All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3381
- Chapter 3390
7044 chapters
Kabanata 3382
Pagtapos niyang panoorin ang ppaglakad palayo ng dalawa, huminga ng malalim si Darryl at lumingon sa dragon. “Umalis ka na at maghanap ng bagong tahanan. Tandaan mong hindi ka na maaaring gumawa ng masasamang bagay at hamakin ang sangkatauhan.”Naisip ni Darryl na bumalik sa Storm City kasama ang dragon pero naalala niya kung gaano ito kalaki, sumuko na siya sa ideyang iyon para maiwasan ang pagdulot ng pagkataranta ng mga mamamayan.“Masusunod, Master!” Magalang na sagot ng dragon at lumipad siya palayo.Huminga ng malalim si Darryl pagtapos niyang panoorin ang paglaho ng dragon sa langit. Pagtapos ay tumalikod siya at nagtungo sa direksyon ng Storm City.Makalipas ang kalahating oras, dumating siya sa Storm City. Medyo napagod si Darryl dahil sa pagkakakulong sa underground cave sa loob ng halos sampung oras. Nakakita siya ng matutuluyan para makapagpahinga pagpasok niya sa siyudad bago niya hanapin si Teddy.Tanghali at maraming tao sa tavern. Pagkaupo ni Darryl ay narinig niya
Read more
Kabanata 3383
Ngumiti si Teddy at sinubukan niyang pakalmahin ang hindi mapakaling mga tao. “Huwag kayong mag-alalang lahat. Napasuko ng labindalawang paladins ang Goddess of Light. Pinunterya siya ng Temple of Lights, kaya nasa panganib siya. Hindi siya makakapag-alok ng suporta sa Day Rise Principality. Kaya huwag na tayong mag-alala tungkol doon!”Mukhang kalmado ang lahat ng nasa paligid ni Teddy pagtapos niyang magpaliwanag.“Iyon ang sinabi ko!”“Kung ganoon ay hindi na tayo magkakaroon ng mga pag-aalala. Pag-usapan na natin kung anong aggawin sa Day Rise Principality.”Pinag-usapan ng lahat kung paano atakihin ang Day Rise Principality pero hindi sila makahanap ng magandang rason para magsagawa ng pag-atake matapos ang mahabang pag-uusap. Wala kang sapat na rason para magsagawa ng labanan sa Roland Continent.Biglang may naisip si Teddy at ngumiti. “Mayroon akong ideya. Kalahating araw na ang nakaraan nang manghimasok sa Storm City ang isang lalaki para iligtas ang pekeng Goddess of ligh
Read more
Kabanata 3384
Kumunot ang noo ng Duke nang mapansin niya ang pagbigat ng paligid, kumuway siya. “Sige. Itigil mo na ang mga ingay!”Natahimik sina Albert at Jameson at gumilid nang magsalita ang Duke.Nang sumunod na segundo, nag-isip at dahan-dahang nagsalita ang Duke. “Tungkol ito sa prestihiyo at kaligtasan ng Day Rise principality. Pag-iisipan ko itong mabuti. Maaari na kayong umalis!”Naipit sa problema ang Duke. Nainis at nairita siya.“Opo, aking Panginoon!” Sabay-sabay na sumagot ang mga mayor bago sila isa-isang umalis sa hall.Kumurap ang mga mata ni Jameson pero hindi siya umalis sa hall.Lumapit si Jameson pagkaalis ng lahat.“Aking Panginoon! Hindi mo ba talaga ibibigay si Darren? Hindi naming kakayanin kapag inatake kami ng limang Principalities.” Magalang niyang sambit sa Duke.“Siyempre alam ko iyon, pero ngayon ay kabalyero at parte na ng Day Rise Principality si Darren. Kapag binigay ko siya sa limang Principalities, paano mamumuno ang Principality na ito sa hinaharap? Sino
Read more
Kabanata 3385
