiya.Masyadong malakas ang higanteng black python; nagtamo ng mga sugat si Clarice dahil sa paghampas ng buntot ng halimaw.Nagsalita si Darryl nang makita niya iyon. “Huwag kang mag-alala, nasugatan ka dahil lang sa vibration. Magiging maayos ang lagay mo kapag nakapagpahinga ka.”May biglang naalala si Darryl, nagtanong ito. “Oo nga pala! Ano ang lugar na ito? Mukhang pamiylar kayong magkakapatid dito.”Iyon ay…Kinagat ni Clarice ang kaniyang labi nang magdalawang-isip siya. “Iyon ang lugar na pagmamay-ari ng Raksasa Tribe. Itinayo ng Raksasa Tribe ang ngayong wala nang lamang siyudad ilang libong taon na ang nakalipas. Di nagtagal nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan laban kay Emperor Xuan Yuan kaya kinuha niya ang lugar na ito at naglaho sa Wild Deserted Secret Region ang mga tao mula sa aming tribo.Mukhang hindi mapakali si Clarice nang sabihin niya iyon. Iyon
Read more
Kabanata 2643
”Darren!”Banayad na nagsalita si Clarice nang makita niyang malalim ang iniisip ni Darryl. “Bakit hindi moa ko ibaba? Hayaan mong i-cultivate ko ang internal na enerhiya ko. Maaari kang maglakad lakad sa paligid para makita kung may bakas ng mga kapatid ko.”Tiningnan ni Clarice ang kapaligiran nang sabihin niya iyon. Mas ligtas ang lugar na iyon kaysa sa tabing ilog. Ang pinakamahalaga ay isa siyang babae, kaya hindi siya maaaring buhatin ni Darryl sa lahat ng oras.“Sige.”Tumango si Darryl nang ilapag niya si Clarice. Pagtapos ay naglibot siya para magtingin tingin.Bang!Hindi nito alam kung gaano na kayalo ang kaniyang nilakad nang marinig niya ang isa pang pagyanig mula sa ibang lugar sa kaniyang harap. Binilisan niya ang paglalakad at narating niya ang lokasyon. Kaagad siyang nagulat.Nakita niya ang isang nakakamanghang anyo ilang dosenang kilometro ang layo. Mukhang naliligaw at gulat ang maganda nitong mukha; gulat na gulat ito.Iyon ay si Melody.“Master?”Nakita
Read more
Kabanata 2644
”Master, matagal na pong nakasara ang lugar na ito; dapat ay walang panganib!” Mukhang kalmado si Melody nang tingnan niya ang paligid. “Kahit na may patibong ay ginawa iyon ilang libong taon na ang nakalipas. Dapat ay hindi na ito gumagana ngayon.”Nang magsalita ito ay inabot niya ang itim na bato.Ano?!Naguluhan si Darryl nang makita niya iyon. Huminga ito ng malalim at pipigilan n asana niya ang babae pero medyo nahuli siya.Crack…May narinig na pagyanig ang lalaki sa ilalim ng kaniyang mga paa nang magmadali siyang lapitan si Melody. Sumunod ay nagkaroon ng malaking butas sa sahig.“Argh!”Napakabilis ng mga pangyayari; walang oras sina Darryl at Melody para mag-react. Gulat silang sumigaw nang malaglag sila sab utas.…Samantala, nakaupo si Conner sa main hall ng Green Cloud Sect. Mukha siyang may problema.Nakatayo si Camry sa kaniyang tabi. Mukha ring nag-aalala ang magandang mukha nito. Nakayuko ang ilng mga alagad na nakapalibot sa kanila; wala sa kanila ang nagta
Read more
Kabanata 2645
