All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 3391
- Chapter 3400
7044 chapters
Kabanata 3392
Isa lamang upuan ang madilim na anino.Boom!Masyadong mabagal ang mga guwardiya para umilag; natamaan sa ulo ang isa sa mga ito at kaagad na nahimatay.Hay*p!Nagulat at nainis si Vernon at ang mga kasama nito sa biglaang pag-atake. Lumingon sila para makita ang likuran ng ivory na higaan.Dahan-dahang nakita ang isang gwapong anyo, may lamig ito sa determinado niyang mukha.Iyon ay si Darryl.Nanginig din ang Reyna. ‘Kailan pa nagtago riyan ang lalaking iyan? Hindi ko manlang siya napansin.’Nakatingin ang lahat kay Darryl.“Hindi ako maaabala sa pagtataksil ninyo, pero hindi ako maaaring umupo nalang at panoorin ang pang bu-bully sa isang babae.” Inunat ni Darryl ang kaniyang katawan at dahan-dahang nagsalita.Makalipas ang kalahating oras na pagtanggal ni Darryl sa pampamanhid, tuluyan itong nawala sa kaniyang katawan.Dumilim ang mukha ni Vernon matapos niyang pakinggan si Darryl. Malamig itong nagsalita. “Sino ka? Anong lakas ng loob mo para kausapin ako ng ganyan? Pag
Read more
Kabanata 3393
Mukhang kalmado si Darryl; hindi siya nataranta.Kahit na hindi mahina ang mga tauhan ni Vernon ay hindi sila nakita ni Darryl bilang problema.Pero hindi mismong pinakita ni Darryl ang totoong lebel ng kaniyang lakas. Sa halip ay nagkunwari siyang takot na takot; nagpatuloy siya sa pagsigaw at paggalaw.“Arch! Lahat kayo laban sa akin mag-isa. Napaka-bully!”Habang umiiwas, patuloy na ginalaw ni Darryl ang lahat ng nasa kaniyang harapan para harangan ang daanan ng iba sa kaniyang likuran. Ginagalaw niya ang lamesa, panel screen, mga upuan, at pati na ang ivory bed.“Aray!”Isang lalaki ang mukhang makakahuli kay Darryl pero walang babala niyang hinampas ang ulo nito sa lamesa at sumigaw. Yumuko siya habang hawak ang kaniyang ulo.“Aray!”“Aray…ang mga mata ko!”Nasuntok sa mukha ang mga tao gamit ang mga upuan o di kaya’y nahampas sa ivory bed pagkalipas ng ilang minute. Sa huli ay bumagsak silang lahat sa sahig habang masakit ang ekspresyon ng mga mukha at hindi na nila kaya
Read more
Kabanata 3394
Humalakhak na tila nanano si Darryl pagtapos niyang sabihin ang huling pangungusap; malinaw na nagungutya ang tingin sa kaniyang mga mata.Talagang sinadyang galitin ni Darryl si Vernon.“Hay*p, gusto mong mamatay!” Galit na sambit ni Vernon.Inilabas ni Vernon ang kaniyang saint energy at itinaas ang kaniyang braso. Di nagtagal at mayroong pagpindot na narinig at nakita ang makinang na silver arrow na nakatago sa kaniyang manggas.Nakakagulat na hindi niya tinutok ang palaso kay Darryl kundi sa Reyna!Galit si Vernon pero nasa tamang pag-iisip pa rin siya. Napagtanto niyang sinadya ni Darryl na ubusin ang kaniyang oras. Kung ganoon ay dapat niyang unahing patayin ang Reyna.Hindi niya na kailangang mamroblema pag napatay niya ang Reyna. Pagtapos ay maaari na niyang gamitin ang kaniyang oras sa pagharap sa lalaki.Hay*p!Napamura si Darryl at sa parehong sandali, sinigawan niya ang reyna. “Bilisan mo!”Whoosh!Binuksan ni Vernon ang bukasang mekanikal at bumaril ang silver ar
Read more
Kabanata 3395