”Isa ka nang kabalyero ngayon at pareho tayong nagtrabaho para sa Duke. Nasa iisang bangka tayo kaya gusto kong humingi ng tawad sa iyo ngayong araw. Naghanda ako ng banquet kaya sana’y huwag mong tanggihan ang aking imbitasyon.” Nagpakita ng sabik at seryosong tingin si Jameson pero may bakas ng pagiging mapanlinlang sa kaniyang mga mata.Kumurap ang hindi makapaniwalang si Darryl. ‘Hay*p! Hindi kami naging maayos ni Jameson. Paniguradong may malansang pangyayari kapag bigla siyang lumapit at naging mabait sa akin.’Subalit hindi magiging maganda kung biglaang bibiguin ni Darryl si Jameson, kaya naisip niyang alamin muna kung anong balak ni Jameson.“Isang magandang pagkilos iyon, Mayor.” Bumulong at tumango ito.Nagliwanag si Jameson nang mapansin niyang hindi tinanggihan ni Darryl ang kaniyang imbitasyon.“Hinanda ko ang banquet sa likod. Please, sumama ka sa akin!” Mabilis nitong sambit.Pinamunuan ni Jameson ang daanan habang nakasunod sa kaniya si Darryl. Nagulat si Darryl
Read more
Kabanata 3386
”Natakot akong baka wala ka nang tiyansa pa!” Masamang ngumiti si Jameson.Pagtapos ay inutusan niya ang dalawang lalaki sa labas ng pinto. “Bantayan niyo siyang maigi! Itatali natin siya kapag tumigil siya sa paglaban.”Naglakas siya palabas ng pinto.Ikinuyom ni Darryl ang kaniyang mga kamao at malakas sana siyang magmumura. Pero naramdaman niya ang pag-epekto ng anesthetic at kumalat ang pagka-paralisado sa buong katawan niya. Nawala ang pandamdam ni Darryl sa kaniyang katawan bago dumilim ang paningin at mahimatay.Di nagtagal at gumising si Darryl pagtapos niyang ma-coma sandali. Magulo pa rin ang isipan niya. Pero nagulat siya nang imulat niya ang kaniyang mga mata.Nakatali siya at nakakulong sa karwahe ng bilangguan na gawa sa metal at dahan-dahan ang pag-andar ng sasakyan. Mayroong grupo nang may mahigit isang dosenang rider na naghatid sa wagon.Kumunot ang kaniyang noon ang tingnan niya ang paligid. Mayroong bulubundukin sa bandang kaliwa at mayroong walang hanggang ka
Read more
Kabanata 3387
Nagmadaling pumunta sa harap ang kapitan ng rider army na namuno sa paghatid sa karwahe ng bilangguan, sinigawan niya ang mga nakamaskarang lalaki. “Napakatapang niyo! Anong karapatan ninyo para harangan ang daanan ng royal guards. Umalis na kayo sa daanan, ngayon din, kundi ay may kahihinatnan kayo!”Mga royal guards ng Golden Lion Principality ang rider armies. Mayroon silang kakaibang katayuan at malayang makakalabas pasok sa palasyo.Nang sandaling iyon, nilabas ng ibang rider armies ang kanilang mga espada at seryoso ang kanilang mga ekspresyon.Hindi mapigilang suminghal ng lalaking naka itim na namuno sa grupo. “Nandito kami para nakawan kayong lahat, mga guwardiya ng maharlika! Kilos, mga kapatid!”Sumunod ang isang dosenang katao na naka itim at nilabas ang kanilang saint energy at sumugod sa rider armies. Sa isang kisap mata ay matinding naglaban ang magkabilang panig.Gulat na gulat si Darryl.‘Anong nangyayari? Nakita kong ninakaw ng mga tao ang mamahaling gamit pero
Read more
Kabanata 3388
Inatake ni Dwayne at ng kaniyang mga tauhan ang mga guwardiya ng maharlika para makapasok sa palasyo para hanapin ang Holy Jade Scripture.Tatlong araw lang ang nakaraan nang makatanggap ng balita si Dwayne na nasa palasyo sa Golden Lion Principality ang kalahati ng kawawalang libro ng Holy Jade Scripture ng Temple of Light. Ayon sa alamat, mayroong sikreto sa Holy Jade Scripture at kung sino man ang makakaalam ng sikreto sa loob nito ay makukuha ang anumang naisin niya.Alam niya ang tungkol dito at tinawag niya ang kaniyang mga tauhan para pag-usapan kung paano makakapasok sa palasyo. Kalahating buwan lang ang nakaraan nang malaman niyang in-escort ng mga guwardiya ng maharlika ang isang bilanggo papuntang palasyo. Napagdesisyunan niyang harangin ang karwahe ng bilangguan sa kalagitnaan kasama ang kaniyang mga tauhan.‘Ano? Hindi kaya’y iyon ang kalahating parte ng nawawalang Holy Jade Scripture ng Temple of Light sa palasyo ng Golden Lion Principality?’ Nagulat si Darryl nang mar