Naramdaman ng buong Green Cloud Sect ang matinding pressure dahilan lung bakit hindi sila makahinga, ito ay ang resulta ng lakas ni Zhang Jue.“Mister Zhang!”Naibalik ni Conner ng kaniyang tindig at pinilit nitong ngumiti. “Ang bilis ninyong makarating, Mister Zhang.” Sambit nito nang maglakad siya palapit. “Please, tanggapin ninyo ang aking mga paghingi ng tawad dahil sa pagkaantala.”Walang makiktiang ekspresyon sa mukha ni Zhang Jue. “Kalmado nitong tiningnan si Conner at sinabing, “Sect Master Yoel, sinabi ninyong nahuli niyo si Darryl; nasaan siya?” Dalhin niyo sa akin!”Iyon…Mapait ang ekspresyon sa mukha ni Conner. Nagdalawang-isip ito, yumuko at ipinagdikit ang kaniyang mga kamao. “Mister Zhang, magpapakatotoo ako. Masyadong nakakamuhi si Darryl; nakatakas siya sa prisinto. Pinadala ko na ang aking mga tauhan para hanapin siya sa lahat ng lugar…”Nagsalita ang nakatayo sa tabi nitong si Camryn. “Tama, isang nakakamuhing tao si Darryl. Hindi lang siya tumakas, pero kinid
Read more
Kabanata 2646
”Sige, sige!”Hindi maganda ang tingin sa mukha ni Conner. Patuloy ang pagsunog ng kaniyang galit sa kaniyang puso. Tinitigan niya si Zhang Jue. “Bulag ako noong sumang-ayon akong tulungan ka, Zhang Jue.”“Gusto mong sakupin ang Green Cloud Sect? Magaling. Dapat mong tanungin ang aking espada kung sang-ayon bai to sayo!”Umangil si Conner nang sabihin niya ang huling pangungusap. “Mga alagad ng Green Cloud Sect—hindi dapat namin hayaan na makuha ng masamang taong iyon ang ano mang naisin niya kahit na lumaban pa kami hanggang kamatayan ngayon.”“Patayin!”Nang marinig nila ang pagsigaw ng kanilang sect master ay bumalik sa wisyo ang lahat ng mga miyembro ng Green Cloud Sect. Nilabas nila ang kani-kanilang mga sandata at nagsimulang kalabanin ang mga kalaban.Bang! Bang! Bang!Nag-echo sa buong Green Cloud Sect ang malalakas na tunog—nagbanggaan ang mga sandata at naghiyawan ang mga boses habang patuloy ang pakikipagpatayan!Namutla ang mukha ni Camryn sa kaniyang nakita; patulo
Read more
Kabanata 2647
Natuwa si Darryl nang makita niya ang tingin sa mukha ng babae. Ngumiti at nagsalita siya. “Anong nangyari? Nakalimutan ko ang tungkol dito, pero isipin mo ang mga magiging aksyon mo sa hinaharap.”Tumingin siya sa paligid nang sambitin niya iyon.Nang wala silang makita nang lumapg sila. Matapos masanay ng kanilang mga mata sa dilim ay napagtanto ni Darryl na isa iyong malaking lagusan at mayroong mga berdeng bato na tiles dito, katulad ng nasa entrada ng sinaunang siyudad.Mahaba ang lagusan pero hindi siya sigurado kung saan ito patungo.Sigh!Huminga ng malalim si Darryl nang makita niya iyon. Labis siyang namangha.Hindi niya inakalang makakakita siya ng underground maze sa wasteland ng sinaunang siyudad ng Raksasa Tribe. Nakakamangha ang kaya nilang itayo ilang libong taon na ang nakalipas.Nanginig ang katawan ni Melody.“Tara; tingnan natin ang loob!”Bumalik sa wisyo si Darryl at pinamunuan nito ang daan.Kahit na hindi nagawang makipagkitang muli ni Darryl kay Clari
Read more
Kabanata 2648
Tinitigan ni Feud si Darryl; nagulat siya.Alam nilang napakalakas ni Melody. Siya ang Eldest Senior Sister ng Green Cloud Sect at siya rin ang alliance master ng grupo ng mga mersenaryo. Siya ang mayabang na ice mountain goddess; hindi siya titingin sa kahit na sinong lalaki sa mundo.‘Master niya ang lalaking ito?’‘Paano iyon nangyari?’“Tama!”Lumapit si Melody at nakita nito ang reaksyon ng magkapatid. Malamig itong nagsalita. “Siya ang aking master. Mga ginoo, hinahanap ninyo ang wasteland na ito noong naghinala kayo sa Green Cloud Sect, Hindi ba?“Ano ang lugar na ito? Mas mabuting ipaliwanag mo ng maayos. Kung hindi ay huwag mo akong sisisihin sap ag-aksyon.”“Kahit na apektado ang aking kapangyarihan ay hindi ako pwedeng makipaglaban sayo, kasama ko ang aking master. Dapat mong sabihin sakin ang katotohanan; kundi ay huwag mong isiping makakaalis ka pa.”Mayabang na nagsalita si Melody; hindi maganda ang kaniyang impresyon sa dalawang lalaking mula sa Raksasa Tribe. Su