Bago maka-react si Angeline, mabilis na lumapit si Vernon at walang babala niyang hinablot ang babae. Pinalibot niya ang kaniyang kamay sa magandang leeg nito.Nang sumunod na segundo ay sumigaw sa Reyna ang malupit na si Vernon. “Ibigay mo sa akin kaagad ang posisyon mo, kundi ay papatayin ko siya!”Tuluyan nang nabaliw si Vernon. Akala niya’t mapapatay niya ang Reyna nang gabing iyon pero sinira ng estrangherong lalaki ang plano. Wala siyang magagawa kundi gamitin ang kapatid ng Reyna dahil hindi niya ito mapatay.“Vernon!”Nataranta si Angeline at binalaan niya ang lalaki. “Anong lakas ng loob mo para magtaksil! Naisip mo ba ang tungkol sa mga kapalit nito?”Sa parehong sandali, nanginig at sumigaw ang Ryna. “Pakawalan mo ang kapatid ko, Vernon!”Hay*p!Kumunot ang noo ni Darryl sa kaniyang nakita.‘Kapatid ng Reyna ang babaeng hawak ni Vernon. Ngayon ay may problema tayo.’ Naisip ni Darryl.Pagtapos ay huminga siya ng malalim at nagsalita. “Tanggapin mo na ang sitwasyon at
Read more
Kabanata 3396
Tumawa si Vernon nang narinig niya iyon. "Seryoso ka ba na ikaw, sa lahat ng tao, ang makakapag-pabago sa isip ng reyna?"Kinuha ng reyna ang oportunidad na ilipat ang ivory na kama nang tahimik. "Hmm, mukhang hindi tayo nagkakaunawaan," sabi ni Darryl ng nakakibit-balikat. "Alam ng reyna kung ano ang iniisip mo. Kahit patayin mo ako, hindi mo pa rin papakawalan ang kapatid niya, tama?"Si Vernon ay nanunuya sa kanya. Hindi na siya gumawa ng kahit anong paliwanag. Sa parehong pagkakataon, napagtanto niya na nawala ang reyna. Doon niya lang naisip na may hindi tama na nangyayari, naramdaman niya na may panganib na aura na nagmumula sa ivory na kama. Mula sa kanyang pananaw, nakikita ni Darryl na inihagis ng reyna ang kanyang sarili kay Vernon habang hawak ang gintong espada sa kanyang kamay. Gayunpaman, ang parehong bagay ay hindi dapat sabihin kay Vernon. Binulag si Vernon ng kumikinang na ginto mula sa esapada. Sa oras na hindi niya madilat ang kanyang mata muli, ang gintong esp
Read more
Kabanata 3397
Naubos ang oras nila kakatanggal ng mga bakas ng dugo sa sahig. "Wala na sila, Pwede ka nang lumabas," sabi ng reyna kay Darryl. Dahan-dahang lumabas si Darryl mula sa kanyang pinagtataguan nang may ngiti. "Kung wala na, aalis na ako.""Diyan ka lang!" sumigaw ang reyna bago pa siya makagawa ng pangalawang hakbang. "Sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"Medyo kinabahan si Darryl sa marahas na utos ng reyna, kasama na ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Agad naman siyang kumalma. Kinamot niya ang kanyang ulo habang iniisip kung anong dapat niyang isagot sa reyna. Alam na alam niya ang mga mahigpit na kautusan sa lugar na ito, at kahit na ipaliwanag niya ang kanyang sarili, makakatanggap pa rin siya ng kaparusahan. Kaya, napag-desisyunan niyang magsinungaling. "Kamahalan, pakiusap po na huwag kang magalit. Ako po ang bagong gwardya at hindi po ako pamilyar sa lugar. Bago ko pa malaman, natagpuan ko ang sarili ko sa iyong silid. Natatakot po akong maparusahan, kaya nagtago
Read more
Kabanata 3398
Nabalisa ang lahat ng nasa palasyo habang nagmamadali ang mga gwardya na maghanap ng manggagamot. 'Tila nalimutan na nila ang tungkol kay Darryl. "Kamahalan!" Ang matandang lalaki ay nagmadali sa silid ng reyna kasama ang mga gamot. "Dalian niyo, kuhain niyo ito."Ang matandang lalaki na si Darius Watsons ay ang manggamot ng reyna. Ang lahat ng nasa silid ay nakahinga ng maluwag nang makita siya. "Sandali!" Sigaw ni Darryl bago mainom ng reyna ang gamot. "Kamahalan, hindi mo dapat inumin ang gamot sa ganyang kondisyon. Maaring mapalala nito ang mga sugat."Mataas ang naabot ni Darryl sa pag-aaral ng medisina, at masasabi niya sa isang tingin lamang na naapektuhan ang ugat sa puso ng reyna simula pa noong laban nila ng mga tauhan ni Vernon. Kahit na ang medisina ni Darryl ay pansamantalang tatanggalin ang sakit, kaya rin nitong tulungan ang ugat nito. Ang reyna, si Darius, at ang lahat ng nasa silid ay tinapon ang kanilang titig kay Darry. na may hindi kaaya-ayang ekspresyon. Sa