Read more
Kabanata 3389
Bigo, mabilis na pinamunuan ni Dwayne ang kaniyang mga tauhan palabas ng kuwarto pero hindi makita sa paligid si Darryl nang lumabas na sila.Boom!Dumilim ang mukha ni Dawayne at dumilim ang kaniyang mukha nang sampalin niya ang batong estatwa sa mga gate ng palasyo. ‘Anong karapatan ng batang ito para magsinungaling sa akin! Pagpipirasuhin ko siya kapag nahuli ko siya.’Biglang lumapit ang grupo ng mga guwardiya at nakita si Dwayne at iba pa na nakatayo sa entrada ng hall ng pari. Mabilis silang sumimangot.“Anong ginagawa niyo rito? Hindi niyo baa lam na bawal kayo pumasok sa priest’s hall?”“Bakit hindi mukhang pamilyar ang mga rider armies na ito?”“Mukha silang mga impostor.”Di nagtagal at nadiskubre ng mga nagpatrolyang guwardiya na may mali at mabilis silang lumapit sa eksena habang sumisigaw.‘Hay*p! Nabunyag ang aming mga pagkatao!’ naisip ni Dwayne.Wala silang oras para makatakas kapag napansin nilang papalapit ang mga guwardiya. Kailangan nilang kagatin ang bala
Read more
Kabanata 3390
Pagkaalis ng mga kasambahay, lumapit ang grupo ng mga nagpatrolyang guwardiya sa kuwarto para magbantay.“Nakapasok sa palasyo ang isang assassin!”“Protektahan ang Reyna!”Nawalan ng pag-asa. ‘Hay*p! Ngayon ay hindi na rin ako makalabas.’Biglang tumayo ang Reyna, naglakad palapit sa pinto at nagtanong. “Anong problema?”“My Lady, nakapasok sa palasyo ang grupo ng impostor ng rider armies.” Pagbibigay balita ng guwardiya sa labas ng pinto.Sumimangot ang Reyna. “Kailangan natin silang mahuli. Huwag sila hahayaang makalayo.”“Masusunod, Kamahalan!”Hang kinukwestyon ng Reyna ang mga guwardiya ay pumasok si Darryl sa kuwarto at nagtago sa likod ng ivory na higaan. Mayroong mga guwardiya sa labas ng kuwarto at alam niyang hindi siya makakaalis sa lalong madaling panahon. Mainam na magtago siya sa kuwarto ng Reyna para obserbahan ang pagbabago ng sitwasyon.Pagtapos ay bumalik ang Reyna para umupo sa kaniyang higaan. Samantala, hinangaan ni Darryl ang Reyna sa malapitan nang maki
Read more
Kabanata 3391
Nanginig ang Reyna. “Vernon, hindi ka makakakuha ng suporta mula sa mga tao kahit na patayin moa ko ngayong gabi—”Inantala siya ni Vernon bago pa niya matapos ang sasabihin.“Siyempre hindi ako ang papatay sayo.” Ngumiti ng masama si Vernon at malinaw niyang sinabi ang plano. “Ang mga tao sa iyong paligid ang papatay sayo. Pag napatay ka na nila, aatasan ko sila bilang mga assassin at huhulihin ang lahat.”“I-aanunsyo ko bukas ng umaga na pinatay ka ng isang assassin, sinubukan kong iligtas ka pero huli na ang lahat. Pagtapos ay pipili ang lahat ng bagong Duke. At ako ang pinaka-angkop na kandidato, hindi ba?”Tila nagwagi ang naging pagtawa ni Vernon pagtapos niyang magsalita.“Ikaw—”Galit na galit ang Reyna. Nanginig ang kaniyang katawan at sandali siyang nawalan ng sasabihin.Sumimangot si Darry.‘Hay*p! Sinubukan ni Vernon na magkunwari ang kaniyang mga kasama bilang assassin at patayin ang Reyna para wala sa kaniya ang responsibilidad. Nakakamuhi talaga siya!’Tumigil s
Read more