Read more
Kabanata 2649
”Gusto mong gamitin ang nakababata naming kapatid para sirain ang aming atensyon? Nakakamuhi kayong mga taga Nine Mainland; sa tingin mo ay maniniwala kami sayo?”Sumigaw ang magkapatid. Nilabas nila ang kanilang mga sandata nang makalapit sila rito.Ang mga sandata ng magkapatid ay ang White Bone Long Blade na naglalabas ng madilim at malamig na aura.“Dahil pareho kayong matigas ang ulo ay huwah niyo akong sisisihin.” Nagbuntong hininga si Darryl; hindi ito mapakali.‘T*nga at walang alam ang mga kalalakihang iyon mula sa Raksasa Tribe!’“Tigilan mo a ang pagkukunwari sa harap namin, batang lalaki. Binalaan na kita ng mas maaga na huwag kangpupunta rito para mamatay pero hindi ka nakinig. Kaya huwag mo kaming sisisihin sa pagiging malupit.” Nang sandaling iyon ay nagalit din si Feud.Nang sabihin nito ang huling pangungusap ay sinigawan ni Feud si Darryl. “H*yop! Gusto mong mamatay? Pagbibigyan kita…”Bang!Muling sumabog ang internal na enerhiya ni Feud. Hawak nito ang White
Read more
Kabanata 2650
Jackie?Nagulat si Darryl.‘Paano napunta rito ang babaeng iyan?’“Pumunta ka sa impyerno!”Nang mapagtanto nina Woody at Feud na na kay Jackie ang atensyon ni Darryl ay sumigaw sila at sinuntok nila ang lalaki.Perpekto ang pagkakasabay ng magkapatid at kasing bilis ng kidlat ang mga ito; sa isang kisapmata ay nasa harap na sila ni Darryl.“Master!” Sumigaw si Melody habang nanginginig ang kaniyang katawan. Gusto nitong mabilis na lumapit para tulungan ang lalaki pero masyado siyang malayo.Nagulat din si Darryl. Gusto niyang layuan ang mga ito pero nahuli siya.Bang, bang!Malakas na bumagsak ang dalawang malalakas na pagsuntok sa katawan ni Darryl. Dumaing ito nang lumipad ng ilang metro paatras ang kaniyang katawan dahil sa lakas bago ito malakas na bumagsak sa sahig.Hindi kapantay ni Darryl ang magkapatid na iyon kung gagamitin niya ang kaniyang buong lakas. Hindi nila magagawang hamakin ang lalaki. Ngunit; nagulat si Darryl sa pagpapakita ni Jackie.Suka!Sinubukang
Read more
Kabanata 2651
Makalipas ang ilang minuto, hindi na ito natiis pa ni Melody. Sinuntok siya ni Jackie sa likod. Nanginig ang kaniyng katawan at natumba siya sa sahig.Sinamantala ni Jackie ang pagkakataon para ipagpatuloy ang kaniyang pag-atake; mabilis siyang pumunta sa harapan ni Melody at tinaas ang banayad nitong kamay para mabilis na isara ang acupoint ni Melody.Nag-iba ang magandang mukha ni Melody; hindi ito makagalaw.“Kataas-taasan ang master!”Sa pagkakataong iyon ay lumapit ang isa sa mga alagd ni Jackie at binigyang papuri ito. Pagtapos ay nilabas niya ang kaniayng longsword. “Alagad ni Darryl ang babaeng iyan, Sect Master. Patayin nalang natin siya!”Tinitigan ng alagad si Melody at sikretong nagningning ang kaniyang mga mata habang nagsasalita.‘Ang ganda, napakaganda, napakaswerte ng Darryl na iyon! Mayroong siyang ilang magagandang abbae bilang kaniyang soulmate, mayroon din itong magandang babaeng alagad.’Naisip nilang sayang lang kung papatayin nila ang napakagandang babae.
Read more