Read more
Kabanata 3399
Ang panghihinala ay umuusbong sa puso ng reyna. Tama sina Darius at ang iba pa. Si Darryl ay isang preso mula sa Day Rise Principality at mukhang malapit sa babae na sinubukang magpanggap bilang Diyosa ng Liwanag. Kailangan niyang mag-ingat sa kanya. "Kamahalan, susubukan ko bang tulungan ka kay Vernon kung talagang pina-plano kong saktan ka? Tsaka, nasa kamay mo na ang buhay ko ngayon, mapaparusahan ako ng kamatayan kung balak kong lasunin ka," paliwanag ni Darryl nang nakita niya ang ekspresyon ng reyna.Pinag-isipin ng reyna ang mga sinabi niya. Makalipas ang sampung segundo, tumango ang reyna. "Sige, papaniwalaan kita sa oras na 'to." Tapos ay kinuha niya ang tableta mula kay Darryl at nilunok ito habang nababalisa si Darryl. Ang mga gwardya ng palasyo ay naghintay ng halos pigil hininga sa magiging epekto ng medisina. Sinimulan na nilang pumwesto sa paligid ni Darryl, hinaharangan ang daan niya sa pagtakas. Pupugutan nila agad ang ulo si Darryl sa oras na makaramdam ang reyna
Read more
Kabanata 3400
"Iyon lang ang lahat." Kinaway ng reyna ang kanyang kamay. "Gumagabi na. Maari na kayong umalis."Pagod na pagod ang reyna sa lahat ng nangyari sa gabing iyon. Si Darius at ang mga gwardya ay dali-daling umalis ng silid. Sinundan sila ni Darryl palabas at pinakita sa kanya ang bago niyang matutulugan, at mapapasarap ang tulog niya nito. Sa sumunod na araw, binigyan siya ng malambot na sandata suot lahat ng mga gwardya ng palasyo. Matapos masuot ito, tuwang-tuwa siya na may totoong rason siya upang manatili sa palasyo, na siyang mapapadali na hanapin ang Holy Jade Scripture. Sa oras na mapasakamay niya ang Holy Jade Scripture, hahanapin niya si Yuri at sabay na aalis sa mundong ito. Hinulaan ni Darryl na wala ang reyna sa kanyang silid sa mga oras na ito at gustong gamitin ang opurtunidad na hanapin ang kasulatan. Papunta na siya sa silid nang may sumigaw na sinuman upang pigilan siya. Huminto si Darryl at lumingon. Umismid siya nang makita ang grupo ng hindi kaaya-ayang mga gwar
Read more
Kabanata 3401
Mukhang walang katapusan ang tawanan nila. 'May kung anong mali sa mga taong ito. Hindi ay nagpa-patrolya sila dapat imbes na gumawa ng kaguluhan para sa akin?' isip ni Darryl habang naka-ismid.Tapos ay lumingon siya kay Barclay at sinabi nang may ngiti, "Isang hamon? Para namang may karapatan kang gawin 'yon."Napahinto siya sa kung anong sinabi ni Darryl, agad na tumigil ang tawa nila bago magbigay daan sa galit. "Baliw kang t*nga ka! Ang lakas ng loob mong sabihan ang kapitam namin na wala siyang karapatang hamunin ka?""Saan kaya siya nakakakuha ng lakas ng loob?""Mababa yata ang tingin niya sa atin, 'diba?"Lumapit lalo si Jesse kay Darryl at tinuro ang kanyang mukha. "Gusto mo bang mamatay? Kung takot ka sa hamon, akuin mo ito ng parang lalaki. Huwag kang umasta na parang-""Umalis kayo sa harapan ko!" Naubos na ang pasensya ni Darryl. Tinaas niya ang kanyang kamay at sinampal si Jesse. Ang sigaw ni Jesse ay sumabay sa tunog ng laman sa laman. Ang pwersa ay sobrang la
Read more